Chapter 9
Chapter 9
Napabalikwas sina Mico nang marinig nila ang sigaw ni Jade.
Pupuntahan na sana nila ito pero bigla na lamang sumarado ang pinto ng silid kung saan sila naroroon. Tinangka nila itong buksan pero ayaw bumukas. Parang may isang pwersa ang pumipigil sa kanila. Biglang umihip ang malakas na hangin. Biglang may isang imahe ng lalaki ang lumitaw sa likod nila.
Tata Isko: "Wag kayong mabahala. Ligtas ang mga kasama nyo."
Mico: "S-sino ka?"
Ivy: "Ang boses nya, sigurado ako, sya ang narinig ko kanina. Sya ang nagsabi sa akin kung sino ang babaeng nasa larawan."
Joysan: "He's a spirit!!"
Tata Isko: "Ako si Tata Isko, naririto ako para sa isang babala! Naririto na si Victor! Hinahanap nya ang ang tao na nakatakdang magkukulong sa kanya! Pinag-iingat ko kayo dahil limitado na ang bawat kilos nyo!"
Mico: "Anong ibig nyong sabihin?"
Tata Isko: "Si Victor, ang Diablong kumakatawan sa panaginip at hinaharap, sya ang aninong diablo ng kamatayan. Pinag-iingat ko kayo sa kanya!"
Mico: "DIABLO?"
Joysan: "Kung gano'n ay tama ang hinala namin!"
TataIsko: "Dito unang nagmula ang mga Diablo. Si Juana na nakatatandang kapatid ng pinakalola ko at ang pamilya nya ang
tagapangalaga ng itim na libro kung saan naroroon ang impormasyon tungkol sa mga diablo ng kamatayan. Bago tuluyang nakubkob ng mga kastila ang lugar na ito ay nagawa na nilang maitakas si Juana kasama ang kapatid nito na si Juancha, ang ina ng aking lola. Dala nila ang itim na libro. Nagtungo sila noon sa bayan ng San Nicholas at doon nanirahan subalit hindi rin nagtagal ay may nakatuklas sa lihim ng itim na libro. Sya ang pinakaunang imortal. Si Hector! Di naglaon ay naging isa na rin syang diablo. Nagawa nyang palayain ang tatlong diablo ng kamatayan. Sinalanta nila ang bayan ng San Nicholas at marami ang namatay. Pero may tatlong magigiting na bayani ang kumalaban sa kanila. Sila ang mga ninuno ko. Sa tulong ni Juana at ng tatlong makakapangyarihang brilyante ay nagawa nilang maikulong ang mga diablo sa isang puno pero namatay rin sila kasama si Juana pagkatapos no'n. Tuluyan na ring naglaho si Hector pagkatapos. Isinalin ni Juancha sa kanyang kaapo-apuhan ang responsibilidad na bantayan ang puno kung saan nakakulong ang mga Diablo. At ako nga ang pinakahuling bantay bago sila muling nakalaya. May mga nagtangka muling palayain sila. Sinubukan ko pa silang pigilan noon pero nabigo ako. Muling naghahasik ng kaguluhan sina Helga, Victor at Sandra. Bawat isang Diablo ay tinutugis na ang mga taong magiging dahilan ng muli nilang pagkakakulong. At ikaw ang hinahanap ni Victor, Mico. Ikaw ang nakatakdang magkulong sa kanya!"
Mico: "A-ako? Pero imposible! W-wala akong alam sa sinasabi nyo."
Tata Isko: "Di mo maitatago ang nakatakda! Nasa iyo ang isang bagay na makapagliligtas sa inyo at sa lahat!"
Sandaling napaisip si Mico. Parang alam nya kung ano ang tinutukoy nito.
May kinuha sya sa kanyang bulsa at inilabas iyon. Ang itim na brilyente.
Blue: "Dude, ano yan!?"
Tata Isko: "Yan ang itim na brilyente! Yan ang naging dahilan kung bakit nakalaya muli ang mga Diablo at ang dahilan din upang sila ay makulong. Ikaw ang napili ng itim na brilyante upang gawin ang nakatakda. Ang Ikulong si Victor!!"
Mico: "Pero bakit ako?! Ayoko! Ni hindi ko nga alam kung totoo nga ang mga sinasabi mo tungkol sa mga Diablo eh!"
Tata Isko: "Alam mo sa loob mo kung ano ang sinasabi ko. Kailangan mong magtagumpay. Hindi lang buhay nyo ang nakasalalay kundi buhay ng mas marami! Kailangan mong bumalik kung saan nagsimula ang lahat!" at unti-unti na itong naglalaho.
Mico: "Sandali lang!" aniya pero tuluyan na itong nawala sa harapan nila.
Joysan: "I Think I'm gonna be sick to this! Naipit tayo sa isang miserableng sitwasyon!"
Blue: "P-pero maaaring hindi rin totoo ang mga sinabi nya, di ba Dude?"
Mico: "Ewan ko! Di ko alam! Naguguluhan din ako!"
Ivy: "Mico, huminahon ka. Kasama mo naman kami sa mga nangyayari."
Mico: "S-sina Jade nga pala! Baka kung Napa'no sila!"
Mabilis na napabalikwas sina Mico. Nagtungo sa itaas kung saan sila naroroon.
Nadatnan nila si Jade habang umiiyak at yakap ni One.
Mico: "Anong nangyari? Ayos lang ba kayo?"
Zai: "Anong ginagawa nyo dito?"
