DIEGO 1

PANGALAWANG KABANATA

Sa ilalim ng nakakapasong sinag ng araw, isang binata ang nasa putikan at tinutuloy ang trabahong nasimulan.

"Diego! Halika muna dito at magpahinga saglit! Kanina ka pa diyan sa bukid!" sigaw ng kasamahan ng binatang nag ngangalang Diego.

Hinawakan niya ang salakot na suot at pasimpleng pinunasan ang pawis na nanunuot sakaniyang noo.

"Mamaya na, Samuel! Tapusin ko lamang ito saglit!" sigaw niya pabalik.

Marami pa siyang hawak na Punla na kailangan niyang maitanim.

Sakanilang nayon, ang mga magsasaka ay hindi uso salitang pahinga.

"Ay ikaw ang bahala Diego, titirhan ka na lamang namin ng makakain!" balik sigaw sakaniya ni Samuel.

Hindi na muling umimik pa si Diego at ipinagpatuloy niya ang ginagawa.

Masakit sa balakang ngunit walang magagawa kung hindi pinagpatuloy pa rin.

Ito ang isa sa hirap ng mga magsasaka.

Makalipas lamang ang ilang oras ay natapos din si Diego sa pagtatanim ng mga punla na hawak.

Kasalukuyan niyang pinupunasan ang pawis gamit ang kaniyang gusot, puno ng pawis, at may karumihang damit na suot.

Wala naman siyang ibang pagpipilian kung hindi iyon lamang.

Naglakad siya palapit sa isang lilim ng puno.

Hirap mang maglakad gamit ang maputik na bota, nananakit na likudan at pagod na mga paa ay sinikap niyang nakarating doon.

Hindi nagtagal ay nakaabot siya sa destinasyon.

Napaupo siya bigla ay napahinga ng malalim. Ramdam niya ang nananakit na katawan at pagod. Hinihingal pa siya.Hindi niya alintana ang dumi ng lupa at nahiga na siyang bigla.

Napapikit pa ang mata.

Inunat niya ang mga kamay.

Ngunit sa pag unat niya ng mga ito ay may nasagi ang kamay niya na isang makatigas na bagay.

Napaupo siya at tiningnan iyon.

Doon ay natagpuan niya ang isang kulay tsokolateng pabalat ng libro.

May kadumihan ito at halatang luma na.

Hindi niya mawari kung paano itong bigla na lamang sumulpot diyon, ni hindi niya napansin ang bagay na ito noong naglakad siya palapit sa pwesto.

May kung anong kumabog sa dibdib niya ng masilayan ang bagay na ito. Dahan dahan niyang inilapit ang kaniyang kamay dito.

Kasabay nito ay ang pag usbong ng kaba sa dibdib niya.

Nang mahawakan ang librong bigla na lamang lumitaw ay tila ba may kung anong umusbong na kuryosidad sa buong pagkatao niya.

Pinagpag niyaa aang maduming bahagi ng libro. Hindi niya alam kung baakit siya nakakaramdam ng kasiyahan sa kaniyang puso dahil sa nahawakan niya ang librong bigla na lamang sumulpot sa kinaroroonan niya.

Pinasadahan niya ng daliri ang nakasulat sa pabalat ng libro. Hindi niya maintindihan ang nakasulat sa libro. Sa paningin niya ay puro simbolo ito na hindi niya mawari kung ano.

Dumagdag pa tuloy ito sa palaisipan niya.

Binulat niya ang libro. Sa unang pahina nito ay wala kang ibang makikita kung hindi ang mga simbolong hindi niya maintindihan.

Kagaya ng sa pabalat ng libro ay hindi rin niya maintindihan ang nilalaman ng unang pahina nito. Dumagdag sa dinadala niyang kuryosidad kung ano nga bang ibig sabihin nito.

Nagawi ang mata niya sa pinakababang bahagi ng libro, doon ay mas lalong nadagdagan ang palaisipan niya

Paanong nasali ang pangalan ng pinakaunang naging pinuno ng nayon nila sa librong ito?

Tanging ang mga salitang iyon lamang ang naintindihan niya.

'Isinalin sa sulating Baybayin ni: Theodore Pasarin'

Tanging ang mga iyan lamang ang naintindihan niya.

Sa nayon nila ay kilala ang pangalang Theodore Pasarin dahil sa taglay nitong galing sa pamumuno. Ayon sa kwento sa nayon nila ay masagana daw ang nayon nila noong ito ang namumuno. Berdeng kapiligaran, maamong mga hayop, saganang pamumuhay at iba pang mga aspetong hahangaan mo na taglay ng isang magaling na pinuno.

