Chapter 31
"Kumusta na ang lagay ni Daddy?" Tanong kong muli.
Hindi parin ako kinakausap ni Mommy simula noong makauwi ako kahapon, isang malakas na sampal lang ang natamo ko noon. Si Tita Rita na ang nagpaliwanag sa akin kung ano talaga ang nangyari noong mga araw na wala ako. My father was hospitalized because his body can't handle the stress anymore.
Bumagsak ang kompanyang pinaghirapan niya, napagbintangan siya at nakulong. Pagkatapos dumagdag pa ako sa isipin niya nang umalis ako ng walang paalam kasama si Rafael, ilang araw rin kaming nawala noon at hindi ko man lang sila naalala. My father has been through a lot and I didn't realize it. Anong klase akong anak?
"Pakiusap Elleonor." Humugot ito ng hininga at itinuro ang pinto, hindi manlang niya ako binalingan ng tingin. Kahit hindi niya sabihin ay alam kong galit siya, nararamdaman ko iyon sa mga kilos niya.
Ibang klaseng sakit na naman ang dumagan sa puso ko, parang sasabog na nga ito dahil nadagdagan na naman ang problema ko. Pakiramdam ko ay ayaw gumalaw ng katawan ko, gusto ko man siyang yakapin, gusto kong lumuhod at magmakaawa na patawarin niya ako pero hindi ko na kaya.
"Mabuti pang sundin mo muna ang Mommy mo, magpalamig muna kayo." Bulong ni Tita at iginiya ako palabas ng kwarto ni Daddy.
"Pasensiya ka na pamangkin, maintindihan mo sana ang Mommy mo." Tinapik nito ang kanang balikat ko bago bumalik sa silid, naiwan ako dito sa puting-puti na pasilyo ng hospital. Suking-suki na ako sa lugar na ito, simula siudad hanggang dito sa probinsya.
Syempre naiintindihan ko siya, sobra niyang mahal si Daddy at kasalanan ko kung bakit nandito siya ngayon sa ospital. Kasalanan ng magaling nilang anak na walang ibang ginawa kung hindi ang magbigay ng problema.
"Tangina." I cursed at the wind.
Napaupo ako sa tapat ng kuwarto dahil nanlalambot na talaga ang mga tuhod ko, doon ay tuluyan na ngang bumuhos ang mga luhang pilit kong pinipigil simula pa kahapon. I hugged my knees and sobbed really hard, hoping it would somehow ease the pain that I'm feeling inside.
I feel sorry for myself.
Si Rafael o kung sino man 'yong magaling na alter na iyon ay paniguradong naroon ngayon kay Sandra, naglalandian sila at wala naman akong magagawa dahil hindi ako makilala ng lalaking iyon. Nakakainis na talaga ito! Hindi naman ako santo para maging sobrang mapagpasensya, napapagod rin ako at may hangganan ito.
Akala ko nga magiging pahinga ko ang pag-uwi ko sa pamilya ko, akala ko masasabihan ko sila ng lahat ng problema ko pero ito ang nadatnan ko. Pakiramdam ko kulang nalang ay itakwil ako ni Mommy dahil sa nangyari, wala na akong masabihan ng lahat nitong dinadala ko. Hindi ko nga alam kung tama pa ba itong ginagawa ko.
I'm left alone, I'm so hurt and so tired, gusto kong sisihin at sumbatan si Rafael dahil pakiwari ko'y siya ang may kagagawan ng lahat ng ito pero hindi ko magagawa 'yon. I don't want him to think that I am feeling this way because of him.
Kahit iyon naman talaga ang totoo.
Ayoko ng dumagdag pa sa mga problema niya dahil baka mas lalo pa siyang mapalala. I really love him, it's just that I don't know if I will still be able to hold on. Maybe love isn't enough?
"Miss ayos ka lang ba?"
Napatingin ako sa kulay itim na sapatos ng lalaking tumayo sa harapan ko, pinahid ko muna ang mga luha ko gamit ang mga palad ko bago tumingala sa kaniya.
"Yes, I'm fine." Sagot ko at tumango.
Inilahad noong lalaki ang kamay niya, nakasuot ito ng white coat at may nakasabit stethoscope sa may leeg. I am certain that he's a doctor.
"I can manage." Hindi ko tinanggap iyon, sa halip ay tumayo akong mag-isa. I fixed my knee length plain white skirt and my black ruffled off shoulder.
He awkwardly put his hand behind his back and stood straight. "All right then."
Wala akong pakialam kung nabastusan siya sa ugali ko, isipin na nila ang gusto nilang isipin tungkol sa akin. Wala na akong oras para problemahin pa ang mga iyan.
"My name is Gerard, what's yours?" Saad nitong medyo may kabataang doktor na kaharap ko.
Hindi ko siya pinansin, naglakad ako palayo sa kaniya at umirap noong tuluyan ko na siyang malampasan. Wala akong panahon para makipag-kilala pa sa ibang mga tao dahil masyado ng marami ang pinoproblema ko.
"Sana magkita ulit tayo." Sigaw nito habang naglalakad ako sa pasilyo, may halo ito ng maikling pagtawa.
Sa hacienda ako bumalik, hindi ko alam kung bakit dito ako dinala ng mga paa ko. Siguro kasi umaasa ako na baka bumalik na si Rafael? Baka maalala niya na ako at kahit papaano ay magkaroon naman ako ng taong mapaglalabasan ng sama ng loob.
