Chapter 13
ELLE:
It's been so long.
"Natatandaan mo ba kung saan ang daan pauwi sa inyo?"
Yumakap ako ng mahigpit sa kay Rafael habang minamaneho niya itong motorsiklo.
"Ayaw mo ba talaga akong iuwi?" Tinanong ko parin 'yon kahit mukhang desidido na talaga siyang ihatid ako sa bahay.
Nagbabakasakali lang naman ako.
Siguro kasi nabitin kasi ako sa ginawa namin kanina? Natigil 'yun dahil biglang nanlambot ang tuhod ko at nawalan ako ng balanse, mabuti nga't nasalo niya ako.
"Huy Raf?" Hinigpitan ko ang pagkaka-yakap ko sa kanya at dinama ang malamig na hanging dumadampi sa hita at mga braso ko.
Kung bakit kasi nagyaya na agad siyang umuwi? Hindi niya ba ako na miss? Kasi ako na miss ko ito, lalo na yung bawat paglapat ng mga palad niya sa balat ko. Napa "hmm", ako dahil sa mga iniisip ko, I feel my body trembling. Ang tagal-tagal kaya naming hindi nagkita!
"Tumigil ka nga Elleonor." He said in a hoarse voice.
"Why?" Mas inilapat ko pa ang mukha ko sa likod niya upang maramdaman ang bawat paggalaw nito kapag nagsasalita siya. Pinapagaan nito ang loob ko in some reason.
"Pinahihirapan mo ako dito." I felt his body tensed. Kaya naman isang ngiti ang lumitaw sa sulok ng mga labi ko.
Naisip ko lang na pinahihirapan niya rin naman ako e. I think we're even? "Dali na, iuwi mo na kasi ako."
"Tsk." Nagpakawala ng isang puluntong hininga si Rafael bago pinaharurot ang motorsiklo niya.
"Gigil ka na?" I smirked.
"Umayos ka nga Elleonor." Bahagya niya akong itunulak noong dumampi ang mga palad ko sa balat niya. Akala mo'y nadaitan at napaso ng mainit na bagay ang naging reaksyon niya.
Naku! Ngayon pa siya aarte e dinala niya na nga ako dito sa motel! Hindi ba siya naiinggit sa mga ungol na naririnig namin kanina sa corridor?
"Are you rejecting me?" Lalong nadagdagan ang inis ko dahil iniwasan ulit niya ang halik na ibibigay ko sana sa kaniya. Hindi ko alam kung dahil lang ito sa dami ng alak na nainom ko o dahil sa presensiya nitong si Rafael Sebastian? But fuck this, I want him!
"Rafael ano palang gagawin natin dito sa motel? Magpapakitaan ng relong umiilaw?" Humalukipkip ako at tiningnan siya ng masama. Kahit medyo nahihilo ako'y pinilit kong tumingin ng diretso sa mga mata niya.
Nakita ko sa mga sulok ng labi niya ang pilit na pagpigil niya sa mga ngiting gustong umalpas doon. "You're drunk."
"Yes I am but so what?"
"Maligo ka nalang."
Parang may kung anong kuryente ang gumapang sa kalamnan ko nang hawakan niya ang magkabilang braso ko.
"Bathe me Rafael." Ibinaba ko ang isang strap ng manipis at maikling black dress ko. At halos lumuwa naman ang mata ko nang mag-iwas ito ng tingin at bahagya akong itinulak.
"Order lang akong pagkain, maligo ka na para mahimasmasan ka."
"Raf ano ba?!"
Iginiya niya ako papunta sa banyo at siya na rin ang nagsarado ng pinto. Wala akong nagawa kundi ang sumimangot at pumadyak na parang bata na hindi nabigyan ng lollipop.
Pinaghuhubad ako ang lahat ng saplot ko at umupo sa bathtub. Unti-unti na yata akong natatauhan dahil bigla akong tinablan ng hiya nang marealize ko ang lahat ng inasta ko kanina. Napahilamos ako sa sarili kong mukha. Questioning myself.
Ilang minuto rin akong tumunganga at pilit na iniisip kung totoo bang kasama ko na ulit si Rafael ngayon o panaginip lang lahat 'to.
"Matagal ka pa ba d'yan? Handa na yung pagkain, may kape na rin dito."
Nagising ako sa mula pag-idlip nang marinig ko ulit ang boses niya. Siguro'y may ilang minuto rin akong nakatulog dito sa bathtub.
"Elleonor?" Kumatok ulit ito sa pinto.
