Chapter 13

Chapter 13

Mico: "Ano namang masamang hangin ang nagdala sa'yo dito at naisipan mong umuwi?"

Job: "Bakit, pamamahay ko rin naman 'to ah? Ganyan ka na nga ba makipag-usap sa iyong ama?!"

Mico: "Ama?! Matagal na akong walang ama simula nung mamatay si Mommy!"

Job: "Hanggang ngayon ba naman ay inaalala mo pa rin 'yon, ha?!"

Mico: "Kung para sa'yo ay wala iyong Halaga, sa akin, meron! Nawalan ako ng ina..."

Job: "...At nawalan ako ng asawa, yan ang tandaan mo, Mico!"

Mico:" Really?? Sa pagkakatanda ko ay kami lang ang nagdusa sa pagkawala ni Mommy, habang ikaw naman ay walang pakialam sa mga kaganapan dito noon!"

Job: "Sumosobra ka na sa pagsagot mo sa'kin ng ganyan, Mico! Sino ba'ng ipinagmamalaki mo? Yung grupo na lagi mong sinasamahan?!"

Nabigla si Mico sa narinig. Alam na pala ng kanyang ama ang pagsali nya sa SOUL CLAN.

Job: "Ano, nabigla ka diba kung paano ko nalaman?! Tandaan mo, kahit wala ako rito ay nasusubaybayan ko pa rin ang bawat kilos nyo! Ano ba ang pumasok sa kokote mo at sumasama ka doon sa mga freak na tao na 'yon?! Hah, mga kalokohang Ghost Hunters! Sila ba ang dahilan kaya sinasagot mo na ako ng ganito ngayon, ha?! Naimpluwensyahan ka na ba ng walang kwentang grupo na 'yon?!"

Mico: "Sino kaya ang walang kwenta?! Sa totoo nga lang ay mas maituturing pa silang pamilya kesa sa'yo! Oo, sumasama ako sa kanila pero hindi sila walang kwenta, di tulad mo! Sumasama ako sa kanila dahil sa maraming dahilan! Hindi mo lang alam kung anu-ano ang pinagdadaanan ko! Wala kang karapatang tawagin sila ng gano'n dahil ang totoo, ikaw ang walang kwenta!!"

Job: "HOW DARE YOU TO SPEAK TO ME LIKE THAT?! Ama mo pa rin ako, respetuhin mo ako!" Mico: "Oo, ama pa rin kita pero hanggang doon na lang ang ugnayan nating dalawa! Bakit, naging ama ka ba sa amin? Naging asawa ka ba kay mommy? Mas inuna mo ba sya? Kami? Di ba mas mahalaga pa sa'yo ang trabaho mo? Ang promotions mo? Eh bakit ka pa nandito?!"

Job: "Ilang beses ko bang dapat sabihin na para sa inyo rin itong ginagawa ko?!"

Mico: "Para sa amin o para sa sarili nyo lang? Kung para sa amin 'to, nasaan na ngayon si Mommy? 'Di ba wala na sya! Dapat sana ay siya na lang ang buhay ngayon..."

Job: "At ano ang gusto mong palabasin?! Na dapat sana ay ako na lang ang namatay, ganu'n ba? Sa akin mo isinisisi ang pagkawala ng mommy mo?!"

Mico: "Ikaw lang ang nagsabi nyan, hindi ako!"

Job: "Pero 'yon ang iniisip mo, hindi ba? Na sana ay ako na lang ang nawala!!"

Kaagad namang napapunta ang nakababatang kapatid ni Mico na si Joyce sa may salas matapos marinig ang sigawan ng dalawa. Nagising sya dahil sa mga ito.

Naratnan nya roon ang mag-ama habang nagtatalo.

Joyce: "KUYA... DADDY..." nilapitan nya ang mga ito.

Napayakap si Joyce sa bewang ng ama.

Mico: "Joyce, umalis ka dyan, hindi mo alam kung anong klaseng tao 'yang kasama mo!"

Joyce: "Hindi, Kuya! Matagal ko na syang gustong makasama. Bakit mo ba sya inaaway, kuya?"

