Chapter 2
Naliligo ako ngayon dito sa banyo na sira ang lock ng pinto. Hinarangan ko nalang ito ng timba na may lamang tubig. Grabe kasi talaga ang putik sa katawan ko't kailangan ko ng maligo. Pinahiram muna ako ni Aling Tere ng damit, dahil naawa ito sa sobrang dungis ko. Pero kung hindi rin naman dahil sa anak niya hindi ako magkakaganito!
Nagsabon ako ng katawan pati ng mukha ko kaya nang maramdaman kong gumalaw ang pinto ay naghilamos agad ako. Napamura ako nang mapansin kong dumulas lang yung timba sa gilid ng pinto, tapos biglang pumasok ang isang lalaki.
“AHHHHH!” Napatili ako at hindi ko malaman kung anong unang tatakpan ko.
“Hala!” Parang nanigas sa kinatatayuan niya si Raf habang nakatitig sa hubad kong katawan.
“Manyak! Bastos! Bastos!” Una kong binato sa kaniya ang sabon at ang kahit ano ng madampot ng kamay ko.
“H-hindi ko naman sinasadya!”
“Layas! Lumabas ka dito manyak ka!” Halos maiyak na ako habang sumisigaw.
Nagmamadali siyang lumabas at isinara ang pinto. “Sorry! Hindi ko talaga sinasadya!” Sigaw niya mula sa labas.
“You should've knocked!”
“Naiihi na ako at tsaka bakit d'yan ka pa kasi naligo alam mo naman na sira ang lock? Paano nalang kung may ibang tao na nakapasok diyan?”
Siya pa ang may ganang mag-sermon sa akin, halos lumuwa na nga ang mata niya nung makita niya ako at tsaka hindi pa ba siya ibang tao?
Nagmamadali akong nagbanlaw at nagbihis, naabutan ko siyang nakatayo sa labas nitong banyo habang hawak ang pantog niya.
“Tapos ka na ba pakidalian mo ihing-ihi na ako.”
“Bakit hindi ka pa umihi d'yan sa puno o kaya sa damuhan?! Hinintay mo pa talaga ako tapos ako ang sisisihin mo?” Inirapan ko siya at hinawi ang basa kong buhok.
“Gusto mo bang may iba pang pumasok diyan sa loob at makita 'yang katawan mo?” Inis na sabi niya tsaka pumasok sa loob ng banyo.
Kinagat ko ang aking labi para pigilan ang sarili ko na mapangiti, ang bait lang kasi niya para sa akin. Nagsisisi tuloy akong binungangaan ko pa siya ngayong iniisip lang naman niya ang safety ko.
Nakasimangot siyang lumabas sa banyo, akala mo pinagsakluban ng langit at lupa.
“Thank you.” Nginitian ko siya pero hindi niya iyon ibinalik.
“Makikiraan.” Saad niya bago ako talikuran.
“'Wag ka ng magalit.” Medyo naiilang akong hawakan siya, nakita niya kasi 'yung buo kong katawan e!
“Hindi naman ako galit.”
“E bakit ganyan ka?”
“Bakit ano ako?” Bigla siyang humarap sa akin at naglakad palapit.
“You're too distant.” Saad ko pa.
“Bakit close ba tayo?”
Bumagsak ang balikat ko dahil sa sinabi niya dahil parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Pero tama naman siya, hindi nga naman kami close. We're not even friends and I think it's better for us to stay that way.
Tinulungan ako ni Mang Ely na magpakain ng kabayo, manok, isda, baka, bibe at baboy. Sobrang nakapapagod naman pala ito, sinubukan pa rin kasing mag drive ng side car. Baka hindi rin pala ako magtagal sa trabahong 'to, dahil hindi ako sanay na nagbabanat ng buto.
Hindi ko na naman na nakita si Raf siguro'y umiiwas na talaga siya sa akin. Akala ko pa naman kahapon magiging magkaibigan na kaming dalawa, siguro nga hindi lang talaga swak ang mga ugali namin.
“Gusto mo?”
May lumapit sa akin na isang binata at nag-alok ng suman. Ngumiti lang ako sa kaniya at umiling pero tumabi siya sa silya na inuupuan ko.
“Hindi ka taga rito 'no?”
“Oo.” Sagot ko.