Siya na nga, 'di na 'to panaginip lang.
"Hey..." I sighed after I got out from the bathroom, I was wearing a maroon bathrobe with no undies. I lifted my head and saw his expressionless face. A face that could launch a thousand orgas...ships. Thousand ships.
Hinawi ko ang basa kong buhok habang nakatitig sa kanya. Honestly, hindi ko alam kung ano bang dapat kong sabihin, dahil nahihiya ako sa lahat ng ikinilos ko kanina.
"Kumain ka na." Tinuro niya ang pagkain at kape sa bedside table.
"I'm sorry." Kusa nalang 'yon lumabas sa bibig ko. And for some reason, I felt relieved.
"Naiintindihan ko naman, alam kong magulo ang isip mo kaya iniwan mu-"
Agad kong pinutol ang sinasabi niya dahil mukhang 'yung pag iwan ko sa kaniya ang tinutukoy niya. "No, ang ibig kong sabihin ay 'yung mga ginawa ko kanina."
"Ayun nga, ano bang akala mo na tinutukoy ko?"
"W-wala."
"Elleonor all I was saying is I am aware that you're really indecisive and you have a presence of alcohol in your system. Kaya iniwan muna kita." He emphasized the last sentence.
I nodded.
"Ayoko naman na pagsisihan mo ang lahat sa huli, mahalaga ka sa akin Elleonor. I don't want to take advantage with you in that situation."
My heart swelled after hearing that from him. I didn't expect that he would be this gentle after everything. "Ang sweet mo naman talaga."
"Iyon talaga ang tamang gawin."
"Sana lahat rin ng lalaki katulad mo.",I said, before taking a sip of coffee.
"Katulad ko na pwede lang iwanan?"
"Rafael." I felt guilty and I knew it was visible in my face.
"Nagbibiro lang ako." He said, containing a bitter laugh. It's clear that he wasn't joking. Ni hindi nga umabot sa mga mata niya yung mga pekeng ngiti niya.
"Look, I'm sorry kung iniwan kita. I was so confused-"
"You're always confused."
Hindi ko alam kung nang-aasar ba siya o ano dahil walang ekspresyon na gumuhit sa mukha niya. Nawala yung kaninang pilit na ngiti niya sa akin.
"Oo nga." Napayuko ako.
I'm really indecisive! Totoong hindi nga ako makapag-desisyon ng maayos sa buhay ko. Kaya nga siguro ang gulo-gulo nito. Pagkatapos 'ayan, dumagdag pa siya!
"Ano ba talaga?" Sa pagkakataong ito ay seryosong-seryoso na ang pagtatanong niya noon.
Pero ano nga ba talagang gusto ko?
Tumunghay ako upang makita ang mukha niya ngunit wala parin yung kahit anong bakas ng expresyon.
"H-hindi ko rin alam Rafael."
Gusto ko siya, pero-
"Paano ba kasing hindi mo alam, may ayaw ka ba sa akin? May kulang ba sa akin?"
Money...
I wanted to slap myself because of that thought. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at umiling. "Wala, you're perfect. Mabait ka, marespeto, masipag, gwapo-"
But I can't see my future with someone like you.
"-Hindi ako bagay sa'yo Raf, you're more than enough."
"Elleonor sabihin mo nalang sa kung bakit ayaw mo sa akin at ayokong bola-bolahin mo pa ako."
"Gusto nga kita! Sinabi ko na naman sa'yo noon pa yun 'di ba?"
"Kung gano'n pala anong problema?"
Napapikit ako kasabay ng pagkuyom ng mga kamao ko. "Yun nga yung problema Rafael!"
"Naguguluhan na talaga ako, paulit-ulit tayo dito."
"Ayokong masaktan kita."
"Pero ilang beses mo ng ginawa?" Sinundan iyon ng tawa niyang puno ng sarkasmo.
"I'm sorry Raf." Inabot ko ang kamay niya at hinawakan 'yon ng mahigpit. "May mga plano ako sa buhay ko bago pa kita nakilala at sa tingin ko, hindi kita kayang isama doon."
Pinilit kong wag maluha habang sinasabi ang mga ito. "Raf you have a very special place in my heart but not in my life."
"You're unbelievable Elleonor." He stormed out the room.
Wala na akong nagawa kundi ang impit na umiyak dahil sa desisyon kong hindi ko alam kung tama. Totoong may nararamdaman na ako kay Rafael, pero natatakot ako! I'm craving for a stable financial life and I don't know if he can give that to me.
