Chapter 18

PARANG hindi ako sanay na ganito katahimik ang buhay ko, 'yon bang tipong walang kamalasan na nangyayari? Sana lang talaga magtuloy-tuloy na ito dahil natatakot ako. Grabe pa naman kung bumawi ang tadhana sa 'kin.

     “Ayos ka lang Elle?” Hinawakan ni Mommy ang kamay ko habang naglalakad kami rito sa hardin na berdeng-berde dahil puno ito ng mga halaman at nagpupulaha rin na mga bulaklak. The sweet smell of the leaves from the morning dew and the mixed exotic scent of the different kind flowers like gumamela, makes me feel nostalgic.

Napapayag ko ang mga magulang ko na dito nalang muna kami sa probinsya habang hindi pa maayos ang lahat. Malaki ang pasasalamat ko kay Rafael dahil tinulungan niya akong makaluwas kami.

“Yes, may naisip lang ako.”

           “Galante 'yong kaibigan mo na nagpahiram ng pera ano? Akalain mo ilang libo din 'yon at sa first class pa tayo doon sa ferry.”

“Mabait po talaga ang lalaking 'yon.”

Nahihiya nga ako kay Rafael kasi talagang pinagkagastusan niya. Sinabi ko naman sa kaniya na mayroon pa kaming natitirang pera at sapat na 'yon para makauwi kami dito, but he insisted on giving us help. Ayaw pa nga niyang pabayaran 'yon sa akin.

“Lalaki pala ang kaibigan mo?” Natigil siya sa paglalakad at tinaasan ako ng kilay. Nanay na nanay tuloy ang dating niya, dahil nakasuot pa man din siya ng asul na duster at naka-clamp ang buhok. Tanging pagtango nalang  ang nagawa ko. Hanggang ngayon pala ay hindi ko parin pala naipakikila si Raf sa mga magulang ko.

      “Alam na alam ko ang mga ngiting 'yan.”

Hindi ko napansin na nakangiti pala ako. Umiling ako at sumagot,“It's nothing.”

      “Nanliligaw ba siya?”

Kung alam niya lang, matagal-tagal na rin kami ni Rafael. “Wala nga My.”

Bahagyang natawa ito sa tinuran ko pero humupa kaagad 'yon at napalitan ng isang seryosong payo. “Sana kung sino man siya'y, alagaan ka niyang mabuti.”

     “H'wag ka ngang umiyak diyan My! Akala mo naman magpapakasal na ako!” Pinunasan ko rin ang gilid ng mga luha ko. Napaka drama queen kasi nitong ina ko!

“Sana kasing bait siya ng ama mo.”

          “My hindi ka ba nagsisisi na si Daddy ang pinakasalan mo tulad no'ng isinusumbat ni Tita Gina?”

   “Hinding-hindi ko pagsisihan ang isa sa mga pinaka magandang bagay na nangyari sa buhay ko. Nangako ako sa harap ng altar na sa hirap o ginhawa ay hindi ko siya iiwan.” Humarap siya sa akin at niyakap ako, isang napakasarap na yakap ng isang ina. “Ang mahalaga sa pagmamahal ay tanggap mo kung ano at sino siya.”

Napaisip ako bigla, totoo nga sigurong mahal ko na si Rafael. Malawak rin ang ngiti ko nang kumalas siya sa pagkakayakap. “Mommy may ipakikila pala ako sa inyo ni Daddy.”

Kinahapunan ay kasama ko na si Rafael patungo sa bahay nila Tita Rita. They were teasing me earlier about this, even Raf. Natutuwa daw siya dahil pumayag na akong makilala niya ang mga magulang ko.

     “They will like me.” Mayabang na sabi nito nang matanaw na namin ang maliit na bahay ni Tita na napaliligiran ng mga manok at sisiw sa tutuka-tuka sa lupa.

“Apakayabang mo Rafael!” Nangingiti kong  itinulak ang gate na kawayan.

      “Magandang tanghali.” Iniangat ni Raf ang dala niyang basket na naglalaman ng mga prutas.

Nabitawan ni Daddy ang isang baso at naging dahilan 'yon ng pagkabasag noon. Nanlalaki ang mga mata niya habang nakatitig dito kay Rafael na para bang nakakita siya ng multo.

“Ano ka ba naman Tonyo nakabasag ka pa, linisin mo 'yan.” Pagsermon ni Mommy.

Lumapit ito sa akin at nagbeso bago ngumiti at nakipagkamay kay Rafael. “Nice to finally meet you hijo, I heard so much about you.”

