TRAITOR
[ CHAPTER 07 ]
Nakatitig lang ako ng malalim sa kapatid ko habang hinihintay syang pumasok.
" Salamat, Claire." ngumiti ito saakin sabay pumasok sa loob at hinila si Eriko upang itali.
" Masaya ako sa ginawa mo ngunit ang sabi ko ay tatlo!" napasigaw na ko sa galit. Hindi niya ba kayang gawin iyon? Mahirap ba mag bilang at wala bang pinag ka iba ang tatlo sa dalawa? Mag ka ibang mag ka iba yon!
Sa galit ko ay hinawakan ko sya at sinampal na kinagulat nya. " K-kuya?!" agad na lumabas ang luha nya sa sakit ng sampal ko.
" Hindi mo ba ako naiintindihan!?" sigaw ko sa kanya.
' Nanatili naman nakatingin si Claire habang iniisip ang hirap para mapasama nya ang dalawa. '
******
Claire PoV.
Lumabas na ako sa bahay na tinutuluyan namin ngayon ni kuya Chris. Alam kong masama ang ginagawa nya pero hindi ko magawang pigilan sya.
Hindi ko alam kung saan ako patungo ngayon. Kung paano ko magagawa na makakuha ng tatlong tao. Nasa harap ako ngayon ng Munisipyo sa isipan ko ay gusto ko na humingi ng tulong para makaligtas si Angel at Eden na matalik ko na naging kaibigan.
Hawak ko ang isang sulat na naglalaman ng Address ni kuya para sana ibigay nalang iyon at tumakas na para hindi ako madamay. Pero agad kong nilukot rin ito dahil kahit na makatakas ako ay mawawalan naman ako ng kalayaan.
Pareho lang kami ng sitwasyon ni kuya noong nakita nila ako. Duguan, Madungis at halos mawalan na ng damit sa tindi ng ulan at putik na nangyari saakin dahilan para rumupok ang suot ko.
Wala silang alinlangan na tinulungan ako. Gusto ko silang tulungan pero alam kong isusuplong din nila ako sa oras na sabihin ko sa pulis kung saan nag tatago si kuya lalo pa at nalaman nila na kapatid ko sya.
Nakakita ako ng dalawang lalaki na nag ka kal kal ng basurahan. Kita ko ang saya sa mukha nila kahit na mahirap ang ginagawa nila. Namalayan ko nalang na dinala ako ng mga paa ko sa harap nila.
" Anong matutulong namin sayo Ate?" Baling saakin ng lalaking medyo kalbo ang buhok. Hindi naman ako kinibuan ng isa at nanatiling nag kakalkal ng basura.
Tatalikod na sana ko dahil masyado silang inosente para madamay. Parang ako narin ang nagtulak sa kanila sa kabilang buhay pag sinama ko sila. Pero naisip ko rin na hindi na sila mahihirapan pa kung sasama sila saakin.
" Gusto nyo ba mag karoon ng pera? May alam akong pwede nyong pag extra-han." Lumiwanag naman ang mukha nila at dali dali akong hinawakan sa kamay para sabihin kung ano yon.
Gusto kong maawa sa kagustuhan nila na mabuhay pa pero alam kong magagalit si kuya pag wala akong madala mamaya. Ilang oras narin matapos kong umalis sa bahay na tinutuluyan namin.
" Ano po iyon? Kahit ano pwede kami diba Eriko?" nakangiting patanong ng lalaki sa katabi nya. Nag taas baba ng kilay naman ito para sabihin na sang ayon sya. .
" Kailangan kasi namin nang maghahakot sa gamit namin ngayo-n " Ayon ang unang pumasok sa isip ko. Hindi ko naman pwedeng sabihin na isasali ko sila sa laro ni kuya dahil baka hindi sila pumayag at sabihin na wala silang oras para sa bagay na yon.
" Kaya po namin yan, kung gusto mo Ate kaming dalawa nalang " Ngumiti naman ako sa kanila bago mag salita ulit.
" Pero ang kailangan ko kase ay tatlo. " Tatlo ang sinabi ni Kuya pag sinabi niyang tatlo, tatlo.
" Kaya naman po namin yon kahit dalawa lang. Dag dag nyo nalang po yung bayad kahit ano pa yon. " singit ni Eriko na kanina ay hindi nag sasalita.
Pero tatlo talaga ang kailangan ko. Hindi nag tagal ay pumayag narin ako. Sasabihin ko nalang na wala akong mahanap
""*****""
Tinali ko si Claire habang pumipiglas ito. Hindi sya nakahanap ng Tatlo kaya isa sya sa magiging manlalaro ko. Kasama naman talaga siya naudlot lang dahil nakilala kong kapatid ko siya.
Hindi na bale. Kailangan ko na magawa ito para matapos na ang laro. Dahil isa sa limang manlalaro ang magiging kabiyak ko sa buhay. Wala akong paki kung isa kila Manuel at Eriko ang mananalo. Lalaki man sila hindi sila makakatakas sa kanilang tadhana na mapangasawa ko.
Tinititigan ko silang lima habang ang dalawang lalaki ay tulog pa at sila Angel at Eden ay tahimik lang at si Claire naman ay hindi matigil sa pag iyak sa ginawa kong pag traydor sa kanya.
" Hindi ko akalain na magagawa mo to sa sarili mong kapatid. " Biglang mahinahon na sabi ni Eden na para bang hindi takot sa kung anong mararamdaman ko at gagawin ko sa kanya.
Tinawanan ko lang sya at kinuha ang notebook ko para isulat ang mga pangalan nila.
Angel
Eden
Manuel
Eriko at
Claire.
August 10 1988 ( fonts )
Natapos na ang aking paunang laro. At mawalang hirap na nangyari iyon dahil nagawa ng una kong dalawang manlalaro na masunod ang lahat ng sinabi ko.
Lagi kong dala dala ang diary na ito kahit saan ako mag punta. Nakatala dito lahat ng pangalan ng biktima ko at kung anong ginawa ko sa kanila. Lumang luma na ito dahil ilang taon ko narin gamit at may maselang amoy na rin dahil minsan pag nawawalan ng tinta ang ballpen ko ay dugo ang ginagamit ko.
Iniisip ko ang susunod na mangyayari. Ngayon na kumpleto na sila dapat lang simulan ko na ang Limang laro. Apat na laro nalang pala dahil nagawa ko na kanina ang isa. Pinagdarasal ko na maging matagumpay ang susunod na laro gaya ng nauna. Ayoko mabigo dahil matagal ko na itong pinapangarap.
~~~~~~
Napatingin ulit ako sa kapatid ko na hindi matigil sa pag iyak. Hindi ko alam pero sa tuwing umiiyak sya ay hindi ako nakakaramdam ng lungkot o awa mas lalo pa akong nasasabik at pakiramdam ko ang iyak niya ay isang kanta na nag papa lambing sa damdamin ko.
Tila hinihipnitisto ako nito at hinahaplos ang puso ko sa tuwa. Matalim naman na nakatingin sa akin si Angel halos nabubura na ang pagiging malambing niyang mukha at napapalitan ito ng awra na hindi normal pag nakita mo sya.
Nakaramdam naman ako ng kaunting takot ng dahil doon.
Para bang hinahamon niya ako..
To be continued....
#cheessymossa2022
#diaryofdemoniac
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top