Entry #8

"Andyan na si Venus!"

"Hi, Venus."

"Ang ganda niyo po, ate."

Pagtapak ko pa lang sa school ay nagdagsaan na ang mga bumabati sa akin. All eyes are on me while I make my way to my classroom. Sinabayan na rin ako nila Minerva at Erica sa paglakad. Nag-umpisa na silang magkwento ng mga bago at nagmamahalang bags at shoes nila. I didn't bother to listen so I stuffed my earphones in. Good music. Maximum volume. And I'm now alone.

Natigil kaming tatlo sa paglalakad ng my babaeng humarang sa amin. Nagbubukas-sara ang bibig nito at halatadong kinakabahan. Tinaasan ko lang ito ng kilay at inirapan. Kahit di ko naririnig ay alam ko na ang mensahe nito. She wanted to join my group. My group of elite friends.

"Minerva, there is a dirt blocking my way." Sabi ko habang tamad na nakakatitig sa babaeng nakaharang. Napasinghap ito ng agad siyang tinaboy ni Minerva.

Ito talaga ang silbi nila sa akin. Minerva and Erica are my fake best friends. In my own term, alalay, utusan, alipores. Well, ginusto naman nila, eh. Gustong-gusto nila. They want attentions. They want fame and they need me. Wala sila kung hindi sila nakadikit sa akin. Hinahayan ko lang sila dahil nagagamit ko naman sila 'pag tinatamad akong gumalaw.

"Girl, Si Mark." Erica told me. Awtomatikong naghanap ang mga magagandang mata ko at natagpuan ang gwapong si Mark. At may dala na naman itong mga rosas.

Iniwan ko ang dalawa at agad na naglakad papunta sa pwesto ni Mark. He's like a having a photoshoot in his simple position, leaning on the wall while staring at the roses with a smile. He's so cool! Gosh! And super sweet, too! Para sa akin na ba 'yang mga roses na 'yan? Pero garden ng roses ang hinihingi. Well, anyways, pwede na siguro 'yan. It's the thought that counts naman, eh.

"Hey, Mark!" I said casually. Pero deep inside, gusto ko na siyang yakapin at magtitili. Napalingon lang siya sakin pero kinilig na agad ako at napangiti.

"Hi, Venus." Bati niya. See? We're close. Nasa parehong paaralan kami since Grade 1, imposibleng di ako gumawa ng paraan para mapalapit sa kanya. Nag-uusap kami pero ayaw kong daldalin siya palagi baka makulitan siya. We look like simple friends but I don't like that. I want more than that.

"Kanino 'yan?" Nginuso ko ang dala niya. Ngayon't kinakausap niya pa ako ibig sabihin ay di nagsumbong si Hannah sa pang-bubully ko sa kanya. Good girl. Subukan lang niya at dudoble ang mararanasan niyang hirap.

Ngumiti ito at tila may naalalang maganda. Gosh! Sakin 'yan diba? Ibigay mo na, wag ka ng mahiya, Mark. Narealize mo na bang mas bagay tayo? Owkamon! Ako nga, 8 years ago pa! Di bale, better late than never, right? Tatanggapin pa rin kita with open arms! Kahit wag ka ng manligaw, tayo na agad. And you−−"Kay Hannah 'to, yong nililigawan ko."

Did you hear that? Parang may nabasag. Oh, wait! Puso ko pa la 'yon.

"S-Sigurado ka?" Hindi ba para sa akin?

Natawa ito sa tanong ko. Kahit para akong binagsakan ng malaking bagay ay naadmire ko pa rin ang mga dimples nito. Bakit ganto? Unfair! "Oo naman. Kaw talaga, Venus. Sige mauna na ako, hah? Pupunta pa ako sa room niya." He said while chuckling then pats my head like a puppy. Simple movement but it made me happy. Pero bakit ganto? Ang hirap huminga?

Kailan ba ang chance ko sayo, Mark? Marami bang nakapila? Ikaw na lang kaya pumila sa akin? Pasisingitin agad kita sa unahan.

Nagring ang bell at para akong bangag na pumasok sa classroom namin. Damn! Bat' parang humahapdi ang mga mata ko?

* * *

Uwian na. Umupo muna ako sa may bench habang pinapanood si Mark sa di kalayuan, may hinihintay. Dumating ang hinihintay at kumulo ang dugo ko. Dumating si Hannah. At mukhang nagtagumpay siyang tanggalin ang bubblegum sa buhok niya. Inutos ko 'yon sa isa sa mga kaklase niya kaninang lunch. Sana pala sampung bubblegums ang pinadikit ko. Tsk!

Sana bumilis ang ikot ng mundo. Yong tipong tatalsik na lang si Mark bigla dito sa tabi ko. Pag nasa tabi ko na siya, next naman ang mabagal.

"Kasalanan mo 'to."

"Aaaah!" Nagitla ako sa gulat ng may biglang magsalita sa tabi ko. Aba, tignan mo nga naman , oh! Raven Ashford, biglang sumulpot sa tabi ko. Hindi ko ito napansin dahil malamang ay si Mark ang focus ng isipan ko. Akay Mark ang aking full attention together with all my senses. Asa kanya lahat. "Ano bang ginagawa mo dito?" Mataray kong tanong. Di niya ba nakikitang busy ako kakatingin kay Mark.

"Kasalanan mo 'to." Pag-uulit niya. Binalik ko ang tingin kina Mark. Andon pa naman sila at natatawanan ng bruhildang si Hannah. Grr!

"Anong pinagsasabi mo diyan?!" Kunyare inosente kong tanong. Saglit ko lang tinignan ang pumutok nitong labi. Bat' ganon gwapo pa rin siya? Oops! Sorry, Mark! Don't worry ikaw pa rin ang ka-forever ko kaya iwanan mo na yang Hannah na 'yan.

