Chapter 1
I still can't believe that I'm living in this house! Napakalayo ng kinalakihan ko mula dito dahil sobrang liit ng bahay na ito at tagpi-tagpi lang ang mga dingding. Pakiramdam ko nga hindi tatagal ito kapag may dumaan na malakas na hangin.
Hindi naman sa nilalait ko ang bahay ni Tita, pero parang gano'n na nga.
"Elle maalam ka naman sigurong mag-alaga ng hayop?" Sumulpot si Tita habang may dala-dalang manok.
"I guess?"
"Magpapakain ka lang naman, sinabi kasi ng Mommy mo ayos lang naman daw pagtrabahuhin ka. Wala kasi akong mapapakain sa iyo e dahil wala rin naman silang ibinigay na pera." Saad nito habang hinihimas-himas ang manok na pula.
"Saan nyo po ba ako ipapasok?"
"Sa Hacienda, ayos lang ba sa'yo? Pansamantala lang naman iyon, ihahanap rin kita ng trabaho sa palengke."
Napangiwi ako dahil sa sinabi ni Tita. There's no way I'm going to work to a wet market! Mas pipiliin ko nalang sa hacienda, atleast doon baka mas mapadali ang plano kong lumandi at maghanap ng mayamang boyfriend o girlfriend. Basta mayaman, papatusin ko na.
"Sa hacienda nalang Tita!" Suhestiyon ko.
Humarap ako sa maliit na salamin at nag-ayos ng sarili, napangiti ako dahil pakiramdam ko malapit ko ng makamtan ulit ang inaasam-asam kong magarang buhay.
Napalunok ako pagbaba namin ni Tita Rita sa Pedicab, napayakap ako sa dala-dala kong bayong habang tinitingnan ang kabuuan ng malaking bahay di kalayuan. Naglalakihan ang mga halamang bakod doon na siya ring pinamumungahan ng iba't-ibang klase ng bulaklak, isa na doon ang paborito kong gumamela.
"Halina tayo Elle." Sabi ni Tita sa akin matapos mag-abot ng bayad doon sa sinakyan namin.
Lumakad kami ni tita palapit sa nakatirik na malaking bahay sa buong kalagitnaan ng hacienda, hindi ko maiwasan ang magpalinga-linga at hanapin kung nasaan ang may-ari nito. Siya ang first target ko kung sino man iyon.
"Naku Tere!"
"Rita ayan naba ang sinasabi mong pamangkin mong si Elleonor? Ang ganda naman palang dalaga."
May isang medyo katandaang babae ang sumalubong sa amin, mahaba ang manggas ng damit niya at ang palda niya ay lampas tuhod parang suot lang rin ni Tita.
Binigyan ko ito ng isang matamis na ngiti, lalo ko ring hinigpitan ang yakap ko sa bayong dahil parang naliliit ako sa laki ng buong lugar na ito. Kahawig ng lugar na ito 'yung nasa music video ng 'I'm The One' ni Justin Bieber.
"Kanino pa ba magmamana iyan? Edi sa tiyahin niyang maganda rin!" Nagtawanan si Tita at si Aling Tere kahit wala namang nakakatawa sa pinag-uusapan nilang dalawa.
"Halika na't ililibot na kita 'neng." Lumapit si Aling Tere sa akin.
At sasama na sana ako sa kaniya pero bigla siyang natigilan dahil may kinawayan siyang tao mula sa 'di kalayuan.
"Tamang-tama Tutoy!" Sigaw nita doon sa lalaking may dala-dalang sako sa balikat. Pinaningkitan ko iyon ng mata dahil pamilyar siya sa akin, parang nakita ko na ang lalaking ito noon.
"Nay?"
Muntikan na akong mapamura nang makalapit siya sa amin. Siya lang naman kasi 'yong lalaking mayabang na nakita kong hubo't hubad sa ilog.
"Maari bang ipasyal mo muna itong bagong trabahante, para makapag-usap naman kami ni Rita?" Humawak muli sa balikat ko si Aling Tere at bahagyang iginiya papunta sa lalaki.
