Chapter 21
“Rafael ikaw ba 'yong may gawa noon kay Travis?” Nakapamewang akong lumapit sa kaniya dito sa may hardin ng hacienda. Prenteng nakaupo siya roon sa kulay puting bakal na upuan habang nagbabasa ng dyaryo.
“Why?” Una niyang ibinaba ang dyaryo sa lamesa at tumingala sa akin. Dahil doon ay muntikan ko ng makalimutan ang talagang pakay ko sa kaniya, napanganga na naman kasi ako sa kagwapuhan ni Raf.
Umiling ako upang matauhan at bago pa tuluyang tumulo ang laway ko. “Anong why? Raf, grabe 'yong ginawa mo.”
Nasira ang umaga ko ngayon dahil sa biglang pagtawag kanina ng pinsan ko na si Myra, she's blaming me and cursing me so bad. Galit na galit siya dahil nawalan raw ng trabaho ang boyfriend niyang si Travis at nasunog pati ang bahay. Sinabi pa niyang kagagawan raw iyon ng nobyo kong si 'Ares'.
Napangisi si Rafael at sunod na ibinaba ang tasa ng kape na hawak niya sa kanang kamay. Parang natutuwa pa siya sa mga naririnig niya. “Dapat pala hindi ko nalang ibinalik sa'yo ang cellphone mo 'no?”
“Rafael I'm being serious here!” I sounded frustrated because I am. Hindi ko akalain na magagawa niya ang mga bagay na iyon. I am aware that his father is a billionaire and they are capable of doing almost anything but how dare he do such cruel act?
“Ikaw ba 'yong Ares na sinasabi ng pinsan ko at bakit napakadami mo namang pangalan tsaka bakit mo naman nagawa 'yon? Pakiramdam ko nagkamali ako ng pakakakilala sa'yo Raf.”
Masyado akong nalilito, akala ko isa siyang anghel na hindi makagagawa ng ganoong mga bagay dahil narin sa pinagdaanan niya noon. Pagkatapos malalaman ko na may pinatanggal siya sa trabaho at may pinasunog na bahay? Kinakabahan na tuloy ako sa mga kaya pa niyang magawa.
Lalo namang nadagdagan ang mga daga sa dibdib ko nang mawala ang ngiti sa labi ni Raf at bigla niya akong hinawakan sa may pulsohan.
“I did that for you.”
“T-that's too much,” I stammered, my tongue is tied.
“Kulang pa iyon Elle.” Sagot nito at humugot ng ballpen sa kaniyang bulsa.
“Raf paano nalang kung napahamak siya?” Alam kong matindi rin ang ginawa sa akin ni Travis at hindi ko pa siya kayang patawarin, pero hindi ko rin naman hinihiling na may mangyari masama sa kaniya. May puso at konsensiya parin naman ako kahit na papaano.
“Edi maganda kung gano'n.” He chuckled while writing something on the back of my hand. I can't believe him, how could he be so chill like he haven't done something bad?
“Rafael natatakot na ako sa'yo.”
“Elle, alam mo naman na nagbibiro lang ako.” Lalo siyang napahagikhik matapos sabihin iyon.
Ilang sandali pa ay binitawan na niya ang medyo nanginginig at nanlalamig na kamay ko. Kumunot naman ang noo ko pagkatapos kong basahin ang isinulat nitong si Rafael sa likod ng aking palad.
“RS?”
“Rafael Sebastian, baby.” Kinindatan niya ako.
“Oh, that's why she keeps calling you Ares.” Tumaas ang kilay ko at tsaka tumango-tango. Bakit hindi ko manlang naisip na initials pala niya 'yon?
Nagkibit balikat siya at hinawakan ulit ang mga kamay ko, medyo nawala na naman ang nerbiyos ko kaya hindi na malamig ito. Okay na na hawakan niya, “Elle nagawa ko lang naman 'yon dahil nadala ako ng galit. Huwag ka sanang matakot sa akin, p-patawarin mo ako.”
Parang kinurot ang puso ko dahil sa mga lumalabas na salita sa bibig niya, It sounded so deep and sincere. Umupo ako sa isa pang upuan doon dahil ayaw na niyang bitawan ang kamay ko at tsaka pinagkatitigan siya sa mata.
