SIBLINGS

[ CHAPTER 04 ]

Maaga akong nagising dahil niligpit ko ang katawan ni Fiona. Nilinis ko narin agad ang bakas ng ginawa kong krimen. Tinanong pa nila ako kung napansin ko raw si Fiona.

Oo napansin ko, Niligpit ko na nga e.

" Nagising nalang ako na wala na sya " Pagsisunungaling ko, Pinaniwalaan naman nila ako bago maghanda ng pagkain sa agahan.

" Christopher may matutuluyan ka ba? Kung wala ay pwede ka munang tumuloy dito hanggang gusto mo. " Baling sakin ni Claire habang nagtitimpla ng kape. Tumabi saakin ito sabay inabutan ako ng Kape.

Parang wala lang kila Angel at Eden ang sinabi ni Claire. Hindi nga ako nakarinig ng reklamo bagkus ay nakita ko pang napangit sila ng palihim.

" Kung ayos lang sainyo, Dito muna ako?" Sagot ko na patanong.

" Ayos na ayos lang yon Christopher! Wala rin kasi kaming kasama na lalaki dito. Para narin matakot yung mga nanloloob samin kasi may kasama na kaming lalaki na, Gwapo..." Humina pa ang boses ni Angel sa pagsabi ng 'Gwapo'. Namula pa ang mukha ni Angel dahil inasar ako ng dalawa sa kanya. Pati ako ay hindi ko mamalayan na napapangiti na rin.

Pagkaalis nilang tatlo ay agad akong bumalik sa pinagtaguan ko kay Fiona. Kinuha ko ang binti nito sabay nilagay sa sako. Alam ko na pag uwi nilang tatlo ay paglulutuan ko sila.

Ilang oras rin ang nakalipas ay isa isa na silang umuwi.

" Ang bango naman ano yon? " Biglang sigaw ni Eden. Napangisi ako dahil sa sinabi nya. Mabango talaga to. Nagawan ko ng paraan para mawala ang natural na bantot ng babaeng niluto.

" Hoy! Wow naman Christopher Marunong ka pala mag luto?" Singit ni Claire. Ni ngitian ko nalang silang lahat habang hinahanda ang aking putahe na ginawa.

" Adobo!" Masayang sigaw ni Angel. Nag tatatalon pa ito sa tuwa dahil favorite nya raw ang adobo, At hindi na siya nakakain non dahil wala sa kanila ang marunong mag luto. Andito na ako. Kahit anong luto kaya kong lutuin basta sabihin lang nila.

" Wait lang Christopher napansin mo bang umuwi na si Fiona? " tanong ni Claire habang iniikot ang paningin sa paligid. Dumiretso pa ito sa kwarto ni Fiona at paglabas ay bitbit na ang bag ng babae.

" Andito yung bag nya? Hindi naman sya pumasok sa klase kanina" nagtinginan silang talo sa isat isa habang ako ay patuloy lang sa pagkain sa hinahanap nila.

Alam kong naghihinala na sila pero tinatago lang nila yon. Nararamdaman ko narin ang pagkakabahala na baka matuklasan nila kung sino ang nakahain ngayon na sarap na sarap nilang kinakain.

" Nako claire, baka may dinaanan lang yon. Hintayin nalang natin para sabay sabay na tayong kumain." mungkahi ni Eden.

" Anong hintayin? Kumain na tayo tapos tirahan nalang natin. " dagdag ni Angel. Tama tirahan nalang, Dahil kung hihintayin namin ay baka kayong tatlo na ang iluto ko bago pa tayo makakain.

" Ang sarap talaga Christopher, Tama pala na pinatuloy ka namin. May taga luto na kami " pabirong sabi ni Angel. Sinasabayan ko nalang sya sa mga biro nya habang kumakain.

" Yuck " Biglang napatayo si Claire at tumakbo sa Cr. Narinig namin na sumusuka sya. Nagbago naman ang expression ng mukha ko dahil parang alam na nya? Hindi maaari dahil malinis ang pagkakaluto ko.

" Anong meron Claire? " Lalapitan sana ni Eden si Claire kaso pinahinto na sya nito.

" Wala lang to, May nakain lang akong buhok alam mo naman sensitive masyado yung sikmura ko " Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi nya.

Mabuhok ang binti ni Fiona, Animoy hindi ito babae nahirapan pa nga ako kanina dahil kailangan ko muna itong sunugin para mawala.

