Chapter 8
Chapter 8
Sa bakuran muna sila unang nag-imbestiga. Nakakatakot ang buong lugar.
Maraming nagtataasang mga damo at talahib sa
paligid. Sa tapat naman ay isang nakakakilabot na puno.
Chii: "May mga kakaibang energies dito sa lugar."
Zai: "Tama! Para sa mga tulad kong Clairvoyant, madali lang para sa amin ang maramdaman ang mga ganitong energies lalo na at may mga heightened senses kami."
Chii: "Ivy, naririnig mo na ba ang mga tinig ng mga espiritu dito?"
Ivy: "Sa ngayon ay wala pa po, sir Chii."
Nagulat naman ang lahat nang biglang sumigaw si Jade.
Jade: "WAAAH!!"
One: "Bakit Jade?"
Jade: "M-may matandang lalaki!" sabay turo sa tapat ng puno.
Nakita naman nilang lahat ang lalaking ito.
May dala itong lampara habang palapit sa kanila.
bahagya namang napangiti si Chii.
Chii: "Wag kayong mag-alala Guys, hindi sya multo. Sya si mang Dante, ang caretaker ng bahay na ito. Sya ang tumawag sa atin upang imbestigahan ang nangyayaring kababalaghan sa lugar na ito."
Mang Dante: "Pagpasensyahan nyo na sana kung nagulat ko kayo."
Kinamayan naman ito ni Chii.
Chii: "Mabuti naman po at nandito na kayo."
Mang Dante: "Sa totoo nga lang ay hindi ko gusto dito. Kahit ako ay natatakot na sa lugar na ito. Kung hindi nga lang
tinaasan ng may-ari ang sweldo ko ay matagal na akong umalis dito."
Chii: "Marami na ho ba kayong nararanasang kababa laghan dito?"
Mang Dante: "Oo, maraming beses na lalo na pagpasok mo sa loob ng bahay. Habang ginagawa nga namin ang bahay na 'yan ay hindi namin maiwasan ang may magparamdam kaya maraming trabahador ang hindi nakakatagal dito. Yun ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos gawin ang bahay na yan."
Zai: "Sa tingin ko ay may mga ligaw na mga kaluluwa sa buong paligid natin!"
Bahagyang tumaas ang balahibo ng ilan nang maramdaman nila ang isang malakas na hangin.
Blue: "Grabe, kinikilabutan na talaga ako dito,"
Si Joysan naman ay masuring pinagmasdan ang isang puno sa tabi.
Mico: "May nararamdaman ka ba sa paligid mo?"
Joysan: "I think, makakatulong ang punong ito upang maipali wanag ang ilang bagay sa atin!"
Chii: "Tama ka nga Joysan. Maaaring may naiwang mga PSYCHIC IMPRINTS sa punong iyan."
Mico: "Psychic... Ano?"
Zai: "Psychic imprints ang tawag sa mga ala-ala o emosyon na naiwan ng isang yumaong tao. Minsan, naiiwan ang ala-ala na iyon sa isang bagay. Si Joysan ay may kakayahang makita ang mga psychic imprints na iyon sa oras na mahawakan nya ang mga bagay na ito."
Mico: "Ibig sabihin ay maaari nyang malaman ang nakaraan ng lugar na ito,"
Zai: "Exactly!"
Itinuloy naman ni Joysan ang ginagawa. Hinawakan nya ang punong iyon at pinakiramdaman ito.
May nakita syang mga pangyayari.
Joysan: "Bago pa itinayo ang bahay na naririto ay mayroon nang nakatayong bahay dito noong panahon ng mga kastila. Ang bahay na iyon ay pagmamay-ari ng isang may kayang pamilya. Ang lugar rin na ito ang lihim na tagpuan ng mga pilipinong naghihimagsikan laban sa pamahalaang españa. Pero nalaman 'yon ng mga kastila kaya maraming pinatay sa lugar na ito kasama na ang mag-asawang may-ari ng dating bahay na naririto. Subalit bago nangyari 'yon ay naitakas na nila ang anak nilang dalaga kasama ang isang bata. May Hawak silang isang itim ng libro na dala nila sa pagtakas."