Mico: "Makinig ka sa'kin, Joyce, hindi sya karapat dapat na maging ama,"

Job: "Pwede ba, Mico, Wag mo nang idamay pa ang bata sa galit mo sa'kin!... Joyce, sige na, dun ka muna kay Lola mo,"

Joyce: "Ayoko! Dito lang ako sa'yo, daddy."

Mico: "Ano ba, Joyce! Masamang tao yang kasama mo!" sapilitan nyang hinila ang kapatid sa ama. Ayaw naman nitong bumitaw sa pagkakayakap.

Job: "Ano ba Mico! Nasasaktan na ang bata!"

Mico: "Inilalayo ko lang sya sa'yo bago mo pa man sya maimpluwensyahan!"

Walang tigil naman si Joyce sa pag-iyak dahil sa ginagawa ni Mico.

Sinubukan na ring makialam ni Awheng sa kanila.

Awheng: "Ano ba kayo, nasasaktan na ang bata sa inyo!"

Mico: "Inilalayo ko lang si Joyce sa taong iyan..."

Job: "Sumosobra ka na sa pagsagot mo! Wala ka nang respeto maging sa lola mo!"

Halos magkasakitan na sila sa nangyayari. Agad naman silang sinaway ni Awheng.

Awheng: "TUMIGIL NA KAYO..." napayakap ito sa kaliwang dibdib na tila kinakapos ng hininga.

Job: "MAMA..."

Mico: "LOLA..."

Dinaluhan nila ito at agad na isinugod sa ospital. Dinala ito sa Emergency Room.

Sa labas ng E.R ay hindi sila mapakali sa kondisyon ng matanda. Nag-aalala sila sa kalagayan nito.

Napaupo na lamang si Mico sa kakahintay.

Mico: "Siguro, ako ang sinisisi mo sa nangyari kay lola, 'di ba?"

Walang tugon mula sa ama. Walang emosyon ang mababanaag sa mukha ni Job. Akap-akap lang nito ang bunsong anak habang naghihintay sa labas ng E.R.

Makaraan ang ilang sandali ay lumabas na rin ang doktor na sumuri kay Awheng.

Mico: "Dok, kamusta na si Lola? OK lang ho ba sya?" humahangos nyang tanong.

Doktor: "Stable na ang kondisyon ng pasyente. Mild lamang ang pag-atake sa kanyang puso. Maaari nyo na siyang lapitan pero isina-suggest ko na hindi pa muna sya pwedeng magulat o mabigla. Lubhang delikado pa sa kalagayan nya ngayon."

Mico: "Sige po, maraming salamat dok," agad na nilapitan nila Mico ang kanyang lola na noon ay wala pa ring malay.

Ginagap nya ang isang kamay nito.

Mico: "Lola, sorry ho kung dahil sa'kin kaya kayo inatake. Hindi ko lang ho kasi napigilan ang sarili ko." malungkot nyang tinig.

Joyce: "Daddy, ayos lang ho ba si Lola?"

Job: "Oo, anak, ayos na ang Lola mo." napatitig sya kay Mico. Hindi pa rin sya kinikibo nito. Galit pa rin ang umiiral kay Mico.

***

KINAGABIHAN:

MAHIMBING na natutulog noon si One nang mapabalikwas sya ng bangon. May nararamdaman syang kakaiba sa paligid. Agad syang bumangon at kinuha ang digicam na nasa tabi ng lampshade. Laging nakahanda ang camera nya doon sa tuwing may mararamdaman syang kakaiba. Ginagamit nya ito upang kuhanan ng litrato ang mga multo at iba pang mga elemento kung meron man sa paligid.

Agad syang lumabas ng bahay.

Sa labas ay napansin nya na puro usok ang paligid. Nilibot nya ng tingin ang lugar at kinuhanan ng litrato ang bawat sulok. Naglakad-lakad sya hanggang sa isang anino ng tao ang natanaw nya sa di kalayuan. Paika-ika ito kung lumapit sa kanya. Nung una ay hindi nya ito maaninawan pero habang palapit ay napagmasdan na nya ito ng maigi. Isang naaagnas na lalaki ang tumambad sa kanya. Gulagulanit ang balat at damit nito at panay uod ang mukha. Mistulan itong parang Zombie. Natakot si One sa nakita pero tila napagtanto nyo kung sino ito base sa suot nitong damit.

Si mang Dante.

