Chapter 4

Chapter 4

Nabigla si Mico nang maramdaman ang paghawak ng isang kamay sa kanyang balikat.

Mico: "Ivy?"

Ivy: "Sorry, nagulat ba kita?"

Mico: "Nabigla lang ako. Pero teka, bakit ang aga mo yata dito?"

Ivy: "Wala naman kasi akong magawa sa bahay kaya nagpunta na ako dito. E ikaw, bakit ang aga mo din dito?"

Tumango muna si Mico bago nagsalita.

Mico: "Actually, maaga talaga akong nagising. binangungot ako kagabi. Para ngang makatotohanan ang panaginip ko na 'yon tulad ng mga naging pangitain ko noon. pero iba itong nangyari sa 'kin kagabi lang. Di ko alam kung pangitain nanaman yun. kung mangyayari man 'yon o hindi ay di ko alam."

Ivy: "Sandali? Nagkaroon ka nanaman ng pangitain?"

Mico: "As I said, di ko din alam."

Ivy: "Bakit??"

Mico: "Ang panaginip ko na 'yon ay katulad din ng mga unang panaginip ko noong mga nakaraang araw. Di nga lang malinaw ang mga nauna. Pero kagabi ay maayos na ang panaginip ko. Nakita ko ang mga nangyari. Nagkaroon ng patayan at kasunod ay ang malakas na pagsabog. Iniisip ko na isa nanaman iyong pangitain pero may isang bahagi ng panaginip ko ang nagpabago sa hinala ko. pagkatapos ng pagsabog ay may nakita akong mga kakaibang nilalang. Pinaka nakakatakot sa kanila ay ang lalaking itim. Animo'y tingin pa lang nito ay mamamatay ka na! Isa ang mga 'yon sa 'di ko pinaniniwalaan kaya nahahati sa dalawa ang isipan ko. kung paniniwalaan ko ba 'yon o hindi?"

Ivy: "Mico, sa tingin mo ba sa mga nangyayari ngayon ay mayroon ka pang hindi dapat paniwalaan? Mga psychic tayo! Iba tayo sa mga nakararami. Kung ano man ang nakita mo ay siguradong may ibig 'yong ipahiwatig. Paniwalaan mo lamang ang sarili mong kakayahan at alam kong malalaman mo ang kasagutan. Kaya nga GIFTED ang tawag sa mga katulad natin, di ba? Biniyayaan tayo ng diyos ng ganitong

gift."

Mico: "Maaaring tama ka nga pero may ilang bagay din na hindi ako sang-ayon sa'yo. Kahit kailan ay hindi ko itinuring na biyaya o gift ang kakayahan ko na ito. Isa itong sumpa!!! Hindi ko kailan man matatawag na biyaya ang makakita ng mga mamamatay na tao at ang mangyayari sa hinaharap! Alam mo ba ang pakiramdam ng makita mong mamatay ang isang mahal mo sa buhay? Biyaya bang maituturing 'yon? Simula pagkabata ay hindi na ako pinapatahimik ng kakayahan ko na

'to! Sumpa ito sa buhay ko!"

Napabuntong hininga si Ivy at saka sya tumingin sa malayo.

Ivy: "Alam mo Mico, nauunawaan kita. Tulad mo, akala ko rin ay sumpa ang kakayahan ko noon. Bata pa lamang ako, marami na akong naririnig na mga kakaibang bagay, mga kakaibang ingay. Minsan kapag natutulog ako ay bigla na lamang akong magigising dahil sa mga boses na naririnig ko. Mayroong umiiyak, nagmamakaawa at humihingi ng tulong. Tinig ng mga espiritung naliligaw ng landas at di matahimik. Takpan ko man ang mga tenga ko ay naririnig ko pa rin sila. Wala akong magawa noon kundi ang umiyak dahil sa takot. Gusto kong tantanan na nila ako. Mapa-araw man o gabi ay lagi akong takot sa kung ano man ang marinig ko. Gusto ko sanang sisihin ang diyos kung bakit nya ako binigyan ng ganitong kakayahan. bakit ako pa? Pero nagbago ang pananaw ko nang makilala ko sina Sir Chii at Ms. Zai. Simula nang sumali ako sa SOUL Club marami akong natutunan tungkol sa kakayahan ko. Natutunan ko itong tanggapin. Naunawaan ko na ang mga espiritu kung bakit sila lumalapit saakin. kailangan nila ng tulong. Natuwa ako noon nang matulungan ko sila at ang naiwan nilang mahal sa buhay. Nabigyan ng hustisya ang kamatayan nila. Alam mo Mico, sa tingin ko, ang pagiging sumpa o biyaya ng isang bagay ay nasa tao lamang. Magiging sumpa ito kung sa tingin mo'y ito'y sumpa at magiging biyaya ito kung sa palagay mo'y biyaya nga ito. You always look at the bad side of your ability but never at the good side of it. Hindi ka bibigyan ng diyos ng ganyang kakayahan kung hindi mo ito magagamit sa mabuti. Ang kailangan mo lang ay hanapin ang kabutihang dulot nito."

