RECRUIT
[ CHAPTER 06 ]
Ngayon ay umpisa na ng aking pinakahihintay na laro. Matagal na dapat itong nag umpisa kaso maraming sagabal ang nangyari. Isa na ron ang panggugulo sakin ng mga tao.
Hindi na maayos ang lagay ng dalawang magkapatid. Lantang lanta na sila at nanghihina na ng sobra. Akala ko pa naman ay malakas sila. Hindi pala. Pero kahit ano man ang itsura nila ay hindi na mababago ang desisyon ko. Dapat ay mangyari na ang matagal ko ng pinapangarap.
Simulan ang laro!
Ang unang laro ay kinabibilangan ng dalawang miyembro. Saktong sakto sa bilang nila. Simple lang naman ang laro. Paunahan na tanggalin ang mga kuko sa kamay at paa at dukutin ang isang mata. Napaka simple lang no? Okay lang yon dahil na sa unang laro pa lang naman tayo.
Bawat laro ay pahirap ng pahirap. Hindi naman yung sobrang hirap. Sakto lang. May Rules akong sasabihin na kailangan nilang gawin.
Una ay bawal ang magtulungan. Isa yan sa pinakaayaw ko ang may tumutulong. Mas maganda kung napapatagal ang laro para mas sulit ito. Pangalawa naman ay bawal mag ingay. Sa oras na makarinig ako ng ingay ay isa sa mga mahahalagang parte ng katawan nila ang mawawala. Hindi ko muna sila papatayin. Masyadong madali iyon para sa palaro. Mas gugustuhin kong maghirap sila bago mamatay.
At ang ikatlo at ang panghuli ay hindi ko pa napagdesisyunan.
Marahan ko silang tinanggalan ng gapos sa katawan pina upo sa isang upuan. Hindi naman nila magagawang tumakbo para tumakas dahil sa sitwasyon nila? Mas pipiliin nilang mamatay kesa tumakbo pa.
" Handa na ba kayo?" Nakangiti kong tanong sa kanila. Tinignan naman nila ko na para bang nagtatanong kung ano ang ibig sabihin ko.
" Maglalaro tayo diba? Ayaw nyo ba?" Kitang kita sa mata nila ang pagka takot. Natatakot agad sila imbes na matuwa. Ganito na ba ang mga tao ngayon?
" A-anong laro ba iy-an?" Lakas loob na tanong ni Eden kahit bakas ang pagkatakot sa boses nito.
" Mukhang handa kana ah " Ngiti ko ulit.
" Ang unang laro ay kinakailangan ng dalawang miyembro at kayo ang napili ko para roon. Wala naman akong iba mapipili kaya kayo talaga ang maglalaro at wala kayong magagawa " Paliwanag ko habang unti unti na silang nanginginig kahit hindi pa nila alam kung ano at paano magagawa ang laro.
" Kailangan nyo mag pa unahan na tanggalin ang mga kuko sa inyong paa't kamay at ilagay ito sa platong ito " sabay baba ko ng dalawang kulay puti na plato. Tinignan naman nila yon na naiiyak.
" At ang susunod niyan. Matapos nyong magawa ay-" nag lapag naman ako ng mangko na maliit sa tabi ng plato.
" Ilalagay nyo ang isa nyong mata sa mangkok na ito " patuloy ko.
Agad silang nag si pag iyakan kahit madali ang ang pinapagawa ko.
" Maawa ka, Christopher Huwag mo kami ganituhin" puno ng pag mamakaawa na sabi ni Eden, Habang tulala lang si Angel sa harap niya.
" Huwag kayo mag alala dahil hindi naman ito paunahan. Matapos nyo magawa ang sinabi ko ay maari na kayo mag pahinga para makapag handa sa iba pang laro" Iniwan ko na sila para mag hanap ng mababasang diyaryo.
Bumalik ako dahil may nakalimutan akong sabihin. " Siya nga pala sa oras na ika 3 ng hapon ay dapat tapos na kayo. Meron kayong isang oras para matapos ito. Tumingin pa ko sa orasan at sumakto ang Alas Dos sa kamay non.
Rinig na rinig ko ang iyakan nila habang unti unting ginagawa ang laro. Lumalakas pa ang hiyawan nila sa tuwing may matatanggal na kuko. Binabasa ko naman ngayon ang diyaryo na halos ako na ang bida dahil ako at pangalan ko ang balita rito.
Napatingin pa ulit ako sa orasan dahil hindi pa bumabalik si Claire matapos ko syang utusan na mag hanap ng tao.
Alas diyes palang ay umalis na ito. Pinapanalangin ko na huwag nya akong traydurin. Dahil sa oras na ginawa niya yon ay kakalimutan ko ang dugong dumadaloy saamin.
Walang kurap kong tinignan si Angel at Eden matapos makita ang plato na kumpleto ng kuko nila at mangkok na may tag isang mata. Nakayuko silang umiiyak habang nasa harapan ko sila. Ibang klase pala ang dalawang ito. Napaka ta tag. Akala ko ay sa larong ito palang ay susukuan na agad nila. Mas lalo tuloy akong ginanahan dahil gusto ko matunghayan nila ang susunod pa na mga laro matapos bumalik ni Claire.
Hinandaan ko ang dalawa ng makakain upang handugan sa pinaka kita nila kagalingan. Naubos naman agad nila yon na walang tinatanong kung ano ang naka hain. Para bang kahapon palang ay tinanggap na nila kung ano ang sasapitin nila saakin.
" K-kuya! " Lumabas agad ako ng marinig ang pag tawag sa akin ni Claire. Hudyat na nandito na sya. Naalala ko pa ang sinabi ko noon sa kanya na mag dala sya ng tatlo manlalaro sa akin. Hindi kona papansinin ang edad at kasarian basta yung malakas "
Nagulat ako dahil dalawa lang ang dala nya. Dalawang lalaki na binata at may mga itsura. Sa mga tindig nito ay halatang may kalakasan at mahihirapan patumbahin pero wala saakin problema yon dahil triple ang lakas ko sa kanila.
" M-magandang unaga po. Ako po si Manuel at sya naman si Eriko " pag papa kilala ni Manuel na medyo kalbo ang gupit at turo niya kay Eriko na tahimik akong pinag mamasdan.
May binulong pa si Eriko na kinatawa ni Manuel.
" Baka kamukha lang tol " bulong ni Manuel na narinig ko.
" Kuya andito na pala yung mga mag tutulong saatin mag lipat " Agad naman ngumiti yung dalawa saakin kaya napatingin ako kay Claire na lumunok matapos sabihin yon. Hindi ko aakalain na ganito katalino ang kapatid ko.
" Tara, pumasok na kayo " Ngumit naman ang dalawa at agad na sumunod saakin.
Pag pasok na pag ka pasok palang ng isa ay hinataw ako na ito sa ulo ng dos por dos na kahoy. Gulat pang tumingin saakin si Manuel na tatakbo na pero natigilan sya ng hatawin siya ni Claire ng bato sa mukha.
Mabuti nalang ay liblib itong lugar kahit na sumigaw si Manuel ay walang makakarinig.
Ngumiti naman ako kay Claire dahil sa ginawa nyang pag tulong kahit na sa loob- looban ko ay kulang pa ang dinala niya.
To be continued....
#cheessymossa2022
#diaryofdemoniac
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top