Nakita kong nanlaki ang mga mata niya pero napalitan kaagad 'yon ng isang pilyong ngiti.
"Sige ho." Pagsang-ayon nito.
"Nako salamat anak, matagal-tagal na rin kasi simula noong huli kaming makapagkwentuhan niting si Rita."
"Elle mag-iingat kayo ha?" Saad ng tiyahin ko bago sila lumayo ni Aling Tere at nagtsismisan. Totoo bang ipauubaya niya ako sa hambog na ito?
"Ang liit naman talaga ng mundo." He spoke.
"Mukhang minamalas talaga ako." Bulong ko pero sapat na 'yon para marinig niya, sinadya ko iyon dahil ipinahiya niya ako kahapon.
"Pinagpiyestahan mo na nga 'yong katawan ko, bago ngayon naman makakasama mo pa ako. Hindi ka pa swerte no'n?" Nagsimula na siyang maglakad kaya sumunod na lamang ako.
"Hayup." Singhal ko.
Malakas niyang ibinagsak ang dala niyang sako pagdating namin sa kwadra ng mga kabayo. Pinaypay ko ang hangin sa mukha ko nang lumabas ang alikabok doon.
"You're rude!"
Napalitan kaagad ang inis ko noong mapatingin ako sa mga kabayo, ngayon lang ako nakakita nito sa personal. Pero pinaka namangha ako dito sa ang kulay ng isang ito, brown ang coat nito at medyo blonde ang mane.
"Hoy ano bang ginagawa mo dito?" Pakiramdam ko ay may halong inis ang tono ng pagtatanong niya.
Aba attitude si kuya! "Una sa lahat wag mo akong i-Hoy! Pangalawa, magpapakain lang daw ako sa hayop."
"Maraming hayop dito sa Hacienda, lahat ba iyon? Mahihirapan ka." Saad niya bago ako tiningnan mula ulo hanggang paa.
"Oonga e, hindi ko nga akalain na isa ka pala doon, mukhang mahihirapan talaga ako." I grinned.
Isang pilyong ngiti ang sumilay sa mga labi niya. "Masarap ka naman bang magpakain?"
Hindi ko alam ang isasagot ko nang bigla nalang niya akong tanungin no'n. Bakit ko naman kasi na isip na maaasar siya doon sa sinabi ko?
"D-depende ano bang gusto mo?" Nag-iwas ako ng tingin.
Nako, lalo ko lang pinalala sana pala hindi nalang ako nagsalita. Bakit ba naman kasi ang taba ng utak nitong lalaking 'to, at lahat nalang ng sabihin ko'y kaya niyang ibalik sa akin?
"Ikaw."
Halos mabuwal ako sa pagkakatayo nang sabihin niya 'yon sa pinaka nakakaakit na tonong narinig ko. Malandi ka ha!
"A-ako?" Nanginginig kong itinuro ang sarili ko.
"Ikaw ang bahala." Bulong niya sa may tainga ko bago naglakad palabas sa kwadra. Napasinghap nalang ako at sumunod sa kaniya.
"Ano palang pangalan mo?" Tanong niya habang nauunang maglakad.
Hindi ko naman nasagot agad iyon dahil hindi maalis ang isip ko sa nangyari kanina. Nanginginig ang tuhod ko at pakiramdam ko ay naging noodles na itong mga binti ko at sabaw naman ang utak ko.
"Hoy." Napatalon ako nang hawakan niya ang balikat ko.
"Elle ang pangalan ko." lumunok ako at nag-iwas ulit ng tingin sa kaniya.
"Nauuhaw ka na ba?"
"Kanina ka pa! Kilabutan ka nga sa mga pinagsasabi mo! I'm not thirsty for you."
"Tinatanong lang kita Elle." May halong tawa ang pananalita niya.
Ngayon ko lang napansin na nasa may water dispenser kami sa tabi ng isang kubo na pahingahan yata ng mga hardinero. Nag-init na naman ang mukha ko dahil sa hiya, sana naman hindi niya nahalata na iba ang ibig kong sabihin.
