Chapter 28

Paano nalang kung wala ako doon? Napahilamos ako sa sarili kong mukha habang nakatitig sa natutulog na si Rafael, ayos naman kami kahapon pero bigla ko nalang siyang nakitang nagtatangkang magpakamatay.

He hanged himself in the bathroom, his face almost turned purple when I saw him. At sa laki niyang tao ay hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas para suportahan ang ang katawan niya habang pinuputol ko ang lubid. Mabuti na lamang at nakahanap kaagad ako ng upuan, sobrang natakot ako at hanggang ngayon nga ay nanginginig parin ang buo kong katawan.

Akala ko kung ano na ang nangyari sa kanya noong mga oras na 'yon! Ni hindi ko alam ang gagawin ko! Baka nga nahimatay na ako kung hindi lang dahil sa pag-aalala ko kay Rafael, I gave him CPR while waiting for the ambulance to come.

Kanina nga ay pilit akong pinapakalma ng mga nurse at doktor dito, because I was crying hysterically. Dito ko lang kasi sa hospital nailabas ang lahat ng iyon dahil pigil hininga ako habang hinihintay na madala siya rito sa Hospital. Kahit nga damit ay hindi na rin ako nakapagpalit, nakasuot pa ako ng pink na silk dress at wala na akong pakialam sa ayos ko basta masamahan ko lang siya rito.

     “Sino ka? Bakit ako nandito?” Nagmulat ng mata si Rafael at iyon kaagad ang sinabi niya. Nakahiga parin siya sa hospital bed at may dextrose sa kamay, pilit niya iyong tinatanggal.

“Why did you try  to kill yourself you stupid?!” Bumubos na naman ang luha ko nang maisigaw ko iyon.

Natigilan siya dahil hindi na nga basta luha iyon, humagulgol na ako sa harapan niya na parang isang bata. Marami pa sana akong gustong isumbat sa kaniya pero hindi na ako makapagsalita ng maayos dahil sa matinding paghikbi, ang bigat nitong nararamdaman ko kaya kailangan ko na talagang ilabas.

Akala ko mawawala na siya sa akin noong mga oras na iyon! Akala ko iiwan na ako ng tuluyan ng lalaking 'to, si Rafael na tanging nakaintindi sa akin at minahal ako ng buong-buo, kahit na masama na ang ugali ko. Akala ko mag-iisa na naman ako.

Si Rafael lang naman talaga 'yong taong pinili ako, kasi sa buong buhay ko wala naman talagang may paborito sa akin. Kahit nga wala akong kapatid ay nagagawa parin akong ikumpara ng mga magulang ko sa pinsan kong si Myra, siya na magaling, siya na matino. Lagi nilang sinasabi na ‘Bakit hindi mo siya gayahin?

They would spoil me with material things, but not with their love and attention. Kaya masisisi ko ba ang sarili ko kung bakit sobrang napamahal ako kay Rafael?

    “Miss h'wag kang umiyak diyan, dapat lang naman talaga na mawala na ako kasi gusto ko ng makasama si Mama–”

      “Pero paano naman ako?” Nagawa kong itanong ng diretso iyon sa kabila ng mga hikbi.

“Sino ka ba?”

Napapikit ako at napaiyak na lang ulit, hindi ko kasi alam kung paano ipaliliwanag iyon. Ibang alter na naman ang kaharap ko at ang sakit noon sa parte ko, kasi ni hindi ako kilala nitong iniiyakan ko.

    “Ang hirap...”

Ang hirap niya palang mahalin, hindi ko alam kung kaya ko pang panindigan ang lahat ng ito. Kasi wala akong ideya kung ano nalang ang mangyayari sa akin kapag naulit ang ganoong eksena, baka masiraan na ako ng bait.

     “Pakiusap h'wag mo na ulit sasaktan ang sarili mo.” Lumapit ako sa kaniya at hinaplos ang buhok niya, kitang-kita sa mukha nito ang pagtataka dahil sa mga ikinikilos ko.

My heart feels heavy seeing him like this, “Ano ba ang pangalan mo?”

     “Rami.”

Tumango-tango ako sa sagot niya at naalala si Nanay Tere, kailangan ko na sigurong sabihin sa kaniya ang tungkol dito? Hindi ko kasi alam kung makakayanan kong protektahan pa si Rafael sa sarili niya mismo. Hindi ko rin alam kung kaya ko pang ipagpatuloy ang relasyon namin na ito.

I am a weak person.

Blangko ang ekspresyon ng mukha niya. “Kaano-ano ka ba nila?”

“K-kaibigan ako kaya h'wag kang mag-alala, hindi kita pababayaan.” Pinahid ko ang luha ko at ngumisi na para bang walang iniindang sakit.

      “M-mari?” Bumangon siya at parang tuwang-tuwa na makita akong muli dahil may kinang sa mga mata niya.

“Elle ang pangalan ko Rami, pasensiya na pero hindi ako ang kung sino mang tinutukoy mo.”

Sino naman kaya ang Mari na iyon? Kilala kaya siya nila Rafael? Bakit mukhang ang saya ng alter na ito noong napagkamalan niyang ako 'yon?

     “Sigurado ka ba?”

“Yes and I don't know who that is.”

    “Hindi ba talaga ikaw si Mari?” Ulit pa nito.

Ayokong usisain pa ako ng Rami na ito tungkol doon sa taong sinasabi niya dahil may hindi ako maipaliwanag na nararamdaman doon, basta ayokong marinig pa ang pangalan na iyon na binabanggit niya.

       “Nagseselos ka ba?”

Napataas ang kilay ko dahil sa tanong niyang iyon, seryoso niyang pinagmamasdan ang mukha ko at parang binabasa ang bawat reaksyon ko.

“Hindi ako nagseselos.” Tanggi ko.