Mico: "Itim na libro?"
Joysan: "Di ko rin alam. Hanggang do'n lang ang nakita ko."
Mang Dante: " Eksakto nga ang deskripsyon mo, iha, may mga nagpaparamdam ngang mga sinaunang kastila at pilipino sa lugar na ito."
Jade: "It means, matagal na ang mga spirit na nandidito ngayon."
One: "Ready na ang camera ko sa kanila."
Chii: " Hindi lang naman evidences ang ipinunta natin dito, tungkulin din nating gabayan ang mga espiritu tungo sa katahimikan nila."
Zai: "Tama 'yon. Ang mabuti pa'y mag-imbestiga na tayo sa loob."
Nagtungo silang lahat sa tapat ng malaking mansyon. Si mang Dante ang nagbukas ng pinto.
Pagbungad pa lang nila ay umihip na ang isang malakas na hangin. Ramdam nila ang kakaibang presensya sa loob.
Mabilis na kumumpas ang camera ni One. Kinuhanan nya ng mga litrato ang paligid. Pinakiramdaman naman ng iba ang lugar.
Zai: "Sa tingin ko ay maghiwalay na muna tayo sa dalawang grupo. Kami nina Chii, Jade at One ang sasama kay Mang Dante sa taas ng bahay. Ang mga maiiwan naman ay dito sa ibaba mag-iimbestiga."
Ivy: "Opo, ms. Zai."
Zai: "Tara, magsimula na tayo."
Umakyat ang iba sa taas ng mansyon samantalang naiwan namank sila Mico, Blue, Ivy at Joysan sa ibaba.
Blue: "Grabe, sobrang nakakatakot dito."
Mico: "Wag ka ngang duwag dyan."
Bigla na lamang nakaramdam ng kakaiba si Ivy. Tumingin sya sa likod. Tila may nag-udyok sa kanya na pasukin ang isang silid do'n.
Mico: "Ivy, sandali lang, saan ka pupunta?" aniya pero tila wala itong naririnig. Tuloy lamang ito sa pag pasok sa isang silid do'n. Sinundan na lamang nila ito.
Nang makapasok ay nabungaran nila ang isang malaking painting ng isang babae. Halatang luma na ang painting pero maayos parin ang larawan na naroroon. Itinapat ni Blue ang liwanag ng kanyang flashlight upang mas lalo nilang maaninag ang larawan.
Napakaganda ng babaeng nasa painting na iyon. Animo'y isa itong diyosa sa kanyang ngiti.
Ivy: "Sya si Juana Pelaez. Ang anak ng mag-asawang may-ari ng bahay na nakatay o dito noon, dalawangdaang taon na ang nakararaan."
Mico: "Ano? Paano mo sya nakilala?"
Ivy: "May isang tinig ang nagsabi sa akin. Sinabi nya kung sino ang babae."
Joysan: "Tama, sya nga ang babaeng nasa visions ko kanina, sya ang nakaligtas at nakatakas mula sa mga kastila."
Ivy: "At nagtungo sya sa isang lugar noon. Alam nina Mico ang lugar na tinutukoy ko."
Mico: "Ha? Anong lugar iyon?"
Ivy: "Ang lugar kung saan hindi natuloy ay Demon investigation ng ating grupo. Sa bayan ng San Nicholas. Doon nagtungo si Juana kasama ang nakababata nyang kapatid. Pakiramdam ko ay may kaugnayan ang nangyaring Demon Investigation natin sa lugar na ito."
Joysan: "At maaaring dito matuloy ang naudlot na demon investigation nyo." seryosong sabi nito.
Mico: "Anong sinabi mo?"
Blue: "M-may diablo ba dito?"
Joysan: " Maaaring tama ang hinala nyo."
Napatindig naman sila Mico sa sinabi nito. Mayamaya ay narinig na lamang nilang bigla ang sigaw ni Jade.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top