Pilit kong pinigilan ang sarili kong sumulyap sa mga trabahante na naghahakot ng sako. Bakit ba nagbabakasakali akong makita si Raf?!
“Iba kasi ang ganda mo.”
Napatingin ako dito sa lalaking katabi ko na kumakain ng suman, mukhang hindi naman siya nagtatrabaho dito. Parang mga lalaki sa siudad ang pormahan niya, pero bakit naman siya naligaw rito?
“Nagtatrabaho ka ba dito?” Tanong ko at mas lalo pang pinagmasdan ang porma niya. Pormahang f boy, to be exact.
“Hindi.” Umiling siya.
Napatingin ako sa relos niya at napangiti dahil mukhang may ibubuga ang isang 'to. Hindi ako nagbibiro nung sinabi ko sa sarili ko na naghahanap ako ng mayaman dito.
“E anong ginagawa mo dito?” Tanong ko pa.
“Supplier ni Don Ricardo ng mga pagkain ng hayop ang Daddy ko, may farm kami malapit lang dito.”
Lalong lumawak ang ngiti ko at tuluyan ng humarao sa kaniya dahil baka siya na nga ang hinahanap ko?
“Anong bang pangalan mo?” I was grinning from ear to ear and imagining the life I would be having if he happens to be that right person who will save me from this mess.
“I'm Arthur Innocencio, you?”
“Elleonor!” Napalingon ako dahil bigla akong tinawag ni Raf, may dala-dala siyang dalawang sako at lumapit sa amin ni Arthur.
“Raf.” Mukhang pagod na pagod na ito pero kahit ganoon ay napakagwapo parin niya. Sabihin na nating lamang siya ng limang paligo dito kay Art kahit puno siya ng pawis.
“Ililibot na kita sa Hacienda.” Seryosong tugon ni Raf at binalingan ng tingin si Art.
“Raf si Arthur pala–” Pagpapakilala ko pero pinutol agad 'yon ni Raf.
“Tayo na Elleonor.”
“Arthur sige, mauna na kami.” I smiled habang papalayo kami.
Sumunod ako kay Rafael kung saan man siya pupunta, hinawakan niya kasi ako sa pala pulsuhan kaya wala talaga akong magagawa kung hindi ang sumunod. Sayang naman, sana magkita pa ulit kami ni Arthur.
“Pinopormahan ka ba no'n?”
Kunot noong tanong niya, hindi ako nakasagot agad dahil pinagmamasdan ko ang pawis na tumutulo sa leeg niya papunta sa kaniyang matipunong dibdib.
“H-hindi, nakikipagkaibigan lang.”
Bakit ang bango parin nitong si Raf kahit pawis na pawis na?
“Sobrang lapit niyo na sa isa't-isa, hindi ka man lang umuusod kahit kaunti.” May pag-aakusa ang tono ng pananalita ni Raf.
Kung makapagsalita naman siya d'yan akala mo may relasyon kaming dalawa!
“Lumalayo kaya ako.” I rolled my eyes and crossed my arms.
“Talaga lang ha? Baka nga sumama ka na doon kung hindi pa ako dumating.”
May tyansa naman na sumama ako, pero siyempre aalamin ko muna kung talagang may laman ang wallet no'n. Dapat sigurista ako, sayang naman ang ganda ko.
“Hindi ah, hindi ko nga tinikman yung suman niya.”
“Anong suman?” He glared.
“Suman ni Arthur.”
Nakakunot parin ang noo niya nang maglabas siya ng isang kabayo at hinimas iyon. “Jack igagala natin itong malditang babae.” Parang tuwang-tuwa yung kabayo nang tawagan ni Raf ang pangalan nito. Ang ganda ng kabayo, kulay brown ito at may batik na mas maitim pa.
“Raf hindi ba ako sisipain niyan?” Tanong ko sa kanya pagsampa niya sa kabayo.
“Subukan mong umakyat mula dito sa likuran niya tapos tingnan natin kung tatalsik ka.” Tumawa siya habang nakatitig sa akin. Pinagtatawanan niya ako ganon?
I crossed my arms over my chest. “Ang yabang mo.”
“Come on ride me– ay, with me pala..” Ayan na naman siya sa pilyong ngiti niya.
