Chapter 17
Chapter 17
NAPASANDAL si JL sa puno. Tila napagod ng husto ang kanyang katawan.
JL: "Lumabas ka na! Alam kong nariyan ka lang, tanda!"
Lumitaw si Tata Isko sa kanyang harapan.
Tata Isko: "Ano ang nangyari at nagkaganyan ka? Paano ka nagtamo ng mga ganyang pinsala?"
JL: "Ito ba? Wala lang ito. Nakipagtunggali lang naman ako sa hambog na Diablong si Victor."
Tata Isko: "Ano? Nakaharap mo si Victor?"
JL: "At sa mismong mundo pa nya! Haay, ito ang napapala ko dahil sa pagtulong sa inyo. Sa katunayan, hindi ko naman dapat ginagawa ang mga ito ehh... ARAY!" dumaing sya ng pananakit ng katawan. "Pero kahit abutin pa ako ng ilang milyong taon sa pakikipaglaban kay Victor, wala ni Isa man sa amin ang mamamatay. Ngunit magkagayon pa man, nakakaramdam pa rin ng sakit ang katawan ko. Kailangan ko pa ring limitahan ang aking sarili sa paggamit ng kapangyarihan at sa pagpasok sa mundo ni Victor. Delikado pa rin para sa akin, lalo na kapag bumalik ang aking kamalayan bilang diablo." tumayo siya at tumingala sa kalangitan. "Masaya nga ang kasalukuyan subalit sa paglipas ng panahon ay isa na itong nakakatakot na hinaharap hanggang maging isa itong malungkot na nakaraan."
Batid ni Tata Isko ang ibig nitong ipahiwatig. Iyon ang buhay ng isang imortal. Hindi mo alam kung kailan lilipas ang iyong buhay, o kung lilipas pa nga ba ang buhay mo.
Maraming naghahangad ng buhay na walang hanggan. Kasiyahan nga ang iyong matatamo kapag nakamit mo iyon. Subalit sa paglipas ng panahon, makakaramdam ka na ng takot para sa iyong sarili. Hindi mo alam kung saan ang iyong hangganan. Hindi mo alam kung magiging saksi ka hanggang sa katapusan ng mundo. O kung mananatili kang buhay kahit wasak na ang daigdig. Maaaring patuloy mong mararamdaman ang init ng kumukulong lawa ng apoy ng impiyerno kapag inilubog ka roon.
Sadyang malungkot ang buhay ng nilalang na walang kamatayan.
***
ISANG pulang kotse ang huminto sa tapat ng bahay nila Mico. Lumabas mula sa sasakyan si Joysan.
Pinindot nito ang doorbell mula sa gate ng bahay nina Mico.
Si Mico na rin ang nagbukas ng gate at laking gulat niya nang makita si Joysan.
Mico: "Joysan?"
Joysan: "Hi!"
Mico: "Teka, paano mo nalaman kung saan ako nakatira?"
Joysan: "Maraming paraan para malaman 'yon," nakangiting sagot nito. "Maaari ba akong pumasok sa inyo?"
Mico: "Ha? Ah, Oo. Sige, tuloy ka." iginiya nya ito papasok sa loong bahay. "Ikaw lamang ba mag-isa?"
Joysan: "Oo! Hiniram ko yung kotse sa parents ko bago pumunta rito."
Pumasok sila sa Salas.
Mico: "Maupo ka muna. Sandali lang ipagtitimpla kita ng juice."
Joysan: "No. It's ok. Hindi naman ako masyadong magtatagal. Gusto lang sana kitang makausap." umupo ito sa sofa.
Mico: "Tungkol naman saan?" umupo na rin siya paharap kay Joysan.
Joysan: "Miss na kasi kita."
Halos matumba siya sa kinauupuan dahil sa narinig.
Mico: "A-ano?"
Joysan: "Haha, bakit naman ganyan ang naging reaction mo?"
Mico: "Kasi naman, bakit ganyan ang sinasabi mo?"
Joysan: "Bakit? Hindi mo ba ako nami-miss?" sabi nito ng nakanguso.
Mico: "Hindi naman sa ganun, kaya lang..."
Agad namang dumating ang kapatid ni Mico. Nakita sila nito.
Joyce: "Kuya, sino sya?" tanong nito. Lumapit ito sa kanila.
Joysan: "Hello little girl. Ang cute mo naman. What's your name?" natutuwang baling nito sa kapatid ni Mico.
Joyce: "Joyce po."
Joysan: "Wow! Pareho palang may Joy ang name natin. Joysan nga pala ang name ko. Diba ikaw ang kapatid ni Mico?"
