Entry #2

October 2, 2015

Dear Diary,

Grabe ang kahapon, nakakapagod din pala magsimba mag isa kahit wala kang ginagawa.

Pero realtalk hindi ko alam kung bakit ako napagod. Wala naman akong ginawa dun kundi umupo, tumayo at lumuhod lang, ano nakakapagod dun?

Minsan talaga hindi ko maintindihan sarili ko, para bang may sariling mundo lagi yung katawan ko

Minsan talaga kailangan ko ng Self-Discipline sa sarili kundi wala rin akong mararating nito.

Well, kahapon is a typical sunday as always, marami kang makikita na mga nagsisimba kasama ang parents, kasama yung kapatid mo, minsan yung pinsan at yung pinaka AYOKO, yung mga nagsisimba kasama ang mga BOYFRIEND o GIRLFRIEND nila

Argh!! Nakakainis talaga diary! Bakit ganun?. Araw araw na lang ba ganito!?

Hindi na ko tinantanan ng mga LOVEY-DOVEY COUPLES na ito!

Haist! Hanggang kailan ba ko maghihintay sa wala.

Nakakasawa na diary! Bat lagi mo kong ginaganto? Ano ba gagawin ko para lang maipakita mo sakin ang ONLY ONE ko? 

Well, meron naman akong crush pero alam kong hindi siya yun... Ang laki ng difference ng status namin eh.

Diary, kung ako tatanungin mo kung anong type ang gusto ko, hmm sabihin natin na Mabait, Loyal, hindi naman ganun kagandahan ng sobra, at saka yung magaling mag manage ng time sa mga priorities niya.

Kahit yun lang diary, magiging grateful ako sayo ng sobra sobra

Pero hanggang pangarap lang naman ata yun eh... Ilang beses na rin ako nag fantasized at nag imagine ng mga bagay bagay na sana ganito kami pero wala talaga. (Sigh)

Hanggang kailan kaya diary? Ngayon on the way na ko sa Laguna, sana naman makita ko siya dun...

Dito sa school ko wala talaga eh, kahit anong hanap ko wala talaga akong mahanap.

Kung sa bagay, may sense naman yung sinabi sakin ng friend ko nung nasa Middle School ako eh.

"Wag mong hanapin ang taong mahal mo, hintayin mo lang siya dumating sayo."

Hayss... Naiintindihan ko naman yung pinaparating niya pero syempre consider niya naman yung nararamdaman ko.

O siya, nasa Laguna na ko... Time for work na... Wala munang mang iistorbo sakin ah.

~ Charles

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top