Entry #11

October 8, 2015

Dear Diary,

Good morning ^_^ (Ohayou Gozaimasu)... Kamusta ka na dear diary? Ano nang balita?

Sakin wala pa rin... Nalulungkot lang ako diary kasi hindi manlang nakita si Christina kahapon bago ako umuwi T.T

Nakakadismaya lang talaga diary kasi hindi ko man lang siya nakita... Hayss ang chances nga naman, laging tumatakbo sa nangangailangan pero pag hindi pa kinakailangan tsaka lang nandiyan.

Well, at least worth it naman siguro kasi kahit papano nakilala ko naman siya and nakausap kahit saglit lang. Masaya na ko dun ^_^

Though hindi ko lang alam kung magkikita pa ba kami ulit pero I'm willing to wait.

Anyways, hindi naman nasayang yung 3500 pesos na nagastos ko sa immersion kasi worth it talaga siya.

As in sobra diary, mararanasan mo talaga kung gaano kahirap ang kumita ng pera, mararanasan mo kung gaano kahirap magpagod para sa pamilya at iba pa.

Now I know the feeling ang pag tatrabaho, ito talaga ang real world. At sa real world ang mga tamad ay hindi pinapakain o hindi dapat binibigyan.

Kung sino lang ang may kakayahan at may kakayanan ang may karapatang mabigyan ng kapalit upang sila ay mabuhay at hindi maghirap sa gutom.

Ngayon alam ko na kung bakit maraming taong nagsa-suffer at nagugutom at naghihirap dahil sila ay mga hindi nakapagtapos ng high school o kolehiyo kung minsan meron mga hindi nakapagtapos ng elementarya.

Alam ko na rin kung bakit maraming taong practical sa buhay dahil tinatansiya nila ang sukat ng kanilang sahod na kanilang pinaghihirapan.

Samahan mo pa ng pagbabayad ng tubig, ilaw at kuryente lahat yun kailangan mabayaran kundi siya rin ang mahihirap kasi hindi  niya nama-manage ng maayos ang mga gastusin niya.

Kaya dear diary, if ever sana maging practical din akong tao kasi napansin ko na isa ako sa mga pinakamaswerteng tao na nabuhay sa mundo...

Kasi may tinutulugan ako, may kinakain, may sariling magulang at iba pa. Tapos yung iba nangangalakal para lang makapag hanap buhay.

Kaya diary, sabihan mo sila ah... Ikaw na bahala jan. ;-)

- Charles

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top