Entry #13
October 11, 2015
Dear Diary,
It's a rainy evening diary, so expected na yung mga BROKENHEARTED jan na nagsisikantahan kaya umuulan... Hahahahaha! Charot lang
Anyways, hindi ako pumasok ng ilang araw din diary dahil sa injury ko and of course malala nga.
Jusme diary, puro brokenhearted songs yung mga naririnig ko sa radio -_-
Pati ba naman si radio nasasaktan din.. Hayss... Buhay nga naman ng mga kabataan ngayon.
Ang hilig manligaw at magpaligaw pero pag nasaktan, iiyak iyak, kung hindi maghahanap ng iba agad yan, pag nakahanap ng iba sasaktan din yung isa, nagets mo yung point ko diary?
Domino effect lang yung dating eh, pati yung mga may inosenteng puso nadadamay, kaya nasisira yung word na "Love" eh...
Wala naman masama sa pagmamahal diary pero siyempre maging handa sa mga magiging consequences nito kasi hindi lahat ng mga nagmamahal ay masaya na habang buhay.
May mga haharaping problema mga yan para masubukan kung gaano sila katatag sa isa't isa.
Pero minsan yang mga problema na yan hindi yan basta basta na akala mo pag nadaanan mo na ay isang hawi lang tapos na.
Iba't ibang klase yan, dipende kung gaano kayo katatag. Parang buhay estudyante lang yan eh, bibigyan kayo ng exams para matignan kung gaano ka nakafocus sa pag aaral mo.
Though hindi man perfect because there's always room for improvement, kaya kung mapapansin mo laging may pagkakamali ang bawat isa kasi may mga errors na nagawa yan.
Well diary, aminin ko na masarap mabuhay bilang tao pero mahirap mabuhay na isang tao.
Nagets mo? Simple Logic lang yan... Hindi sa nanghuhusga ako pero kadalasan ganyan ang mga kabataan ngayon.
Minsan ka lang makakakita ng mga kabataang, studies, family and si God ang inuuna.
Madalas kasi sa mga kabataan ngayon, ang hinahanap is puro kasiyahan sa mundo, well, hindi pa naman kasi ako nagkakaroon ng girlfriend eh pero try mong ioagay mo yung situation mo sa kanila ganun din yung sasabihin mo.
Hmm... Well, aminin ko gusto ko rin magkaroon ng girlfriend ngayong high school ko pero siyempre kahit ganun, priorities first, pero at least mag iwan ka ng time para sayong pansariling kaligayahan.
O siya diary, sensya na sa mga sinabi ko ah ... I'm just stating the truth pero gusto ko rin maging masaya. ^_^
- Charles
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top