Chapter 23
"Hello Raf." Humuhikab na sabi ko habang nag-uunat ng katawan dito sa higaang papag. Alas dose na ng madaling araw nang sagutin ko ang tawag ni Raf sa cellphone ko. Napaismid ako at napahawak sa likod kong sumasakit dahil sa matigas na higaan.
Ibang-iba ang hinigaan ko rito kagabi, dahil 'yong kama doon sa guest roon nila Rafael ay malaki at napakalambot.
Kaso nga lang nakakatakot naman ang kwarto na iyon dahil napakalawak no'n at luma na ang disenyo. Parang yung mga sinauna at pangmayaman na kwarto sa mga horror or histotical movies?
Buti pa dito sa bahay ni Tita sobrang sikip ng kwarto na pagtayo ko sa papag ay kaharap ko na kaagad ang pinto, hindi na ako matatakot pa na baka makakita ako ng kung ano.
"I miss you Elleonor,"
Napangiti ako nang marinig ko na ulit ang boses niya, ilang oras pa lang kaming 'di nagkasama'y miss ko na rin kaagad siya. Ang sarap din talaga pakinggan nitong boses niya lalo na kapag binabanggit niya ang pangalan ko. Para akong hinehele nito, lalo pa ngayon na ganitong oras na.
"Bakit gising ka pa?" He asked.
The sound of his deep raspy voice was slightly muffled after going through my phone's speaker.
Umupo ako sa higaan at sumandal sa dingding bago sagutin ang tanong niya, "Hindi ako makatulog kakaisip sa'yo Rafael Sebastian."
Narinig kong tumawa siya sa kabilang linya at nagtaasan naman ang mga balahibo ko dahil doon, para kasi talaga akong kinikiliti ng boses niya. I suddenly felt an urge to see him. Kung pwede lang na punatahan ko siya ngayon ay ginawa ko na.
"Ako rin 'di mo ako pinapatulog, buwisit ka." He said. I felt something then a smile appeared in my face.
"Buwisit ka rin, tumawag ka lang ba para inisin ako?" Mataray na tanong ko sa kaniya para mas humaba pa ang usapan namin, ayoko pa kasing matapos ito.
"Pwede ka bang lumabas?" Rafael asked.
"At bakit? Madilim na kaya, baka mamaya kung ano pang makita ko sa labas 'no!"
"Ayaw mo ba akong makita?"
Nawala ang nararamdaman kong kaunting antok nang sabihin iyon ni Rafael, agad akong nag-ayos sa maliit salamin na nakadikit dito sa likod ng pinto bago sumilip sa labas ng aking kwarto.
Nakapatay na ang mga ilaw at tunong nalang ng mga kuliglig ang naririnig ko. Mukhang tulog na sila Mommy.
"Na-nandiyan ka Raf?"
"Bakit hindi mo tingnan?" He chuckled.
Halos magkandarapa ako habang kumakaripas pero maingat na humakabang para iwasang gumawa ng tunog palabas sa bahay ni Tita Rita. I didn't even bother turning the lights nor using my phone as a flashlight. Sinundan ko lang ang kaunting liwanag na nanggagaling sa maliit na siwang ng pinto, ang cellphone ko naman ay nanatiling nakalapat lang sa aking tenga.
"Ganda."
I swallowed as soon as I saw him, he was standing near his red convertible car. I was really fascinated on how the moonlight highlighted his gorgeous features.
Hindi ko alam kung dahil ba ito sa malamig na hangin pero pakiramdam ko ay lumilipad ako sa ere habang tinititigan siya.
"Siraulo ka talaga," nakangiting saad ko parin sa telepono kahit magkaharap na naman kami at ilang hakbang nalang ang layo ng mga katawan namin.
Ano bang ginagawa niya rito? Dinala niya pa 'yung kulay pulang kotse niya na walang bubong, 'wag niya sabihing magjo-joyride kami ng ganitong oras?
"Siraulo nga siguro..." Saad nito habang nakatapat parin ang ang cellphone sa kaniyang tenga. Diretso siyang nakatitig sa akin na para bang ako lang ang nakikita niya sa lugar na ito.
Sinunggaban ko siya ng yakap at ipinatong ang mukha ko sa kaniyang matipunong dibdib. Gustong-gusto ko talagang ginagawa 'to dahil nararamdaman ko na talagang ligtas ako kapag nasa ganito kaming posisyon.
"Thank you for making me feel safe." I whispered as I hug his waist more tightly.
