BETRAYAL

[ CHAPTER 05 ]

Lumisan kaming sabay ng aking kapatid na si Claire dala dala ang dalawang magkapatid na ito.

Nahirapan pa nga kami dahil nag pumiglas si Eden at tatakbo pa sana. Mapapatay ko na nga rin dapat buti nalang napigilan ako ni Claire. Tamang tama pala na nandito sya. May taong ko kontrol sa pagiging marahas ko.

Kahit dito sa nilipatan namin ay matunog parin ang ginawa kong pag paslang sa mga tao sa Apartment. Aba, dapat lang sa kanila yon no. Pinerwisyo nila ang tahimik kong pamumuhay. Pasalamat nga sila at may naka ligtas pa.

Sabay naming tinatalian ang dalawang magkaptid na ito.

" Papano ka napunta dito?" Tanong ko kay Claire matapos namin magapos ang dalawa.

" Ikaw ang dapat tanungin ko niyan Kuya, Anong ginagawa mo? Bakit ginagawa mo na naman ito!" Sinigawan nya ako ng napakalakas. Agad naman na tumiklop ang kamao ko. Napansin nya iyon na dahilan para tumaas ang kilay niya.

" Sasaktan mo ko? Papatayin mo rin ba ako?" Biglang nanghina ako sa sinabi nya. Hindi!, Hindi ko gagawin sayo yon Claire!

Sa loob looban ko ay dinudurog nya ako sa masasakit nyang salita.

" Hindi ko alam kung bakit kasama mo na naman ako sa kalokohan mo, Bakit nagiging sunod sunuran na naman ako sa kagaya mo. " umagos ang mga luha sa kanyang mata na lalo kong kinahina. Hindi ko naman to gusto, Pero hindi ko kayang pigilan. Pakiramdam ko ay mamamatay ako.

* FLASHBACK*

" Nakita mo ba yon Topeng? ganon umasinta! " nag iwan ng nakakabaliw na halakhak si tatay matapos niyang barilin ng buhay si Mama habang naka talikod ito na takot na takot.

Wala akong magawa. Hindi ako makakilos ang tangi ko lang nagagawa ay manood at umiyak.

Galit itong tinignan ako at umuling bago ulit mag salita " Bakit ka umiiyak Topeng? Ayaw mo ba nito? Akala ko gusto mo. Saglit tatawagin ko si Clark.

" CLARK! " Malakas niyang sigaw. Dali dali naman tumakbo papunta sa direksyon namin ang inosenteng kapatid kong bunso.

Nakangiti pa ito habang kumakaway papunta sa direksyon namin ng isang bala ang tumama sa ulo nito. " Ganito ba Topeng?! " Nagbago ang tono ng boses ni Papa na agad kong kinagulat.

Lumalim ang boses nito na para bang hindi na tao. Hindi talaga sya tao, Hinding hindi sya magiging tao dahil isa syang demonyo!

Nilapitan ko ang kapatid kong si Clark na agad binawian ng buhay. Narinig ko pa ang pag tawa ni papa ng malakas habang tinatawag naman si Claire.

Natunugan na siguro ni Claire ang mangyayari kaya agad itong kumaripas ng takbo. Galit na galit si Papa habang pinapanood nyang tumatakbo papalayo si Claire kesa pumapalapit sa kanya.

Naglakas loob akong lumapit kay papa at agad na hinablot ang baril nya. Tinutok ko ito ng diretso sa kanyang ulo na kinatawa nya.

" Topeng ano to? Baliw ka na ata Anak ko. Sa tingin mo ba magagawa mong iputok yan kay Pap-" Simula ngayon ay wala na akong Papa.

Walang alinlangan kong pinutok ang baril na ito kaya kumalat agad sa sahig ang kanyang utak. Hinabol ko naman para sundan si Claire kaso hindi ko na nakita.

***
" Kung ano man ang binabalak mo Kuya, Huwag mo na ituloy! Dahil ako mismo. Ako mismo ang magtuturo sa mga pulis kung nasaan ka." Umiling nalang ako sabay nilapitan sya. Hinawakan ko ang kamay nya na hindi na malambot tulad noon.

" Claire, alam mo kung ano ang nararamdaman ko! Hindi ko to gusto pero kailangan kong gawin. Kung hindi ko gagawin ay mamamatay ako, Mamamatay si Kuya" Napapikit naman sya sa sinabi ko.

" Pero Kuya!" tinakpan ko ang bibig nya bago pa sya makapagsalita ulit.

Dinala ko sya sa upuan at doon pinakalma. Umiiyak parin sya habang umiinom ng gamot. Patawarin mo ko dahil masasaksihan mo na naman ang brutal kong ginagawa.

" Tatlo " nabalik ako sa wisyo habang tinitignan ang dalawang magkapatid na natutulog sa harapan ko. Tatlo nalang ang kailangan para makumpleto ko. Ang nakakainis lang ay paano ako makakalabas ngayon? Kalat na ang mukha ko sa bayan na ito.

Hindi na bale, Iisip nalang ako ng ibang paraan ang iisipin kolang ngayon kung ano ang klase ng laro ang gagawin ko.