Nagbuntong hininga ako. "Oo, nauuhaw ako."
"Sa'kin ba?" Napatingin ako sa pilyong ngiti niya tapos kinindatan pa niya ako.
"Hayop ka." I hissed.
Lumapit siya sa akin at hinawakan ang mukha ko. "Pakakainin mo ba naman ako?"
Hinawi ko ang kamay niya at pinandilatan siya ng mata. "Don't you dare touch me!"
"Nagbibiro lang ako binibini!" His face shows amusement. Tinaas niya ang dalawang kamay niya sa ere na para bang sumusuko sa mga pulis.
"Isusumbong kita kay Tita!"
"Hoy nakikipaglokohan lang naman ako. Wala akong gagawin sa'yo, hindi ako ganoong klaseng tao." Medyo gumaan naman ang pakiramdam ko nang sabihin niya 'yon with an assuring smile. Mukha ba namang anghel.
"Tutoy tawag sa'yo ni Aling Tere?" Pang-iiba ko ng usapan to save us from the awkwardness.
"Oo." Tumango siya at ngumiti bago kumapit sa batok niya. Sa pagkakataong ito ay hindi na 'yong pilyong ngiti ang rumehistro sa kanya. He looked really cute because of it, he looked like a shy kid.
"Tutoy si Aling Tere ba ang nanay mo?"
"Oo." Medyo naging seryoso ang mukha niya.
"Ano kayo dito sa mansyon?" Tanong ko habang patuloy kami sa paglilibot sa Hacienda, gusto ko narin kasing malaman kung sino ang nagmamay-ari nitong Hacienda.
"House keeper si Nanay."
"Ikaw?" Tumaas ang isang kilay ko habang tinatanong 'yon sa kanya, mukhang matutulungan niya ako.
"All around boy." Mahinang tugon niya at tumawa.
"Ang tatay mo nasaan?"
"Nasa malayo." He chuckled.
Kanina pa siya natatawa ah! May something kaya sa mukha ko o baka naman natutuwa siya kasi kasama niya ang pinakamagandang babae ngayon? Keme.
"Sino bang may ari ng Hacienda?" I crosse my arms more tightly. He looked at me and it took him seconds to answer.
"Si Don Ricardo-"
"And how old is he?"
Napatingin ako sa ilang hardinero na nagtatabas ng damo habang naghihintay ng sagot mula sa kaniya. Kapag namana ko 'tong hacienda magiging mabait ako sa mga trabahante dito.
"Singkwenta'y sais."
Napanguso ako dahil sa sagot niya. Sobrang tanders na naman pala nung Don Ricardo na 'yon, pero pwede narin naman siguro kung papalarin bang maakit ko 'yon e?
"Nasaan siya?" Tanong ko pamg muli.
"Nasa malayo." Mabilis na sagot niya.
May matino bang lugar na isasagot ang isang 'to? Nakakaloko na kasi puro nasa malayo nalang iyon.
"I should've brought my horse."
"Ha?" Hindi ko napansin ang sinabi niya dahil busy ako sa pag sa-sight seeing sa magandang design ng palibot ng haciendang ito.
"Sana pala dinala ko ang kabayo ko para maigala kita dito sa Hacienda."
"Alam mo ba hindi pa ako nakakasakay sa kabayo?" Masayang sabi ko. I really want experience riding a horse, isa 'yon sa bucket list ko.
"Bukas kaya pwede ka?" tanong niya habang palapit na kami kila Aling Tere at Tita Rita.
"We'll see." Nginitian ko siya.
"Ano ba ang totoong pangalan mo Tutoy?"
"Rafael." Matipid na sagot nito. Parang hindi ako sanay na hindi na siya presko ngayon. Kanina lang ang yabang-yabang niya pa pero mas gusto ko na yung ganito siya.
"Raf nalang pwede ba?" Inilahad ko ang kamay ko pero tinanguan lang niya ako.
"Kamusta ang paglilibot nyo Elleonor?" Tanong ni Aling Tere.