Matapos namin kumain ay pinuri nila akong tatlo sa sarap ng niluto ko. Nasa labas kami ngayon at nasa loob si Claire. Medyo sumama raw ang pakiramdam nya kaya hindi kami nasamahan mag pahangin dito.

" Hala, bakit may dugo dito?" takot na sabi ni Angel. Napatago pa sya sa likod ni Eden. Tinawanan naman sya ni Eden at sinabing baka dugo lang yan ng baboy na niluto ko. Baboy? Tao kaya ang niluto ko at dugo iyan ni fiona. Bulong ko sa isipan.

Bago pa nila lapitan ay binuhusan ko na agad ito ng tubig. Nakalimutan ko palang linisin ito. Muntikan pa akong mahuli. May balak pa ako sa kanilang tatlo. At ayoko munang patayin sila. Isasali ko nalang sila sa gagawin kong palaro para naman may miyembro na at sa tingin ko? Silang tatlo ay opisyal na manlalaro ko. Apat sana kaso masyadong makati at marahas yung isa. Ayoko sa ganong tao, Gusto ko yung katulad nilang tatlo.

Kung ano mang laro iyon? nasasabik na ako.

Umingay ang paligid dahil may siren kaming mga narinig. Hudyat na may paparating na pulis. Isa sa mga katangahan nila. Bakit kailangan nilang mag paingay? kung pwede naman silang lumaban ng tahimik. Gaya ko, Tahimik lang ngunit kakaiba.

Takot na takot ang mga mukha ng mga tao sa baryong ito. Kahit sila Eden at Angel ay nanginginig na sa takot. Tila ramdam nila ang kakaibang nangyayari sa lugar.

" May katawan raw ng babae ang nakita sa kanal?" nanghihinang pa tanong ni Angel. Nasalo naman agad sya ni Eden dahil napansin nya ang panghihina nito kaya agaran na nilapitan.

Mabuti na lamang ay maayos ang timing nya kundi ay babagsak si Angel sa sahig. Inalalayan ko silang dalawa na makapasok sa loob para hindi na malaman pa kung ano ang meron sa labas. Ayoko munang malaman nila na kaibigan nila ang bangkay na yon.

Matapos ko kase kumuha ng parte ng katawan ni Fiona para maluto ay hindi ko na alam kung saan ito ilalagay kaya nang mapansin ko na halos walang tao at tahimik sa lugar ay nag hanap ako ng pagtatapunan nito. Agad agad ko naman nakita ang kanal na may kalakihan may takip pa itong bakal. Kaya doon ko na nilagay ang Matawan ni Fiona at sa pag mamadali ay hindi ko na iyon natakpan.

Napabaling naman ako kay Claire na tahimik lang at marahan lumulunok ng laway. Napatingin ito saakin at nagkatitigan kami.
Pansin ko ang kakaibang tingin na dumadaloy sa tinginan namin ni Claire. Para kaming naglalaban sa isat isa. Tila ba nag uusap kami at alam kung ano ang tumatakbo sa kanya kanyang isipan, Napaka init ng aming balingan kaya nag pasya ako na bumitaw sa malalim naming pagtititigan.. Kinabahan naman ako bigla dahil batid ko na agad kung ano ang tumatakbo sa isipan nya.

Pagpatay...

Tama nga ang kasabihan ng matatanda. Nasa puso ang pagmamahal at nasa dugo ang lukso.

Mas lalo akong natuwa at ginanahan ng sobra sa pangyayaring ito. Akalain mo yon? Minsan pala ay may turnilyong hindi gumagana sa isipan ko, Nakakahiya man pero totoo ito.

Napabuntong hininga ako ng malalim dahil sa loob looban ko ay tumatalon ako sa tuwa pero nabawasan naman ako ng isa pang manlalaro, Hindi na bale ayos lang yon kahit na isa sya sa nakikitaan ko na malakas at makakatagal sa laro. Ngunit hindi sya pwede. Hindi ko sya pwedeng isali.

Naglakad ako patungo sa direksyon nya at nilahad ang aking kamay para tulungan syang makatayo. Patawad, Patawarin mo ako Claire.

Patawad kung hindi agad kita nakilala aking minamahal na kapatid.

To be continued....

#cheessymossa2022
#diaryofdemoniac

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top