Chapter 22

Bigla akong hinigit ni Nanay Teresita sa lababo ng kusina nang makita niya akong nagpupunas ng counter top doon. Gusto ko lang naman tumulong sa kaniya pero ganito ang naging reaksyon niya.

     “Aray nasasaktan ho ako,“ Angal ko.

Matalim ang mga titig niya at marahas ang ginagawa niyang pagkuskos sa likod ng kamay ko upang mabura ang nakasulat doon.

“Ano bang problema Nay Tere?”

Bakit big deal sa kaniya 'yong initials ni Rafael na nakasulat dito sa likod ng ng palad ko?

    “Hindi dapat makita ni Sebastian 'yan.”

Speaking of Rafael, bigla nalang siyang umalis noon pagkatapos niyang humingi ng patawad. May iniutos pa raw kasi si Don Ricardo sa kaniya. Kaya naman heto napagpasyahan ko munang maglinis ng kusina nila kasi napansin kong medyo marumi ito, noong hinahanap ko siya kaninang umaga.

     “Siya ang sumulat niyan sa kamay ko Nay. Ibig sabihin nakita na niya 'yan.” Saad ko pa.

“Alam ko,” Tugon nito at pinakawalan na ang namumula kong kamay matapos niyang mabura iyong 'RS'.

Ang gulo niya, kung alam niyang si Rafael ang sumulat noon bakit sasabihin pa niya na hindi dapat makita 'yon ni Raf?

“Hindi mo kasi ako nauunawaan.” Naiinis na sabi nito bago ako talikuran at tsaka dire-diretsong lumakad papunta sa pintuan ng kusina.

  “Kung ganoon ipaunawa niyo sa akin.”

Natigil siya dahil sa sinabi ko at nanatiling nakatayo sa harap ng pinto habang hawak ang seradura noon. Nagtaas-baba ang mga balikat ni Nanay Tere matapos humugot ng hininga. Akala ko ay may sasabihin na siya, pero lumabas lang siya ng tuluyan.

I am getting really confused! How am I suppose to protect Rafael if I don't even know the whole story? Hindi niya ako magawang pagkatiwalaan. Hindi ba kapani-paniwalang mahal ko talaga ang anak niya?

“Elleonor?” Nagitla ako nang marinig ko ang boses na iyon.

        “Rafael!”

“Kanina pa ako naghahanap sa iyo.” Lumapit kaagad siya sa akin matapos niyang makapasok sa kusina. Hinalikan niya ako sa pisngi at pinagkatitigan ng matagal-tagal, para bang kinakabisado niya ang itsura ko.

“Tapos na ba 'yong ipinagagawa sa'yo ni Don Ricardo?” Tanong ko.

Tumango siya at lumawak ang ngiti, hinawakan niya ang mga kamay ko at pinagsaklop ang mga daliri namin. “Tayo sa sala.”

I cleared my throat. “Raf ako naman sana ang may ipagagawa sa'yo.”
    
    “Ano 'yon Elleonor?” He asked, still smiling. Mukhang maganda-ganda na ang mood niya ngayon.

“Bigyan mo sana ng bagong trabaho si Travis, kahit wag na bahay.” Mahinang tugon ko at naglipat ng tingin sa magkahawak naming mga kamay. Kasabay noon ay napalunok ako dahil sa nadarama ko, pakiramdam ko kasi ang kapal ng mukha ko para hilingin 'yon sa kaniya.

       “Bakit ko naman gagawin 'yon?”

“Nagalit sa akin lalo ang pinsan ko dahil sa ginawa mo Rafael.”

Ayoko kasi na mas lalo pa kaming masira ni Myra ng dahil lang sa ginawa ni Rafael kay Travis. Mahal ko ang pinsan ko kahit hindi niya ako magawang paniwalaan, napakabait niya sa akin at isa siya mga taong mapagkakatiwalaan ko noon. Sana kasi ay hindi nalang ginawa ni Travis sa akin 'yon, nasira tuloy ang magandang relasyon namin sa pamilya nila Tita Ines.

      “Ginawa ko?”

“Raf 'yon nalang ang hinihingi ko, sana mapagbigyan mo ako.” Bahagya kong  pinisil ang mga kamay niya.

“S-sige, pasensiya na sa ginawa ko Elleonor.” He replied.

      “Oo na nga 'di ba, basta wag mo nalang uulitin ha?” Tumunghay ako at binigyan siya ng isang matamis na ngiti, ibinalik naman niya iyon at tumango.

“Pagpasensiyahan mo na ako Elleonor kung may mga nagagawa ako minsan na ayaw mo.” Ani ni Rafael habang naglalakad kami sa mahabang hallway papunta sa living room nitong bahay.

     “Syempre naman Raf,”

“Kung may masabi man akong mali, sana maintindihan mo na hindi ko sinasadya 'yon.” He sounds like he's in the verge of crying, my heart aches for him.