“Gaano ka na ba katagal dito sa probinsya?” Tanong ni Raf habang nakasakay kami sa kabayong si Jack at naglilibot sa hacienda.
“Magdadalawang linggo pa lang.”
Tumikhim siya at mas pinabilis ang pagtakbo ni Jack. “Kamusta pala sa Maynila, may kasintahan ka bang naiwan doon?”
“Ayos na ayos ang buhay ko doon, spoiled ako kila Mommy at Daddy e. Tsaka wala, wala akong boyfriend strict si Dad.”
Nakikiliti ako sa hawak ni Raf, silk kasi itong kulay pink na saya na suot ko. Medyo nararamdaman ko din yung buhok ng kabayo sa hita ko kasi maikli lang ito.
“Mayaman pala kayo, ilibre mo naman ako.” Asik niya.
Bigla akong nalungkot dahil naalala ko na naman ang mga magulang ko. Nakalaya na kaya 'yon si Dad? Hindi pa kasi sila tumatawag sa akin simula nung makarating ako dito.
“Raf tingin mo ba masama akong tao?”
Natagalan siya bago sumagot. “Medyo?”
“Gano'n ba?” Huminga ako ng malalim at lumingon-lingon sa kakahuyan. Kahit si Rafael na kakakilala pa lang sa akin, masama na kaagad ang tingin sa tulad ko.
“Biro lang, suplada ka lang tsaka masungit pero siguro naman mabuti kang tao. Sa tatlong araw palang nating magkakilala ang sarap na maging komportable sa'yo.”
Napangiti ako ng bahagya, nakakataba naman ng puso ang mga sinasabi niya. “Talaga?”
Wala kasi akong masyadong kaibigan dahil may attitude daw ako, pinipilit ko namang magpakabait pero iniiwasan parin nila ako. Mga inggitera yata 'yong mga iyon?
“Oo magaan kang kasama, tsaka bakit mo naitanong?” Saad niya bago bumaba kay Jack tapos hinawakan ng magkabilang kamay niya ang bewang ko para tulungan akong bumaba.
“Iniisip ko kasi na baka kaya minamalas ako kasi masama ang ugali ko.” Umismid ako.
“Siraulo ka, ang kulit mo.” Saad niya at ginulo ang buhok ko. Gusto ko sanang sabihin na magaan rin ang pakiramdam ko kapag kasama ko siya pero umatras ang dila ko.
Itinali niya sa puno si Jack at hinila ako papunta sa taas ng burol. “Maganda rito.”
May maliit na bahay kubo sa edge ng bundok, kitang kita ang tanawin mula sa bintana nito. “Kaninong kubo na 'to?”
“Kay Nanay Tere, dito kami nakatira bago lumipat sa Hacienda. Dito ako lumaki.”
Ang lawak ng ngiti niya habang sinasabi ang mga iyon, mukhang masaya talaga ang mga alaala niya dito. Hindi ko namalayan na nakatulala na pala ako sa kaniya habang nagkekwento siya ng kung anu-ano.
He really look gorgeous, the one that you would see on commercials or magazines.
“Madalas akong naglalaro dito noon.” Nagtama ang mga mata naming dalawa nang tumingin siya sa akin. Ilang sandali pa ay nawala ang mga ngiti niya at mas lumalim pa ang titigan naming dalawa.
I felt something but I couldn't point out what it was, he leaned closer to me as he tucked my hair behind my ear. “Bakit ganito?” He asked out of context.
Dinampian niya ang labi ko at tumitig muli sa mga mata ko, parang hinanap naman ng sistema ko ang halik na iyon.
I felt his warm lips for the first time and I couldn't get enough of it.
“Pasensiya ka na.” Saad ni Rafael.
Pero imbes na sumagot ay lumapit muli ako sa kaniya. Naramdaman ko ang pagkabigla niya noong hinawakan ko ang batok niya at inilapit ang mukha niya sa akin. We kissed passionately as his tounge started to seek for entrance.
I breathe and giggled in between our kisses, I felt the smirk in his as we started kissing again. I must admit that he's an extremely good kisser.
“Rafhmm.” Mahinang kinagat ni Rafael ang ibabang labi ko.
Natigil kami sa ginagawa namin nang biglang tumunog ang cellphone niya, natauhan din ako sa nangyayari. What am I thinking? Bakit ko hinayaang halikan niya ako?
