Chapter 15

Chapter 15

...

Muli pang kinapa ni Joshua ang kanyang bulsa pero talagang wala syang brilyanteng nakuha. Bigla syang kinabahan. Kahit anong oras ay maaari na syang patayin ni Helga. Kailangan nyang kumilos para mahanap 'yon.

Ang tito Samuel naman nya ay pansamantalang nakaidlip kaya hindi nito pansin ang kanyang pagkabalisa.

Tinignan ni Joshua ang kanyang kinauupuan at ang ilalim nito pero wala rin ang brilyante doon.

Hanggang sa maalala nya, naitabi nga pala nya ito sa kanyang bagahe. Kaagad syang tumayo upang kunin ito. Laking pasasalamat nya at naroroon ito. Pero bigla naman syang nagulat at nasindak nang may lumitaw na puting kamay mula sa isang makinang na bakal ng lagayan ng bagahe.

Halos muntikan na syang mapasigaw.

Napaatras na lamang sya kaya nasagi nya ang kanyang tito Samuel at nagising ito.

Samuel: "Ano ba yun?... Bakit ka nakatayo dyan, Joshua? May problema ba?"

Joshua: "H-ha? P-pagpasensyahan nyo na po, may kinuha lang po kasi ako sa bagahe ko (sabay upo)."

Samuel: "Ano, yung Cellphone mo?"

Joshua: "ha, a. . . opo." pagdadahilan na rin nya.

Nagbalik na lamang sa pag-idlip ang kanyang tiyuhin habang siya naman ay hindi pa rin mawala ang kaba sa dibdib.

Halos gamuntikan na sya kanina. Alam nya na kay Helga ang kamay na yun. Hindi na nya dapat pang makaligtaan ang tungkol sa puting brilyante. Sa oras na mawala ito ay katapusan na nya. Pero ang labis nyang ipinagtataka ay bakit sa isang makinang na bagay nagpakita ang kamay ni Helga? Di ba dapat ay sa salamin? Di yata't may iba pang mga dahilan kung saan pwedeng magpakita si Helga. Kailangan pa nyang mas maging alerto at mag-ingat lalo na't nalalapit na ang takda nyang pagkukulong sa diablong ito.

Sa kanyang pagpunta sa bayan ng San Nicholas ay kailangan nyang hanapin si Mon. Ang sinasabi ng espiritu ni tata Isko na anak nito. Nasa pangangalaga ni Mon ngayon ang itim na libro na naglalaman ng impormasyon kung papaano maikukulong si Helga. Kailangan nyang mahanap ang taong ito.

Pinagmasdan ni Joshua ang natutulog nyang tiyuhin.

Joshua: "May alam kaya si tito tungkol sa pagkakakilanlan ni Mon?" bulong nya. "itatanong ko na lang mamaya kapag nakarating na kami 'don,"

Makalipas lamang ang ilang oras ay nasa San Nicholas na sila.

Sumakay uli sila ng traysikel hanggang sa makarating sila sa tirahan ng kanyang tiyo.

Nang makarating ay binati naman siya ng kanyang tiya Luisa (Asawa ni Samuel). Sa tantya ni Joshua ay walong buwan na itong nagdadalantao.

Luisa: "Aba, naririto na pala kayo. Kamusta naman ang napaka'gwapo kong pamangkin?"

Joshua: "Hehe, ayos lang po, tita."

Luisa: "Tara, pumasok na kayo sa loob at tila pagod kayo sa byahe."

Samuel: "Hindi naman. Nakapagpahinga ako kanina." humalik sya sa asawa bago tumuloy sa loob. Kasunod nya si Joshua.

May kalakihan din naman ang bahay ng kanyang tito. May ari kasi ito ng isang manukan. Kumpleto ito ng gamit at kasangkapan sa loob.

Inalok sila ni Luisa na makakain. Nagpaunlak naman sila Joshua.

Habang kumakain ay hindi maiwasang tanungin ng kanyang tiyahin si Joshua tungkol sa nangyari sa kanyang ina

Luisa: "Ikinalulungkot ko nga pala ang nangyari sa mama mo, Joshua. Pagpasensyahan mo na at hindi man lang ako nakadalaw sa inyo."