       “Sa pag-ikot palang ng mga mata mo, pagsalubong ng kilay at sa tono ng pananalita mo ay parang nagseselos ka nga talaga.”

Ano naman ang mayroon sa alter na ito? Suicidal na magaling bumasa ng tao?

   “Sa palagay ko hindi ka kaibigan ni Rafael Sebastian Ramirez, dahil kasinatahan ka niya.” Puno ng kumpyansang saad nito.

      “Sa palagay ko rin, pabibo ka. Alam mo naman pala pagkatapos nagtanong ka pa?” Inirapan ko siya na halos umikot na ang mata ko papunta sa likod.

“Pero sino naman kayang alter ang nagkagusto sa'yo?” May halong pang-iinsulto ang pagtatanong niya noon kaya nag-init ang dugo ko at binalingan siya ng masamang tingin. Pero parang wala lang iyon sa kaniya at hindi talaga siya natinag, sinuri pa talaga niya ang buo kong katawan mula ulo hanggang paa.

Kanina lang ay naiiyak ako pero ngayon ay naiinis na ako. Kailan ba kasi babalik si Rafael? Pakiramdam ko iyon lang ang pinaka matino sa lahat ng alter e.

  “Elle ilabas mo na ako sa ospital na ito.”

Pinalo ko ang braso nito dahil sa kakulitan ng lalaking ito, kanina pa siya ganiyan at hindi ko nagawang makatulog dahil baka takasan niya ako.

“Inaantok na ako Rami, puwede ba?” Iniangat ko ang ulo ko mula sa hospital bed at tinitigan siya. Tumayo ako mula sa monoblock na upuan at nag-unat, ang hirap mamaluktot doon!

     “U-umuwi n-na tayo.”

Natigilan ako nang mapansin kong pinapanood niya ang katawan ko, medyo litaw kasi itong cleavage ko rito sa suot kong pantulog. Malakas parin pa lang dating ko kahit sa ibang alter niya e?

Ipinatong ko ang dalawang kamay ko sa kama at mas inipit ang mga dibdib ko, giving him a better view. Nag-iwas siya ng tingin pero bumabalik naman iyon, kitang-kita ang paglunok niya.

“Hindi pupwede Rami e, baka kasi pagtangkaan mo na naman buhay mo. Hirap na hirap akong buhatin ka! Ang laki mo kaya!” Itinuro ko ang mga pasa sa braso ko para maawa siya, kahit noong isang gabi pa naman talaga ang iba rito.

“Matulog na lang tayo please? Ang hirap na nga ng posisyon ko rito tapos hindi mo pa ako pinapatulog.” Pinapungay ko pa ang mga mata ko, para naman makaramdam siya ng kahit kaunting awa para sa'kin.

Uupo na sana ulit ako sa monoblock pero bigla nitong hinawakan ang braso ko, tiningnan ko iyon bago siya taasan ng kilay.

    “Dito ka nalang sa tabi ko.” Parang nahihiya pang sabi nito at umusog doon sa may tabi ng pader.

Napangiti ako dahil sa ginawa niya, nagaalala parin siya sa akin kahit ngayon lang niya ako nakilala.

     “Sure ka ba?” Tanong ko pa.

Tumango lang siya at nag-iwas ulit ng tingin sa akin. Mukhang mahiyain ang kuya mo! Tumabi ako sa kaniya at niyakap siya bago idinantay ang paa ko, mas mabuti ngang ganito ang puwesto ko para hindi niya ako matakasan.

     “Bawal kang tumakas ha?” Bulong ko dito.

I clearly saw how his jaw clenched and adam's apple moved. Nakatingala lang siya sa kisame at nakapikit, hindi man lang ginalaw iyong leeg niya kahit kaunti.

    “Alam mo bang sobrang nag-alala ako sa'yo? H'wag mo ng uulitin 'yon kasi hindi ko na alam ang gagawin ko.” Ipinikit ko ang mga mata ko habang sinasabi ang mga iyon, naluluha ba naman kasi ako. Akala ko natuyo na ito, mayroon pa pala. Namimiss ko na rin si Rafael kahit katabi ko naman talaga ito, ibang-iba kasi sila.

Naramdaman ko ang mainit na hininga niya kaya napamulat ako, sinalubong ko ang mga titig niya.

     “H-hindi ko na uulitin.”

I gave him a weak smile before giving him a kiss on his lips. “Pasalamat ka Rami mabait akong girlfriend kahit masama ang ugali ko.”

Hindi na ulit siya sumagot at nakatulog naman kami ng mahimbing. Pero kinabukasan ay nanlaki ang mga mata ko nang wala na siya sa tabi ko paggising ko. Kaagad akong bumangon sa kama at halos magkandarapa, binalot ng kaba ang buong katawan ko. Paano kung nagtangka na naman ang Rami na 'yon?

Napaupo ako sa sahig at napaiyak habang nakapatong ang mukha sa mga braso ko. Dapat hindi nalang ako natulog! Dapat binantayan ko nalang siya para hindi niya ako natakasan, ang tanga-tanga ko!

    “May problema ba?” Nakita kong iniluwa siya ng pinto nang magtunghay ako ng ulo, tumayo ako at sinunggaban siya ng yakap. Halata ang pagkagulat nito dahil hindi manlang niya ibinalik ang mga yakap na iyon.

     “Akala ko tinakasan mo na ako.” Mas hinigpitan ko pa ang pagkapit ko sa kaniya.

“Naglibot lang ako sa labas, sinabi mo kasi kagabi na nahirapan ka, kaya hinayaan muna kitang magpahinga at hindi na kita ginising para lang magpaalam pa ako.” Sabi ni Rami at tsaka hinawakan ang magkabilang balikat ko upang akapin ako.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top