Chapter 11
"Ahh Raf!" Hinihingal na ako pero parang nagugustuhan nitong katawan ko ang pagod na nararamdaman ko.
"You're really great for a first-timer."
Parang mas lalo akong ginanahan sa sinabi ni Rafael. Natutuwa ako sa mga titig niya, parang bigla kong nakakalimutan ang sakit.
"Ye-aah?" Nakangiti ngunit kinakapos na hiningang tanong ko sa kanya at nagsimula ulit na itaas-baba ang aking balakang. Masakit pala talaga ito at nakakapagod!
I feel the soreness in my body especially in my legs, mali 'ata itong posisyon ko e. Pero nasisiyahan ako sa hangin na sumasalubong sa akin sa tuwing tumatakbo itong si Jack. I squeezed my legs and gently pull the reins.
Ito ang itinuro sa akin ni Rafael na gawin ko kapag gusto ko ng tumigil, ang galing-galing magturo ni Rafael kung paano sumakay sa kabayo.
"Ang galing mo!" Lumapit kaagad sa akin si Rafael pagtigil ni Jack. He patted Jack and looked at me.
Nag-iwas naman ako ng tingin dahil nakakahiya! Siguro ang sagwa na ng itsura ko dahil kanina pa ako paikot-ikot dito sa stables.
"Ang ganda mo parin."
Napangiti ako ng dahil sa sinabi niya. Bolero talaga ang isang 'to!
"Ang ganda mong isako." Dugtong nito at tumawa siyang humawak sa tiyan kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Talaga isasako mo ako?"
"Oo, para maiuwi na kita." Sagot nito sa pagtataray ko. Inikot ko ang mga mata ko ngunit hindi ko napigilan ang ngiting sumilay sa mga labi ko. Pwede bang maggalit-galitan naman ako sa kanya kahit minsan lang?
"Rafael kamusta na nga pala si Aling Tere? Matagal-tagal ko na rin siyang hindi nakikita." Tanong ko rito kay Rafael na nagpapaapoy ng kalan.
Narito na kami ngayon sa loob ng kusina ni Tita Rita. Dahil bumalik na rin kaagad kami rito pagkatapos niya akong turuan mag horseback riding.
"Ayos na naman siya, gusto pa nga niyang hanapin si Aericka pero sinabihan na namin siya."
Ngumuso ako at tumango-tango. "Eh ano ng balita doon sa Aericka? Ipakakasal parin daw ba siya?"
"Wala parin. Hindi ko alam kung mababago pa ang desisyon ni P-"
Natigil siya sa pagsasalita noong magtanong ulit ako sa kaniya. "Rafael mahal mo ba ang trabaho mo dito sa hacienda?"
Nakita kong napalunok siya. "Oo."
Halata nga! Parehong-pareho sila ni Aling Tere na dedikado pagdating sa kanilang mga trabaho.
"Kaya mo bang iwan ang hacienda pag nagkataon?"
"Siguro.. Depende sa sitwasyon. Kung makabubuti naman ay gagawin ko." Naramdaman ko ang pagdadalawang isip niya. Ang seryoso ng sagot niya, akala mo naman talaga 'yung mismong hacienda talaga ang pinag-uusapan namin. Obviously, trabaho lang naman niya ang tinutukoy ko.
"Hindi mo ba naisip na umalis dito at magtrabaho sa Manila?" Lumapit ako sa kaniya. "Mas maayos ang makukuha mong sweldo doon."
Natawa siya ng pagak dahil sa sinabi ko, sandali niya rin akong tinapunan ng tingin. "Elleonor hindi na kailangan."
Kung ganoon sapat lang sa kanya ang ganito? Bakit ayaw niyang pagkakitaan ang itsura niya? Baka nga kapag pumunta siya doon ay kuhanin pa siyang modelo ng iba't ibang brands. "Nagtatanong lang naman ako."
Sinasayang niya ang mga oportunidad niya.
"Minsan kailangan mo lang talagang maging kuntento at maging masaya na sa kung anong meron ka ngayon."
Napatango ako sa sinabi niya, maybe he's right. Napakabait niya talagang tao, maganda ang ginawang pagpapalaki sa kaniya ni Aling Tere.
"Edi kuntento ka na palang manliligaw ko lang?" Tinaasan ko siya ng kilay.
Natigil siya sa pagpa-paypay sa kalan at tumgin sa akin, pinaypayan niya ang mukha ko. "Ibang usapan 'yan Elleonor."
"Aba Rafael Sebastian ikaw ang may sabi noon!"
"Sige na nga. Magiging kuntento lang ako kapag akin ka na."
Agad akong tumalikod noong sabihin niya ang mga bagay na iyon, hindi ko na kasi alam ang isasagot ko.