I felt his hands caressed my back then he said something, "Elle, thank you for keeping sane."
My body shivered when I felt his warm breath in my ear down to my neck.
"Ang sarap!" Nakatayo ako ngayon sa sasakyan niya at hinahayaang dalahin ng hangin ang buhok ko. Hindi ko alam kung saan kami pupunta ni Rafael pero ang daan na ito ay papunta sa siudad.
"Rafael sa'n tayo pupunta ha?" Umupo ako at humalukipkip bago siya pinaningkitan.
Mukhang tama kasi ang iniisip ko na balak niyang pumunta doon.
"City," Tipid na sagot nito habang nanatiling nakatitig sa kalsada na halos walang kalaman-laman dahil anong oras na.
"Sira ba ulo mo? Ilang oras kaya ang byahe papunta do'n."
Kakayanin ba 'to ng sasakyan niya eh halos sampung oras ang byahe papunta doon?Dapat pala tinanong ko muna siya kung saan niya balak pumunta bago ako suamakay rito.
"Magtiwala ka sa akin Elleonor." He gave me a slight smile bago hawakan ang kamay ko at halikan ang likod no'n.
May pinindot siya sa gilid para lumitaw ang bubong ng sasakyan. "Matulog ka muna kung inaantok ka na."
Nagising ako dahil sa amoy ng gasolina, napansin ko na may araw na rin dahil nakababa na ang bubong nitong convertible car. Alas sais ng umaga ang oras na nakalagay sa cellphone ko.
"Magandang umaga."
Napangiti nalang ako nang rumehistro sa mukha niya ang isang nakakasilaw na ngiti. Totoong maganda nga ang umaga kung siya ang unang makikita ko. Alam kong masyado pang maaga para hilingin ito, pero sana siya na nga ang lalaking makakasama ko habang buhay.
"Inaakit mo ako Raf." Singhal ko.
Nagsimula na ulit siyang magmaneho pagkatapos magpagasolina, siguro pagod at antok na siya dahil halos anim na oras na niyang hawak ang manibela. Kaya naman inalok ko na siya.
"Raf marunong akong magmaneho."
May kotse naman kasi ako bago kami mawalan ng pera, sixteen years old palang ako no'ng niregaluhan ako ni Daddy no'n. Halos four years na akong nagdadrive kaya alam kong sanay na talaga ako.
"Hoy Raf," Biglang kumulo ang tiyan ko kaya natahimik na lang ako sa pangungulit. Nakakahiya.
"I ordered this while you were asleep." May iniabot siya sa akin na paper bag ng isang fastfood chain, tiningnan ko ang laman no'n at napangisi. Inamoy ko pa ng paulit-ulit iyon, I missed the smell of pancakes in the morning together with a hot coffee.
"Thank you Raf, ikaw paano ka?"
"Kakain ako mamaya." Sagot niya.
"I'll feed you nalang." Pagpiprisinta ko habang nakatitig sa mga labi niya. Ang unfair! Bakit natural na mapula ang labi ng mga lalaki tapos kapag mga babae kailangan pa ng lipsticks?
"Alright, feed me later." Gumuhit ang isang pilyong ngiti sa mga labi niya kaya nasamid ako sa sarili kong laway.
"Bahala ka na ngang magutom d'yan!" Inirapan ko siya kahit hindi naman niya makikita iyon dahil nasa kalsada ang tingin niya. He just laughed.
Bakit kahit naiinis ako sa kaniya ay parang musika parin sa tenga ko 'yong tawa niyang lalaking-lalaki? Napakalandi nitong utak ko, pumapalakpak na naman ang kalamnan ko.
"Inaakit mo ako Elleonor."
Gusto kong sapakin ang mukha niya dahil dito sa pinaparamdam niya sa akin. Actually hindi naman ako naiinis, kaya ko lang naman siya gustong hampasin dahil kinikilig ako. Binuksan ko na lang ang lalagyanan ng pancake dahil wala ng pagsidlan ito, ikakain ko nalang kesa mapansin pa niya.
"Elleonor,"
Natigil ako sa pagnguya nang banggitin niya ang pangalan ko, inihinto niya sa gilid ng kalsada ang sasakyan at tumitig ng ilang segundo sa mga mata ko. "Puwede ba akong magtanong?"
Nilunok ko ang mga natitirang pagkain sa bibig ko, napahawak rin ako sa aking dibdib dahil biglang sobrang lakas ng pagkabog nito.
"Ano 'yon Rafael?" I asked nervously.
"Will you marry me?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top