"Layuan mo na ang anak ko."
Isang sampal na naman ang natanggap ko, sa pagkakataong ito ay nanggaling na iyon kay Nanay Tere. Galit na galit siya ngayon at halos mag-isa na ang mga kilay niya, nakakuyom rin ang mga kamao niya.
"Nanay Tere-" Sapo ko ang pisngi ko. Sinubukan ko siyang hawakan gamit ang isang nanginginig kong kamay upang pakalmahin siya pero bigo ako dahil sa pag-iwas niya. Hinila niya ako patungo sa loob nagpatinaod naman ako, isinalampak niya ako doon sa sofa at agad akong dinuro.
"Akala mo ba hindi namin malalaman ang ginawa mo?"
Kumislot ang kanang kilay ko dahil sa pagtataka dahil hindi ko alam kung ano ang tinutukoy niya. "Hindi ko alam kung anong sinasabi mo nanay Tere-"
"Mas pinalala mo lang ang kalagayan ng anak ko! Bakit mo sinubukang paibigin ang lahat ng alter niya?"
Hindi ako makasagot sa mga akusasyon ni Nanay Tere, hindi ko naman alam na pinaibig ko ang mga alter niya! Gusto ko lang namang alagaan siya, gusto ko lang bantayan si Rafael!
"Tingnan mo ngayon? Lalo silang lumakas ng dahil sa iyo, mas lalo silang nagkaroon ng dahilan upang mag-agawan sa katawan na iyon!"
"Please calm down Teresita." isang medyo matandang lalaki ang lumapit sa amin upang pakalmahin si Nanay Tere.
Ako, hindi ko alam kung maikakalma ko ba ang sarili ko. Gusto ko lang namang mapabuti ang kalagayan ni Raf, pero anong ginawa ko? Mas lalo ko pa pala siyang napalala.
My eyes started pooling again as I feel the familliar heaviness in my heart. "I'm sorry."
Marami pa akong gustong sabihin pero iyon lang ang lumabas sa bibig ko dahil sa bara na nararamdaman ko sa aking lalamunan. Ang pamilya ni Rafael at pamilya ko ay galit sa akin, si Rafael na kaisa-isa kong kakampi ay wala ngayon rito sa tabi ko.
"Hija ayos lang iyan, hindi mo naman kasi alam. And maybe one of the alters fooled you." Sabi noong matandang lalaki.
"I am Dr. Germano Scott, Rafael Sebastian's psychologist." Malawak ang ngiti nito sa akin habang si Nanay Teresita naman ay matalim parin ang mga ipinupukol na tingin.
"Elleonor!"
Pigil hininga akong napalingon noong tawagin nito ang pangalan ko, sigurado akong Rafael iyon. Hindi ang kung sino mang alter niya, kakaibang saya ang naramdaman ko pero hindi sapat iyon para mabawi ang sakit at lungkot.
"Sebastian mas mabuti pang itigil mo na ang pakikipagmabutihan sa kaniya." Utos ni Aling Tere dito.
"Hindi niyo ako pwedeng diktahan." Ani Rafael at lumapit sa amin, sinubukan niyang hawakan ang balikat ko pero ako na mismo ang umiwas doon. Nakita ko ang pagguhit ng gulat sa kanyang maamong mukha, nagsalubong ang kilay ni Rafael at napaawang ang mga labi.
"Rafael makinig ka sa kanila." Ani ko.
Itinikom niya ang bibig niya pero nanatiling magkasalubong ang mga kilay niya, umigting ang mga panga niya at parang nagkaroon ng apoy sa mga mata niya. Ngayon ko lang nakitang ganiyan si Rafael at sigurado ako siya ito, hindi ang alter niyang si Ares.
"Iwanan niyo muna kaming dalawa rito." Ani Rafael kila Nanay Tere at Dr. Germano, napatingin ako sa nakakuyom niyang mga kamao. Sumunod naman ang dalawa sa hiling nito at kaagad na iniwan kami dito sa sala.
"Rafael itigil na lang natin ito."
Umupo siya sa tabi ko at marahang hinawakan ang mukha ko, pilit niya akong ipinaharap sa kaniya.
"Elleonor hindi ko alam kung anong mga sinabi nila sa iyo, pero h'wag mo sana akong sukuan."
Hinalikan niya ang mga labi ko at pinagdikit ang mga noo namin. "Raf kasi hindi ako makakabuti para sa'yo."
Hindi ko na rin talaga alam kung kakayanin ko pa, siya na mismo ang nagsabi noon na hindi siya ang host at maaari siyang mawala. Kapag nangyari 'yon saan na naman ako pupulutin?
"Lalaban ako para sa'yo Elleonor."
"Magpagaling ka nalang Sebastian." I cried, he rested my head on his chest and caressed my hair. "Para sa akin."
"Ayokong mawala ka sa akin." Bulong nito.
Gusto kong sumagot at sabihin sa kaniya na ayaw ko rin naman na mawala siya sa akin. Pero anong magagawa ko kung ang tamang gawin ay ang dumistansiya sa kaniya? I am not good for his health because I made the alters stronger, mas lalo tuloy nahihirapan na makapamuhay ng normal si Rafael ng dahil sa akin.
"Raf kalimutan nalang natin ang lahat ng ito."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top