SAVIOR

[ CHAPTER 09 ]

EDEN POV

*****
Nagising ako sa mahinang tapik banda sa aking paanan. Sumalubong saakin ang malungkot na mukha ni Claire. Gusto ko syang murahin at isumpa sa pagiging traydor nya! Wala syang kwentang kaibigan.

Naalala ko lang yung mga ginawa namin noon na activities at mga gala namin na sobrang saya naming apat hindi ko akalain na hahantong kami ng kapatid ko sa ganitong sitwasyon ng dahil lang sa kanya.

" Layuan mo ako Claire, ayokong makita ang pagmumukha mo. Mas masahol ka pa sa kapatid mo! " Umiiyak nya naman akong tinignan habang pilit na hinahawakan ang aking kamay.

Nilalayo ko naman ito sa kanya, kahit masakit sa akin at hindi matanggap kung sino sya ngayon ay kaibigan ko pa rin sya.

" H-huwag kang maingay baka marinig tayo ni Kuya" tinakpan nya ang bibig ko at tinignan ako nang nagmamakaawa.

" Tutulungan ko kayo makalabas dito ni Angel, huwag kayong mag alala. Ngayon ay paghahanapin ako ni kuya ng iba pang tao para isali sa kalokohan nya. Didiretso ako sa pulis at pagbalik ko ay makakalaya na kayo." Umiling ako sa kanya.

" Paano naman kita mapagkakatiwalaan? Trinaydor mo na ako Claire. Hindi ko na alam kung mapagkakatiwalaan pa kita! " Galit kong sabi sa kanya. Nagising naman si Angel sa bulungan namin at agad sumabat.

" Ate, Pagkatiwalaan natin ngayon si Claire. Wala na tayong ibang matatakbuhan kundi sya lang. " malungkot na sabat ni Angel. Tinignan ko naman sya ng masama sa sinabi nya.

" Pagkatiwalaan? etong babae na to? " sinampal naman ako ni Claire sa sinabi ko.

" Tatakas pa kayo ha! Hindi na kayo makakatakas! Huwag na kayong umasa" nagulat ako ng higpitan ni claire ang tali saakin sabay bumulong ng -

" Gising na si Kuya, baka mahuli tayo. Ipinapangako ko yung sinabi ko. " marahan itong ngumiti bago salubungin si Christopher.

" Mag iingat kayo, tiyakin nyo na ligtas kayo bago ako bumalik dahil mag uumpisa na ang laro " bilin nito saamin.

Tama nga ang sinabi nya dahil agad agad itong nag asikaso at lumabas sa building na pinagkukulungan namin.

Matapos umalis ni Claire ay sinabi ni Christopher na sisimulan na ang unang palaro. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Gusto kong sabihin na ako nalang ang sasali pero dalawa raw dapat kami at kung hindi kami papayag ay mamatay agad kami ng maaga.

Sa oras na tinanggal namin ni Angel ang mga kuko namin ay oras narin non na pinagkatiwalaan namin si Claire. Halos mawalan pa ako ng malay ng tanggalin na namin ang aming isang mata. Halos mawalan ako ng paningin dahil naging itim ang paligid na kalaunan ay lumiwanag ulit.

Pilit naming pinigilan ang malakas na pag iyak dahil nabasa ko na isa sa katangian ng baliw ay ayaw nito ng maingay o nakakainis na tunog na gawa ng mga tao.

" Aba, napakagaling niyo naman mga binibini" natatawang sabi ni Christopher saamin matapos namin magawa ang unang kagaguhan na palaro nya.

Magkaroon lang ako ng lakas, ipinapangako ko na babalatan kita ng buhay, hayop ka!

Hawak hawak ko ang nanginginig na katawan ni Angel sa sobrang pagkamanhid. Mainit din sya dahil hindi nya nakayanan ang sobrang sakit na dinanas namin.

Maya maya ay naiiyak na lumapit saamin si Claire

" Patawad " yun lang ang sinabi nya sabay umalis na.

A-anong ibig sabihin nya? A-anong patawad? halos nanghina ako sa isang salita na binitawan nya kasabay noon ang pag pasok ng walang muwang na dalawang lalaki.

Naaawa ako sa mga mga ngiti nila. Matapos ng mga ngiti na yon ay isang krus na bato ang tumama sa kanilang mga ulo.

Nang magising ako ay katabi ko na sila at nagpupumiglas na. Nagulat pa sila ng mapansin kaming dalawa ni Angel.

" A-anong pong meron, A-no ito?" naguguluhan na tanong ng isa sa kanila.

