Chapter 12

"Mahal mo pala, e bakit mo iniwan?"

Hindi ko maisip kung may tamang sagot ba sa tanong niya. Siguro nga kasi tanga ako, duwag o makasarili? Pero...

"Tama lang 'to."

I love him so much to the point that it scares me. Natatakot akong sumugal at mawala ang Elle na kilala ko in the process.

"Masakit 'yung ginawa mo sa kanya cous."

Ngumiti nalang ako bilang sagot sa sinabi niya. I know, I was so damn insensitive to do that.

Dalawang linggo na akong nandito sa Manila, naipanalo rin nila Daddy ang laban sa kasong isinampa sa kanila ni Mr. Chu but our business is gone, namomroblema pa kami kung paano makakaahon ulit.

Ganu'n pa man ay masaya ako, dahil ang mahalaga sa lahat ay buo na ulit kaming pamilya. Nakikituloy kami ngayon dito sa bahay ng pinsan kong si Myra kasama ang mga magulang niyang si Tito Ramil at Tita Ines.

Maliit ang bahay nila para dumagdag pa kami dito, but we're really thankful that they've let us in.

I left the province as soon as I got the news that my father won the case filed against him. Iniwan ko ang lahat doon.

I even left Rafael without a word. Dahil alam ko sa sarili ko na hindi ko siya kayang harapin. Gulong-gulo na rin ako nung mga araw na 'yun! Hindi ko rin naman siya magawang makausap dahil mukhang may pinagkakaabalahan siya. Siguro kung anu-anong kasinungalingan na ang inembeto ni Sandra para siraan ako sa kanya.

"Wala ka manlang bang balak na i-contact siya?" Dito ako nakikitulog sa kwarto ng pinsan ko habang naghahanap pa kami ng pwedeng lipatan.

"Para saan pa?" Ipinangako ko sa sarili ko na tapos na ang lahat ng namamagitan sa amin simula noong iwan ko siya doon. Hindi na dapat pa akong maapektuhan sa kanya.

"For closure."

Ipinikit ko ang mga mata ko kasabay ng pagpatak ng luha. Great Elle, this is what you get for being a coward!

Kinabukasan ay sinundo kami ng boyfriend ni Myra dahil sasamahan nila akong maghanap ng pwedeng malipatan. My cousin is lucky to have him. Gwapo siya, mukhang mabait at mayaman.

"Cous diba naghahanap ka ng trabaho?" Tanong ni Myra sa akin dito sa backseat. Magkatabi sila sa harapan habang ang nagmamaneho ang boyfriend niyang si Travis.

"Ah yes."

"Tamang-tama hiring ngayon 'yung company nyo diba babe?" Masayang sabi nito sabay baling sa kasintahan niya.

"May company ka?" Mangha kong tanong, kulang nalang yata'y kumandong ako sa pinsan ko doon sa passenger seat.

Sabay silang natawa bago sumagot si Travis. "Hindi, nagtatrabaho lang rin ako doon."

Napatango-tango ako at umayos ng upo dito sa likod. Siguro malaki ang nakukuha niya doon? "Sige balitaan niyo ako." Tapos na naman ako at maganda ang pwede kong ilaman sa resume ko.

Bigla na lamang akong kinabahan nang magising ako sa byahe, napakalakas ng kabog ng dibdib ko at hindi ko alam kung bakit. Itinigil ni Travis ang sasakyan sa harap ng isang convenience store.

"Elle bibili lang ako." Saad ni Myra habang nagtatanggal ng seatbelt ngunit pinigilan ko siya.

"Ako nalang, sabihin mo nalang sa akin. Medyo nahihilo na rin kasi ako, kailangan ko lang sigurong bumaba ng kotse."

Pumayag sina Travis at Myra sa sinabi ko kaya bumaba na ako at sinuong ang mahinang ambon. Itinaklob ko nalang sa ulo ko ang maliit kong pouch hanggang makapasok sa loob ng convenience store.

Napaakap ako sa sarili ko nang makapasok ako sa loob dahil sa ginaw ng air conditioner. Nagsimula na akong hanapin ang mga pinapabili nila.

~I was afraid this time would come,
I wasn't prepared to face this kind of hurtin' from within~

Napakunot ang noo ko habang nagbabayad sa cashier dahil sa kantang tumutugtog, lalo kasing lumakas itong nararamdaman ko. Maybe its my conscience kicking in.