"Maghahanda na ako ng mga plato! Bilisan mo magluto riyan!" Saad ko.
"Osige Misis ko."
"Ipapaalala ko lang sa'yo, aalis ka pa." Biglang nag-iba ang nararamdaman ko nang sabihin 'yon ni Tita Rita. Hindi naman narinig ni Raf 'yon dahil malayo-layo siya sa amin.
"Tita hindi pa naman kami." Napabuntong hininga ako at tinanaw ang nakatalikod na si Raf doon sa kusina.
"H'wag mong sabihin na pinapaasa mo lang siya?"
Napalunok ako at umiling. "No Tita, hindi ko pinapaasa si Rafael."
Hindi nga ba? Sasagutin ko ba siya bago ako makaalis dito sa probinsya? Kung ganu'n kakayanin ko kaya ang long distance relationship?
"Mabait na tao si Rafael, wag mo sana siyang sasayangin." Saad pa nito bago ako tulungan na maghanay ng plato.
"Alam ko naman po 'yun."
Parang lumilipad sa hangin ang utak ko habang nagsasalu-salo kami dito sa hapag-kainan.
Ano bang dapat kong gawin?
Pakiramdam ko magiging makasarili ako kapag hiniling ko kay Raf na sumama siya sa akin sa Manila. Pero kapag hindi naman, malalayo siya sa akin! Hindi ko kayang makipagrelasyon ng ganu'n! Kaya nga wala rin akong sinagot nang pumunta ako dito e.
Do I really need to stop this?
"Elleonor hindi ba masarap ang luto ko?" Napakurap ako dahil sa tanong niya.
"Masarap, nagustuhan ko." Parang hindi ko siya kayang titigan sa mata, kasi gusto ko na agad humingi ng sorry sa kanya wala pa man akong ginagawa.
"Mukhang hindi mo pa nga nagagalaw."
Bakit ba kasi napaka-tanga ko? Lagi ko nalang hindi pinag-iisipan ang mga ginagawa ko. Ito tuloy ang mga nagiging resulta!
"May masakit ba sa'yo?" Inayos ni Rafael ang buhok ko sa likod.
Tumikhim si Tita kaya naman nagkatitigan kami, hindi ko napigilan ang sarili ko na kagatin ang aking pang-ibabang labi dahil sa makahulugan niyang tingin.
"Rafael mag-usap muna tayo sa labas." Bumaling naman ako kay Rafael. Hinigit ko ang aking hininga upang kumuha ng lakas ng loob.
Parang matutumba ako anumang sandali habang naglalakad palabas ng bahay ni Tita Rita. Nang magawa ko 'yon ay hinarap ko agad si Rafael na sumunod sa akin.
Pakiramdam ko pinipiga ang puso ko habang pinagmamasdan ko ang mga ngiting sumisilay sa mga labi niya kahit halata na medyo naguguluhan na rin siya.
Hindi ko kayang saktan ang lalaking 'to. Dahil wala siyang ibang ginawa kundi ang pasayahin ako.
"Anong pag-uusapan natin Elleonor?"
Balak ko sanang patigilin na siya sa panliligaw at sabihin ang totoo sa kanya, pero hindi ko kaya. "Rafael."
Naramdaman ko ang mga nagbabadyang luha sa gilid ng mga mata ko kaya tumingala ako at ngumiti. "Rafael itigil mo na 'tong panliligaw sa akin."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Kasi sinasagot na kita, tayo na Rafael!" Hindi ko napigilang lumuha nang bigla niya akong yakapin na para bang ayaw na akong pakawalan.
Ang sarap nito sa pakiramdam, kung pwede ko lang itigil ang oras habang narito kami sa ganitong posisyon ay ginawa ko na. His hug makes me feel special.
"Totoo ba Elleonor?"
Tanging tango na lamang ang naisagot ko sa tanong niyang 'yun dahil hinalikan niya kaagad ako.
Maging si Tita Rita ay napalabas na rin sa bahay dahil sa amin.
"Sinagot na ho ako ng pamangkin nyo!" Hinawakan ni Rafael ang dalawang kamay ng tiyahin ko. Tuwang-tuwa siyang bumalik sa akin at hinalikan ako sa noo, kulang nalang ay magtatalon siya na parang bata.
"Totoo ba 'yon Elle?"
"Opo."
And sh't! Here I am again! Pumasok na naman sa isang desisyon na hindi gaanong pinag-isipan.
Buong gabi kong inisip ang ginawa kong pagsagot kay Rafael. I don't want to hurt him but here I am, messing around.
Hindi ko alam ang gagawin ko sa mga posibilidad na pede pang mangyari. Magiging masaya nalang muna ako habang kasama ko pa siya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top