Entry #11

Dear stupid diary,

I've read that at the age of 16, 80% of people have already met the person they are going to marry. Nah. I think I belong to the remaining 20%. Anim na taong gulang pa lang ako ng makikilala ko si Mark. Natamaan ako agad at pinangakong siya na ang papakasalan ko someday.

Kailan kaya niya ako mapapansin? Ayoko naman magtapat na may gusto ako sa kanya. Marami akong kilalang mga babae na ginawa 'yon. But what happened? The guy became distant. Baka lumayo din si Mark at di na ako kausapin. Pinapahalagahan ko nga 'tong simpleng communication namin, iwawala ko pa? Tsk. Bat' kasi ang tagal niyang marealize na ang dyosang si Venus ay naghihintay sa kanya? Mark babes! Andito ang dyosa bat' ka pumunta sa bruhang si Hannah?

Hate,

Venus

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top