Napahanga si Mico kay Ivy. Waring may natutunan sya sa mga sinab nito.

Mico: "Alam mo, ang daldal mo pala!"

Ivy: "

H-ha? P-pasensya na,"

Mico: "Haha, biro lang. Alam mo, sa totoo lang, parang ngayon pa lang uli kita nakilala."

Napayuko na lamang si Ivy. Waring nahiya na syang humarap kay Mico.

Ivy: "S-sa tingin ko nga ay mas lalo pa tayong

nagkakilala. Ngayon lang kasi tayo nagkausap ng ganito e."

Mico: "Oo nga pero may kinalaman pa rin sa paranormal.

Ano kaya, pwede rin kaya tayong mag-usap ng hindi nasasali ang topic na paranormal?"

Ivy: "Pwede pero ano naman topic natin?"

Mico: "Kahit na ano? Masaya ka kasing kausap e. Akala ko nga noon ay tahimik ka lang at medyo weirdo pero

hindi naman pala."

Ivy: "Ako, weird?"

Mico: "Oo. Ikaw lang kasi ang nakakasagot sa mga weirdong tanong ni Ms. Zai

e." pagbibiro nya.

Ivy: "Siguro dahil medyo expose na ako sa paranormal kaya naging parang normal na ako."

Mico: "Haha, joke lang yung mga sinabi ko. Hindi ka naman talaga weird. Nagkataon lang na mali ang pagkakakilala ko sa'yo noon

pero nang nakausap na kita ay alam kong mabait ka, masaya kang kasama, Ivy."

Ngumiti sya kay Ivy. Bahagya naman itong

pinamulahan pagkatapos ay ngumiti na rin ito kay Mico.

Matagal pa silang nagka-usap hanggang sa dumating na ang iba

nilang mga kasama.

Unang bumati sa kanya ang kaibigan nyang si Blue.

Blue: "Kadarating mo lang ba, dude?"

Mico: "

Kanina pa ako. Maaga talga akong nagpunta dito."

Blue: "Ganun ba? (bumulong sya kay Mico) Ibig sabihin, kayong dalawa

lang dito kanina?"

Mico: "Wag mo ngang bigyan ng malisya 'yon! Nag-usap lang kami 'no,"

Blue: "Chill, nagbibiro

lang dude, kaw naman 'o."

Mico: "Puro ka kasi kalokohan!"

Lumapit naman si Chii sa kanila.

Chii: "Mabuti naman

at kumpleto na kayong lahat. Sumakay na kayo. Malayo pa ang pupuntahan natin."

Sumunod sila sa sinabi nito. sumakay

sila sa isang van na nakaparada 'don.

Habang bumibiyahe ay nakaidlip si Mico.

Bigla uli syang nanaginip.

Nasa isang hindi pamilyar na lugar pa rin sya. Nakita uli nya ang nangyaring pagsabog. Pero ikinasindak nya nang bigla na

lamang lumitaw sa kanyang harapan ang itim na lalaking una nyang nakita sa kanyang panaginip kagabi.

Bigla sya nitong

sinakal.

Victor: "Ito na ang panahon ng pamumuno ng mga Diablo!!" asik nito na sinabayan pa ng malakas na pagtawa.

Nagimbal si Mico hanggang sa napabalikwas sya ng gising.

Pinuna naman sya ni Ivy nang mapansin sya nito.

