Diary #3
Dear Diary
Alam mo ba kahapon ang dami kong nakitang pogi sa SM. Naku! nagsikalat sila. Pag ako nakabingwit ng isa, araw araw kaming lalabas. Tapos ifleflex ko siya sa lahat ng social media ko. Hihi Eh ano nga kasi diary, diba dun namin cinelebrate yung birthday ko. Syempre hindi nila sinama yung mga boyfriend nila diary since ako ang may birthday. Nasa akin ang baraha. Bwahahaha. Feeling ko nga malapit na akong magka boyfriend. Hindi pala feeling, ramdam kong malapit na. Feeling ko regalo sakin 'to ni kupido. Dahil kahit 21 na ako at wala pa rin akong boyfriend pero Pak! Favorite yata talaga ako ni kupido. Yung mapapasabi ka nalang ng worth it pala maghintay ng matagal kung ganun ka gwapo at hot yung lalaking nakita ko. Hindi tuloy ako nakatulog magdamag, kaya heto mukha akong panda.
Siguro bukas nalang diary, kailangan ko pang gawin ang thesis ko. Hindi akong pwedeng bumagsak dahil nakasalalay ang future ng family ko sakin. ;)
Nagmamahal,
Ellie
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top