Chapter 19
ILANG araw na rin siguro ako rito sa probinsya pero hindi pa ako nakahahanap ng trabaho. Ayaw rin naman kasi ni Rafael dahil siya nalang raw ng bahala sa amin. Para niya tuloy akong asawa, pati kasi pamilya ko'y sinususportahan niya.
"Baste bakit dinala mo pa siya dito 'di ba iniwan ka na nga niya?"
Narinig ko ang boses na iyon bago pa man ako pumasok sa loob ng kwadra ng kabayo. I can clearly hear her voice even under all those horses overwhelming neigh.
"Anong pakialam mo?" Lumakad ako palapit sa kanila ng nakahalukipkip. Nararamdaman ko ang tensyon na namamagitan sa aming tatlo lalong-lalo na dito sa amin ni Rafael. Umasim naman ng mukha ni Sandra nang makita niya ako.
"Alam kong iiwanan mo lang ulit si Baste kaya dapat hindi ka na bumalik pa rito!"
"Bakit ba mas marunong ka pa sa akin?"
Konti nalang talaga ay masasampal ko na ang mukha niya kahit hindi naman ako mahilig mamisikal. Sino ba naman ang hindi maiinis sa isang 'to kung ganiyan ang ugali niya? Masyado siyang pakialamera at pailalim tumira, ang bait siya kapag nariyan si Rafael.
“Sandra tumigil ka na.”
"Sebastian ako ang nandito noong iniwan ka niya."
"Nandiyan ka nga pero ako parin ang hinanap niya."
Parang nabuhusan ng malamig na tubig sa mukha si Sandra dahil sa mga lumabas sa bibig ko. Masakit man 'yon para sa kanya o hindi, kailangan ng maisampal ang katotohanan. Rafael made it obvious that he doesn't see her the way she sees him. Alin doon ang hindi niya maintindihan?
“Sobra mong sinaktan si Sebastian noong umalis ka! Patong-patong na ang problema niya noon pero pinili mo parin siyang itapon na parang basura tapos ngayon babalik ka na parang walang nangyari?”
“Sandra tama na,” Rafael said.
“Bakit ayaw mong malaman niya na grabeng sakit ang dinulot niya? Nawawala noon si Aericka, may sakit si Aling Tere at wala kang makausap noon dahil iniwan ka ng nag-iisang tao na inaasahan mong iintindihin ka.”
The feeling inside my chest became heavy after she said those words. Sobrang nasaktan ko pala talaga siya, sobrang makasarili ko noong iniwan ko s'ya at pinili ang sarili ko. Unti-unting umangat ang sakit na iyon papunta sa gilid ng mga mata ko.
Hinawakan ni Raf ang aking kamay upang pigilan ako sa mas lalo pang paglapit sa kababata niya. "Sandra mauna ka nalang muna."
“Bakit ayaw mong malaman niya na wala kang ibang masandalan noon kung hindi ako?”
“Sandra please,” He glared.
Tumingala ako sa malaking ceiling fan sa loob nitong stables upang mag-iwas ng tingin sa kanya. Hinintay ko munang makalabas si Sandra sa kwadra bago umimik.
"Ang sweet n'yo ah?" Iwinasiwas ko ang kamay ko upang mabitawan niya 'yon.
"Elleonor," He sighed.
This hurts my ego and I was so stupid. Ako dapat ang nand'yan noong patong-patong ang problema niya at hindi si Sandra. "Raf 'di ba sabi ko wag ka ng lalapit sa kan'ya?"
"Siya ang lumapit sa ak-"
"At hindi ka lumayo! Dahil nung wala ako nag-usap kayo 'di ba? Nangako ka sa akin Rafael at alam mong masasaktan ako kapag hindi mo tinupad 'yon!" Hindi ko na siya hinayaang matapos sa mga sinasabi niya dahil sobrang kumukulo na ang dugo ko.
"Hindi ko na alam ang gagawin ko noong umalis ka."
"And she was there to comfort you? Gano'n ba Rafael? Edi kung ganoon nga dapat hindi ka nalang nagpakita sa akin at nagsama nalang kayong dalawa dito!" I couldn't control the words coming out from my mouth.
Tanging singasing nalang ng mga kabayo sa loob ng kwadra ang bumalot na tunog sa buong lugar dahil natigilan ako nang napagtanto ko na nagsisimula naman ako sa basurang ugali ko. My lips shut tight because of the heavy heart I felt.
“Ihahatid nalang kita sa inyo.” I can hear the pain he hides despite that firm voice.
