Chapter 14

"BDO!"

Nagtatalon ako at kaagad siyang sinunggaban ng yakap. Wala parin talagang pinagbago ang karisma niya kahit ilang taon na ang nagdaan. Lalo pa nga yatang yung nadagdagan!

"Kumusta ka na?" I asked with a wide smile plastered in my face.

Baka nga kumikinang na ang mga mata ko habang tinitingnan siya dahil napakalaki talaga ng paghanga ko sa isang ito! Kahit ang tagal namin na hindi nagkita ay hindi parin nawala ang sense of fashion niya.

"Pwede ba wag mo ako tawaging BDO? Matagal ko ng kinalimutan ang palayaw na 'yan." Masungit na saad nito

Kaya naman pinitik ko siya sa tenga. Mukhang wala nga talagang nagbago dahil pikunin parin talaga siya. "Bakit bagay naman sa'yo ah?"

"Mas bagay sana tayo! Kung tinuloy lang natin 'yon." Biro nito at tsaka gumanti sa akin, pinitik niya rin ang tenga ko ng mas doble pa ang lakas.

"Masakit ha!"

"Hala Cous siya ba yung kinikwento mo sa akin palagi? Yung palagi mong iniiyakan dahil hindi mo makalimutan?" Bigla na lamang 'yon naibulaslas ni Myra habang nag-aayos ng groceries.

Parehong nanlalaki ang mga mata namin ng pinsan ko. Siguro akala niya ay si Rafael itong kaharap kong gwapong lalaki ngayon! "Ha? Hindi siya 'yon!"

Brian crossed his arms and raised his brows. "Huh?"

"Pinsan this is Brian Dale Ortega, frienship ko noong High School." Pagpapakilala ko kay Bdo.

"Sorry cous akala ko lalaki." Natawa ito at muling tiningnan si Bdo.

Mapagkakamalan kasi talaga siyang straight dahil sa ayos niya, tapos napakalakas pa ng appeal niya. Mas gwapo pa nga siya sa iba d'yan na ang lalakas mambabae.

"Aba may problema ka ba sa akin?"

"Pinsan pigilan mo ako baka masabunutan ko 'yang bessy-bessy mo."

Nasapo ko nalang ang aking noo dahil sa kulit ng dalawang ito, mukhang konti na lang ay magsasabong na sila.

"E Bdo ba't ka nga pala naparito? After 5 years ngayon mo lang naisipang magparamdam." sabad ko upang ibahin ang usapan.

"Sorry na, I was so busy. You know, my gigs." Umupo kami sa sofa upang makapag-usap pa kami ng mas komportable pa.

Bdo is a known designer in town, marami ang kumukuha sa kaniya para mag design ng gown. Celebrities, candidates and even rich debutants. Maganda kasi talaga ang mga gawa niya at talagang pinaghihirapang buuin. If I only had a talent like his. Naku!

"Anyway I'm here to ask you if you are willing to work with me." Malaki ang ngiti nito.

"Nako Bdo alam mo namang wala akong katalent-talent diyan sa pagde-design na 'yan."

Nagka-amnesia na 'ata to at hindi natandaan na puro pa-drawing nga ako sa kanya noong high school kapag may ganyang activities. Sabi pa nila pag kaliwete e magaling daw mag-drawing, ewan ko ba kung anong nangyari sa akin.

"Pero meron ka nito." tinuro niya ang mukha ko. "You're really pretty Elleonor, maganda rin ang height mo and look at that body." I was wearing a white v neck t-shirt and a denim shirt kaya litaw ang hita ko at kurba ng aking katawan.

"I wan't you to be our model, sayang naman yan kung itatago mo lang. Ituloy na natin yung nasimulan natin."

"Sigurado ka ba?" Nagtaasan ang mga balahibo ko nang marinig ko 'yon. I felt an overwhelming feeling that brings back some memories. Parang may bahagi ng puso ko ang biglang bumigat, halo ang nararamdaman ko.

Masaya na malungkot.