Joyce: "Opo."
Joysan: "Siguradong magkakasundo tayo nito." sabay kurot sa pisngi ni Joyce.
Joyce: "Teka ate, ano nyo po si Kuya? Girlfriend ka po ba niya?"
Joysan: "Haha, friend ko lang ang kuya mo. Bakit mo naman naitanong yan?"
Joyce: "Kasi, bagay kayo eh."
Napatda naman si Mico sa upuan habang pinamumulahan.
Mico: "Huy, Joyce. Ano ba 'yang sinasabi mo? Nakakahiya oh..."
Nagtawa na lamang si Joysan.
Joysan: "Alam mo, mana ka rin sa kuya mo 'no?" sabay gulo sa buhok ni Joyce.
Awheng: "Aba Mico, may bisita ka pala," wika ng lola ni Mico na nasa salas na rin pala. Kasama nito si Job.
Tumayo naman si Joysan.
Joysan: "Hello po."
Mico: "Ah, Lola, nandyan po pala kayo. Sya nga po pala, si Joysan po, kaibigan ko."
Lumapit naman si Joysan sa mga ito.
Joysan: "Nice to meet you po." nagmano ito kay Awheng at nakipagkamay kay Job.
Awheng: "Naku, kay gandang dilag mo naman pala. Nililigawan ka ba nitong apo ko?"
Napatawa naman si Joysan.
Joysan: "Naku, hindi po, lola. Hindi po siya nanliligaw sa akin."
Mico: "Lola naman eh."
Awheng: "Sya nga pala, bakit ka nga pala naparito, iha? Si Mico ba ang sadya mo?"
Joysan: "Ah, Opo. Meron po kasi kaming lakad ngayon."
Awheng: "Ha, Ganun ba? Hindi man lang nasabi sa akin ng apo ko na may date pala sya! ... Hoy Mico! Ano pang tinatayo-tayo mo dyan? Aba'y magpalit ka na ng damit at may lakad pa pala kayo! Hindi ka man lang nahiya, babae pa ang sumundo sa'yo dito."
Napakamot na lamang sya ng ulo.
Mico: "Paano ho kayo, lola?"
Job: "Ako na ang bahala sa lola mo." medyo nakangiting sabi nito.
Awheng: "O, kita mo? Dali na't pumanhik ka na, masamang pinaghihintay ang babae!"
Kamot ulong sumunod na lamang si Mico sa lola. Hindi nya alam kung bakit sinabi iyon ni Joysan.
Pero bago magtungo ng kwarto ay saglit nya munang tinitigan sa mukha ang ama. Hindi nya talaga maunawaan kung ano ang tumatakbo sa isipan nito? Kung bakit rin ito ngumiti kanina?
Nang makarating sa kwarto ay agad syang nagpalit ng damit at nagbihis.
Lalabas na sana sya nang maalala ang itim na brilyante. Parang mayroong pwersa ang nag-uutos sa kanya na laging dalhin iyon saan man sya magpunta.
Agad niya itong kinuha sa hinubad na pantalon bago bumaba ng kwarto.
Nakangiti namang bumati si Joysan pagkakita sa kanya.
Joysan: "Ano, tara na?" kumawit ito sa braso niya.
Mico: "J-Joysan?" tila nahihiyang sabi nya.
Hinila na ni Joysan si Mico palabas ng bahay.
Awheng: "Mag-iingat kayo ha?"
Mico: "Opo, Lola, sige po." tugon na lamang nya.
Lumabas na sila ng bahay at nagtungo sa sasakyan ni Joysan. Si Joysan na rin ang nagmaneho.
Joysan: "Nakakatuwa pala ng pamilya mo 'no? Lalo na si Joyce, ang cute talaga nya. Sana, may kapatid akong katulad nya."
Mico: "Bakit? Wala ka bang kapatid?"
Joysan: "Wala eh. Only daughter lang ako sa pamilya namin." sagot nito habang nagmamaneho.
Mico: "Teka, saan pala tayo pupunta?"
Joysan: "Kung pwede nga lang sa San Nicholas na eh."
Mico: "A-ano?"
Joysan: "Joke lang. Alam kong may mga unfinished business ka pa dito. Kailangan mo munang ayusin ang mga bagay na dapat mong ayusin bago magtungo roon."
Biglang naalala ni Mico na naroon nga pala si Joysan kasama sina Blue at Ivy sa haunted mansion kung saan unang nagpakita si Tata Isko sa kanya, kaya alam ni Joysan ang tungkol sa sinabi ng matanda na kailangan nyang magpunta sa bayan ng San Nicholas upang ikulong ang Diablo. At kagabi nga ay muling nagpakita ang matandang multo sa kanya at pinaalala ang dapat gawin.