Napansin kong isang ngiti ang sumilay sa mga labi ni Raf, nakatataba ng puso 'yong ginawa niya. Pinaupo ko sila sa bangko sa tapat ng lamesa at nagpaalam na kukuha lamang ng pangmeryenda sa kusina.

“Anak ba siya ng Don?” Tumikhim si Daddy sa likuran ko, katatapos lang nitong linisin ang nabasag niyang baso.

        “Opo.” Sabay kaming napatingin kila Mommy at Raf na nagkekwentuhan ngayon.

“Paano mo naman nakilala ang lalaking 'yan?” May halong emosyon na hindi ko maipaliwanag ang tono ng pagtatanong ni daddy noon. Hindi kaya niya nagustuhan si Rafael?

KANINA ko pa napansin na matalim ang titig ni Daddy kay Rafael sa tuwing sasagot ito sa mga tanong nila mommy at tita na kauuwi lang. Kanina pa rin siya hindi nagsasalita, kanina lang ay inaasar-asar pa ako ni dad tungkol sa panliligaw pwero biglang nagbago ang awra niya nang magkita na sila ni Raf.

       “Ano bang pakay mo sa anak ko?”

Sabay-sabay kaming napatingin kay Dad, seryoso ang pagpupukol niya ng tanong na 'yon. Kaya naman seryoso rin na sumagot si Rafael, bilib ako sa tapang ng isang ito. Parang hindi bumabaluktot ang dila niya o nanginginig manlang, hindi 'ata tinatablan ng kaba ang isang ito. “Maganda ang intensiyon ko sa anak ninyo.”

     “Paano naman ako nakasisiguradong hindi mo siya sasaktan?”

“Ako ang sinasaktan niya.” Bahagya itong natawa, naglipat naman ang tingin ng lahat sa akin kaya halos mabulunan ako sa kinakain ko.

      “Let me explain!”

  Pinanggigigilan ko itong mga plato na hinuhugasan ko. Akala ko pa naman ay mahihirapan si Rafael na makuha ang loob nila pero ayun! Magkakasundo na kaagad sila, si Daddy naman pasungit-sungit pa kay Raf sa umpisa babait din naman pala. Pero hindi ko naman kasi sila masisisi, ibang klase kasi talaga ang ugali nitong si Raf. Kaya nga minahal ko 'yan.

     “Sinabi ko naman sa'yo.” Narinig kong mayabang na sabi nito mula sa likuran ko. Hunugasan ko muna ang kamay kong may sabon bago humarap sa kaniya at humalukipkip.
         
  “May sinasabi ka?”

       “Sabi sa'yo magugustuhan nila ako.” I smiled because he looked so proud and so cute. Nakakagigil ang mga mala anghel na ekspresyon ng mukha niya.

“Gusto ka nga nila. Pero paano kung ako hindi ko naman gusto? 'Di ba mas mahalaga parin ang desisyon ko?” Tinaasan ko siya ng kilay pero tinawanan lang ako ng loko, nag-init tuloy bigla itong mukha ko.

      “What's so funny?”

“Kaya pala kasintahan na kita kasi hindi mo pala ako gusto.” Puno ng sarkasmo ang pagkakasabi niya noon.

      “Bakit pwede naman kitang maging boyfriend kahit hindi kita gusto ah?”

Lumapit siya sa akin at itinapat ang kaniyang bibig sa aking tenga upang bumulong, napapikit ako sa mainit na hininga niya na tumama doon. “Elleonor, ikwento mo sa pagong.”

Tinampal ko ang mukha niya at tinitigan siya ng masama, akala ko pa naman kung anong sweet na ang sasabihin niya sa akin para kiligin ako. Iyon lang naman pala!

    Gabi na nang umuwi si Rafael, pinanood ko siyang paandarin ang kaniyang motor bago pumasok sa loob ng bahay.

“Napakabait ni Rafael 'no?”

     “Sinabi mo pa, napakasipag na tao rin noon. Nagsasaka, nagkakarga ng mga sako at kung anu-ano pa.”

Tama sobrang kasipagan no'n, all around boy nga raw siya sabi niya dati. Akala ko naman hindi siya nagbibiro, hindi ko tuloy akalain na anak pala siya ni Don Ricardo.

“Maganda ang pagpapalaki ni Don Ricardo sa kaniya.” Tinuran ni Mommy.

      “Nako si Tere dapat ang pinupuri mo.”

Narinig ko ang pag-uusap nilang 'yon sa may kusina. Natutuwa talaga ako dahil mukhang naubos na yata talaga ang mga kamalasan na nangyayari sa buhay ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top