Chapter 16

“Viral ka na!”

    Nagising ako dahil sa pangungulit ni Myra sa akin. Nag-unat muna ako bago tumitig sa kaniya pagkatapos ay humarap ako sa kabilang side ng kama. Masyado pa akong inaantok dahil umaga na naman akong umuwi! Kaya wala rin akong oras para makinig sa mga sinasabi niya.

      “Hindi mo naman sinabi sa akin na anak pala ng bilyonaryo 'yong boyfriend mo.”

Kung anu-ano 'yong lumalabas sa bibig niya. Sino ba talaga ang walang tulog sa aming dalawa? “Puwede ba kahit ilang minuto lang?”

       “Huy!” Inalog-alog niya ako.

Nagtakip ako ng unan sa mukha at hinamas niya. “Inaantok ako Myra!”

    “Pinuyat ka ba niya? Nakailang rounds ba kayo?”

    Umungot ako. “Hindi ko na mabilang!”

Hindi ko talaga mabilang kung ilang ikot ang ginawa na amin ni Rafael noong napagpasyahan niyang maggala-gala pa kami gamit ang motorsiklo niya.

       “Taray! Hindi nanakit ang katawan mo?”

“Matutulog na ako.”

Imbes na tumigil si Myra sa pang-iistorbo ay may ipinakita siyang video. Unti-unting nanlaki ang mga mata ko noong mapagtanto ko na iyon 'yong kuha ng nangyari kahapon. Inagaw ko ang phone niya at bumangon sa pagkakahiga.

Pinasadahan ko ang ilang comments doon, ang iba ay naiinggit sa akin at ang iba naman ay 'yong mga schoolmates ko noon. 'Wag daw nilang husgahan iyong matanda dahil alam nila ang ugali ko at baka raw napuno lang ito sa akin. Wow ako parin ang may kasalanan?

Pinindot naman ni Myra ang isang link ng article, naglalaman ito ng mga impormasyon tungkol kay Rafael. Rafael Sebastian Ramirez, nanginginig ang mga kamay ko habang binabasa ko ang mga nilalaman noon.

     “Hindi mo ikinuwento sa akin ang mga 'yan.”

Paano kong ikukwento sa kanya kung ngayon ko lang rin naman nalaman? Hindi ko alam na Ama niya ang may ari ng Rsr motors, a multinational automotive manufacturing company. Hindi ko rin naman alam na kaya pala pamilyar ang mukha ni Don Ricardo ay dahil palagi kong kasama ang lalaki niyang anak na si Raf.

     “I had no idea.”

“Puwede ba 'yon e girlfriend ka niya?”

May letrato pa roon si Rafael, nakatopless at nagsasaka. May caption ito na "Humble", buwisit na 'yan. Paano na iyong mga sinabi ko sa kaniya kahapon na tanggap ko siya kahit mahirap siya. E mas mayaman pa pala ito sa amin kahit noong may negosyo pa kami!

     “May problema ba cous?” Tanong ni Myra noong sinapo ko ang aking ulo.

“Nakakahiya!” Bakit kasi hindi ko nalaman ang lahat ng ito noon? Siguro ito ang napapala ng isang makasarili at isang self-centered bitch na katulad ko. Kailangan ko palang makausap si Rafael, kailangan kong humingi sa kaniya ng tawad. Pero paano? Hindi ko naman alam kung saan siya nakatira at isa pa'y wala naman akong cellphone.

“Hindi mo na ako sinagot Elle.” Tila nagtatampong sabi ni Myra at humalukipkip.

        “Myra hindi ko alam na mayaman siya noon. Kaya nga iniwan ko siya!”

Bata pa lang kami sinasabi ko na 'yon sa kaniya kahit pabiro lang, kaya nga inggit na inggit ako nung nalaman kong mayaman ang naging boyfriend niya. Pero gaya nga ng sinabi ko kay Rafael kahapon, nagbago na ako. Pagmamahal lang niya sa akin ay sapat na.

  “Oonga pala mukha kang pera! Pero ang swerte mo girl ha!” Biro nito tsaka tumawa ng malakas.

Napakaswerte ko ngang malas! Dapat pala hindi nalang ako umamin kay Raf, baka iniisip niya na masama na talaga akong babae.

Muli nalang akong bumalik sa pagtulog noong umalis na si Myra para pumasok sa trabaho. Hindi pa nga ako makatulog ng maayos dahil ginugulo ako ng mga iniisip ko. Napamulat ako noong naramdaman ko ang pagtaas baba nitong kama, isang mabigat na kamay ang yumakap sa akin at hinalikan ako sa leeg.

      “Travis hindi ako si Myra!” Pilit ko siyang itinulak, mamaya kasi ay inakala lang niya na ako ang pinsan ko dahil nasa iisang kwarto kami.

“Oh sorry.” Hindi parin niya inalis ang kamay niya.

        “Bitiwan mo ako!” Hindi naman amoy alak ang isang ito. Naluluha na ako habang pilit na kumakawala sa yakap niya, dumapa siya sa ibabaw ko at hinawakan ang dalawang kamay ko.

      “Ang ganda mo talaga 'no? Mas maganda pa sa pinsan mo.”

“Nababaliw ka na ba?!”

        “Bitch!” Napaigik siya noong tinuhod ko ang ari niya, natumba siya at namilipit sa kama kaya nakawala ako. Hahablutin pa sana niya ako ngunit naunahan ko siyang pukpukin ng lampshade. Ang gagong ito! Manyak pala, akala mo kung sinong gentleman.

