Entry #5
October 5, 2017
Dear Diary,
Hi I'm back again ^_^ hayss, grabe kapagod naman ngayong araw na ito... Nasa hands on na ako sa work immersion ngayon sa Laguna, I expected na magiging mahirap pero basic lang pala ;-)
Diary may gusto akong ishare sayo, about naman ito sa dati kong niligawan... Kanina lang kasi sa canteen nung lunch break namin kasama ko ang mga kaibigan ko, accidentally may nakita akong isang babae na kamukha ng babaeng niligawan ko nung Junior High, so nakisuyo lang ako sa friend ko si Ryan Bang, HAHAHAHA! Charot!
So ayun hinabol ko sa labas tapos sumisigaw ako ng "JACKIELYN! JACKIE!". Sa kakasigaw ko muntikan na kong mabigyan ng E.N.T.E (para siyang memo sa mga nagtatrabaho), lumingon naman si girl kung kailan papalapit na ko tapos nagulat ako hindi pala siya yun :-(...
Diary grabe ang hiya ko kanina, sa dami dami ba naman na tao na pwede kong mapagkamalan, bakiy si Jackielyn pa... Hayss hindi na tuloy ako ginanahan kumain :-(
Buti na lang mabait si ate, plus ang ganda niya talaga ah ^_^.... Though hindi ko natanong sa kanya ang pangalan niya pero I know yung school nila ay sa Laguna kaya medyo malapit lapit lang din sila.
Ateng Taga Laguna, sana pala kinuha ko yung name mo at facebook mo '^_^... Kaso baka taken ka na eh kaya hindi na ko nagdalawang isip na gawin yun :-( ...
Pero hindi talaga kita makakalimutan ateng taga Laguna <3, ikaw ang Maria Makiling ng Buhay ko HAHAHAHAHA! CHAROT LANG!
Anyways, after nun, nakilala ako sa company dahil sa kalokohan ko maski yung mga classmates niya kilala na ko, hala Diary nakakahiya tuloy T.T
Hindi ko na alam ang gagawin ko, kanina lang pinagtitignan ako, pinagbubulungan at nginingitian, kinikilabutan tuloy ako >.<...
Pero enjoy naman ako sa Laguna, may 3 days lang ako para enjoyin yun, sana maging smooth lahat ng 3 days na yun. After nun, back to normal ulit, school days na naman tayo. ^_^
Ay Diary it's already late na! O_O
Magsasaing lang ako ah, tsaka magluluto na din ^_^... Bkas na lang ulit. :-*
-Charles
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top