Chapter 30

“I missed you.”

Saad nito hindi pa man ako nakakalapit sa kaniya. Ipinulupot ko ang mga braso ko sa likod ni Rafael habang nag-aayos siya ng mga plato dito sa hapag kainan. Inihilig ko ang ulo ko sa likod niya at mas hinigpitan ang kapit, parang ayaw ko na siyang pakawalan.

Sobrang nasabik ako sa kaniya dahil parang ilang araw ko siyang hindi nakasama kahit kung tutuusin ay nandito lang rin naman siya tabi ko.

“I missed you too Raf.”

   “Nakita ko pala 'yong mga papel na idinikit mo sa ref, pagpasensyahan mo na sana kung nahirapan ka ng dahil sa kaniya.” Ani Rafael kaya napaismid ako.

Ni-magnet ko nga pala sa refrigerator 'yong mga bill sa ospital at sumulat din ako ng tungkol sa mga nangyari habang kasama ko si Rami, umasa talaga ako na babalik na kaagad si Rafael ngayong araw at mabuti nalang talaga't tama ako.

   “Sus wala iyon ako pa ba? Puwede na nga akong magtayo ng bakery sa dami ng pasensya ko.” Biro ko.

Nagpalit kami ng puwesto pagkatapos niyang maayos ang mga plato sa lamesa, siya naman ngayon ang nakayakap mula sa likuran ko. Bahagya ako nakiliti nang ipinatong niya ang mukha niya sa leeg bago inamoy-amoy ito.

     “Elleonor,”

Walang duda, si Rafael na nga talaga ito. Napansin ko rin kasi na sa lahat ng alter ay si Rafael lang naman ang tumatawag sa akin ng 'Elleonor'. Ayaw ko talagang tinatawag ako sa pangalan kong iyon pero wala akong reklamo kapag siya na ang gumagawa.

    “Hay, nakakapagod talaga.” Pabirong saad ko upang konsensiyahin siya.

Naghila siya ng isang upuan habang ang isang kamay niya ay nakapulupot parin sa beywang ko.

“Babawi ako Elleonor, pero kumain na muna tayo ngayon.” Malambing na bulong nito.

   “Hmm, pancakes?” Sabi ko kaagad pag-angat niya noong stainless steel food cover. Ang ganda ng pagkakagawa niya dito sa pancakes, tumutulo pa ang syrup nito at may raspberry pa sa ibabaw. The sweet smell of it makes my stomach feel satisfied already.

“I made these especially for you.” Masiglang sabi nito at inalalayan akong umupo doon sa hinila niyang upuan.

Binigyan niya ako ng isang masuyong halik sa labi bago rin umupo at lagyan ang plato ko, napangiti nalang ako habang pinagmamasdan na kumilos ang maugat na kamay ni Raf. He looks so gentle and so hot at the same time.

“Masarap 'to, hindi ka magsisisi.”

   “Masarap naman talaga 'yan e.” I said.

He chuckled and shook his head before giving me a smirk. “I'm flattered.”

“Sa'yo ang pinakamasarap na natikman ko Rafael.” Kinindatan ko siya bago sumubo.

   “Ako palang naman ang natikman mo.” Ani Rafael at tumawa.

“'Yang luto mo kasi ang tinutukoy ko!” Nag-init na naman ang mukha ko kaya hinampas ko na siya. Pero pareho naman talagang masarap siya at ang luto niya.

Hindi na naman na siya sumagot at tumawa na lamang ulit, napangiti naman ako ng dahil doon. Ang sarap niyang panoorin habang naniningkit na ang mga mata niya dahil sa pag ngiti. Sana palagi nalang ganito kasaya, sana hindi na siya mawala.

      “Siya nga pala, pupunta ako sa trabaho ngayong araw.” Tumikhim siya.

“A-ah gano'n ba? Ingat ka.” Sagot ko kahit parang may kirot akong naramdaman, kababalik pa lang kasi niya tapos aalis naman siya? Alam kong mali ang magselos sa trabaho, pero hindi ko maiwasang malungkot.

     “Uuwi rin ako kaagad.”

Hinawakan niya ang kamay ko at binigyan niya ako ng isang masiglang ngiti, para bang sinasabi niya na huwag akong mag-alala dahil babalik naman siya.

Ilang ulit akong kumurap bago sumagot, “Hihintayin kita.” I then gave him a weak smile.

Tahimik kaming bumalik sa pagkain, napasarap rin ako doon dahil magaling talaga siyang magluto. Malalasap talaga sa dila ang tamang tamis at timpla kahit simpleng pancake lang ito.

     “May problema ba?” Tanong ni Rafael dahil bigla kong nabitawan ang tinidor, mayroon kasing biglang sumagi sa isipan ko.

“Rafael kailan pala tayo babalik?”

Hindi ko masabi ng diretso iyon dahil hindi ko rin naman alam sa sarili ko kung gusto ko nga talagang umuwi pa doon sa probinsya.

      “Gusto mo na bang bumalik?”

  “Naitanong ko lang.” Saad ko.

        “Siguro sa susunod na araw, may aasikasuhin lang ako sa trabaho pagkatapos babalik na rin tayo doon. Pero kung gusto mo naman ng umuwi na, puwede kitang ihatid.”

“Hindi Raf, dito lang ako kasama ka.” Pagtutol ko sa huli niyang sinabi.

   “Balak ko na rin naman na umuwi tayo doon bago ang kaarawan mo.” Sabi ni Rafael at tsaka pinisil ang kamay ko.

