Chapter 27
Narito ako ngayon sa isang parke at naglalakad-lakad, sinabi ko sa kaniya na kailangan kong magpahangin kasi parang naninikip ang dibdib ko doon sa bahay. Hindi ako makakilos ng maayos doon dahil para akong sinasakal habang may pasan pa.
Hanggang ngayon ay mabigat parin ang pakiramdam ko, tingin ko kasi ay niloko ako ni Rafael kahit hindi naman talaga. Hindi ko kasi talaga maintindihan ang sarili ko, kahit nga si Raf hindi ko rin maunawaan.
Ang alam ko lang ay may D.I.D. siya kaya papalit-palit ang katauhang nakakaharap ko, hindi ko alam kung sino ang totoong siya sa mga iyon at parang ayaw ko ng malaman dahil sasabog na ang utak ko.
Mabuti nga kahit papaano naman ay napapakalma ako ng mga halaman at bulaklak dito sa tabi ng sidewalk, hindi rin masyadong maingay dahil malayo-layo rin itong parke sa kalsada kaya naman walang masyadong tunog ng sasakyan. Parang sa probinsya lang.
“Elleonor,” Biglang sumulpot si Rafael sa gilid ko at ibinigay sa akin ang isang cheese flavored ice cream. Binili niya ito doon sa mamang sorbetero na nadaanan namin.
“Thank you.” Tipid kong sagot.
Parang kinurot ang puso ko noong napansin kong unti-unting naglaho ang malawak na ngiti niya. This is the problem with me when I get consumed with my thoughts, I tend to get a little insensitive and not pay attention to the things around me.
“Thank you, Rafael.” Inulit kong sabi.
Sa panahong iyon ay bakas na ang mga ngiti sa labi ko, kasi ayaw kong isipin niya na nagbago ang pagtingin ko sa kaniya dahil lang sa mga nalaman ko. Kahit ilang daan pang alter niya ang makilala ko'y hindi mabubura no'n ang laman nitong puso ko. Kung kailangan na magpakilala ako sa bawat isang katauhan niya araw-araw o minu-minuto ay gagawin ko.
Kung kailangang intindihin ko ang bawat isa doon ay handa ako, mapasaya lang siya. Inaamin kong nabigla ako noong una pero wala namang mababago, mahal ko parin siya kahit maging sino man siya. Literal.
Humugot siya ng hininga at nag-iwas ng tingin, hindi na rin bumalik 'yong mga ngiti niya. Guilt was written all over his face, when in reality, I should be the one feeling that.
“Pasensiya ka na Elleonor kung nilihim ko sa 'yo–“
Ayan na naman siya, humihingi ng tawad kahit hindi naman na siya ang may kasalanan.
“Ano ka ba Raf? Ayos lang 'yon, nabigla lang talaga ako.” Paninigurado ko at niyakap ang bisig niya bago humilig doon at nagpatuloy kami sa paglalakad.
“Kahit hindi mo naman sabihin alam ko–“ Nakita ko ang paglunok niya dahil nagtaas-baba ang adam's apple niya.
Pinutol kong muli ang sasabihin niya, “Natutunaw na ang mga ice cream natin Raf, tama na ang daldal.”
“Seryoso–” Hindi na naituloy ni Rafael ang kung ano mang sasabihin niya dahil tumingkayad ako at binigyan siya ng isang mabilis na halik.
Pagkatapos ay dinilaan ko naman ang ice cream na hawak ko. “Masarap siya.” Sabi ko.
Natahimik lang siya at diretsong napatitig sa mga mata ko, nakaawang ang mga labi niya na tila may gustong sabihin. Mukhang nabigla talaga siya sa ginawa ko kaya naman napangiti ako kahit seryoso na ang mga tingin niya.
“Gulat ka 'no?”
Hindi ito sumagot at bahagya lang siyang natawa, hindi niya iyon ipinahalata pero namumula naman ang tainga niya. Dahil sa reaksyon niya ay gumaan bigla ang pakiramdam ko, nawala ang lahat ng iniisip ko. I feel relieved knowing that Rafael is happy, with me.
Hinapit niya ang beywang ko upang mas magdikit kami.
“I love you.”
Parang nanigas ako sa kinatatayuan ko kasabay ng malakas na pagtibok ng puso ko. Ngayon ko lang yata narinig 'yan sa kaniya?
“What the...” I whisphered to myself.
Kahit hindi naman niya sabihin iyon ay naramdaman ko na, pero iba parin pala talaga kapag sinabi niya. Ang sarap sa tainga noon, pwede na akong hindi kumain ng isang linggo dahil doon palang busog na ako.
