Entry #3
October 3, 2015
Dear Diary,
Hayss... Grabe kapagod ang Work Immersion na ito... As in sobrang sobra. Sa sobrang busy mo, hindi mo namamalayan na matatapos na pala yung work time mo...
Iba talaga yung feeling na nagtatrabaho ka na kaysa sa nag aaral pa lang. Ibang iba talaga.
Diary, may gusto akong ishare sayo about sa personal experience ko, well, alam kong medyo late na kasi wala akong ibang hawak sa trabaho kundi Notebook at Ballpen lang, ang cellphone ko sinusuko ko sa supervisor namin kasi pina-practice namin ang discipline lagi sa classroom kaya hindi maiiwasan yun.
Alam mo diary, masakit man aminin pero wala akong nakitang single sa classroom namin T_T . I mean yung loner ah, hindi yung single na walang relationship, baka kung ano isipin mo eh...
Pero realtalk, wala talaga, as in wala. Pero sa ibang classroom may nakita ako, babae siya tapos maganda din, mahilig din siya magbasa kung tatanungin, kasi puro libro yung laman ng armchair niya.
She really is an exact polar opposite to me pagdating sa studies kasi kung mahilig siya magbasa, ako naman mahilig magsulat kaso tamad lang talaga.
Sinilip ko muna yung room kung may tao sa paligid niya, pero wala naman nang tao bukod sa kanya so hindi na ko nag hesitate na lapitan siya.
Nung makalapit ako sa kanya, grabe ang ganda niya! Natulala pa nga ako nun eh hehehe ^_^.
Pero syempre act like normal muna, nagpakilala ako at sinabi ko kung saang section ako nakapwesto.
Well, nung nilingunan niya ako mukhang wala siyang pakelam sakin kasi mukhang busy siya...
Shems! Diary nahihiya ako sa kanya! She's so despondent to me... Wala naman akong nagawang pagkakamali or sadyang introvert talaga siya...
Sayang naman ganda niya kung ganun lang din diba?
Pagkatapos ng matagalang titigan, sa wakas! Nagsalita din siya '^_^...
Nagpakilala siya;
"Hi, ako pala si Charlotte"
Tapos biglang lingon palayo... "Charlotte", ang cute naman ng pangalan, kasing cute niya (<3_<3)...
Well, syempre ayoko naman na manaig ang "AWKWARDNESS" samin dalawa kaya ako na nag initiate samin...
Tinanong ko kung ano yung binabasa niya, (My God! Common sense na lang! Nakikita ko naman ang binabasa eh tapos tatanungin ko pa -_-)...
Then ayun sinagot niya tanong ko sabi niya;
"Novel ito, one of my favorites"
Then sabi ko; "Ahh... Mahilig ka talaga magabasa no?"
"Yep, bakit? Ikaw ba?" Tanong niya sakin
"Minsan lang ako magbasa eh pero trip ko rin ang mga novels" sagot ko sa tanong niya.
Tapos ayun hanggang sa nagkausap kami, nagkadaldalan, nagkatuwaan hanggang sa maubos yung break time namin.
Nabitin ako pero hindi ako umalis ng classroom niya nang hindi ko hinihingi yung facebook name niya para maadd ko at makachat ko pati rin yung number niya siyempre para just in case. ;-)
Anyways yan lahat ang nai share ko sayo dear diary ^_^... Salamat sa pakikinig sa mga kadramahan ko '^_^. Sana lagi ka na lang ganyan HAHAHAHAHA! Charot!
~ Charles
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top