Tumingin ako sa mula sa glass window nitong convenience store para sana tanawin ang sasakyan nila Myra ngunit iba ang nahagip nitong mga mata ko.

Napasinghap ako at paulit-ulit na kinusot ang mga ito, nagbabakasakaling namamalikmata lang ako. Pero hindi ako pwedeng magkamali!

Ang motorsiklo na 'yon, ang jacket at helmet niya. Niyakap ko ang paperbag na puno ng mga pinamili ko habang nakatuon parin ang mga mata ko doon.

Sinalubong ako ng malamig na hangin dala ng pag-ulan nang buksan ko ang glassdoor nitong convenience store.

The sound of the wind chimes above the door caught his attention and then I saw how stunned he was when his gaze met mine.

Humigpit ang hawak ko sa dala-dala ko noong makumpirma ko na siya nga 'yon. Si Rafael nga! Nasa harapan ko ngayon lalaking iniwan ko ng walang paalam.

Ang liit naman talaga ng mundo.

Kasabay ng malakas na pagbuhos ng ulan ay ang marahas na pagtibok ng puso ko na tila nagpipilit kumawala.

Nanatili siyang nakatitig sa akin at nakatayo sa tabi ng motorsiklo niya, hindi alintana ang pagkabasa. Gusto ko siyang sermonan dahil sa ginagawa niya. Pero ano bang karapatan ko? Ako ang nang-iwan.

"Elle!" Tumatakbong lumapit si Travis sa akin at pinayungan ako pagbaba niya mula sa sasakyan. Kinuha rin niya ang mga bitbit ko. I wanted to thank him.

Pero hindi ko maiwasang mapatingin kay Rafael na basang-basa na ang suot. Kahit papaano naman ay nag-aalala parin ako para sa kanya.

Iniwan ko siya, ilang araw akong hindi nagparamdam! Kung tutuusin nga'y hindi dapat ako mulungkot dahil kagustuhan ko naman 'to, pero bakit ganito ang nararamdaman ko?

"Cous' tingin mo magugustuhan 'to nila Tita?"

Kanina pa akong nakatulala hanggang sa makarating kami dito. At kanina pa rin ako hindi ako makapagsalita dahil parang may nakabarang kung ano sa lalamunan ko.

"May problema ba?"

I know I'll burst in to tears if I try to speak so I just shook my head.

Parang pinipiga ang puso ko kanina habang unti-unting lumalayo ang sasakyan namin sa kinatatayuan ni Raf. I really wanted to hug him but I stopped myself.

Wala akong karapatan! Isa pa, kailangan ko na rin sigurong tuparin sa sarili ko ang noon ko pa sinasabi na lalayuan ko na siya.

"Sigurado ka bang okay ka lang? Mukhang malungkot ka, 'di mo ba nagustuhan itong apartment?" Hinawakan ni Myra ang balikat ko kaya nginitian ko siya.

"May naalala lang ako."

"Siya na naman ba?"

Ngumiti lang ako bilang sagot sa tanong niya, alam na alam niyang ito talaga ang laman ng isip ko kapag nanahimik ako bigla dahil sa ilang linggo na rin naman kaming magkasama.

"I knew it! Hayaan mo na, ang layo-layo na nun." tinapik niya ang balikat ko.

Hindi ko na sinabi na nakita ko si Rafael kanina dahil ayoko na sanang pag-usapan 'yon.

"Alam mo may alam akong bar dito. Punta nalang tayo doon para gumaan yang pakiramdam mo."

Napagkasunduan namin na sa susunod nalang kami titingin ulit ng apartment dahil pinipilit ako ni Myra na sumama sa kanya sa bar. Hindi na namin isinama si Travis dahil para sa aming nalang dalawa lang daw ang gabing ito.

Baka ito lang talaga ang kailangan ko para mahimasmasan.

Sinalubong kaagad kami ng malakas na musika pagpasok namin sa loob ng bar. The bright party lights were in sync with the beats. There were people dancing on the dancefloor holding a glass with their hands, people minding their own business and people like me who have no idea on what to do with their lives.

"I'm going to get us drinks."

Inilibot ko pa ang tingin ko sa bawat sulok at espasyo nitong lugar. I missed this kind of place, ngayon nalang ulit ako nakapunta dito simula noong bumalik ako.

Umupo ako sa isa sa mga stool doon at hinintay si Myra.

Si Rafael ba talaga 'yong nakita ko kanina o sadyang nababaliw lang ako dahil sa konsensiya ko?