" Manuel, Anong meron bakit nakatali tayo?" Malungkot ko silang tinignan sabay napaiwas nalang ng tingin. Kahit ako ay naguguluhan kung bakit nangyayari ito. Mas mabuti na matunghayan nalang nila para malaman nila ang kasagutan.

Natauhan ako ng makitang bugbog sarado ang mukha ni claire habang pinipilit ni Christopher na itali katabi namin.

" Kuya! Kapatid mo ako!" pagsusumamo ni Claire.

Napailing nalang ako dahil kahit mismong kapatid nya ay nagagawa niyang pagtaksilan. Totoo nga ang napagaralan namin na ang mga pyschopath ay walang nararamdaman na awa. Hindi sila nagmamahal, nagmamahal man pero ang sarili lamang nila.

Walang imik ang lahat dahil tulog na si Christopher. Tinignan ko naman si Claire na nakakatitig na pala saakin habang lumuluha.

" Patawarin nyo ako." mahinang sabi nito.

" Ipinagdarasal ko na agad mabasa ng kapulisan ang sulat na ginawa ko. " dagdag nya

" Anong ibig mong sabihin? " Kahit alam ko na ang ibig nyang sabihin ay gusto ko parin kumpirmahin ito.

" Noong una ay nag alinlangan ako, pero alam kong pagtataksilan ako ni kuya kaya bago ako umuwi ay hinulog ko sa mail box nila ang aking sulat" Nagkaroon ako ng pag asa sa sinabi nya, Jusko.

" Baka sa oras na mabasa nila yon ay wala na ako, Eden? Kaibigan ko. Mapatawad mo sana ang kapatid ko kahit ayon nalang ang kapalit ng pagtulong ko. " matapos nyang sabihin yon ay tumalikod sya sakin at marahan na humiga hanggang sa makatulog.

Tinapik ko si Angel kahit hindi nito narinig ang sinabi ni Claire.

"Makakalaya na tayo"

Umagang umaga ay naririnig ko na ang sigaw ni Christopher dahil nagugutom na raw ito.

" Para mabawasan ang gutom ko ay kantahan nyo ako ng dasal na walang tunog!" Napataas ang kilay ko non at masama syang tinignan. Hindi ako nakikita nito kaya nagagawa ko ang pagkasuklam ko sa kanya.

Paano namin magagawa iyon?

Nagulat ako ng hilahin nya si Claire at agad putulin ang binti nito.

Cl-aire.....

Hindi pa ito nakuntento dahil binitin nya si claire na para bang isa sa mga walang kalaban laban na hayop.

Natapos namin agad ang pangalawang palaro nya ngunit nauwi kami sa pagiging pipe dahil sinalalay namin ang aming mga dila para magawa ang kabaliwang laro.

Pansin ko ang pagkabalisa nya tuwing nagkakatitigan kaming dalawa.

Nababasa nya ba ang pagsusumpa ko sa kanya?Kung oo dapat lang dahil kung oras ko na ngayon ay isasama ko sya sa dasal ko na sumunod sya.

Isang pugot na ulo ni Eriko ang tumalsik at nagpagulong gulong sa aming harapan at halos mawalan ng lakas ang kaibigan nito na si Manuel sa pagkaiyak sa brutal na pagkawala ng kaibigan.

Unti unti nitong inabot ang ulo ng kaibigan at yumuko at nawalan ng malay. Sa isip ko ay baka hindi na nito nakayanan at inatake na sa puso sa sobrang pagka bigla. Dahil namutla sya na para bang bangkay.

Isang malakas na pagsabog ang narinig ko at niluwa ng malakas na pagsabog na iyon ang mga armadong kapulisan.

Doon ko tuluyan napakawalan ang aking luha dahil sa wakas at tapos narin ang aming paghihinagpis sa kamay ng baliw na ito.

Unti unti akong napangiti ata agad na ngumiti kay Angel, niyakap ko pa ito sa sobrang tuwa sa pag ka iyak.

" A- anong-"

" Hindi! " Agad na kumuha ng baril si Christopher at walang alinlangan na pinutok sa aming dalawa ni Angel ang baril pero agad itong sinangga ni Angel kaya nasambot nya ang bala na para dapat saakin.

Bigla akong nabingi, nabulag at hindi makapagsalita sa mga nangyari.

" Hindi! Hindi ito pwede, Angel!" Sigaw ko sa isip ko.

To be continued....

#cheessymossa2022
#diaryofdemoniac.

Just one more chapter before the end, Thanks for the support! Seleunae

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top