Isa ito sa labis na hinahangaan ni Diego sa pinakaunang pinuno ng nayon. Ninanais niyang bumalik sa panahon kung saan pinapaburan pa sila ng Diyos na si Seraphara.

Ayon kasi sa kwento ay nawala daw ang pabor sakanila ng Diyos na tinuturing nila dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan.

Bitbit ang librong naghatid sakaniya ng palaisipan ay naglakad siya pauwi sa tahanan nila. Pinakatitigan niya ang pabalat nito. Ano kayang ibig sabihin ng mga simbolong nakaukit dito?

******

PAGSAPIT ng gabi ay nakahiga na si Diego. Hawak niya ang librong kanina pa niya pinapakatitigan.

Napabuntong hininga siya ng malalim. May nagtutulak sakaniya na pumunta sa bahay ng kanilang kasalukuyang pinuno upang humiram ng librong may kaugnayan sa mga simbolong ito.

Tanging ang pinuno lamang kasi nila ay may malaking silid aklatan sa buong nayon.

At dahil nga sa hindi pa siya dinadapuan ng kahit anong antok ay minabuti niyang bumangon at lumabas ng kanilang tinitirhan upang pumunta sa bahay ng kanilang pinuno bitbit ang librong nagpapagulo ng kaniyang isipan.

Nang makarating sa destinasyon ay kumatok siya sa pinto. Makalipas lamang ang ilang sandali ay bumakas ito at bumungad sakaniya ang medyo may katandaang lalaki na tinataya na nasa 60s ang edad.

"Magandang gabi po Pinunong Isaih, may nais lamang po akong hiramin sainyong libro," saad ni Diego.

Pinangunutan naman siya ng noo ng kaharap at inasadahan pa ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Magandang gabi din, Diego. Anong libro ba ang gusto mong hiramin? Importante ba iyan at talagang dinayo mo pa ako ng dis-oras ng gabi? Hindi na ba iyan ipagpapabukas pa?" medyo may ppagka-istriktong saad nito.

Napakamot ng batok si Diego at kinabahan ng kaunti.

Sa nayon kasi nila ay kilala ang kanilang Pinunong Isaih bilang isang istriktong Pinuno at may pagkamalupit din.

"Hindi po kasi ako makatulog kaya minarapat ko nalang pong pumunta dito upang manghiram ng librong may kaugnayan sa pinakaunang pinuno ng nayon na si Theodore Pasarin pati na rin ang lengguwaheng tinatawag nilang Baybayin," paliwanag nito.

Kita niya ang kaunting pagbusangot ng matanda. Wala itong nagawa kung hindi ang pagbuksan siya ng pinto at ito pa mismo ang naghatid sakaniya sa silid aklatan.

Pagdating nila doon ay sumalubong sakanila ang maraming librong nakahilera.

"Hanapin mo na kung anong libro ang gusto mong hiramin. Isasaoli mo din iyon saakin kapag tapos mo na. Malalagot ka saakin kapag hindi mo isinoli ang iyong hiniram," saad ng Pinuno.

Tanging tango lamang ang naisagot ni Diego.

"Salamat po, Pinunong Isaih. Makakaasa po kayo saakin," sambit nito atsaka yumuko tanda ng pag galang.

"Sige, maiwan na kita,"

Pag alis ng Pinuno ay sinimulan na niyang hanapin ang librong nais niyang basahin.

Theodore Pasarin.

Baybayin.

Ang mga iyan ang hahanapin niya.

Ilang minuto ang itinalaga niya sa silid aklatan ngunit hindi pa din niya nahahanap ang dapat hanapin.

Wala pa siya sa kalahati.

Napabuntong hininga siya at napasandalan ng haligi ng mga libro.

"Aabutin pa yata ako ng umaga," mahinang sambit niya.

Ipinikit niya ang mga mata.

Ngunit hindi pa man nakakalipas ang ilang segundo ay may bigla na lamang siyang narinig na ingay.

Ingay na para bang may nahulog na kung ano.

Pinuntahan niya iyon.

Dalawang lumang makapal na libro.

Puno ng alikabok.

At kulay tsokolate din ito kagaya ng hawak niya ngayon na nagtataglay ng hindi mawaring simbolo.

Pinulot niya ito.

At sa pagtingin niya dito hindi mawaring kaba ang umusbong sa dibdib niya.

Dahil ang dalawang librong ito?

Ang hinahanap niya.

Theodore Pasarin: Ang Unang Pinuno ng San Isidro

Ang Baybayin

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top