Chapter 14
Chapter 14
BIGLANG Nagising si Mico ng umagang iyon. Tila ba binangungot nanaman sya kagabi. Nakita nya si One na pinatay ng isang nilalang na pamilyar sa kanya. Ang itim na lalaking napanaginipan na nya noon.
Awheng: "Ayos ka lang ba, apo? Napansin ko kasi na parang binabangungot ka," puna ng lola nya sa kanya na noon ay gising na rin.
Kahapon pa unang nagising si Awheng pero napagpasyahan nitong magpahinga muli kinagabihan.
Napuna ni Mico na nakatulog pala sya sa tabi ng kanyang lola dahil sa pagbabantay.
Mico: "Ah, Lola, ayos lang ho ako. Medyo masama lang ho ang tulog ko kagabi."
Awheng: "Naku, Ang mabuti pa'y umuwi ka na muna at magpahinga uli. Hindi siguro maayos ang tulog mo dito. Huwag mo na muna akong alalahanin at ang mga nurse na muna ang bahala sa akin."
Mico: "Hindi na ho lola. Ayos lang ho ako. Kayo nga ang dapat kong intindihin eh. Nagugutom ho ba kayo? Gusto nyo bang kumain?"
Awheng: "Mamaya na lang ako kakain. Eh ikaw, gusto mo bang kumain muna?"
Mico: "Hindi rin po. Mamaya na lang rin ho siguro ako." sabi pa nya pero nananatili pa rin sa kanyang isipan ang naging panaginip. Tila ba meron nanaman itong mensahe o ibig ipahiwatig sa kanya.
Makaraan ang ilang sandali ay dumating na rin si Job. Kasama nito si Joyce. May bitbit silang pagkain.
Nagbago naman bigla ang mood ni Mico pagkakita sa ama. Galit pa rin sya dito pero ayaw na nya itong komprontahin pa sa harap ng kanyang lola. Baka kung ano pa ang mangyari. Minabuti na lamang nyang umalis upang makaiwas sa gulo.
Awheng: "Mico, sa'n ka pupunta?"
Mico: "Dyan lang ho, lola. Para kasing nagbago ang ihip ng hangin dyan sa loob." giit nya. Lumabas sya sa pinto.
Alam ni Awheng na may galit pa ring nananaig sa dibdib ni Mico. Kinimkim niyon ang galit sa ama sa loob ng maraming taon.
Joyce: "Dad, nag-aaway pa rin ba kayo ni Kuya?" narinig na lamang ni Awheng na sabi nito sa ama.
Hindi naman sumagot Job. Wala lang itong kibo.
Awheng: "Job, bakit hindi mo na lang sabihin kay Mico ang mga nangyari noon. Kung bakit--"
Job: "Hindi na ho, mama." kaagad na putol nito sa sasabihin. "Alam ko naman kung bakit ganoon na lamang ang galit nya sa akin."
Awheng: "Pero hahayaan mo na lang ba na laging ganito ang sitwasyon nyong mag-ama?"
Tumikom lamang si Job. Parang may malalim itong iniisip.
KASALUKUYAN namang nasa Hallway ng ospital si Mico. Doon siya dinala ng kanyang mgak paa upang magpalipas ng sama ng loob. Sa tuwing nakikita nya ang ama ay hindi nya mapigilang magalit. Hindi nya kayang makasama ang taong nambalewala sa kanila noon.
Habang naglalakad ay parang may naramdaman syang humaplos na malamig na hangin sa kanyang pisngi. Alam nya na hindi pangkaraniwan ang hangin na iyon.
Hanggang sa may lumitaw na imahe ng isang babae. Nung una ay hindi nya ito masyadong maaninawan pero habang tumatagal ay nakikita na nya ang hitsura nito. Parang pamilyar ito sa kanya.
Mico: "MOMMY?" nasambit na lamang nya.
Kitang-kita nya ang lungkot sa mga mata nito. Parang may gusto itong sabihin sa kanya.
Mico: "Mommy, ikaw nga.." nilapitan nya ito pero singbilis rin ng bula itong nawala sa kanyang harapan. Napayuko na lamang sya. Noon pa nya gustong magpakita ang kanyang ina sa kanya pero bakit ngayon lang ito nagpakita sa kanya?