“Today is April two, ten thirty a.m.” I blurted after I checked the time on his black wrist watch.
“Bakit? May gagawin ka ba ngayon?” His brows raised as his lips curved.
“This is the first time you said those words, this is a once in a lifetime experience.” I answered, maybe even having a twinkle in my eyes. I just really can't contain my joy, and I don't care if I look or sound crazy to him right now.
Para akong dinuyan ng mataas at ang sarap noon sa dibdib, pakiramdam ko nga'y nasa alapaap parin ako.
The air travelled again through his nostrills because of his short chuckle.
“Elleonor.”
“I love you too Raf.” I giggled.
Abot tenga ang mga ngiti ko nang makauwi kami ni Rafael dahil mas maraming magandang nangyari ngayong araw. Hawak ko ang magazine na ako ang cover at sa kabila naman ay ang kamay ng mahal ko, wala na yatang mas hihigit pa sa sayang nararamdaman ko ngayon.
“Ang ganda mo sa cover na iyan.”
“I know right?” Confident na sagot ko at binitawan ang kamay niya para mas buklatin pa ang magazine. Maganda nga ako pero mas maganda talaga ang designs ni BDO. Sobrang detalyado talaga nito, parang kahit i-zoom ng sobrang lapit ay may sequence parin.
He cleared his throat. “Pero mas maganda ka parin sa personal.”
Nag-init ang mukha ko dahil doon, hindi ko na alam kung anong isasagot sa kaniya.
“Binobola mo ba ako?”
“Medyo.” Natawa siya.
“Sus Rafael, sa'yo nalang ito kasi alam ko namang patay na patay ka sa akin.” Taas noo kong sabi at idinikit ang magazine sa matipuno niyang dibdib na ramdam ko parin. Partida may magazine at t-shirt pa sa pagitan no'n.
“Uy salamat!”
Kinuha niya ang magazine at ipinatong iyon sa lamesa dito sa sala kung saan kami nakatayo ngayon. Itong sala ay nasa bukana lang ng main door nitong bahay at sa kanan nito ang hagdan paakyat sa kuwarto. Sa may kaliwang bahagi naman ng bahay ang kusina at hapagkainan.
“Hoy Raf bakit ka naghuhubad? Mahapdi pa 'to!” Napasigaw ako nang bigla siyang tumalikod at nagtanggal noong asul niyang tshirt.
Napangiwi ako nang mapansin ang mga mahahaba at pulang marka sa likod niya, alam kong ako ang may kagagawan noon. Naparami ang mga iyon lalo na sa likod ng balikat niya.
“I'm sorry.” Sabay naming sabi nang humarap siya.
“Mahapdi?”
“Ang alin?” Tanong ni Rafael sa akin.
“Iyang mga kalmot ko, pasensiya ka na kagabi ha?”
“Hindi ko naman matandaan Elleonor.” He smirked.
Napairap ako dahil sa sinabi niya, tatalikuran ko na sana siya pero bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Baka naman kasi Ares 'yon kaya hindi niya maalala?
“Biro lang, kataka-taka ngang naaalala ko iyon kahit hindi ako.”
Napangiti ako, “Baka kasi gumagaling ka na?”
“Nangyayari naman talaga ito paminsan-minsan, na aalala ko ang mga ginagawa ng ibang alter.” Tugon nito.
“Baka nga kasi ikaw ang main personality? Gusto mo bang ulitin pa natin para tingnan kung talagang na aalala mo?” I joked.
Pero natutuwa talaga akong marinig iyon, siya ang pinakamatagal na nakakasama ko kaya sa tingin ko ay si Rafael nga ang host personality. Baka niloloko lang ako noong isa niyang alter na si Ares, baka nalilito lang rin siya.
“Ulitin ang alin?” He smirked. Nagtanong pa e mukhang alam naman niya 'yong tinutukoy ko.
“'Yong kagabi–“
He chuckled then cutted me off, “Elleonor, you're still sore.”
“Paano mo nasabi?” Humalukipkip ako at tinaasan siya ng kilay.
“Kasi alam ko.” Kumindat siya bago nagkibit balikat at kinuha ang paper bags na may laman ng pinamili namin. Magluluto raw kasi siya dahil gusto niyang bumawi doon sa mga sunog na pagkain na ginawa ni Ares.
Sumunod ako sa kaniya sa kusina at pinanood ang mga gagawin niya. Kinuha niya ang kulay cream na apron at isinuot iyon. Kitang-kita ang paggalaw ng mga muscles niya sa braso at likod kaya ang sarap niyang panoorin, pagkatapos ay masarap pang magluto.
