Diary 10
Dear Diary,
Ngayon mommy... nalaman kong hindi niyo na talaga ako mahal.
Pilit kong tinatawagan ang numero ni kuya pero hindi sumasagot.
Gusto kong mag-sumbong sa iyo dahil hindi mo alam kung ano nang nangyayari sa akin.
Nawala na mommy. Takot na takot na ako.
Sana nandito ka para damayan ako.
Wala akong nagawa nang hinila ako ni Uncle sa madilim na lugar.
Yun na pala ang simula ng pagkawala ng aking dignidad. Wala na mommy. Binaboy na ako ni uncle.
Hindi ko alam ang gagawin ko... natatakot ako mommy.
Ito lang ang alam kong paraan para makalimutan ang pangyayaring iyon.
Sorry mommy dahil sa gagawin ko. Sana mapatawad mo ako. Always remember that I Love You mommy.
Hanggang sa muli...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top