“I'm sorry,” I cried.
“It's not your fault that I liked you.”
Hinawakan niya ang ulo ko at ipinatong 'yon sa balikat niya kaya lalo pang bumuhos ang mga luha ko.
Sa sobrang kamalasan ko'y nadamay pati siya. “I'm sorry for being a mess.”
KAARAWAN pala ni Rafael ngayon at hindi manlang niya sinabi sa akin, hindi ko pa malalaman 'yon kung hindi dahil dito sa imbitasyon na hawak ko.
“Nakatatampo ka, ilang linggo na tayong magkasama pero hindi mo manlang naikwento 'yan.”
Babawi talaga ako sa kaniya at hindi ko sasabihin na sa isang buwan na ang birthday ko.
“Gusto kitang sorpresahin.” Malaki ang ngisi niya kaya nagpakunot ito ng noo ko.
“Puwede ba 'yon eh ikaw ang may birthday? It's your life we're celebrating.”
“You are my life.”
Parang naging reflex ko ng paluin ang braso niya sa tuwing bumabanat siya ng gan'yan sa akin.
“Magbibihis na ako.” Pinigilan kong mapangiti habang papasok sa kwarto. Napili kong isuot ang isang floral dress na hanggang hita ang haba at ga siko ang sleeves. Dala ni Rafael ang sasakyan niya para maihatid kami roon, para bang ako tuloy ang may birthday dahil nakabihis na rin sila Mommy at ako nalang ang hinihintay nila.
“Magandang gabi sa inyo.” Sinalubong kaagad ako ng yakap ni Aling Tere nang makaahon siya sa kumpol ng tao.
Kung maganda na tuwing gabi ang hacienda ay lalo pa itong naging mas maganda. Para itong reception ng isang kasal dahil sa dami ng tao at sa ayos ng mga table nakapalibot sa gitnang fountain ng hacienda. They had also put lights around the hedges and trees.
“Ikinagagalak kong makilala kayo.” Nakipagkamay si Aling Tere kay Mommy at Daddy bago kinamusta si tita Rita. Natigilan naman ang lahat at nahawi na parang dagat ang kumpol ng tao nang makita nila na palapit na si Don Ricardo. Ang kisig rin talaga ng tatay ni Rafael, hindi siya nabigyang hustisya noong malaking letrato niya sa loob ng mansion.
“Papa siya si Elleonor, kasintahan ko.”
Kanina pa tahimik si Don Ricardo, narito kami ngayon sa isang table na pinakamalapit sa malaking bahay nila. Pati si Daddy at Mommy ay tahimik lang rin, kung hindi lang madaldal si Aling Tere at tita Rita ay magiging awkward na ito. May paunti-uti ring lumalapit na bisita rito sa table upang batiin si Rafael.
Napatingin ako kay Raf nang pigain niya ang kamay ko sa ilalim ng table.
“Welcome to the family Elle.” Ngumiti si Aericka sa akin, mabait rin naman pala ang isang ito kahit na maldita.
“Sana hindi nagkamali ang anak ko sa pagpili sa'yo.” Malawak ang niti ni Don Ricardo sa akin kaya napatingin ako kila Mom at Dad, bahagya lang nila akong nginitian.
“Makakaasa po kayo.” Sinuklian ko siya ng isang matamis na ngiti.
I shrieked when Rafael appeared next to me while I was walking through the mansion's hallway. “Hey,”
Kagagaling ko lang sa comfort room mukhang mapapaihi na naman ako.
“Nakakagulat ka! Bakit ka sumunod?” Tanong ko habang nakahawak parin sa aking dibdib.
“Na miss kita agad,” he chuckled.
“Tingin mo ba nagustuhan ako ng Papa mo para sa'yo?” Hinipan ko papunta sa gilid ang buhok na tumakip sa mukha ko.
“Oo naman,” mula sa likuran ay ikinulong niya ako sa kaniyang bisig.
“Parang 'di niya ako gusto.”
“Wala naman akong pakialam.” Hinalikan niya ang pisngi ko.
Napatitig ako sa kanya ng ilang segundo at hinalikan siya sa labi. Lumalim ang halik na iyon at isinandal niya ako sa dingding ng pasilyo. His hands caressed my thighs that was clinged against his body, my arms were wrapped around his neck.
“Happy Birthday Rafael Sebastian Ramirez.” I smirked and breathed after our melting kiss. Ngumisi rin siya at hinila na ako pabalik sa event.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top