Joysan: "By the way, may hinanakit ka ba sa iyong ama, Mico?"
Agad namang nabaling ang pag-iisip ni Mico sa sinabi nito.
Mico: "Bakit mo naman naitanong 'yan?"
Joysan: "Nothing. I'm just asking. Nung tinitigan mo kasi sya, parang may dinaramdam ka or something na hindi kayo pag-uunawaan, tama ba ako?"
Bumuntong hininga na lamang si Mico.
Mico: "Sa totoo lang, galit ako sa kanya. Pinabayaan nya kami noon. Hindi nga nya kami nadalaw nung mga panahon na nawala si Mommy eh, nung mga panahong kailangan namin ng ama. Naiinis ako sa pagiging iresponsable nya! Anim na taong hindi nya kami kinontact simula nung mamatay si Mommy, tapos babalik na lamang siya dito na parang walang nangyari?!"
Nakatuon lamang ang mga mata ni Joysan sa kalsada habang nakikinig kay Mico.
Joysan: "Kung ano man ang nagawa nya Mico, sigurado akong pinagsisisihan na nya iyon. Maaaring may dahilan sya kung bakit nya ginawa iyon."
Mico: "At ano naman ang magiging dahilan nya..."
Saka lamang naalala ni Mico na kinamayan nga pala nito ang kanyang ama.
Mico: "Wag mong sabihing nabasa mo ang isipan nya?"
Joysan: "Wala ako sa posisyon para sabihin sa iyo kung ano ang nalaman ko. Dapat kayong mag-usap na mag-ama. Kailangang magkaroon ka ng kaliwanagan at kapanatagan ng loob bago mo ituloy ang misyon na nakaatang sa iyo. Isipin mo, ano ang estado nyo ng iyong ama noong bata ka pa? Nung panahong buhay pa ang mommy mo at hindi ka pa galit sa kanya? Nung magkasama kayo?"
Sa sinabing iyon ni Joysan ay parang may mga ala-alang pumasok sa isipan ni Mico na gusto nyang gunitain.
NAALALA nya nung mga panahon na magkakasama pa ang kanyang pamilya. Masaya silang namamasyal sa park habang nakapasan sya sa mga balikat ng kanyang ama, naglalaro at naghahabulan. Kapag napagod ay magpapahinga silang mag-ama sa lilim ng isang puno at duon na rin nila mapagpapasyahang mag-picnic. Kakain sila ng mga pagkain na niluto ng kanyang ina habang masayang nagtatawanan at nagkukuwentuhan. Pagkatapos nilang kumain ay magpapatuloy sila sa pamamasyal at paglalaro.
Sa musmos na edad noon ni Mico ay parang walang katapusang saya ang kanyang nadarama noon.
Subalit parang malabo nang mangyari pa ulit iyon ngayon. Hanggang gunita na lamang siya sa masasayang ala-ala nila.
Mico: "Hindi ko alam, kung ano ang gagawin kapag kailangan ko siyang harapin upang kausapin. Pero, gusto kong malaman kung ano ang dahilan niya at tinalikuran nya kami? Bakit hindi man lang siya umuwi noong wala na si Mommy? Kailangan namin ng magulang pero wala sya! Bakit?"
Joysan: "Alam kong maiintindihan mo rin ang lahat."
Bigla namang nag-ring ang cellphone ni Joysan. May tumatawag. Sinagot nito ang cellphone habang nagmamaneho.
Joysan: "Hello? ... Sir Chii? Bakit ho, anong nangyari?"
Nang sumagot ang nasa kabilang linya ay nabakas sa mukha ni Joysan ang hindi maipaliwanag na kaba. Sandali itong napatingin kay Mico. Parang gulat na gulat ito.
Pinahinto nito ang kotse.
Joysan: "Saan Sir? ... Sinabi nyo na rin ho ba sa iba? ... Sige, on the way na ho kami dyan." ibinaba nito ang cellphone bago nagpatuloy sa pagmamaneho.
Para namang nakaramdam rin ng kaba si Mico dahil sa naging reaksyon nito.
Mico: "Bakit, Joysan? Si Sir Chii ba ang tumawag? Anong nangyari?"
Joysan: "Tungkol iyon kay Jade." malamlam lang na tinig nito.
Mico: "Anong tungkol kay Jade?" napapalunok na lamang na tanong nya.
Pero agad syang nagulat sa sinabi nito.
.
.
.
.
.
.
Joysan: "Si Jade... PATAY NA SYA!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top