Ivy: "Narinig ho kasi namin si Jade na sumigaw kaya napabalikwas kami dito."
Mico: "Ayos lang ba kayong lahat?"
Chii: "Medyo! Nakita raw kasi kanina ni Jade ang anino ni One na walang ulo!"
Zai: "Alam nyo naman siguro ang ibig sabihin nun sa pamahiin, di ba?"
Ivy: "MY GOD?!" natutop na lamang nito ang bibig.
One: "Relax lang kayo. Di pa naman ako mamamatay eh! Sigurado akong guni-guni lang yung nakita ni Jade."
Jade: "P-pero alam ko ang n-nakita ko! May isang kakaibang a-anino ang pumutol sa anino ng ulo mo!"
One: "Shhh, ok na babe. Tignan mo, may ulo pa naman ang anino ko e."
Jade: "Pero..."
Di na sya natapos pa sa pagsasalita dahil biglang umihip ang malakas na hangin. Ramdam nila ang nakakakilabot na presensya ng hangin na iyon.
Zai: "Tila napaglalaruan tayo ng mga kung anong engkanto dito!"
Mang Dante: "Ito na ang huli kong pag-apak dito! Di na ako babalik pa kahit kailan dito!"
Tumakbo na ito palabas ng pasilyo.
Chii: "Sandali lang, Mang Dante!" pagtawag nya pero tuloy-tuloy lamang ito sa pagtakbo.
Zai: "Sa tingin ko ay ipagpaliban na muna natin itong ghost hunting na ito! Di natin alam kung ano pa nga bang mga nilalang ang naninirahan sa lugar na ito!"
Mico: "Pero, may kailangan kayong malaman..."
Bigla na lamang kumalampag ang mga pinto at bintana sa lugar habang umiihip ang malakas na hangin sa paligid.
Chii: "Mukhang di na tayo welcome dito! Kailangan na nating umalis!"
Biglang hinimatay si Jade. Mabuti na lamang at naagapan na ito ni One.
One: "Jade, Anong nangyayari sa'yo?"
Mayamaya ay nagmulat si Jade at nagsalita parang hindi galing sa kanya ang boses.
Jade: "Nandito na sya! Mamamatay kayong lahat! Umalis na kayo dito!" aniya at saka ito nagwala at nagpupumiglas.
Zai: "Nasaniban sya!!"
Narinig na lamang nilang sumigaw si Mang Dante sa ibaba. Nasa tinig nito ang labis na sindak at panghihilakbot.
Blue: "Si Mang Dante,"
Zai: "Mamaya na, ang unahin muna natin ay si Jade!" hinawakan nya si Jade sa noo at may binanggit na bulong. Mayamaya ay kumalma na ito at nawalan uli ng malay. Binuhat ito ni One.
Chii: "Tara na, baka napa'no na rin si Mang Dante sa baba."
Mabilis silang bumaba ng silid.
Hinanap nila si Mang Dante sa ibaba ng pasilyo pero wala ito roon. Napatindig na lamang sila nang may makita silang mga bakas ng dugo sa lapag.
Mico: "Kaninong dugo 'yan?"
Joysan: "Aalamin ko!" hinawakan nya ang ibang dugo sa sahig.
Bigla na lamang syang nanghilakbot sa mga nakita. Hindi nya makayanan ang tagpong iyon kaya hinimatay sya.
Mico: "Joysan..." binuhat nya si Joysan at tinapik pero hindi ito nagigising.
Chii: "Ang mabuti pa'y isakay na natin sila sa sasakyan!"
Mabilis silang lumabas at sumakay ng kanilang sasakyan.
Kapwa walang nagsasalita sa kanila sa mga nangyayari. Pinaandar ni Chii ang sasakyan nila.
Habang walang malay naman ay nanaginip si Jade.
Nasa isang kakaibang lugar sya. Tinatawag nya sina One at ang iba pa pero walang sumasagot. Mayamaya ay may natanaw syang mga kumpol ng usok. May natanaw syang anino sa mga usok na iyon. May hawak ito na kung anong malaking bilog sa kamay. Sa pag-aakalang isa isa iyon sa mga kasama ay nilapitan nya ito. Subalit kaagad syang nasindak nang maaninawan nya ang kabuuang anyo nito. Isang nakakakilabot na nilalang. Kulay itim ang buong katawan nito. May matutulis ito na kuko at pangil habang umiilaw ang kulay dilaw na mga mata nito sa dilim.
Ang mas lalong nagpasindak pa sa kanya ay nang makita nya kung ano ang malaking bilog na nasa kamay nito kanina. Isa pala iyong ulo ng tao. Luwa ang mga mata nito at labas ang dila. kinilabutan sya nang makilala nya kung kaninong ulo iyon. kay Mang Dante!
Unti-unting lumapit kay Jade ang nilalang na ito. Para
naman syang napako sa kinatatayuan nya. Di sya makagalaw. Kumapit ang isang kamay nito sa braso nya. Bumaon ang mga kuko nito sa kanyang braso hanggang sa dumugo ito. Di na makayanan ni Jade ang nararamdamang takot at hilakbot.
Bigla syang napadilat ng mga mata. Nagising na sya. Naroon sina One habang nag-aalala sa kanya.
One: "Mabuti naman at nagising ka na, Jade!" sabay yakap sa kanya.
Jade: "Anong nangyari?"
One: "Hinimatay ka kanina!"
Bahagyang kumilos si Jade pero bigla nyang naramdaman ang kirot sa kanyang braso. Nakita nyang may mga sugat at dugo sya doon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top