Napahawak ako sa dibdib ko at muli na namang lumipad ang isip sa hangin.

"Hindi ka ba nalalasing?"

Nakailang baso na siguro ako ng alak para maitanong ni Myra 'yon sa akin.

Akala ko ba matutulungan akong makalimot nito? Bakit parang mas tumitindi pa ang nararamdaman ko? Bakit parang mas lumilinaw pa ang mga detalye ng bawat alaala ko tungkol sa kanya?

"Mahal ko siya Myra."

Pilit niyang inangat ang ulo ko nang sumubsob ako sa lamesa.

"Umuwi na nga tayo."

"Ayoko, dito lang ako."

Bakit ko ba iniisip ang sasabihin ng ibang tao sa akin? Why can't I stand for him? Hindi ko manlang siya kayang ipaglaban. Ang tanga-tanga ko talaga dahil mas pinili ko pa siyang iwan para lang sa ikagaganda ng imahe ko!

"Dito ka lang, magsi-cr lang ako ha? Tapos uuwi na rin tayo." Para akong bata na pinagsasabihan ng nanay niya.

Hanggang ngayon ay naaalala ko pa rin ang perpektong mukha ni Rafael. His soft lips, his perfectly pointed nose and those soul piercing eyes that compliments his brows. I clearly see every details of it-

-frowning at me?

Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto ko na si Rafael ay nasa harapan ko ngayon, matalim ang titig niya at umiigting ang panga. Pakiramdam ko ay mapuputulan ako ng hininga dahil sa bilis ng tibok ng puso ko.

"R-Rafael?" Hindi mabilang ang ilang ulit na paglunok ko bago ko sambitin ang pangalan niya.

Hindi na ako pumalag ng hinila niya ako sa braso palabas sa bar na 'yon. Ginusto ko din ito. Tsaka anong gagawin ko? Nagitla ako sa pagkakita sa kanya!

Tumigil siya ilang kanto ang layo sa bar na iyon. There was no one in the street except the night sky and the street light above us.

"Bakit ka umalis?"

Pinili kong hindi sumagot kaya nabalot ang buong paligid sa katahimikan. Tanging tunog lang ng mangilan-ilang sasakyan na dumaraan ang maririnig sa malamig at mahangin na gabi.

"Bakit mo ako iniwan?" Hinawakan niya ang magkabilang braso ko.

His words felt like needles piercing through my heart. Tangina, ang kapal ng mukha kong umiyak ako na nga 'yung nanakit!

Pinahid ko ang luha ko at itinulak siya ng bahagya. "Dahil hindi kita gusto!"

"What?"

"Ayoko naman talaga sa'yo Rafael!" Pinilit kong salubungin ang mga titig niya, pinilit ko na lalong kapalan ang mukha ko. "I didn't really like you..."

Sinaktan ko na rin naman siya, lulubuslubusin ko na. Naramdaman kong unti-unting lumuluwag ang pagkakapit niya sa mga braso ko.

"I was just bored." Dagdag ko pa.

"Dahil ba 'yon sa lalaking kasama mo kanina?" He looked like he wanted to punch someone.

"Wala ka ng pakialam-"

"Elleonor ayos naman tayo bago ka umalis ah?" Nakita ko kung paano tumulo ang luha mula sa mga mata niya.

Pinunasan niya kaagad iyon at tumingin sa ibang direksyon bago hilutin ang sentido niya na para bang gulong-gulo na.

Gulong-gulo na sa akin.

Hindi na ako makasagot, pakiramdam ko ay wala namang tama na lalabas mula sa bibig ko.

"Sabihin mo sa akin kung anong nangyari? May nagawa ba akong mali?"

Umiling-iling ako, hindi ko na rin napigilan itong mga luha ko. I'm fuck'ng guilty! Nawala ako ng parang bula, nawala ako ng walang pasabi at iniwan siya sa ere.

"I can't be your girlfriend."

Lumambot ang ekspresyon ng mukha niya nang magtama muli ang mga tingin namin, pinunasan niya ang mga luha ko bago mapait na ngumiti.

"Gusto kita kahit walang kasiguraduhan."

He claimed my lips after he said those heartwarming words. I missed his hands on my body, lips on my mouth and his presence in my life.

Ilang sandali lang ay nabaliw na naman ako ng dahil sa kaniya, lahat ng sinabi ko at ipinangako ko sa sarili ko ay nilunok ko lang ulit.

He took all my inhibitions, It felt like there's nothing holding me back.

I want him.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top