   “Anong ingay 'yon nagising ako–“ Natigilan si Mommy noong makita niya ang basag na lampshade at namimilipit na si Travis. “Elleonor anong ginawa mo?”

     Kaagad akong tumakbo sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit. “Don't cry.”

Isang lumalagitik na sampal ang natanggap ko kay Myra paglabas niya doon sa kwarto ng ospital na kinalalagyan ni Travis. Hindi niya ako pinakikinggan kahit ilang beses ko pang sabihin sa kaniya ang totoo.

       “Ibang klase ka talaga Elle, pati boyfriend ko!”

Bakit hindi niya magawang paniwalaan ang sarili niyang kadugo? Oo inaamin kong mukha akong pera noon pero kailanman ay hindi ko magagawang mang-agaw ng lalaki, lalong-lalo na ng pinsan ko.

    “Ayoko ko ng makita ang pagmumukha mo sa bahay namin. Sorry tita pero kailangan niyo ng umalis kasama ang anak ninyo.” Matalim ang mga titig niya sa akin na para bang handa na siyang kalbuhin ako kung hindi lang dahil sa pagpigil sa kaniya ni Tita Ines.

“Myra, anak.”

Tinalikuran kami ni Myra at muling bumalik sa kwarto ni Travis, marahan namang hinawakan ni Tita Ines ang kamay ni Mommy. “Pasensiya ka na, hayaan mo lalamig rin ang ulo noon.”

     “Pasensiya ka na rin sa gulo na ito, aalis na lang kami.” Hindi dapat humingi ng tawad si Mommy dahil wala naman sa amin ang may kasalanan. Ang lalaking 'yon ang may kagagawan ng lahat ng gulo na ito. Parang kinurot ang puso ko noong hindi ako binalingan ng tingin ni Tita Ines bago siya umalis sa harapan namin. Saan na kami pupulutin ngayon?

Naghihintay kami ngayon ng tricycle matapos naming mag-impake, umuwi na rin si Daddy galing sa paghahanap niya ng trabaho. Hirap siya dahil kadalasang bata ang hinahanap ng mga kompanya at may kaso pa na kinasangkutan ito.

     “Dad, Mom I'm sorry.” Parang may bumara namang kung ano sa lalamunan ko. Mukhang hindi na talaga ako tatantanan ng kamalasan ah?

“Naniniwala akong wala kang kasalanan anak.” Saad ni Dad na may dala-dalang dalawang bag at maleta sa magkabilang kamay. Kawawa ang kalagayan namin ngayon.

      “Uy sexy no'n!”

“Ang ganda.”

Narinig ko pa ang pagsipol ng mga lalaki roon habang papasok kami sa looban. Dito raw nakatira 'yong isa pang kamag-anak nila Mommy.

     “Ason akalain mo nga naman, dito rin pala ang bagsak mo!” Iyon agad ang bumugad sa amin matapos kumatok ni Mom. “Tuloy kayo, pasensiya na kayo ha? Hindi maganda itong bahay kasi hindi naman kami mayaman.”

Mukhang kanina pa niya pinatatamaan ang nanay ko. Ito nga pala ang pinaka nakatatanda nilang kapatid. Si Tita Gina, hindi kami masyadong malapit sa isa't-isa at mukhang ganoon rin sila ni Mommy.

     “Bumangon ka nga r'yan Rado, may bisita ako.” Pinaalis niya doon ang kaniyang asawa sa upuang kawayan. “Umutang ka muna ng inumin doon kila Maricris.”

Ang bahay na ito ay mukhang isang bahay na hindi natapos, hollow blocks ang nakikinita kong dingding at 'yong iba ay plywood na lang.

“Hindi parin ako makapaniwala.” Napatingin ako kay Tita Gina. “Akala ko pa naman tuluyan ng aangat ang buhay mo nang pakasalan mo 'yang si Guiller.”

Gumuguhit na ang inis sa mukha ni Daddy, nakakainsulto naman kasi talaga ang mga sinasabi niya. Hindi naman kasalanan ng Mommy na makapag-asawa siya ng mayaman at sila'y hindi.

      “O nagbibiro lang ako ha? Baka idemanda mo na ako n'yan?” Tumawa pa ito.

“Sabihin mo nalang kung ayaw mo kami dito.” Hindi ko na napigilang sabihin 'yon, kanina pa kasi niya pinapatutsadahan ang Daddy at hindi ko matatanggap iyon.

       “Pamangkin naman, nagbibiro lang si Tita mo.” Tumatawa parin ito kaya lalong umakyat ang dugo ko.

“Hindi na po kasi nakakatuwa.” Alam kong mali na mag-attitude pa ako kasi kami na nga itong makikitira pero hindi ko naman hahayaan na ganyanin niya ang mga magulang ko.

      “Elle tama na,” saad ni Mommy.

Huminga ako ng malalim at pilit na pinakalma ang sarili ko. “Pasensiya na kayo Tita Gina, masyado lang talagang maraming nangyari ngayong araw.”

      “Wala 'yon, ito mag meryenda muna kayo.” Iniiabot niya ang tasty bread at sachet ng isang cheese spread. Sakto naman na dumating na ang asawa n'yang may dalang softdrinks.

Sana naman maging ayos na ang pagtigil namin dito ngayon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top