Maraming tanong ang gumugulo sa kanyang isipan. Hanggang sa marinig nya ang pagtunog ng kanyang CP. Tumatawag ang kaibigan nyang si Blue. Kaagad nya itong sinagot.
Mico: "Hello Blue? Bakit ka napatawag? May problema ba?"
Blue: "Mico, emergency ito, kailangan mong pumunta dito."
Mico: "Bakit, anong nangyari?"
Blue : "Si One..."
Mico: "Anong nangyari kay One?"
Blue: "Hindi ko rin alam, Basta pumunta ka na lang dito. Dalian mo."
Mico: "Sige, nasaan ba kayo?"
One: "Nandito kami sa..." hindi na narinig ni Mico ang susunod na sasabihin nito dahil may humablot ng kanyang CP. Ang kanyang ama.
Job: "Hello? Ito ang ama ni Mico. Ako na ang nagsasabi, hindi sya pupunta dyan!" pinatay na nito ang CP.
Mico: "Ikaw? Ano nanaman ang ginagawa mo at nanghihimasok ka sa usapan ng iba?" pagalit na sabi nya.
Job: "Hindi ba't ako ang dapat magtanong sa iyo nyan? Aalis ka nanaman? Sasama ka nanaman sa grupong sinalihan mo?"
Mico: "Ano naman sa'yo kung sumama ako sa kanila? Hindi ba't wala ka namang pakialam sa akin?!"
Job: "Sige, kung yan ang gusto mo. Hahayaan kita sa gusto mong mangyari. Siguro nga mas mahalaga pa sila kesa sa lola mo na naka-confine dito sa ospital." may panunumbat na tinig nito. Ibinalik nito ang CP kay Mico bago ito tumalikod paalis. Nagalit si Mico sa tinuran ng ama pero alam nyang may punto nga ito sa sinabi. Napapadalas na ang pagsama nya sa kanyang grupo kaya hindi na nya masyadong nakakapiling ang kanyang lola at kapatid. Pakiramdam nya ay tulad na sya ng kanyang ama na laging wala.
Pero hindi pa rin maialis sa kanyang isip na baka kung ano na ang nangyari kina One, lalo na't napanaginipan nya ito kagabi. At isa pa ay ang pagpapakita ng kanyang ina kanina lamang na parang may gustong iparating. Puro mga hiwaga ang nangyayari ngayon.
Pero sa huli, mas ipinasya nya na huwag munang tunguhin sina Blue. Mas kailangan siya ngayon ng kanyang pamilya. Kahit tawag pa ng tawag ang kanyang kaibigan ay hindi na nya ito sinagot. Pinatay nya na lang ang kanyang CP.
---
Zai: "Ano na, Azul, na-contact mo na ba si Mico?!"
Blue: "Hindi pa rin po, ms Zai. Saka FYI lang ho, Blue po ang pangalan ko!"
Zai: "Wala akong pakialam! Ang iniuutos ko sa'yo ang intindihin mo!"
Blue: "Eh sa hindi ko nga ho ma-contact eh!"
Chii: "Wag na nga kayong magtalo! Hindi 'yan makakatulong sa sitwasyon ngayon."
Kasalukuyang nasa labas ng bahay ni One ang grupong Soul Club.
Dumalaw kasi si Jade sa nobyo. Pero nang tunguhin na nya ang bahay ni One ay bigla na lamang syang nakaramdam ng kakaiba. Parang may kung ano sa bahay ni One. Bukas ang pinto kaya pumasok sya. Tinawag nya ang mga tao roon pero walang sumasagot.
Pumasok si Jade sa kwarto ni One. Doon ay nagimbal sya sa nasaksihan. Puro dugo ang mga pader at sahig ng kwarto nito pero wala man lang syang nakitang katawan na maaaring magmay-ari ng mga dugong iyon.
Dahil sa pagkagimbal ay hindi kaagad sya nakakilos, pero nang mahimasmasan sya ay una nyang tinawagan si Chii upang ipaalam ang mga nakita. Mayamaya ay dumating na rin ito kasama ang iba pa.