Joshua: "Ayos lang po, tita. Salamat po sa pakikiramay nyo. Hanggang ngayon nga po ay hindi ko pa rin malimutan ang masakit na nangyaring iyon sa'kin."

Samuel: "Wag kang mag-alala, malilimutan mo rin ang mapait na nangyaring iyon. Sa tingin ko naman ay malilibang ka dito lalo na't malapit nang manganak ang tita mo. Malilibang ka na sa pag-aalaga na bata. Haha." may halong biro nya upang kahit papaano ay mabawasan ang lungkot ni Joshua.

Joshua: "OO nga po tito, hehe, excited na rin akong magkaroon ng pinsan."

Napahalakhak na lamang ang kanyang tito sa kanya.

Matapos nilang kumain ay ipinakita na sa kanya ng kanyang tito Samuel ang magiging kwarto nya.

Samuel: "Dito ang iyong kwarto, iho. Pero kung gusto mo ay pwede kang lumipat kung hindi ka kumportable dito."

Joshua: "Hindi na po. Ayos na ho ako dito."

Samuel: "Sigurado ka ba?"

Joshua: "Opo."

Samuel: "O sya, sige, maiwan na kita dyan." lumabas na ito ng kwarto.

Humiga naman si Joshua sa kanyang kama. Habang nakahiga ay malayo ang kanyang iniisip. Tungkol kay Eumi.

Joshua: "Kamusta na kaya sya? Naaalala nya kaya ako?" tinignan nya ang kwintas na bigay sa kanya ni Eumi, "nalalapit na siguro ang pagtatapos. Nandito na ako, anuman ang mangyari at kahahantungan ng lahat ay bahala na! Pero sisikapin kong bumalik para sa kanya."

Biglang pumasok sa kanyang isipan ang tungkol kay Mon at saka sya napabangon.

Joshua: "Oo nga pala, si Mon! Kailangan ko na syang mahanap! Nakalimutan kong itanong kay Tito! Ah, bukas na nga lang!" mabilis uli syang nahiga.

Dahil na rin sa pagod sa biyahe ay mabilis na syang nakatulog.

Nang sumapit naman ang umagang iyon ay maaga siyang nagising. Binati naman sya ng kanyang tita Luisa nang makita sya.

Luisa: "Magandang umaga sa'yo. Ang aga mong nagising a. Maupo ka na at ihahanda ko na ang almusal natin."

Joshua: "Salamat po, tita. Si tito Sam po pala? Nasaan na?"

Luisa: "Nasa labas, inaasikaso lang ang mga manok nya."

Joshua: "Ganun po ba? ahm, tita, may itatanong lang po sana ako,"

Luisa: "Ano 'yon?"

Joshua: "May kakilala ho ba kayong Mon sa bayan na ito?"

Luisa: "Mon? Aba'y maraming Mon dito. Ano bang apelyido nung hinahanap mo?"

Joshua: "Di ko po alam e pero sya po yung anak ni tata Isko. Yung namatay sa naganap na pagsabog noon sa bayan na 'to?"

Luisa: "Ah, si Mon Imperial yung hinahanap mo! Pero papaano mo sya nakilala?"

Sandaling natahimik si Joshua. Iniisip kung ano ang idadahilan nya sa kanyang tita.

Joshua: "Ahm, di ba po nagpunta ako sa bayan na ito noong pista? Nung mga panahon na iyon ko po sya nakilala. Gusto ko po sana syang puntahan ngayon."

Luisa: "Gusto mo syang puntahan?"

Joshua: "A, opo. hangga't maaari nga po ay ngayon na. Gusto ko po syang kamustahin at saka gusto ko po syang tanungin sa isang bagay."

Luisa: "Sabagay, mabait naman talaga si Mon kaya siguro naging kaibigan mo sya. Pero ano yung gusto mong itanong sa kanya?"

Joshua: "A . . . E . . . Hindi na rin po masyadong mahalaga 'yon." aniya pero ang totoo ay balak nya talagang kausapin si Mon tungkol sa isang mahalagang bagay. Ang tungkol sa itim na libro na tinutukoy ni tata Isko na naglalaman ng impormasyon kung paano maikukulong ang diablong si Helga.

