#2 DNT
"sir pano po ba yung script dun sa movie? irerevise pa ho ba?" tanong saken nung writer
"siguro oo kasi naman masyadong tumatakbo sa fantasy yung story. dapat gawin nating pang realidad. yung tipong nangyayari talaga sa totoong buhay."
"sige sir." tapos eh umalis na siya.
"bakla siguro yan si sir kaya ganyan diba? never pa daw nagkagirlfriend yan eh"
"oo nga eh ewan ko ba diyan may itsura naman sana."
"=_____= oras ng trabaho hindi chismisan go back to your work."
*calling 09*********"
"hello" sagot ko.
"espren!" sigaw nung nasa kabilang linya.
"bbrr..." isang pamilyar na tawag, tawag na siya lang ang tumatawag saken, siya.
"pupunta ko diyan." sabi niya.
"ha? nandito ka na sa pilipinas?"
"oo mga one month na pinahanap ko pa nga number mo sa NBI agent eh"
"ah.."
"man with few words ka pa rin, pupunta ko diyan ah."
"ah pwede bang sa resto nalang tayo magkita."
"sige sige ayos lang basta treat mo ah XD"
"tss. oo na." ang saya ko, sobrang saya ko. kahit papano 5 years din. akala ko naman walang kwenta ang paghihintay ko. akala ko naghihintay lang ako sa wala.
"ayyiiee si sir nakangiti sino yun?" nagulat ako kasi may tao pala sa likod ko.
"tss magtrabaho ka na nga lang" minsan lang kasi ako ngumiti, as in once in a blue moon mula nang umalis si Brice
"wag kasing torpe sir." nagulat ako sa sinabi niya.
"teka" may sasabihin pa sana ko kaso biglang nawala yung taong nasa likod ko.
"tss. torpe daw." tapos eh umalis na ko para makapaghanda sa pagkikita namin ni Brice.
"capital T.O.R.P.E" narinig kong sabi nun. pero nung tumalikod ako, wala talaga.
"ang weird." at eto na nga. nandito nako sa resto. nagulat ako nandun na siya. wala siyang pinagbago. maganda pa rin. lalo pang gumanda.
"epsren!" tapos niyapos niya ko.
"ah" yan lang ang nasabi ko.
"miss na miss na miss na kita espren~!" sabi niya habang yakap niya ko. ang sarap isipin nung sinabi niya kung wala lang espren. tapos tinanggal ko ang kamay niya mula sa pagkakayakap niya saken pano kasi maya niya di ko pa mapigilan ang sarili ko at bumigay nako ng tuluyan sa harap niya. hinila ko ang upuan para sa kanya syempre gentleman ako, sa kanya lang.
"so how are you?" tanong ko.
"himala ikaw na ang nagstastart ng conversation ngayon." tapos tumawa siya. ganun pa rin ang tawa niya walang pinagkaiba noon.
"tss.. sagutin mo nalang yung tanong ko"
"pano ka niya magugustuhan niyan." narinig kong may nagsabi mula sa likuran ko pero wala. parang yung nangyari kanina. hindi kaya nababaliw nako? hindi naman siguro.
"ah anong problema?" tanong niya napansin niya sigurong parang nawala ako sa sarili ko.
"ah wala."
"it was good. and saya ng naging buhay ko dun, pero syempre mas masaya kung nandito ko :)" nakakainis laging sa dulo ng salita niya ngumingiti siya baka mamaya iuwi niya ko samin ng tunaw na :3
"make a move" narinig ko na naman ang boses na yun, boses babae. takte kanina pa to.
"order na tayo?" tanong ko.
"tss konti nalang tutuklawin ka na ng tadhana mo."
"sige sure. kahit ano nalang akin treat mo naman eh." sabi niya.
"ah ok." tapos tinawag ko yung waiter para sa order namin. after that nag excuse muna ko na pumunta ng C.R. hinilamusan ko yung mukha ko.
"ano ba pinag-aantay mo siya niyan eh." nagulat ako kasi may isang maliit na babae na nakaupo sa may salamin sa C.R
"teka. sino ka?! anong ginagawa mo dito?" ewan ko ba kung bakit biglang sumulpot yun dun.
"I am your cupid :)" tapos she smile creepily
"anak ka naman ng! cupid?!"
"yeah, cupid, i am here para tulungan ka, pano kasi napakatorpe."
"a?" hindi ko na alam ang sasabihin ko. kanina isang malaking girl, ngayon isang batang babae?!
"don't you worry, ako din yung nakita mo kanina."
"are some kind of monster?! Pano mo nalaman ang nasa isip ko?"
"haixt no choice kelangan kong magpaliwanag :3 hindi ako monster, i am here as your guide.guide sa destiny mo. bukod sayo wala ng ibang nakakakita saken depende nalang kung magdedecide akong magpakita sa taong yun, hindi ko rin alam kung pano ko napuntsa sa sitwasyong ganito. but i know i need to help you, years ka ng naghihintay this is the time para maging masaya ka na."
"so kung ka monster, then you're a genie?"
"no i'm not. cupid nga diba. teka, kanina mo pa ko chinichika baka naiinip na si Brice dun."
"kilala mo siya.?"
"malamang nakikita ko yung info niya in my vision :) puntahan mo na siya tsaka nalang tayo magkwentuhan."
"tss." sabay lumabas nako. nakasunod siya saken pero i think walang nakakakita sa kanya. such an annoying kid :3
___________________________________________________________________________
VOTE/COMMENT/REACT/SUGGEST/BE A FOLLOWER.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top