Ayokong matulad kay tita Ines na halos makuba na sa pagtatrabaho para lang mabuhay ang mag-ama niya.
Nahiga ako sa kama at tiningnan ang mukha ko sa repleksyon sa salamin sa kisame.
"You look so desperate Elle." I wanted to slap myself multiple times pero alam ko namang wala na akong mababago kung gagawin ko pa 'yon. Mas lalo ko lang masasaktan ang sarili ko.
Napalunok ako bago buksan ang pinto ng bahay nila Myra, halos alas otso na ng umaga ako umuwi rito. Hindi ko na rin naman nakita si Raf simula nung umalis siya kagabi. Thankfully, binayaran niya na yung kwarto dahil wala akong natitirang kahit isang kusing sa bulsa.
"Who would've thought diba?"
"Karma na 'yan sa pinsan mong maldita ano!"
"Wag nga kayong magsalita ng ganyan sa pinsan ko! Gusto niyo ba talaga akong kamustahin o gusto niyo lang makasagap ng chismis?"
Mabigat ang pagtapak ko sa sahig habang papasok sa bahay para mapansin nila ako.
"Isali niyo naman ako, parang buhay ko yata yung pinag-uusapan niyo." Nginitian ko ng matamis sina Lorena at Angelik.
"Cous san ka nanggaling? Pinag-alala mo ako!"
Hindi ko na pinansin si Myra dahil pinanatili ko ang mga mata ko sa dalawang chismosa na kasama niya. I may look like a mess right now pero mas fresh parin akong tingnan sa mga mukhang tuko na ito.
"Magtanong lang kayo sa akin kung may gusto pa kayong malaman, wag kayong mahihiya!"
"Cous."
"Uy pinsan hinaan mo yung electric fan, parang giniginaw sila. Tingnan mo oh, nanigas na." Nakita kong nagpipigil din ng tawa itong pinsan ko. "Bye guys!"
Isinalampak ko ang katawan ko sa kama at kinapa ang cellphone ko sa bulsa. Nanlaki ang mata ko at napabangon nang wala akong nakapang kahit ano dahil wala nga palang bulsa ang dress ko. Halos ibinaliktad ko na ang maliit na bag ko ngunit wala iyong laman kundi mga lukot na resibo at gamit na tissue.
Hindi ko alam kung saan ko naiwan 'yon! Sa club, sa kalsada o sa motel?
Siguro kung marami pa akong pera ngayon eh wala akong pakialam kahit ilang cellphone pa ang mawala sa akin. Eh hindi na!
Kabibili ko lang ulit no'n, mumurahin na nga lang e mawawala pa! May imamalas pa ba ang buhay ko? Bukod sa pagtataray ko noong highschool sa mga kaklase ko, ano pa bang malaking kasalanan ang nagawa ko to deserve this? Kung babalikan ko lahat nandoon pa kaya yun?
Napamura nalang ako sa hangin.
"Nakauwi ka na pala."
"Tita Ines." Nahiya ako bigla sa presensiya niya.
"Itatanong ko lang sana kung pwede kang mag-grocery-"
Tumigil siya at tumingin sa sala bago nagpatuloy sa sasabihin niya. "-Mukhang may bisita kasi si Myra."
Natagalan ako bago sumagot dahil natulala ako sa mga puting buhok sa ulo niya at kulubot sa noo. She looks so much older than my mom even though she's younger.
"Pwedeng-pwede tita." Nginitian ko siya ng matamis.
"Papasok pa kasi ako. Salamat ha?" Inabot niya sa akin ang pera at listahan ng mga bibilhin ko bago nagmamadaling umalis, ganyan siya palagi kada umaga.
She's working her ass off for her family.
"Cous may naghahanap pala sa'yo." Sinalubong kaagad ako ni Myra at tinulungan akong ipasok ang mga pinamili ko sa grocery.
Awtomatikong nagsalubong ang kilay ko nang marinig 'yon. Wala naman akong matinong kaibigan rito. "Sino na naman 'yan?"
"May utang ka raw sa kaniya."
Sa pagkakaalam ko naman wala akong pinagkaka-utangan.
Kinusot ko ang mata ko at dumiretso sa sala kung saan inimuwestra ng nguso ni Myra. Nameywang na ako habang papunta roon upang paghandaan ang pagtataray ko.
"Kamusta ka na Ms. Elleonor Guiller?"
Binalot ng kung anu-anong emosyon ang buong katauhan ko. "Paanong-"
"I have my ways."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top