Ivy: "OK ka

lang ba, Mico?"

Mico: "Ha? A, oo, ok lang ako. Kulang lang siguro ako sa pahinga."

Hindi na sya muling inabala pa

ni Ivy.

Sa di kalayuan ay narinig nya ang pag-uusap ng kanyang mga kasama.

One: "Jade, ano sa tingin mo, makakuha

kaya ako ng picture ng isang tunay na Diablo?"

Jade: "Maaari, but as I know, maiilap daw sila. May ilan nga akong nakitang mga picture ng mga demon sa internet pero panay fake naman lahat. Wala pa talagang nakakakuha ng tunay na photo

ng isang Diablo."

Chii: "Pero kung susuwertihin ay tayo ang pinakaunang grupo na makakapagpatunay sa kanila." Singit

nito sa usapan habang nagmamaneho.

Si Mico naman ay hindi mapalagay lalo na nang narinig nya ang salitang DIABLO.

Naalala nya ang isang bahagi ng kanyang panaginip kung saan may nakita syang mga nilalang na lumabas sa isang kakaibang lagusan. Biglang pumasok sa kanyang isipan ang lahat ng pangyayari sa kanyang panaginip. pinag-ugnay nya lahat. Ang pagpunta nila sa San Nicholas, ang Demon investigation ng kanilang grupo, ang nangyaring pagsabog sa panaginip nya sa isang di pamilyar na lugar at ang mga kakaibang nilalang na 'yon. Parang magkakaugnay lahat. Biglang may masamang kutob

ang pumasok sa kanyang isipan.

Mico: "Diablo? di kaya..." Bulong nya.

Pilit nyang pinakalma ang sarili at ayaw paniwalain sa hinala nya. Ayaw nyang gumawa ng aksyon hangga't walang basehan. Hahanap sya ng isang bagay sa lugar na

iyon na makakapagpatunay sa hinala nya.

Makaraan lamang ang ilang sandali ay huminto na ang sasakyan nila. Nasa San

Nicholas na sila.

Zai: "We're here. Maaga pa naman kaya ang mas mabuti pa ay mag-interview muna tayo ng ilang mga tao

dito. Mamayang gabi ay sisimulan na natin ang tunay na pakay natin dito."

One: "Teka-teka, pa picture muna tayong

lahat."

Sinimulang i'set ni One ang kanyang camera. Inayos nya ang timer at stand nito.

Tumayo naman silang lahat sa

harap ng camera. Ilang sandali lang ay na'clik na ito.

One: "Nice picture."

Jade: "Tama ka."

Chii: "Ok guys, maghiwa-hiwalay na muna tayo. mag-iinterview na muna kami ni Zai ng ilang mga tao. Magkita na lang tayong lahat mamaya."

Blue: "Sige po sir Chii, take your time!"

Nagpaalam na sila Chii at Zai sa kanila.

Blue: "Yes, wala na sila! pwede

na tayong mag-enjoy dito."

One: "Tama ka. Tutal naririto na rin lang tayo, samantalahin na natin ang pista dito."

Jade: "Tama, maglibot na muna tayo sa bayan."

One: "Paano ba yan Guys? Mamaya na lang uli? Mamamasyal lang muna kami

ni Jade."

Jade: "Bye guys!"

Nagpaalam na silang dalawa sa mga kasama.

Si Mico ay humiwalay na rin kina Blue at

Ivy.

Blue: "Dude, san ka pupunta?" aniya pero patuloy lamang sa paglalakad si Mico. Sinundan na lamang nya ito.

Ivy: "Sandali. Hintayin nyo ako."

Sumunod si Ivy sa kanila. Nagpatuloy naman sa paglalakad si Mico.

Ivy: "Sandali

lang, bakit parang may hinahanap ka Mico, ano ba yun?"

Mico: "Kahit ano na magpapatunay sa hinala ko!!"

Blue: "Ang

labo mo dude. Diretsuhin mo na nga lang kami. Ano bang nangyayari sa'yo?"

Magsasalita sana si Mico pero bigla nyang

nasulyapan ang isang pamilyar na bagay.

Ang puting van na nasa panaginip nya. ang magiging dahilan ng mangyayaring

pagsabog sa bayan ng San Nicholas.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top