Subalit sandali pa syang napaisip. Naalala nyang sinusundan pala sya ni Helga kaya maaaring madamay ang kanyang tito at tita sa panganib na dala ng diablong ito. Kapag umalis sya upang puntahan si Mon, maaaring buweltahan naman ni Helga ang mga ito.

Joshua: "Ano kaya kung ipagtapat ko na lang sa kanila ang nangyayari?" sa isip nya, "maniwala kaya sila sa'kin? Siguro naman ay maniniwala sila sa kwento ng Diablong iyon lalo na't dito sila lumaki sa bayang ito."

Kakausapin na sana nya ang kanyang tita upang ipagtapat ang totoo nang bigla namang dumating si Samuel.

Luisa: "o, narito na pala ang tito mo. Halika na Joshua at ihahanda ko na ang almusal natin."

Isang malalim na buntong hininga na lamang ang pinakawalan ni Joshua.

Samuel: "mamaya ay magkakatay ako ng mga manok, Joshua. Alam kong paborito mo ang mga fried chicken at adobo."

Pero parang tuliro si Joshua.

Samuel: "May bumabagabag ba sa'yo Joshua?"

Joshua: "Ha? A, wala po. Sige po, gusto ko nga po yung fried chicken."

Samuel: "OK! Akala ko ay kung anong iniisip mo?"

Luisa: "Ay, Samuel, sinabi nga pala nya sa'kin na gusto nya raw sanang puntahan si Mon. Yung anak ni tata Isko. Balak nya raw sanang kamustahin ito. Maaari mo ba syang samahan sa bahay ni Mon?"

Samuel: "Ano? Paano mo naman nakilala itong si Mon, Joshua?"

Ipinaliwanag ni Joshua ang lahat ng sinabi nya kay Luisa. Pero hindi nya nagawang ipagtapat ang totoo. Ang tungkol sa Diablong si Helga.

Samuel: "A, yun pala ang dahilan. Pasensya na at hindi kita masasamahan sa kanya dahil may ide'deliver pa akong mga manok sa kabilang bayan. Kung gusto mo ay hintayin mo na lamang akong makabalik mamayang hapon o di kaya'y ituro ko na lang sa'yo ang tirahan nya. Medyo malapit lang naman yun dito."

Joshua: "Sige po. Ituro nyo na lang sa'kin kung saan sya nakatira. Ayoko na ho kasing makaabala pa sa inyo."

Samuel: "Ito naman, hindi naman abala sa'kin yun."

Joshua: "Ok lang po. Ako na lang ang pupunta."

Luisa: "Bago ka muna pumunta d'on ay tapusin mo muna ang almusal, Joshua."

Tumugon naman si Joshua.

Nang matapos nang mag-almusal ay nagbihis na siya.

Habang naroroon sya sa poder ng kanyang tito at tita ay kailangan nyang iiwas ang mga ito sa salamin o kaya naman ay dapat naroon sya kapag may nananalamin sa mga ito.

Pagkatapos nyang magbihis ay bumaba na sya.

Samuel: "O, Joshua, aalis na ako, ituturo ko na lang ang daan papunta kina Mon... Bueno, diretsuhin mo na lang yang daan sa kanan tapos ay ipagtanong mo na lang ang pangalan nya. Kahit sinong tanungan mo ay kilala sya. Huwag ka lamang masyadong magtatagal at walang kasama ang tita mo dito."

Joshua: "Opo. Salamat, tito Sam."

Nagpaalam na ang tito nya sa kanya.

Mayamaya ay nagpasya na ring umalis si Joshua pero bago sya umalis ay siniguro nya muna na hindi makakatingin sa salamin ang kanyang tita. Tinago nya lahat ng maliliit na salamin at ang malaking salamin naman na nasa kanilang salas ay itinabi nya rin.

Nang makapagpaalam na sya sa kanyang tita ay tinungo na nya ang direksyong itinuro sa kanya ng kanyang tito.

Ipinagtanong nya ang tirahan ni Mon at kaagad ding itinuro sa kanya ang bahay nito.

Halos nasa tapat na sya ng bahay na itinuro sa kanya. Kinatok nya ang pinto. Ilang sandali lang ay may nagbukas nito. Isang lalaki. Ito na kaya si Mon?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top