Chapter 2

Chapter 2

Zai: "Bukas ay fiesta ng bayan ng San Nicholas. Ayon sa nakalap naming info, bukas na ang ika-dalawangdaang taong pagdiriwang nila mula sa paglaya ng kanilang bayan sa pananakop ng mga diablo."

Blue: "Ibig sabihin ay may tsibog dun? Ayos, sasama ako!"

One: "Huy, di tayo magpupunta d'on para makikain, infact, siguradong malaking opportunity ito para sa'kin kapag naka'capture ako ng picture ng isang tunay na Diablo."

Zai: "Tama ka One, ito na ang pinakamalaking gagawin ng ating grupo. At ikaw naman Azul, palibhasa kasi sa'yo ay puro pagkain na lamang ang nasa isip mo!"

Blue: "Ilang beses ko ho bang sasabihin na Blue po ang pangalan ko? BLUE, BLUE, BLUE!!"

Zai: "And how many time do I tell you too that I don't care!"

Blue: "Kayo po ang bahala, ms. Minchin!" ganting tawag nya.

Lihim namang napangiti ang iba dahil sa sinabi nya habang umarko naman ang kilay ni Zai habang nakatingin kay Blue.

Jade: "Wait ms. Min . . . A, ms. Zai, totoo po ba yung mga kwento tungkol sa bayan na 'yon?"

Zai: "Sinasabing may mga kwento noon sa bayan ng San Nicholas na may mga Diablo raw roon na naghasik ng lagim, dalawang daang taon na ang nakararaan kung saan maraming namatay. Ang misyon natin ay patunayan kung totoo nga ba ang existence ng mga diablo sa lugar na 'yon."

Chii: "At isa pa, kapag napatunayan nating totoo nga sila ay sisikat na ang ating grupo. Maaari tayong maimbitahan sa ilang mga various program sa T.V."

Mico: "Pero, hindi ho ba delikado ang gagawin natin? Kayo na rin po ang nagsabi na may mga napatay na noon ang mga diablong ito. Baka magambala ho natin sila kung sakali man na totoo nga sila?"

Zai: "Don't worry, all we need is just the evidence of their existence! Nothing to worry about! Besides, di pa naman natin napapatunayan kung totoo nga sila?"

Blue: "Oo nga tol, saka sayang naman yung mga tsibog dun kung di tayo tutuloy."

Mico: "Pero may nararamdaman akong kakaiba sa bayan na 'yon?"

Zai: "Nase'sense mo ba kung ano ang mangyayari sa bayan na pupuntahan natin?"

Blue: "Ah, ma'm, malalaman lang po natin ang mangyayari sa bayan na iyon kapag nanaginip sya."

Zai: "Am I talking to you, Mr.? Si Mico ang tinatanong ko! Alam ko ang mga ability ng isang 'Precog' na tulad nya!"

Mico: "Pre . . . What?"

Blue: "Palaka ka raw!"

Zai: "What an Idiot? A precog is an individual who possesses precognition as a form of extra-sensory perception.! Isang kakayahan na malaman ang mangyayari sa hinaharap! Isa 'yong espesyal na abilidad na tinataglay ng isang taong may third eye o ang sixth sense natin! Ang main category ng parapsychology! Do you understand mr. Azul?"

Blue: "Ah, siguro?"

Zai: "Whatever! And you, Mico, ang tanong ko ay kung may nakikita ka bang aberya sa pagpunta natin sa bayan ng San Nicholas?"

Mico: "Sa ngayon ay wala pa po."

Zai: "Kung gano'n ay wala naman palang problema! Tuloy ang pagpunta natin!"

Napatungo na lamang si Mico.

Zai: "Well, I have to go. Pag-usapan nyo na lang kung sino ang gustong sumama bukas." pagkatapos umalis na sya.

Chii: "Uhm, Masanay na sana kayo kay Zai, ganun lang talaga sya. Anyway, lahat ba kayo sasama?"

Sumang-ayon naman ang lahat. Si Mico ay napilitan na rin.

Chii: "Ok, i'll see you all tomorrow at 7 o'clock in the morning."

Sumagot naman sila.

Mayamaya ay nagpaalam na ang lahat. Napagdesisyunan na ring umuwi ni Mico. Kasabay nya si Blue nang mga oras na 'yon.

Blue: "Napag-initan na naman tayo ni Ms. Minchin!"

Mico: "Ikaw nga itong trip ni ms. Zai e! Sa tingin ko ay crush ka nya?"

Blue: "Haha, never akong papatol sa matandang 'yon no!"

Napangiti na lamang si Mico sa sinabi ni Blue kahit na ang totoo ay nasa 25 pa lamang si Zai ngunit mas nagmumukha itong matanda kapag nagagalit.

Blue: "O, sige tol, kita na lang tayo bukas." pagpapaalam niya.

Mico: "Sige, ihanda mo na lang ang sarili mo sa kanya bukas! Haha, siguradong pag-iinitan ka nanaman nya!"

Blue: "Subukan lang nya at babasagin ko ang trip nya!" biro nito.

Nang makapagpaalam ay naghiwalay na sila.

Nang makauwi ay nadatnan nya sa kanilang bahay ang anim na taong gulang nyang kapatid na si Joyce habang pumapalahaw ng iyak sa sala.

Mico: "O, bakit ka umiiyak? Napagalitan ka nanaman ba ng lola?"

Ngunit nananatili lamang ang kapatid nya sa pag-iyak.

Hinimas nya ang ulo ng batang kapatid at mahinahon nya itong kinausap.

Mico: "Joyce, may ginawa ka nanaman ba kaya ka napagalitan?"

