Chapter 32

"Happy Birthday anak." Kahit hirap sa pagsasalita si Daddy ay nagawa niya parin akong batiin, mabuti nalang at medyo ayos niya ang kalagayan niya at nakauwi na rin kami.

"Thank you Dad." Saad ko at napatingin kay Mommy na nag-aayos ng kaunting handa ko sa kawayang lamesa.

Tahimik pa rin si Mommy pero pinapansin na naman niya ako, hindi katulad noong mga naunang araw. Naghanda pa nga sila nila Tita rita ng pansit at cake ngayong kaarawan ko.

"Hindi ka naman matitiis ng Mommy mo." Bahagya akong siniko ni Tita Rita kaya naman napangiti ako. Sana nga.

"Sana magtuloy-tulo na." Ani ko.

"Alam mo kasi Elle, kahit mahal niyo ang isa't-isa ay mali parin na nagsama kayong dalawa sa iisang bubong. Lalo na at hindi pa kayo ikinakasal, kaya nagalit rin ang Mommy mo ay para rin sa kapakanan mo."

"Naiintindihan ko naman iyon." Pero kahit nagalit sa akin si Mommy dahil sumama ako kay Rafael ay hindi ko pinagsisihan iyon, kasi kung hindi ako sumama noon baka wala ng nagligtas kay Rami at hindi ko mapapatawad ang sarili ko.

"Ano nalang ang sasabihin ng ibang tao hindi ba?" Dagdag pa nito at nagkibit balikat bago lumapit kay Mommy.

Wala na naman akong pakialam sa sasabihin nila, ang mahalaga ay naging masaya ako sa paraang alam ko. Maikli lang ang oras na pwede kong makasama si Rafael, maikling panahon lang ang ibinigay sa akin ng tadhana para mas makilala pa siya ng lubos at hindi ko na sasayangin 'yon para problemahin pa ang tingin sa akin ng iba.

Habang nagsasalu-salo kami ay nakarinig kami ng katok, ako na ang nagprisinta na tumayo at magbukas noong pintuan. Halos humiwalay sa katawan ko iyong kaluluwa ko nang magawa ko iyon, kung pwede lang na sarahan ko ulit ang pinto at magtago ay ginawa ko na.

"Elle sino 'yan-"

The man was wearing a black suit and black tie, his hair was pushed back and has a clean cut. Sobrang kisig pa rin nito kahit may katandaan na ang edad, hawig na hawig siya ng kaniyang anak.

Napalunok ako bago nagsalita. "A-ano po ang kailangan ninyo?"

Napatingin ako sa likod niya, may kasama itong bodyguard na may earpiece pa sa kanang tainga.

Tumikhim siya bago sumagot, nakadagdag tuloy iyon ng kaba ko.

"Kailangan ka ng anak ko."

Napanganga ako sa sinambit niya, "H-ha?"

He backed down a little and he revealed his son standing behind him. He was equally stunning wearing that black suit, my heart pumped as if this was the first time that I saw him.

"R-rafael anong meron?"

Bakit nakaganitong ayos sila? Nakakahiya tuloy sa kanila dahil nakapambahay lamang ako. I am just wearing a short shorts that almost didn't appear because of the red overside shirt that I am wearing.

"I wan't to marry you."

Napakapit ako sa pintuan at sa dibdib ko dahil biglang nanginig ang tuhod ko, sigurado akong matutumba ako kung hindi ako nakakapit.

Na nanaginip pa yata ako? Kasama pa talaga ni Rafael itong si Don Ricardo para mamanhikan dito sa amin?

"Nako Don Ricardo, Rafael pumasok kayo dito sa loob. Dito na natin ipagpatuloy ang pag-uusap na iyan." Tila natatarantang sabi ng Tita Rita.

Wala akong nagawa kung hindi ang tumabi sa gilid ng pinto at hayaan silang makapasok, nilingon ako ni Rafael at binigyan ng isang napakagandang ngiti. Dahil doon ay lalo namang nanlambot ang mga tuhod ko. Totoo ba talaga itong nangyayari?

Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon, kumalat na sa buong hacienda ang ginawa ni Rafael. He proposed to me on my 21st birthday and I said yes. Alam kong mali at mahihirapan ako pero sinubukan ko parin na sumugal dahil ilang araw na rin naman kasi na hindi lumitaw ang ilang alter niya. Nakikita ko talaga na sinusubukan silang labanan ni Rafael tulad nalang ng ipinangako niya.

"Ano ba ang ginagawa mo kay Sebastian at sa'yo siya magpapakasal?"

Habang nagwawalis ako sa labas ng bahay ni Tita Rita ay sumalubong na naman si Sandra, talagang dinayo pa niya ako rito para lamang itanong iyon. Ang sakit sa tainga ng boses niya!

"Nagwawalis ako." Mahinahong sagot ko at nagpatuloy sa pagwawalis.

"Umamin na sa akin si Sebastian na may nararamdaman siya para sa akin!" Mahigpit niyang hinawakan ang braso ko.

Pumikit ako at lumunok upang magpigil dahil kapag ako ay gumanti paniguradong iiyak 'to. Humugot ako ng hininga at akmang hahampasin siya ng walis tingting pero binitawan ko iyon para bumagsak sa lupa, tinatakot ko lang siya para magising sa kahibangan. "Sandra, wala akong pakialam kung ano pa ang inamin niya sa'yo."

"Ginagayuma mo ba si Sebastian?" Pag-aakusa nito.

Pagak akong natawa dahil sa sinabi niya, sa ganda kong ito gagayumahin ko pa si Rafael? Unang pagkikita pa nga lang namin ay baliw na sa akin iyon.

"Baka ikaw?" I teased.

"Mahal niya talaga ako kahit noong mga bata palang kami." Saad nito.

Tumawa ulit ako kahit ang totoo ay inggit ako sa kaniya, sa pagkakaalam ko kasi ay si Sebastian ang host. Ang suwerte niya kapag nagkataon, mabuti nalang talaga ang lakas lumaban ni Rafael.

"Sandra anong ginagawa mo rito?"

"Sebastian!" Niyakap niya kaagad si Rafael na katatapos lang mag-igib ng tubig at magsibak ng kahoy.

Kusang umikot ang mga mata ko dahil naiinis ako sa kinang ng mga mata ni Sandra, mukhang malalim talaga ang pagmamahal niya. Pero siguro ganoon rin naman ako kapag tinititigan ko si Rafael.

"Sandra kung ano man 'yon sinabi ko sa iyo kalimutan mo na iyon."

"Sebastian sinabi mo sa akin na mahal mo ako." Ani Sandra.

"Mahal kita bilang kaibigan." Saad ni Rafael at inalis ang pagkakayakap ni Sandra sa kaniya.

Ang sarap sa pakiramdam na marinig iyon mula mismo sa kaniya, pinagmasdan ko ang mukha nito. Pumatak ang luha sa mga mata ni Sandra, siguro naintindihan na niya ang lahat.

"Kung ganoon mahal mo talaga ang babaeng iyan?" Tanong nito saka naglipat ng tingin sa aming dalawa.

Marahang tumango si Rafael at tumitig sa mga mata ko. Napahikbi si Sandra bago makapagsalita, lumapit siya sa akin at niyakap ako. Siguro ay tanda na iyon ng pagsuko niya, "Huwag mo sanang sasaktan si Sebastian, mahal na mahal ko ang lalaking iyan."

"Mahal ko rin siya." Sagot ko.

Tumango siya at pilit na ngumiti pagkatapos ay umalis na siya at hindi na nagpaalam. Sobra siyang nasaktan at kitang-kita iyon sa mga pagkilos niya.

"Rafael marami tayong nasasaktan." Bulong iyon pero sapat na para marinig niya.

Tumayo siya sa harapan ko at iniangat ang mukha ko, inipit niya ang ilang hibla ng buhok ko sa likod ng tenga tsaka pinagkatitigan ang aking mga mata bago dumako iyon sa mga labi ko. Pakiramdam ko ay gumaan ang pakiramdam dahil sa ginawa niya.

Pero hindi maikakaila noon na maraming tao ang nasasaktan dahil sa relasyon namin at kasama na kami doon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top