“Sige-sige uuwi na ako, Nay...”
Tumitig sa akin si Raf pero iniwas ko ang tingin ko. I was still in shock, touching my lips. Mali ito, maling mali! Kapag nalaman ng mga magulang ko ang tungkol dito baka hindi lang sampal ang matatanggap ko.
“Umuwi na raw tayo.”
Tumango lang ako at nauna ng bumalik papunta kay Jack. Hindi parin ako makapaniwala sa sarili ko.
“Ayos ka lang ba Elle?”
“Yeah.” I gave him a weak smile, kanina pa niya tinatanong 'yon hanggang makabalik na kami dito sa hacienda.
“Kanina ka pa tahimik.”
“Ayos lang ako Raf.” Paninigurado ko.
“Kung tungkol 'to doon sa nangyari kanina Elle–“ Pinutol ko ang gusto niyang sabihin dahil natumbok niya ito.
“Raf yung nangyari kanina, kalimutan nalang natin 'yon.”
“Elle.”
“Raf please keep it as a secret.” Matigas na sabi ko sa kanya, maging ang kamao ko ay kumuyom dahil doon.
“A-ano ba ang meron tayo?”
“Wala Raf. It's just a kiss, nothing more.” Sagot ko sa kanya bago siya talikuran. Gusto ko lang ng kaibigan, gusto ko lang naman ng makakaunawa sa kin dito. Hindi ko kailangan ng kasintahan lalo na kung katulad lang ni Rafael.
Alam kong mabait siya pero hindi 'yon ang gusto ko. Gusto ko ng pangalan, ng impluwensiya! I want to set my father free.
I don't want to ruin my plans, my life is already a mess and I don't want to make it even messier! Mas mabuti pang umiwas na ako sa kanya habang maaga pa dahil hindi siya mabuti para sa akin. Kayang-kaya niyang madala ako gamit lang ang mga salita na nanggagaling sa bibig niya.
“Kanina pa kita hinihintay Elle, tumawag ang Mommy dito.” Ayon agad ang narinig ko pagpasok ko dito sa bahay.
“Nasa kulungan parin daw and Daddy mo.” Tuluyan ng tumulo ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan.
Hanggang sa pagtulog ko ay hindi ko parin makalimutan ang halik na pinagsaluhan namin ni Rafael. Bakit ko ba kasi ginawa 'yon?
“Oh Rafael bakit naparito ka?”
Napabalikwas ako sa papag nang marinig ko ang Tinig ni Tita Rita, lumabas kaagad ako sa kwarto dahil sa takot na baka kung anong sa sabihin niya sa tiyahin ko.
Nakaslacks siya at kulay puting polo na tinupi ang sleeves hanggang sa sa kaniyang siko. Umiling ako upang burahin sa isip ko ang paghanga sa kaniya.
“Raf!” Parang bata siya na pinagagalitan ko.
Inangat niya ang basket na puno ng mga prutas. Napakalawak ng ngiti ni Rafael. “Binibisita lang kita Elleonor.”
Nagpalit-palit ang tingin ni Tita Rita sa aming dalawa. Kaya umiling ako at hinila siya palabas sa bahay.
“Ano bang ginagawa mo dito Raf?” Inis ngunit mahinang tanong ko sa kaniya dahil sa takot kong marinig 'yon ni Tita.
“Gusto ko lang magpaalam na ligawan ka. Pasensiya na't hinalikan kita, mukhang nailang ka.”
Tumaas ang balahibo ko dahil sa sinabi niya. Liligawan ako? Nahihibang na ba siya?! “No Raf! Kaya ako naiilang kasi ayoko sa'yo, hindi katulad mo ang tipo ko Raf.”
I face palm internally, maniniwala ba siyang nailang ako e ako ang sumunggab sa kanya noong pangalawang halik?
Nawala ang malawak na ngiti ni Raf kaya medyo napaatras ako, sandali sobra yata 'yong nasabi ko sa kaniya?
“I'm sorry Raf.”
“Naiintindihan ko, patawad rin.” Tumango siya.
“Goodnight Raf.” Ayon ang huli kong sinabi bago bumalik sa loob ng bahay ni Tita.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top