Nakita nga nila ang mga dugo sa pader at sahig. Nadiskubre rin nila na pati ang kwarto ng mga magulang ni One ay puro dugo rin na nagkalat sa mga pader at sahig. Parang dinaanan ito ng kung anong delubyo.
Wala silang maramdaman na kahit na anong presensya ng mga kaluluwa sa paligid.
Tumawag na lang sila ng mga pulis matapos iyon.
Pero bago dumating ang mga pulis ay isang camera ang nakita ni Joysan. Kinuha nya ito. Bigla na lamang syang nakakita ng mga pangyayari. Nakita nya kung ano talaga ang tunay na nangyari kay One at ang sinapit nito.
Binalot si Joysan ng labis na sindak sa nasaksihan pero ipinasya nyang huwag sabihin sa mga kasama ang kanyang nakita. Alam nya na maaaring malaman ng Diablong si Victor na si Mico ang may hawak ng itim na brilyante.
SA ngayon ay nasa labas na ng bahay ang grupong SOUL Club. Iniimbestigahan na ng mga pulis ang mga nangyayari.
Si Jade ay nasa isang tabi lang habang patuloy sa pag-iyak. Nag-aalala sya para kayOne. Nasa tabi naman nya si Ivy at pilit syang inaalo.
Lumapit sa kanila si Joysan. Kinausap nito si Jade.
Joysan: "Jade, tatagan mo sana ang iyong sarili sa kung ano man ang matuklasan mo. Alam kong malalampasan rin natin ang anumang pagsubok na ito."
Jade: "H-hindi ko magawa. Ano mang pilit ko, laging pumapasok sa isipan ko na baka kung ano na angnangyari kay One." at nagpatuloy ito sa pag-iyak.
Ivy: Tahan na Jade, alam kong mahahanap rin natin si One."
Bigla namang nagbago ang ekspresyon ni Jade.
Jade: "A-ang itim na lalaki. Alam kong t-totoo sya! S-siguradong may kinalaman sya sa pagkawala ni One!"
Kapwa nagkatinginan sina Ivy ay Joysan sa sinabi ni Jade.
Joysan: "At kung may kinalaman nga ang itim na lalaking sinasabi mo sa pagkawala ni One, ano ang gagawin mo?"
Hindi na nakapagsalita si Jade. Napayakap na lamang ito sa sariling katawan.
Maging si Ivy ay hindi na rin nagawang magsalita.
Lumapit naman sa kanila si Chii.
Chii: "Guys, ang mabuti pa'y ihatid na muna natin si Jade sa kanila. Kayo rin, magsiuwi na muna kayo sa inyo. Ang mga pulis na muna ang bahalang mag-imbestiga dito."
Ivy: "Si-sige po, sir Chii."
Inakay ni Chii si Jade.
Chii: "Tara na, ihahatid ka na namin sa inyo."
Jade: "A-ang itim na lalaki! Siguradong may kinalaman siya sa pagkawala ni One!" napakapit ito sa kwelyo ni Chii.
Chii: "Anong itim na lalaki?"
Jade: "Ang nakakatakot na lalaki sa panaginip ko! Ang kumalmot sa aking braso! Alam kong siya ang dahilan ng pagkawala ni One!" wala sa sariling sabi nito.
Nakaramdam ng awa si Chii para kay Jade. Alam niya kung gaano nito kamahal ang nobyo kaya naman parang guguho na ang mundo ni Jade sa pagkawala ni One.
Chii: "Don't worry, Jade, magiging maayos rin ang lahat. Malalaman natin kung ano talaga ang totoong nangyari kay One. Pero sa ngayon, kailangan mo munang makauwi sa inyo. Hindi makabubuti kung patuloy tayong mananatili dito."
Nakumbinsi naman nya si Jade na ihatid sa kanila pero wala pa rin itong ibang bukambibig kundi ang tungkol sa itim na lalaki.
Susunod na rin sana sa kanila si Joysan pero pinigilan siya ni Ivy.
Ivy: "Alam kong may alam ka na kung ano talaga ang nangyari kay One base na rin ng paraan mo ng pagsasalita kay Jade. Alam kong may ibig kang ipahiwatig sa sinabi mong iyon. Hindi mo iyon maitatago sa akin!"