"Alam kong ikaw ang nang utos na bubugin ako nong grupo ng kaklase mo."

Oo nga, bubugin ang inutos ko. Bakit sugat lang sa labi ang natamo mo? Andami kaya nilang inutusan ko?!

"I don't know what you are talking about. Umalis ka na, busy ako." Busy ako kay Mark.

"Don't fool me. I asked them, Venus Sinclair." Malamig nitong saad. I almost shivered. Ghaad! Huwag mong sabihing napatumba niya silang lahat?! Lagpas sampu kaya 'yon. Ano siya gangster? Street fighter? Kamag-anak ni Batman? O Superman?

"A-Ano bang kailangan mo?" Tapang-tapangan kong tanong. Isusunod niya na ba akong patumbahin? Pwede may substitute? Parang willing si Hannah, eh.

Nagtaka ako ng abutan niya ako ng panyo. Kinabahan naman ako. Akala ko kutsilyo na. Well, di naman siya mukhang mamamatay-tao. Feeling ko nga pag nakapatay ito ay magmumukha pa itong inosente. "Anong gagawin ko diyan?" Taas-kilay kong tanong.

"Punasan mo." Pagtutukoy niya sa sugat niya sa labi.

Kunot-noong tinignan ko siya ng maiigi. Baka bawin niya, eh. I mean, pumunta siya dito para magpapunas ng sugat? Owmamen! Ano 'to joke?!

Makalipas ng isang minutong titigan ay napagtanto kong seryoso siya. Napansin ko naman 'yong mga mata niyang mukha matutulog na o kagagaling lang sa tulog. Palagi siyang mukhang bored. Na parang lahat ng tinitignan niya para sakanya ay walang kwenta at patapon. Di ko alam kong maiinis ako sa mga tingin niyan 'yan. I mean, I'm not walang kwenta or patapon! Err. Anyway, that's only my analytical opinion.

Kinuha ko na lang yong panyo niya. Ugh! Mukhang ako pa ata mabubully dito, ah! Lumapit ako ng konte para maabot ang mukha niya at dahan-dahang pinunasan ang dumudugong labi nito. Silence. This is so awkward. Kinakabahan ako baka pag maidiin ko ay tuluyan niya na talaga akong patumbahin. Nakatingin lang ako sa pinupunasan ko, ayoko siyang tignan sa mata at baka manginig lang ako sa takot. I'll ask dad kaya for bodyguards tomorrow? Mukha kasing babawian ako ng isang 'to, eh. Si Mark kaya hingian ko ng tulong? Mukhang magiging mas close pa kami kung ganon, right? Just like when we first met. Brilliant.

I abruptly look at Mark. (Did you hear that? May nabasag ulit.) Sana di ko na lang ginawa. Sana di ako lumingon. Gusto kong bawiin ang tingin ko pero parang nanigas ako. Pati kamay kong nagpupunas nadamay, tumigil din.

"Ah. Kaya pala."

Di ko pinansin ang bulong ni Raven. Humahapdi na naman kasi ang mga mata ko, eh. Yong puso ko, nabasag na naman ba? I sighed. Kailan ba ko titigil kay Mark? Ansakit tignan ang taong gusto mo na may kasamang iba. But it's more painful when you saw him kissed a girl that is not you. Mark kissed Hannah's forehead gently. And now, they are both smiling to each other. Holding hands pa. Tama na ang sweetness niyo, please. Please, please, Mark. Ako na lang. Walong taon na akong inuugat dito, oh. Nasasaktan na ko.

"Venus, " Mahinang tawag sa akin ng katabi ko. Ay! Andito pa pala tong Raven Ashford na 'to. Tsk! Si Mark na naman kasi ang focus ko.

"B-Bakit?" Tanong ko at saka ngumiti paharap sa kanya. Fake. I pulled out a fake smile.

"The worse kind of pain is when you're smiling just to stop the tears from falling." Hindi ko alam kung saan niya nahugot 'yan pero tagos na tagos, hah.

Di ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko sa kaliwang mata. Nakita ko kung paano tinitigan 'yon ni Raven. Di pwede 'to. Ayokong makita niya o kahit na sinong umiiyak ako. "A-Ah. Sige. A-Alis na ako." Agad ako tumayo at yumuko. Agad akong humakbang papaalis pero natigil din ng bigla itong magsalita.

"Kalimutan mo na si Mark."

Sinilip ko lang siya sa balikat ko pero agad ko ding pinagpatuloy ang pag-aalis. Gusto ko sanang bigyan siya ng mataray na sagot pero nag-uunahan na ang mga luha ko sa paglabas. Kailangan ko ng umalis dito. I don't want them to look at me with pity in their eyes like I'm vulnerable and weak. Ang Venus na kilala nila, matapang at walang inuurungan. Kaya ko 'to. Kiss lang naman sa forehead, diba? Di pa sa lips. Kaya ko pa silang sirain. Aja.


Dear stupid diary,

BWISIT TALAGA 'YANG DATI MONG AMO! Waaah! I hate her so much! Malapit ko na siyang ipa-assassinate! Pati 'yong Ashford na 'yon! Sino siya para utusan akong kalimutan si Mark! Pakialam niya ba sa buhay ko! At pati tong bwisit na panyo niya, naiuwi ko! Punyeta! Di ko namalayang panyo niya na pala ang naipupunas ko sa mukha ko. Yuck! Eh, pinangpunas ko kaya 'yon sa labi niya. Eww! Sunugin ko kaya 'to kasama ka?! Tutal naging pagmamay-ari ka naman ni Hannah!

Hate,

Venus

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top