Joyce: "Kasi, pinagalitan ako ni lola nung pinitas ko ang mga bulaklak sa garden."

Mico: "Naku, kaya naman pala e! Alaga ni lola ang mga halaman na yun. Next time wag mo nang uulitin 'yon ha? Papagalitan ka talaga ni lola."

Joyce: "S-sorry kuya."

Mico: "Sa lola ka dapat humingi ng sorry. Teka, nasaan ba sya?"

Eksakto naman nang dumating ang lola ni Mico.

Awheng (lola ni Mico): "Mico, narito ka na pala? Pagpasensyahan mo na at medyo nasaway ko ang kapatid mo. Pinakielaman nanaman nya kasi yung mga tanim kong bulaklak sa garden."

Mico: "Ay, Lola (sabay mano) wala naman po kayong dapat ipagpasensya. Ito nga hong kapatid ko ang dapat humingi ng tawad e. (nilapitan nya ang kapatid at iniharap sa lola nila) Mag'sorry ka na, Joyce."

Nakatungo lamang ito at tila nahihiyang magsalita.

Mico: "Joyce,"

Joyce: "S-Sorry po, lola, d-di ko na po uulitin."

Awheng: "Pagpasensyahan mo na rin ako apo kung napagtaasan kita ng boses kanina. Sa susunod kasi ay magsabi ka sa'kin kung gusto mo ng bulaklak."

Joyce: "Opo,"

Nginitian sya ng lola nya at saka nito kinausap si Mico.

Awheng: "Yung Daddy nyo nga pala, tumawag kanina. Nagsabi na uuwi raw sya sa susunod na linggo."

Tila nagbago naman ang timpla ng mukha ni Mico sa narinig.

Mico: "Si Daddy ho? Aba, ano hong nakain nya at naisipang bumalik dito sa pinas?"

Awheng: "Hanggang ngayon pa rin ba ay galit ka sa kanya?"

Mico: "Nasaan sya nung mga panahon na namatay si Mommy? Saan sya nung mga panahong kailangan ni Janice ng isang ama? Nung birthday nito? Ni hindi ko nga nakita kahit na anino nya dito! Lagi syang wala tapos mababalitaan ko na lang na uuwi sya? Kung kelan hindi sya kailangan?!"

Awheng: "Wag ka namang magsalita ng ganyan sa ama mo. Alam ko kung gaano kalaki ang pagkukulang nya sa inyo bilang ama pero Alam mo naman kung para saan ang ginagawa nya,"

Mico: "Pagpasensyahan nyo po lola pero hindi ko yon matatanggap na isang dahilan." pagkatapos ay umalis sya at nagtungo sa kanyang kwarto.

Habang nasa kwarto ay iniisip nya ang nalalapit na pag-uwi ng kanyang ama na si Job.

Mico: "Ang taong 'yon! Naalala pa nyang umuwi matapos ang lahat?!"

Naalala ni Mico ang pangyayari nung mga panahon na namatay ang kanyang ina dahil sa isang aksidente at ang mga huling sinabi ng kanyang ama sa telepono na talaga namang hindi nya maatim na pakinggan.

***

Job: "Sorry Mico pero hindi ako makakauwi dyan!" sabi nya kay Mico na noon ay labingtatlong taong gulang pa lamang.

Mico: "Pero Dad, bukas na ang libing ni Mommy!"

Job: "Marami akong ginagawa dito kaya hindi ako makakauwi!"

Mico: "Pero . . ."

Job: "My decision is final! At isa pa, patay na ang mommy nyo, ano namang mababago kapag umuwi ako? Hindi naman sya mabubuhay, di ba?"

Mico: "Kaya nyong sabihin ang mga bagay na yan? Natitiis nyong hindi makita si mommy kahit sa huling sandali? Mas importante pa ba ang trabaho nyo kaysa sa kanya?"

Job: "Pagbalibaligtarin man natin ang mundo, ang patay ay patay na! Kailan ma'y di na mabubuhay pa! Walang mababago magpunta man ako dyan o hindi!"

Mico: "Hindi na ba talaga mahalaga sa inyo si Mommy? Hindi na ba kami mahalaga sa inyo? Alam nyo bang napakabata pa ni Joyce para maulila? Isang taon pa lamang sya, Dad! Kailangan nya ng pagmamahal ng isang magulang! Wala na si mommy, pati ba naman kayo ay mawawala pa?"

Job: "I hope you understand Mico pero hindi ko talaga maiiwan ang trabaho ko dito! Ginagawa ko ito para sa inyo. Kayo ang iniisip ko! Pasensya na pero kailangan ko nang ibaba ang telepono. Ikamusta mo na lang ako sa lola mo dyan, bye!"

Doon na natapos ang pag-uusap nila.

Ang lahat ng bagay na iyon ay tumatak sa isipan ni Mico. Labis syang nagkimkim ng sama ng loob sa kanyang ama.

***

Mico: "Kung wala syang pakialam kay Mommy no'n, wala rin akong pakialam sa kanya! Para sa'kin, wala na rin syang halaga!"

Matagal na nyang kinimkim ang galit nyang iyon sa kanyang dibdib at ngayon ay unti-unti na itong lumalabas.

Hanggang sa sumapit ang gabi ay wala pa rin syang iniisip kundi ang muling pagkikita nilang mag-ama.

Subalit panandaliang mawawala ang isipin nyang iyon.

Muli ay napanaginipan nanaman nya ang pangitain na ilang gabi nang bumabagabag sa kanya.

Pero iba na ito di tulad nang mga naunang panaginip nya noon. Ngayon ay malinaw na sa kanya ang bawat nagaganap. Maayos na nyang nakikita at naririnig ang bawat nangyayari sa paligid.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top