"Nako pwede nga 'yang pinsan ko!" Si Myra na ang sumagot para sa akin ngunit hindi siya pinansin ni Brian, nanatili lang itong nakatitig sa akin at naghihintay ng sagot.

"Pag-iisipan ko." Anong magagawa ko? Nagulat ako!

At isa pa, hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ni Mommy. Noong High School pa ako ay muntikan ko ng tahakin ang pag-momodelo, alam 'yon ni Brian kaya siguro napisil niya akong kuhanin para isuot ang mga gawa niya. I was doing well that time but my parents didn't want me to pursue that path. So I didn't.

"Naiintindihan ko, I'll wait for your answer." Ngumiti siya at binigyan ako ng calling card. "I need to go Elle, I hope to see you again." Nagbeso muna siya sa akin bago tumayo.

Inihatid ko siya sa may pinto at pinanood na makasakay sa kaniyang sasakyan na akala ko kanina ay sa boyfriend ng pinsan ko. Napatingin na lamang ako dito sa beige colored calling card na binigay niya, the address of his boutique was here.

Should I give this a shot?

"Naghahanap ka ng trabaho 'di ba? What's holding you back?" Sumulpot bigla si Myra sa likod ko.

"I don't know." I hid the calling card in my back pocket.

Nagkibit-balikat si Myra dahil sa simpleng sagot ko. "If I we're you, I'd grab that chance."

"What chance?" Sabay kaming napalingon nang dumating na sila Mom at Dad.

"May nag-alok po kasi kay Elle ng trabaho."

"Really? That's great! Ano naman 'yon?" Masiglang tanong ni Mommy habang papasok na naglalakad sa loob ng bahay kasunod ni Daddy.

"Modeling po tita, bongga nga ni Elle-" Hindi na pinatapos ni Mommy sa pagsasalita si Myra, nawala bigla yung masiglang awra niya.

"How about the company where your boyfriend works? Akala ko ba ilalakad niyo si Elleonor doon?" Tanong ni Mommy sa pinsan ko na para bang hindi manlang niya narinig ang mga unang sinabi nito.

Myra looked at me and a sign of pity was written all over her face as she realized that my heart aches because of what my mother did. Gustong-gusto kong umiyak pero ayokong makita ng mga magulang ko 'yon, marami na silang nagawa para sa akin at ayokong isipin nila na nagkulang pa sila. Ayokong isipin nila na wala akong utang na loob, kaya kung kaya kong tiisin ay gagawin ko kung iyon naman ang gusto nila.

"Hon hayaan mong mamili ang anak mo ng gusto niyang trabaho." I almost cried when I heared my father say those words.

"Wala siyang mapapala sa modeling na 'yan! Elleonor do you even know how much an average model gets? Do you expect to get so much money from-"

Napayuko nalang ako dahil sa mga sinasabi niya, hindi ko na rin napigilan ang sarili ako na sagutin si Mommy. "Ma it's not about the money. Tsaka hindi pa naman sigurado."

"At may balak ka pa talaga? Elle ayusin mo ang mga desisyon mo sa buhay. Sinasabi ko sa'yo na mahirap pasukin ang industriyang yan, I'm just looking out for you!"

"S-sige may gagawin pa ako." My voice almost break saying this nonsense excuse. Pinilit kong hindi lumitaw sa tono ng pagsasalita ko ang lungkot na bumabalot sa puso ko. Nagmamadali akong pumasok sa kwarto at isinara at humiga sa kama.

Hindi ako iiyak, baka nga tama si Mommy.

"Elle, I'm sorry kung nasabi ko kay tita."

Napalabi ako noong marinig ko yun na sinabi ni Myra, pero pilit kong nilabanan ito ng ngiti. Nakatayo siya sa may pintuan at pinagmamasdan lang akong nakaupo sa gilid ng kama.

"Wala 'yon."

"Hindi ko kasi alam na dahil kay tita kaya ka pala nagdadalawang isip."

"Okay lang talaga Myra. May tiwala ako kay Mommy, alam niya kung anong makabubuti para sa akin. I respect her decisions." Lumapit siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

"Pero paano naman 'yong iyo?"