Bumuntong hininga na lamang si Joysan.
Joysan: "Haay! Hindi na nga siguro ako makakapaglihim sa'yo. Nakilatis mo na nga ako ng maigi." may kinuha sya sa kanyang bulsa. Isang digi cam. "Nalaman ko ang nangyari sa kanya nang mahawakan ko ang Camera na ito. Nagkaroon ako ng mga visions sa pangitain ko. Ang camera na ito ang makakapagpaliwanag sa kung ano talaga ang nangyari sa kanya." inihagis niya ang camera. Nasalo naman ito ni Ivy.
Kinakabahang pinindot ni Ivy ang buton ng digicam. Hinanap nya ang mga larawang nakunan nito. Inisa-isa nya ang laman ng camera at nagulantang sya sa kanyang nakita.
Nakabaligtad si One habang nakasabit sa isang mala-halimaw na puno. Ang ibang larawan naman ay ipinapakita kung paano dinurog ng mga halimaw na puno ang mga paa at braso ni One. May isa pang larawan doon kung saan kinain ng halimaw na puno ang katawan nito hanggang sa matira na lamang ay ang katawan ni One. May iba pa doong mga larawan na ang nakunan naman ay ang mga magulang ni One. Ang sinapit ng mga ito ay tulad din ng sinapit nito. Kinain rin ng mga puno ang katawan.
Nanlaki ang mga mata ni Ivy sa mga nakita pero ang mas nagpasindak sa kanya ay ang larawan kung saan isang itim na lalaki ang may hawak sa pugot na ulo ni One. Inilipat pa ito ni Ivy sa ibang larawan at halos magimbal sya nang ipakita sa larawan kung paano winasak ng itim na lalaki ang ulo ni One gamit lamang ang isang kamay. Halos mabitawan ni Ivy ang camera.
Joysan: "Iniisa-isa na tayo ng Diablo. Pinatay na nya si One at hindi sya titigil hangga't hindi nahahanap ang taong may hawak sa itim na brilyante, si Mi co."
Ivy: "I-ibig sabihin ay maaari pang maulit ang katulad ng nangyari kay One?"
Joysan: "YES!"
Ivy: "OH MY GO
about an hour ago via mobile · Unlike · 1
JL Dark D!" natutop na lamang nya ang bibig.
Joysan: "Isa na lamang ang natitirang paraan, yun ay ang maikulong na ang Diablo sa lalong madaling panahon!"
Ivy: "Kailangan na itong malaman ng iba. Hindi pwedeng may magbuwis pang muli ng buhay!"
Joysan: "Sabihin man natin sa kanila o hindi, patuloy pa ring may magbubuwis ng buhay hangga't nananatiling malaya ang Diablo!"
Ivy: "Pero papaano na ang iba pa?"
Joysan: "Alam mong mas mahalaga pa ang buhay ni Mico, hindi lang dahil sa sya ang makakatalo sa Diablo kundi dahil may special kang pagtingin sa kanya, diba?"
Ivy: "H-ha?"
Joysan: "Hindi mo maitatanggi ang nilalaman ng iyong puso. Kung gusto mo pa syang mabuhay, kailangang may magsakripisyo."
Yumukod na lamang si Ivy. Ayaw nyang may iba pang mapahamak pero ayaw nya ring may masamang mangyari kay Mico.
---
NAKAUWI na rin sa kanila ang lola ni Mico. Pinayagan na ito ng mga doktor na makauwi.
Mas pinili ni Mico na mapag-isa na lang muna sa kanyang kwarto. Gustuhin man nya na makasama ang lola at kapatid ay hindi nya magawang lumapit dahil inaasikaso at binabantayan ito ng kanyang ama.
Hindi nya maatim na makakasama nya ang ama sa iisang bahay pero alam nya na hindi habang buhay ay patuloy syang iiwas.
Ngunit nawaglit ang kanyang pag-iisip nang biglang umihip ang malakas na hangin. Nakaramdam sya ng panlalamig.
Nakakita siya uli ng isang puting imahe na nabubuo sa kanyang harapan. Inakala nya na ang kanyang ina uli ang magpapakita sa kanya pero nagkamali sya. Isa itong matandang lalaki. Si Tata Isko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top