Masyadong kilala na ang palarong tumatakbo habang pugot ang ulo. Kilala narin ang pag talon habang putol ang paa. Ano naman kaya?

Sumakit pa ang ulo ko habang nag iisip sa gagawin. Dumagdag pa ang kulang kulang na miyembro.

Sumilip ako sa bintana para tignan kung ano ang nangyayari sa labas. Tahimik naman at parang walang mga tao. Natatakot na ata lumabas ang iba dahil sakin. Naiinis tuloy ako dahil hindi ko alam kung paano sila kukumpletuhin

Hindi naman ako pwedeng basta basta manloob tapos hablutin ang mga natipuhan kong manlalaro. Masyadong delikado baka mamatay pa ko.

Ah alam kona. Napatingin ako sa kapatid kong mahimbing na natutulog dulot ng gamot na binigay ko.

Marahan akong ngumisi at napailing sa idea na naisip. Gusto kong mag saya agad sa planong tumaktabo sa isip ko dahil alam kong magiging tagumpay ito.

Kita mo nga naman? Biruin mo yon may maasahan ka talaga sa pamilya ko. Totoo rin pala na ang pamilya mo ang una mong malalapitan at mahihingan ng tulong sa oras ng kagipitan.

" Ano to! Bakit ako nakatali! " Sigaw ni Eden matapos nyang magising sinipa pa nito ang kapatid para magising narin.

" Christopher bakit kami nakatali! Ipaliwanag mo." Blanko ang expression nito na para bang papatayin ako pag nakawala sya sa gapos

" Anong ipapaliwanag ko mahal na Eden?" pabiro kong sabi habang nilalaro ang kutsilyo sa aking kamay.

" A-ate anong nangyayari" napanguso naman ako sa ka inosentihan ni Angel. Mamamatay na sila parang bata parin sya.

" Mamamatay na kayo. " sagot ko sa tanong nya. Bumuhos na naman ang luha sa kanyang mga mata.

" Joke ba ito C-Christopher..?" Takot nyang tanong sakin.

" Joke? Hindi naman ako nakasuot ng make up Angel, kaya malabong Joke ito." sarkastiko kong sabi. Hindi ko rin gusto ang mga Joker dahil maduduya sila.

" Pero-" dagdag ko. " Maglalaro tayo " Syaka ko pinakawalan ang malakas kong tawa.

" Ang ibig mo bang sabihin laro ito kaya nakatali kami?" Tinignan ko naman sya mula ulo hanggang paa. Balak ko na sana laslasin ang leeg nya ng may kamay na pumigil saakin.

" Huwag Kuya!" Pigil sakin ni Claire. Nag salubong naman ang kilay ni Eden at napatingin sa akin at Claire.

" K-Kuya? Magkapatid kayo?" tanong nito. Malamang aber kaya nga kuya. Tss ano bang klaseng tao ang dalawang to.

Yumuko si Claire sabay marahan umalis.

" Claire sumagot ka! Kapatid mo ba ang hayop na to?!" Tinignan ko ng malalim si Eden dahil bastos sya, Bastos ang lumalabas sa bibig nya.

" Mga hayop kayo! Matapos namin kayong kupkupin ganito ang gagawin nyo! " nag pupumiglas na sigaw ni Eden habang ang kapatid nyang si Angel ay nanatiling nakatulala.

" Masarap ba?" hindi nila ako sinagot.

" Masarap ba ang kaibigan nyo?" Nagbago ang itsura nila at napatingin na naman saakin. Ganyan ba sila? laging sabay titingin saakin. Ganito ba ako ka gwapo?

" Anong ibig mong sabihin-" pinutol ko na agad sa pag sasalita si Angel. Para hindi na sya mahirapan sa pagiisip ay sinabi kona agad ng diretso.

" Yung pagkain na sarap na sarap ka kanina ay ang kaibigan nyong si Fiona" nakangiti kong saad.

Bigla naman silang dalawang sumuka. Magkapatid nga to. Sabay lagi ang ginagawa.

" Uulitin ko ha? Masarap ba?" Nilapitan ko si Angel at tinanong. Iniiwas nya pa ang mukha nya sakin.

Nagkalat na sa damit nila ang suka na may laman pa.

" Masarap ba Angel?" umiling ito saakin habang naiyak.

" Anong hindi? Naalala ko pa nga kung gaano ka kasaya kainin at ubusin yung kaibigan mo. Sarap na sarap ka pa, Bakit sinasabing mong hindi na ngayon? " biglang lumungkot ang boses ko. Pangit ba pagkakaluto ko? Hindi naman ah.

Tumayo na ako at tinignan silang dalawa.

Kahit hindi pa kumpleto ang miyembro ay pwede naman mag umpisa na ang laro diba? Tama. Hindi naman dapat laging kumpleto.

Ano mang bilang o rami kung gusto mo mangyari ang bagay ay gugustuhin mo kahit kulang kulang ito.

To be continued....

#cheessymossa2022
#diaryofdemoniac

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top