       “Raf I know that you're good person, hindi kita huhusgahan sa isang pagkakamali mo lang.”

“Napakawswerte ko sa'yo,”

     Inilapat ko ang hintuturo ko sa labi niya upang patigilin siya sa pagsasalita. “Ako ang swerte sa'yo Rafael dahil nagawa mo parin akong tanggapin kahit ilang beses na kitang nasaktan.”

NAGLALAKAD ako ngayon dito sa may talahiban pabalik sa bahay nila Tita Rita, mag-isa lang ako dahil bigla raw sumakit ang ulo ni Rafael. Mabuti nalang at dumating kaagad si Nanay Tere kasi siya talaga ang hinahanap nito.

Bigla nalang parang bata siyang umasta, hindi na ako magtatakang kaya hanggang ngayon ay tinatawag parin siyang 'Tutoy' paminsan ni Nanay. He was so cute and I really wanted to pinch his cheecks, sayang nga lang at kailangan ko ng umuwi.

      “Masaya ka na ba?”

“Pwede ba? Wala akong panahon para makipag-away sa iyo.” Umiwas ako sa kaniya pero talagang sinusubukan niya ako at hinarangan parin talaga ang daraanan ko.

      “Masaya kami ni Baste bago ka dumating sa buhay namin!” She yelled.

“Ikaw na mismo ang nagsabi niyan Sandra, masaya kayo 'bago' ako dumating. Malas mo lang dahil nandito ako.” Hinawi ko ang buhok ko at binangga ang balikat niya upang lampasan siya.

     “Sinabi sa akin ni Baste na espesyal ako sa kanya noong mga panahong wala ka!”

Hinarap ko siya dahil sa sinabi niya, “Baka espasol? Tingnan mo nga 'yang kulay ng mukha mo, 'di pantay sa leeg mo.”

Awtomatiko rin na tumaas ang kilay ko dahil pinapainit niya ang ulo ko. Gagawa na nga lang siya ng kwento'y iyong hindi pa kapani-paniwala! What a desperate move.

     “Nagpapasalamat siya sa akin noong mga panahong iniwan mo siya dahil ako ang naging sandalan niya.” Matapang na sabi nito.

Humalukipkip ako at ngumiti sa kaniya, hinayaan ko lang ang sarili ko na makinig sa mga kasinungalingang nanggagaling sa bibig niya. Nakakatuwa iyon dahil alam ko naman ang totoo. Paanong magpapasalamat si Rafael sa kaniya kung halos sugurin na nga siya noon kanina ng dahil sa galit?

“Talaga ba Sandra?” I teased.

       “Hindi ko alam kung anong ginawa mo sa kaniya at nakumbinse mo siya na balikan ka!” Susugod na sana ito sa akin ngunit agad akong nakaiwas kaya nasubsob siya sa mga talahib.

I looked down on her. Nakakulay puting saya pa naman siya, bakas na bakas tuloy ang putik doon.

   “Mahal ako ni Rafael, 'yon lang ang dahilan kung bakit siya bumalik sa akin.”

Matapos kong sabihin iyon ay iniwan ko na lang siyang nakalugmok doon sa putikan, masyado niya akong sinusubukan. Mabuti nalang talaga at hindi ko siya uurungan dahil hindi ako magpapaapi. Sa ganda kong 'to? Hindi isang katulad ni Sandra ang makakatalo sa akin. Mamatay siya sa inggit sa amin ni Rafael, wala akong pakialam.

“Saan ka ba nanggaling Elleonor Guiller ha?”

     “Bigla kayong nawala noong anak ni Don Ricardo tapos ngayon ka lang uuwi?”

“Halos isang araw kang nawala!”

    Kakatok pa lang sana ako sa pinto ng kubo ni Tita nang biglang bumukas iyon at sinasubong ako ng sunud-sunod na sermon ng aking magandang ina.

      “Pasensiya na, nagpunta lang naman kami ni Raf sa sementeryo.” Napahawak ako sa batok ko.

“Sa sementeryo pa talaga kayo gumawa ng milagro?” Napahawak si Tita Rita sa kaniyang bibig.

     “Tita!”

“Rita!”

    Halos sabay-sabay na napasigaw kami nila Mommy at Daddy dahil sa tunuran ni Tita Rita.

     “Biro lang kayo naman! Pinapagaan ko lang ang mga buhay niyo.” Humagikhik siya.

“Hindi magandang biro 'yon Rita ha!” Bumaling si Mommy sa kaniyang kapatid.

  Napatingin naman ako kay Tita Rita at kinindatan niya ako, pasimple niyang inunguso 'yong kwarto. Nagpapasalamat ako sa kaniya dahil tinulungan niya ang makatakas sa madamagang sermon ni Mommy.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top