Entry #12

October 10, 2015

Dear Diary,

Hayss... Kamusta ka na diary? Okay ka lang ba? Namiss kita, alam mo ba yun?

Ang hirap kasi madisgrasya eh... Yan tuloy tinakbo ako sa medical center tapos nagstay ako dun ng isang araw...

Grabe dear diary napilayan ako nung nadisgrasya ako... Hayss, ang hirap tuloy maglakad.

Tapos ayun ginamot nga yung sugat ko, kanina lang. Grabe ang sakit! Dear diary, nawala pagkalalaki ko dun T.T

As in ang hapdi talaga, tapos hindi ko namamalayan na ang lala na pala ng sugat ko :'(

So ayun ginamot na ng ni mama sugat ko tapos ayun nilagyan niya lang ng band aid then nilagyan niya ng benda yung pilay ko kaso hindi niya sinakop lahat ng injury kasi nandun din yung sugat ko eh...

Pag nilagyan niya din yun, for sure mahapdi talaga yun ng sobra kasi naka compress ng mahigpt eh, buti sana kung pilay lang eh...

Hindi diary eh, may SUGAT pa! Ang saklap naman huhuhu... Kung kailan malapit na ang midterms saka pa nangyari sakin to T.T

Diary, ano ba problema nila sakin? Bat ba nila ako ginaganto!? Sawa na ko ah!... HAHAHAHA! Charot!

Anyways ayoko muna magdrama... Kachat ko pa si Crush eh... Buti na lang nawawala pain ko, thanks sa kanya ^_^

Hayss... Kahit malayo siya diary, still hoping pa rin na magkikita kami. Hmm maybe someday magkikita kami sa right time and right place.

Ayieh!!! Diary!! Kilig ako shems! HAHAHAHA! Ayoko na! Tama na muna ang kalandian ko... Kailangan ko muna ifocus ang pag aaral ko...

Pero still waiting pa rin ako ;-)

Dear diary, kung alam mo lang kung gaano kasakit! Kung nandito ka kanina, malamang napipisil na kita sa sobrang sakit! Charot lang! Hahahahaha

- Charles

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top