Entry #8
|• Anonymous Love Letter •|
Dear Diary,
Kanina lang nung nasa work immersion ako sa Laguna kasama ang mga kaibigan ko accidentally akong may nakabangga sa daanan na babae and isa nga mga cliché moments na kadalasan nangyayari sa mga palabas.
May dala palang gamit yung girl nung accidentally ko siyang nakabangga so ayun just like a common moment tinulungan ko siyang pulutin yung mga nalaglag kong gamit niya syempre kasalanan ko din eh...
So ayun diary after nun, dumiretso na kami ng mga kaibigan ko sa canteen then I happened to saw that the girl I suddenly bumped in to was a facilitator!
Hala diary! Pano yan!? Kinakabahan ako ':-( baka mabagsakan ako ng memo niyan T.T ... Hindi pa naman ako nagkakaroon ng isa :-(
Eh basta as long as nandyan ka dear diary wala dapat akong ikatakot dahil sayo pa lang marami na kong nasasabi na kalokohan sayo ^_^
Ayiee!! Hahahaha charot lang!
Anyways nung after namin kumain dumaan lang ako sa second floor sa may locker rooms para kunin yung mga Personal Equipment ko para makapag start na ulit ako sa work ko then...
It happened na may nakalagay na letter sa locker ko! Omaygad! :-O
Napaisip naman ako, bakit ganun? Ano naman kaya trip nito sakin? Baka pinagtitripan lang ako nito pero syempre out of curiosity binasa ko and ang nakasulat is;
Dear Kuyang Nakasalamin,
Hello/Hi HAHAHA! Hindi ko na alam tuloy sasabihin ko kasi feel ko tuloy magkausap na tayo ng personal *TEEHEE*... Sana naman wag mo baliwalain tong letter na ito, nag effort pa kong itago to sa facilitator ko kasi nga bawal yung mga ganitong bagay sa work eh so just keep it a secret okay? ;-)
Kuyang Nakasalamin, kaya po ako nagkainterest or nagkagusto ako sayo kasi may isa kang significance na natatangi sa ibang boys na napansin ko though medyo weird pakinggan pero yun ang totoo...
Kuya may request po sana ako, if ever po magkita po tayo sa may canteen nakapwesto po ako malapit sa may facilitator's tables, tas nakajacket na gray then makikita mo naman agad ako kasi hindi naman malabo mata mo eh ^_^
Pero kahit ganun ang cute mo pa rin :-* sana ito na talaga ang the one ko ^_^ ang Juan ng buhay ko :-*
I'll be waiting later after work ;-)
Love: Maria Makiling
Nung nabasa ko yan diary, napa "WTF!" ako then napaisip na ko kung sino yun kasi alam niya yung codename ng crush ko pero since feel ko na hindi siya prank pupuntahan ko na lang mamaya after ng work.
O siya sige my dear diary, yan lang ang mai share ko muna sayo :-) salamat sa pakikinig sakin ^_^
- Charles
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top