"Ayos naman po."
Nagtitigan kami ni Raf at ngumiti sa isa't-isa. Tingin ko nakahanap ako ng isang kaibigan ngayong araw.
Maaga akong pumunta sa Hacienda kinabukasan dahil excited na akong mag-horseback riding. Dumiretso kaagad ako doon kwadra ng mga kabayo para hintayin si Raf.
Pero nandoon na pala siya. Wala siyang suot na pang-itaas at may kausap siyang babae. Mukhang nag-eenjoy pa sila sa pakikipagtawanan sa isa't isa ah?
"'Kala mo naman ang ganda niya tumawa." napabulong ako sa sarili ko matapos kong tingnan yung babae mula ulo hanggang paa.
Biglang nag-ingay ang kabayong nasa likuran ko kaya napatingin silang dalawa sa akin. Nagtama ang mga mata namin ni Raf kaya nginitian ko siya at kinawayan, pero wala manlang reaksyon ang mukha niya. Medyo masakit na hindi nila ako pinansin at bumalik lang sila sa pagkekwentuhan.
Lumabas nalang ako sa kwadra ng nakabusangot ang mukha. "Tse!"
Kung ayaw niya akong igala edi wag niya, nagaalok pa kasi hindi naman pala kayang panindigan! Hahanapin ko na ngalang si Aling Tere para makapagsimula na ako!
"Elleonor!"
Tapos ngayon hahabol-habol siya? Mukha niya! Pagkatapos nila akong dedmahin nung babae niya.
"Elleonor sandali lang- Elleonor ayos ka lang?!"
Hinawakan niya ang kanang braso ko upang itayo ako mula sa putikan..
"Ang sakit Raf!" Napahawak ako sa balakang ko. Kung bakit ba naman kasi napaka lampa ko?
Habang tinutulungan ako ni Raf na tumayo mula sa putik na binagbagsakan ko ay nakita ko na lumabas na yung babaeng kausap niya kanina sa kwadra niya. Ang sama pa ng tingin nito sa aming dalawa ni Raf, kaya naman nag-inarte pa ako lalo.
"Aa-aahh ang sakit talaga! Hooh!" Impit na sabi ko kaya lalong humigpit ang hawak ni Raf sa beywang ko.
"Saan ba masakit?"
"Dito- sht! I think I can't walk."
Binuhat ako ni Raf kaya naman napatingin ako dun sa babae at mukhang naiinggit na talaga siya sa akin. Nagtama ang mga mata naming dalawa nung babae pagkatapos ay tumalikod at naglakad ito palayo.
"Paano kita igagala ngayon nyan?"
Ask your woman!
Inirapan ko siya. "Ayoko ng gumala kasama ka."
"Akala ko ayos na tayo pero bakit parang nagsusungit ka na naman sa akin?"
Gusto niya ba na makipagtawanan din ako sa kaniya katulad nung babae kanina? No way, he disrespected me. Hindi manlang niya ako pinakilala doon sa babaeng kausap niya. Bakit natatakot ba siyang pagselosan ako nung babaeng 'yon at tsaka sino ba 'yon?
"Akala mo lang 'yon!"
Kumunot ang noo niya. "Pwede bang magpasalamat ka manlang sa akin?"
First of all bakit ako magpapasalamat sa kaniya? E siya nga ang dahilan kung bakit ako nadulas sa putikan.
"Ewan ko sa'yo!" Naglakad ako palayo sa kanya upang hanapin si Aling Tere.
"Akala ko ba hindi ka makalakad?" Takang tanong nito.
"Akala mo lang 'yon!" Sigaw ko ng hindi siya nililingon, wala na akong pakialam kahit kumikirot pa itong beywang ko. Ang mahalaga ay makalayo lamg ako sa kanya. Lalaking walang isang salita!
"Gusto mo bang magpabuhat sa akin?" Siguro napansin niya ang iika-ika kong paglalakad kaya naitanong niya iyon.
"O nagkukunwari ka lang?"
Kung pwede lang umusok ang ilong ko siguro'y nangyari na.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top