“Hindi na ako matatakot at pinapatawad na rin kita, 'wag mo nalang sanang hayaang mangibabaw ang init ng ulo mo sa susunod.”
Hindi ko kayang tiisin si Rafael, mahal na mahal ko na nga yata siya at pakiramdam ko'y nabubulag na ako noon. I can get lost in his hazel eyes for eternity and would still not be tired of wandering.
He smiled, a smile that I would die for. “Alam mo bang naramdaman kong may kakaiba sa'yo noong una palang kitang makita?” Hinawakan niya ang mukha ko at iniipit sa likod ng tenga ko ang ilang mga hibla na tumatakip dito. He was staring at me with a spark of something in his eyes.
“Napakayabang mo kaya noon!” Naalaala ko tuloy kung paano niya ibinaladra at ipinagyabang sa akin noon ang katawan niya doon sa ilog.
“You we're spying on me.”
Aba hindi parin ba kami tapos diyan sa issue na 'yan? Ilang beses ko ba dapat ulit-ulitin sa kaniya na, “Hindi nga kita sinisilipan no'n.”
Humalakhak siya dahil doon sa sinabi ko kaya nagsimula na namang kumulo ang dugo ko sa kaniya. Naalala ko tuloy 'yong mga ginawa niya noon sa tabing ilog, inaakit niya talaga ako noon e! I'm sure of that!
“Ikaw nga pinasok mo ako sa banyo! You pervert!” Pambabaliktad ko sa kaniya.
“Ginawa ko 'yon?” Nagsalubong ang kilay ni Rafael na para bang hindi niya talaga na aalala na 'yong nangyari, e halos lumuwa na nga ang mga mata niya noon!
“Hindi ko maalala, sayang naman.”
Ang kapal naman ng mukha ni Rafael! Ganoon ba talaga kadaling kalimutan ang katawan ko para hindi niya 'yon maalala? Model kaya ako at sabi pa nga ni BDO ay napaka-sexy ko!
“Pero aalala ko 'yong hinalikan mo ako sa kubo.”
Tinampal ko ang kamay niya, sobrang makalilimutin naman ng isang 'to. Pati ba nman 'yong nangyaring halik sa amin sa kubo ibabalik niya pa sa akin!
“Ikaw kaya ang humalik sa akin no'n!”
“Biro lang,” he gushed.
“Not funny though.” Inirapan ko siya at humalukipkip.
“You're really cute, but you're killing me.”
Parang may laman ang huli niyang tinuran, hindi ko alam kung nagbibiro ba siya ulit o totoong pakiramdam niya ay pinapatay ko siya. Bakit naman?
“And how am I killing you?” I teased him.
Natahimik siya bigla pagkatapos kong itanong iyon, parang may nakita siyang kung ano sa 'di kalayuan kaya napatingin rin ako doon. He was looking at Sandra, he was looking at her so intense.
“Anong ginagawa ng babaeng 'yan dito?”
Awtomatikong naglapat ang tingin ko doon sa mga kamao ni Rafael na ngayon ay nakakuyom na. Parang ilang sandali lang ay handa na siyang sumugod.
“Rafael ano ka ba?” I snapped at him.
“Elle ipinahamak ka ng babaeng 'yon!”
Bakit bigla nalang siyang nagalit kay Sandra? Napakabait kaya niya diyan sa kababata niya, kaya nga naiinis ako sa kanya minsan dahil simpleng paglayo lang kay Sandra ay hindi niya magawa.
Mukhang sineseryoso na niya ang mga sinasabi ko ah?
“Okay na ako Raf.” I reassured him.
Tumayo ako at lumapit sa kaniya upang bigyan siya ng isang mahigpit na yakap. Sana naman ay mapakalma ko siya kahit papaano dahil dito sa yakap ko.
“Breathe Raf,” I consoled him, caressing his hair. Naramdaman kong gumaan ang pakiramdam niya matapos huminga ng malalim.
“Rafael ayos ka na ba?”
“Elleonor–“ Tumayo siya habang titig na titig sa akin bago ako sunggaban ng yakap, sobrang higpit noon na para bang matagal kaming hindi nagkita.
“Kung ano man ang nagawa ko Elleonor patawarin mo ako.” He whispered, still hugging me.
“Sinabi ko naman sa'yong pinapatawad na kita 'di ba?”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top