“Chef Rafael.” Sabi ko.
Lumingon siya sa akin dahil doon, tapos bahagya siyang umiling at ngumiti.
“Siguro passion mo talaga ang pagluluto 'no?” Lumapit ako sa kanya at tinulungan siyang mag-ayos ng ingredients na gagamitin.
Nasabi ko iyon dahil masarap talaga siyang magluto, parang kumakain lang ako sa mamahaling restaurant na pinoy ang theme. Maganda rin ang plating niya, parang pinag-aralan talaga iyon. Culinary arts kaya ang kinuha niya?
“Sakto lang.” Tumawa siya habang naghihiwa ng sibuyas, ang galing noon. Kayang-kaya niya kahit hindi nakatingin sa mga daliri niya.
“Alam mo dapat magpatayo ka ng restaurant kasi sayang naman ang galing mo sa pagluluto kung hindi naman matitikman ng marami. Malay mo sumikat ka pa, 'di lang dito sa Pilipinas, pati na rin sa buong mundo.” Saad ko habang nakatitig lamang sa nangingiting si Rafael, mukhang natutuwa siya sa mga papuri kong iyon.
“Susuportahan mo ba ako d'yan?” Bahagya siyang tumingin sa akin at ngumiti na talaga.
“Syempre mahal kita, kaya susuportahan kita kahit saan.”
“Pangako ba 'yan? Hindi mo ako iiwan?” Nakakataba ng puso ang tanong niyang iyon dahil parang tinatanong niya kung handa ko rin siyang samahan hanggang sa dulo.
“Oo naman Raf, kaso ganda lang ang puwede ko maitulong e? Puwede na sigurong ako nalang ang magiging model ng mga pagkain mo sa resto.” Masigla kong sabi tsaka tumawa.
Kinuha ko ang isang mangkok doon at nagposing na parang inaamoy iyon habang nakapikit pa, “Parang ganito Raf!”
I automatically opened my eyes when I heard a shutter sound of a camera.
“Ganda nga a,” He laughed while looking at his phone.
“Hoy burahin mo 'yan!” Pilit kong inaagaw ang phone niya kasi pinicturan pala ako ng loko, ang pangit ko doon at parang tanga dahil kitang-kita sa letrato na wala namang laman 'yong mangkok na hawak ko. Nakapikit pa talaga ako doon at nakakagat labi!
“Sabi mo model ka?” Bakas ang pang-aasar sa boses niya.
“Ang pangit kaya!” Angil ko.
“You are gorgeous Elleonor.” Napalunok ako dahil sa pagtitig niya.
Wala na akong nagawa kundi ang hayaan na lang ang letrato na iyon sa phone niya, buburahin rin naman niya 'yon kapag tumagal. Kasi ang pangit ko kaya doon, para akong nauulol.
“Hmm, seryoso Raf ang sarap talaga ng mga luto mo.” Saad ko matapos tikman ang pininyahang manok na inihanda niya.
“Mabuti naman at nagustuhan mo.”
“Chef ka ba talaga? Ano bang kinuha mong kurso?” Kuryosong tanong ko at tsaka uminom ng tubig.
“Engineering ang kinuha ko.” Simpleng sagot niya pero muntikan ko ng maibuga ang tubig, mabuti na lang at nalunok ko kaagad iyon.
“T-talaga?”
“Oo, Mechanical Engineering tapos kumuha ako ng Master's degree in Automotive Engineering sa Germany. Mas makakatulong kasi iyon sa kompaniya nila Papa, katunayan nga may ginagawa pa kaming proyekto doon ngayong taon kaya pumupunta-punta ako rito sa Manila.” Mahabang sagot ni Rafael.
Binili pa talaga niya itong bahay. Ano 'to?Kunwari sorpresa niya sa akin para pumayag ako na tumagal ako rito kasama siya habang nagtatrabaho siya?
“Sinama mo pa ako rito, maiistorbo lang pala kita.” I rolled my eyes.
“Ayaw ko kasing iwan ka doon, baka kasi kapag hindi ako nakapagparamdam sa iyo ng ilang minuto ay magtampo ka na naman.” Parang may halong panunumbat na sabi nito pero natatawa-tawa siya.
Umikot na naman ang mga mata ko dahil sa sinabi niya pero hindi ko maitago ang pagsilay ng sayang pilit na kumakawala sa mga labi ko. Kasi inaalala parin niya ako.
“Wow thank you Engineer Ramirez ha?” Puno ng sarkasmong sabi ko.
“Walang ano pa man Mrs. Ramirez.” He winked.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top