Entry #10
October 7, 2015
Dear Diary,
Gandang gabi aking diary... Alam kong medyo gabi na pero may gusto lang talaga ako ishare sayo ngayon.
As in ngayon na ngayon na, important ito kaya nagiging desperado na ko magsabi sayo about nito... Well, on you're side hindi naman ito important pero sakin oo at sobrang important nito sakin...
Diary, I've decided na haharapin ko na si Christina bukas kasi last day na ng immersion ko bukas kaya it's my last chance na magkausap kaming dalawa ^_^
Pero bat ganun yung nararamdaman ko? Parang nahihiya na ewan... Gusto ko siyang makausap bukas pero inuunahan na ako ng kaba.
May point talaga yung sinabi ni Ryan Bang sakin... Na kulang talaga ako sa motivation sa sarili.
Hindi naman ako ganito dati eh, pero ba't ngayon iba na? Dahil ba sa hindi na ko masyadong nalapit sa mga babae ngayon?
Bakit gano'n? T.T
If I let the chance tomorrow slip away, it'll be a total waste and madidismaya pa yung mga kaibigan ko kasi sila yung tumulong sakin and nagpakahirap eh.
So I must do what is has to be done... But first I need to motivate myself kasi walang kwenta ang lahat kung wala kang suporta para sa sarili mo...
Hindi sa lahat ng oras ay kailangan mong maging dependent sa mga friends mo, minsan kailangan mo din matutong tumayo sa mga sarili mong paa para magkaroon ka ng isang bagay na kaya mong patunayan.
Anyways ayoko muna pag usapan yun maigi dear diary, gusto ko rin i-share yung about sa work immersion ko...
Though nakaka-bad trip pero masaya naman. Bakit naman ako bad trip? Kasi akala ko may allowance kami pero wala pala, anong silbi ng pagpapakita samin ng payslip kung hindi rin pala kami mabibigyan. Hayss...
Immersion pa lang yan diary, darating pa lang ang tunay na trabaho. 6 years na lang and makakapag trabaho na ako ^_^
Hindi ko alam kung bakit ako masyadong nae-excite pero gusto ko nang maranasan kung gaano kahirap kumita ng pera pero siyempre hindi muna ako pupunta sa stage na yun hangga't hindi pa ko nagkakaroon ng girlfriend. HAHAHAHA! CHAROT!
O siya diary, yan na muna ang maikukwento ko sayo, inaantok na ko eh.. Good night :-*
- Charles
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top