Nagsimula ng isukat sa akin ang kung anu-anong gown at dresses na likha ni Brian. Ilang shots rin ang kinukuhaan sa akin sa isang dress, nakakapagod pero parang hindi ko iyon pinapansin dahil masaya ako sa ginagawa ko. Although I'm scared.

"Sino 'yong lalaki doon sa labas?" Tanong ng isa pang makeup artist dito sa nag-aayos sa akin ngayon habang nakaharap ako sa isang napakalaking vanity mirror na may ilaw sa paligid.

Oonga't napagdesisyunan ko na subukan ulit na sumabak dito, pero hindi ko muna sinabi sa mga magulang ko ang ginawa kong desisyon.

"Hindi ko nga alam, sino kaya ang hinihintay no'n?"

"Gosh Kristy ayusin mo ang ginawa mo! Puro kayo chismis!" Napatingin ako sa isa pang modelo na kasama ko sa shoot, natahimik naman iyong nagaayos sa kaniya.

Ang babaeng ito ay si Lia, maganda siya pati ang katawan niya. Makinis rin ang balat niya pero kabaligtaran yata iyon ng ugali niya. Hindi naman sa hinuhusgahan ko siya pero kanina pa kasi siya ganiyan kung umasta, akala mo'y nakakaangat siya sa lahat ng nandito.

"Ah sino ba 'yong lalaki na pinag-uusapan niyo?" Tanong ko upang mabasag ang katahimikan, nakakaawa kasi itong mga make up artist na kanina pa kinakaya-kaya ni Lia.

Tumingin ako kay Lia at ngumiti, umismid siya sa akin at umirap bago tumingin sa sarili niya sa salamin. Look, I'm trying to give off a positive vibe here! Pero kung gusto niya ay kaya ko naman siyang patulan sa pagtataray niya.

"'Yong lalaki doon sa labas ng building na may dalang bouquet ng bulaklak." Sumagot itong babae nag-aayos sa akin.

"Kanina pa siya?" Tanong ko pa.

"Oo, nakakaawa nga siya ang tagal ng nakaupo doon sa may motorsiklo niya. Ang gwapo pa naman tapos ang laking tao. Mapapa 'sana all' ka na lang talaga sa kung sino man iyong ilang oras na niyang hinihintay doon."

Naalala ko bigla si Rafael dahil sa mahabang lintanya ni Grace, pakiramdam ko ay dini-describe siya nito.

Hindi kaya siya 'yon? Naku parang imposible naman siguro iyon. Bakit naman niya ako dadalhan ng bulaklak, kung anu-anong masasakit na salita na ang sinabi ko sa kaniya.

Nagsimula na ulit kaming mag-shoot pero hindi ako makangiti ng maayos o makapag-pose man lang dahil inaalala ko 'yong lalaking pinag-uusapan nila kanina. Pansin ko nga na medyo naiinis na sa akin itong photographer namin. So I tried my best to get Rafael out of my mind.

Dali-dali naman akong nagbihis at lumabas ng building upang mapawi na ang kyuryosidad ko sa kung sino ba 'yong lalaking pinag-uusapan nila. Hindi na nga ako nakapag-paalam sa team.

Bumilis ang tibok ng puso ko at parang lumutang ang katawang lupa ko nang makita ko siya. He was sitting in his motorcyle with a bouquet of flowers in his hand. I was fascinated how his black v-neck shirt and grey shorts really compliments his built, he's really the kind of guy that girls are dreaming of.

At ito rin ang lalaki na ang ilang beses kong pilit iniwasan, ilang beses kong pilit itinaboy pero hindi parin napagod na intindihin ako. Si Rafael ang isa mga taong totoong nakakaintindi sa nararamdaman ko at pakiramdam ko ay handa ko na talaga siyang tanggapin ng buong-buo sa buhay ko.

"Rafael!"

Bigla namang tumigil ang lahat sa paligid ko nang itulak ako ni Lia at tsaka sinunggaban ng yakap si Rafael. And before I knew it, a tear escaped from my eyes.

I think I really lost him this time.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top