TRIPLE DOUBLE
[ CHAPTER 08 ]
Gaganapin ngayon ang ikalawang palaro na pinangungunahan ko. Marami na akong naisip na laro kaya't sigurado akong magtutuloy tuloy ito.
Ang mekaniks ng ikalawang laro ay dapat walang huni o ingay akong maririnig habang binibigkas nila ang isang dasal na ' Ama Namin' sampung beses nila itong idadasal na pakanta. Lahat ng manlalaro ay kasali dahil madali lamang ito.
Ngunit alam ko sa sarili na hindi nila magagawa iyon dahil sinong kumakanta ang walang nalalabas na tunog?kung Kaya't na sa kanila nalang kung paano nila ito magagawan ng paraan.
Kung mayroon mekaniks meron din syempreng parusa. Kung sino ang unang makapagiingay at mahuhuli ay mapuputulan ng isang paa at kalahating araw ilalambitin ng patiwarik.
Nakikita ko na agad sa dalawang mag kapatid ang pagkahina samantalang ang dalawang mag kaibigan ay kunot noo habang pabulong akong sinusumpa at minumura. Nakatulala lang naman si Claire na para bang walang narinig at hindi gusto sumali sa sinabi kong palaro.
Nilapitan ko ito at agad hinatak ang buhok. Hindi nito binubuka ang bibig at may katigasan talaga ng ulo. Wala na akong magagawa dapat ko silang mapasunod, Kinuha ko ang regaling kahoy at nilapitan ang kapatid kong tulala lang saakin.
" H-Huwag! Kapatid mo sya Christopher!" Sigaw ni Eden saakin pero hindi ko ito pinansin.
Nagbago ang ekspresyon ni Manuel at Eriko ng makita ang hawak kong regali. Tinalian ko muna sa buong katawan si Claire para hindi na ito maka piglas. Pero parang wala lang sa kanya yon at tanggap na ang buong mangyayari.
Lumuluha ang mga mata nito at walang boses na umiiyak habang unti unti kong pinuputol ang isa niyang binti. Napasuka naman si Eriko sa natunghayan at napapikit sa iyak si Manuel pero walang emosyon akong nakikita sa dalawang mag kapatid.
Kakaiba ang mga ito, para bang tanggap na nila kung ano ang susunod na mangyayari.
" Gagawin nyo ba ang nais ko o gusto nyong sumunod dito?" Turo ko sa kapatid ko.
" P-pero paano namin magagawa ang nais mo? Alam mo na impossible iyon!" Sigaw saakin ni Manuel. Nagkibit balikat nalang ako sa kanya kahit ako ay hindi alam kung paano mangyayari yon.
" Maari ba kaming makahingi ng kutsilyo?" Sabat ni Angel. Kutsilyo? Ano namang gagawin nyo sa kutsilyo. Naisip ko na baka gamitin nila ito para saakin pero triple ang lakas ko sa kanila kahit mag tulong tulong pa sa silang lima laban saakin.
Tumungo ako sabay kumuha ng apat na kutsilyo hindi ko na sinali si Claire dahil gagawin ko nalang muna itong palamuti habang nakasabit ng patiwarik sa loob ng kalahating araw.
" Isang oras ang meron kayo para matapos ang pangalawang laro. Sampung beses nyo uulitin ang pagkanta ng dasal na walang tunog. Pag natapos nyo iyon? " Ngumiti ako bago mag pa tuloy.
" Dumako na agad tayo sa ikatlong palaro" Hindi na nila ako sinagot pa at nanatiling nakatulala na naman.
Napaihi pa si Eriko ng makita kung paano ko sinabit ang sariling kapatid.
Laking gulat ko ng biglang kunin ni Angel ang kutsilyo sabay hiwa ng sariling dila. Agad na sinundan ito ni Eden na walang alinlangan gayahin ang ginawa ng kapatid.
Nagsimula sila kumanta ng dasal na walang tunog. Napailing nalang ako sa angkin talino nila. Pero paano sila makakapagsalita mamaya sa susunod na laro? Hindi mga nag iisip ang tanging hangad lang ay matapos agad ang madaling laro.
Imbes na hangaan sila ay kinaawaan ko ang mga ito. Nagdadalawang isip pa ang dalawang magkaibigan kung gagayahin nila ito pero hindi nag tagal ay ginaya nila ang ginawa ni Angel at Eden.
Natapos ang ikalawang laro na nagkalat ang apat na dila nilang apat. Para bang namanhid sila at hindi na makagalaw sa katangahan.
" Paano pa kayo makakasali sa ikatlong laro kung wala na kayong boses? Mas maaga ata kayong magiging palamuti at susunod sa aking nakakabatang kapatid " Iling iling kong sabi.
Matapos ko masabi iyon ay agad na nagpakawala ng iyak si Manuel at Eriko. Para bang sumali ang dalawa sa choir at nagpalakasan ng boses sa pag iyak, ngunit kahit anong iyak ay parang hangin nalang ang nilalabas ng lalamunan nila.
Mga bakla.
Hindi ko naman nakitaan ng pangamba ang dalawang magkapatid. Kahit na sinisisi sila ng dalawang mag kaibigan ay tinititigan lang nila ito ng walang emosyon. Hindi ko alam kung matatakot ba ako o matatawa sa kanilang dakawa.
naramdaman ko ang pagka antok kaya imbes na ituloy ang ikatlong palaro ay nag ayos muna ako ng tutulugan.
Bigla ako nakaramdan ng kaba matapos maalala si claire na kanina pa naka bitin na walang isang paa. Agad agad kong pinutol ang tali at naabutan ang walang buhay na katawan ng aking kapatid. Marahil sa pagka ubos ng kanyang dugo ay unti unti na syang namatay at sa inpeksyon na dulot ng regali na makalawang ay unti unting pinatay ng mikrobyo ang kaluluwa nito.
Wala akong naramdaman na lungkot kahit katiting, gusto kong umiyak sa pagpanaw ng aking kapatid ngunit huli na ang lahat hindi naman sya mababalik ng luha ko. Mag aaksaya lang ako ng enerhiya para sa walang kwentang patay na tao.
Lumihis ang mata ko kay Angel at Eden na kanina ay walang emosyon. Umiiyak ang mga ito at pilit na inaabot ng kanilang paa ang walang buhay na katawan ni Claire. Ibang klase rin ah, hindi ba sila nadala sa pagtalikod ng kapatid ko sa kanila? Halos isumpa nga nila ito tapos ngayon iiyakan nila?
May nararamdaman akong kakaiba kaya dali dali kong hinablot si Eriko at agad na pinutulan ng ulo para mawala ang aking nararamdaman na pagkabahala.
May bahid pa ng luha ang mata nito at walang imik na nakatitig si Manuel habang pinagmamasdan ang ulo ng kaibigan na pagulong gulong palapit sa kanya.
" E- eriko-" Walang boses na sabi nito habang pilit inaabot ang ulo ng kaibigan papalpit sa kanyang pwesto.
" W-ala kang kwenta, demonyo ka!" Sigaw nito sakin kahit na walang lumabas na tunog ay naiintindihan ko sa pamamagitan ng pag galaw ng kanyang labi ang mga salitang gusto nyang iparating.
Matapos nya masabi ang mga salitang iyon ay unti unti itong bumagsak at nang lapitan ko ay wala narin itong malay habang yakap yakap ang mahal niyang kaibigan.
To be continued....
#cheessymossa2022
#diaryofdemoniac
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top