“Teka paano mo nalaman na malapit na ang birthday ko?” Binawi ko ang kamay ko at pinagtaasan siya ng kilay.

Hindi ko nga sinasabi sa kaniya na malapit na ang kaarawan ko dahil gusto kong gumanti sa kaniya, gusto kong magulat rin siya na birthday ko na pala.

    “Puwede bang hindi ko malaman 'yon?”

Umapaw ang kaligayahan sa puso ko. How I wish we could stay like this forever, kaso hindi talaga puwede lalo na sa kondisyon niya.

Dumaan ang ilang araw at napagpasyahan na namin ni Rafael na umuwi dito sa probinsya, patalon akong bumaba sa sasakyan niya at nilanghap ang malinis na simoy ng hangin. Na miss kong makapunta sa ganito kalinis at maaliwalas na lugar, berdeng-berde parin ang mga halamang bakod at namumula parin sa ganda ang mga bulaklak.

      “Dahan-dahan Elleonor, baka matalisod ka.” Sabi ni Rafael nang mapansin niyang halos maglulundag na ako sa tuwa.

“I just really missed this place.”

      “Nakabalik na pala kayo.” Isang pamilyar na boses ang nagsabi noon kaya natigil ako.

Malinis nga ang lugar na ito pero hindi parin talaga maiiwasan ang mga basurang kagaya nalang ng isang ito. Pinaningkitan ko ng mata si Rafael, para bang sinasabi kong subukan niyang pansinin ang babaeng ito at lagot siya sa akin.

     “Baste kumusta nga pala sa Manila? Hinabol mo na naman ba siya doon dahil iniwan ka na naman niya?” Tumawa ito ng nakakainsulto at tiningnan ako.

Sa mga titig na iyon ay parang ipinapalabas ni Sandra na wala akong kuwenta at hindi ko kayang ipaglaban ang pagmamahal ko para kay Rafael.

Puwes wala siyang alam sa mga hirap at pagod na pinagdaanan ko mabantayan lang ang lalaking ito! Hindi ko iniwan si Rafael kahit pa halos sumabog na ang utak ko, binantayan ko siyang maigi kahit hirap na hirap na ako. Wala siyang karapatan na husgahan ako dahil lang doon sa pagkakamaling nagawa ko noon!

     “Ano iiwan mo na naman ba siya sa isang linggo?” Humalukipkip siya at lumapit sa akin.

“Sandra tumigil ka na.” Ani Rafael at pilit kaming ipinaglayo na dalawa, niyayakap na ako nito para lang mailayo sa babaeng basura.

   Kumalas ako hinarap si Sandra dahil kung maldita siya ay mas maldita ako sa kaniya. “Bakit mo tinatanong? May balak ka bang ahasin ang boyfriend ko?”

“Ikaw ang ahas! Manggagamit!” Dinuro-duro ako nito.

Isang lumalagitik na sampal ang ibinigay ko sa kaaliwang pisngi ni Sandra, halos bumakat ang palad ko doon kaya nanginginig siya at hindi makapagsalita. Pare-pareho kaming nagulat, kahit nga siguro si Rafael ay hindi inasahan na gagawin ko iyon.

     Ilang beses siyang napakurap bago naglapat ng tingin sa akin. “Bakit mo siya sinaktan?”

Muntikan na akong mawalan ng balanse ng dahil sa biglang paghawi ni Rafael sa akin, kaagad siyang lumapit at sinuri ang mukha ni Sandra. Bakas talaga ang pagaalala sa mga ekspresyon niya.

      “Ayos ka lang ba?” Tanong pa ni Raf habang hawak parin ang mukha nito, marahang tumango si Sandra habaang titig na titig sila sa mga mata ng isa't-isa.

Pakiramdam ko tuloy  at naputol ang paghinga ko dahil sa naging reaksiyon nila, gusto kong lamunin nalang ako ng lupa.

     “Kasalanan ko pa ngayon?!” Parang may nakabarang kung ano sa lalamunan ko at nanggilid-gilid na ang mga luha ko pero hindi ko hinayaang pumatak iyon, ayokong makita 'yon ni Sandra.

“Baste aalis na lang ako.” Lumuluhang sabi ni Sandra at pilit na nagpapaawa kay Rafael.

      “Dito ka lang Sandra–“

Hindi siya pinakinggan nito at tumakbo nalang ito papalayo sa amin, nagmukha pa lalo tuloy akong kontrabida kahit ang totoo ay aping-api na itong puso ko. Ako ang girlfriend niya pero halos sigawan niya ako dahil kay Sandra? Kung tutuusin pinagtanggol ko lang naman ang sarili ko.

     “Tingnan mo ang ginawa mo, nasaktan mo siya! Ano bang ginawa niya sa'yo para apihin mo siya ng gano'n?” He clenched his jaw.

Nagtagis naman ang mga ngipin ko dahil sa mga sinasabi niya, mukhang totoo nga talagang kinakampihan niya ang babaeng iyon. Mukhang mas mahalaga pala talaga si Sandra kaysa sa akin. Kasi ano nga ba naman ang laban ko doon sa kababata niya?
     
    “Binastos niya ako Rafael, pagkatapos noong gumanti ako ay sa akin ka pa nagalit?! Wala ka bang pakialam sa nararamdaman ko?” Ano ba kasi talaga ako para sa kaniya?

      “Sino ka ba?”

Bumagsak ang balikat ko dahil sa tanong niyang iyon, lalong bumigat ang kung ano mang nakabara sa lalamunan ko dahil pinipilit ko na talagang hindi maluha sa harapan niya.

Heto na naman kami.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top