Kapareho ito ng suot nang huli nya itong makita.

Mang Dante: "T-tulungan mo ako, pakiusap. Ayoko na! Hirap na hirap na ako." sumamo nito.

Kahit nakaramdam ng takot ay kinausap nya ito. Sanay na kasi sya sa mga ganitong bagay na may kinalaman sa pa ranormal.

One: "Anong nangyari sa inyo Mang Dante? Bakit bigla na lamang kayong nawala noon?"

Mang Dante: "Ang Diablo ng panaginip ang may gawa nito sa akin! Paulit-ulit nya akong pinapatay! Pakiusap, tulungan mo ako, hirap na hirap na ako..."

One: "Diablo? Ano hong sinasabi nyo? Papaano ko kayo matutulungan?"

Lumapit ito sa kanya pero biglang na pahawak ito sa sariling leeg.

Mang Dante: "ARKHHHH!!"

Sumirit ang maraming dugo mula sa leeg nito.

Mang Dante: "Magmadali ka!! Kailangan mo nang gumising! Sabihan mo ang iba mo pang mga kasama! Kailangang maikulong nyo na sya.... AHHHHHHH..." humiwalay ang ulo nito sa katawan.

Nagimbal si One sa nasaksihan.

Mula sa katawan ni Mang Dante ay may lumabas na kamay ng kung anong nilalang. Kulay itim ang matatalas nitong kuko. Unti-unti nitong binubutas palabas ang katawan ng matanda.

Hanggang sa makalabas na ang ulo nito, kasunod ay ang bewang hanggang sa malantad ang kabuuang anyo nito. Isang nakakakilabot na lalaki. Puro dugo ang katawan nito at nanlilisik ang mga mata.

Nanghilakbot si One sa nakitang eksena.

Humarap ang nilalang na ito sa kanya.

Victor: "Ikaw ba ang pinili ng itim na brilyante?!" asik nito sa kanya.

Sa sobrang takot na nararamdaman ay napatakbo si One.

Victor: "Hindi ka makakatakas! Ito na ang libingan mo!" umalingawngaw ang sigaw nito sa buong lugar.

Napalinga si One sa paligid. Tila nagbago na ang hitsura ng lugar. Hindi nya alam kung nasaan na sya. Tanging mga malalaking itim na puno lang ang nakikita nya. Walang dahon ang mga ito. Nagsimulang gumalaw ang mga ito. Dumilat ang mga malalaking dilaw na mata ng mga puno at bumukas ang matatalas nitong bibig.

"CREEAAAAACKKK!!" sabay-sabay na sigaw ng mga puno na parang sa dragon.

Nanginginig sa takot si One sa mga nangyayari.

Mula naman sa isang puno ay kitang kita nya ang dalawang tao na nakasabit sa punong iyon.

Ang mga magulang nya.

One: "M-mama... P-papa..." pagtawag nya sa mga ito pero kaagad na pinagpyestahan ng mga halimaw na puno ang katawan ng mga magulang.

Binalot ng labis na sindak ang kanyang sarili matapos makitang luray-luray na kinain ang mga ito.

Humarap sa kanya ang ilan pang mga puno. Tila sya naman ang isusunod ng mga ito. Nangangatog syang napaatras pero bumungad sa kanyang likuran ang diablong si Victor.

Victor: "MAMAMATAY KA NA DITO!!"

Pinuluputan ng mga sanga ng puno ang mga braso at paa ni One. Parang mga gutom na halimaw ang mga ito. Nag-aagawan sila sa katawan ni One kaya nagkahiwa-hiwalay ang mga braso at binti nya.

One: "WAAAAAHH!!" hiyaw nya matapos maramdaman ang walang katumbas na sakit. Bumagsak sa lupa ang katawan nya na walang braso at binti.

Gusto nyang paniwalain ang sarili na panaginip lang ang lahat pero parang tunay ang nararamdaman nyang sakit.

Naramdaman na lamang nya ang pagtusok ng isang matulis na sanga sa dibdib nya. Iniangat sya ng puno na ito at kinain ang katawan nya hanggang sa leeg. Naputol ang kanyang ulo at gumulo ng sa lupa.

Nilapitan ni Victor ang kanyang ulo at hinawakan sa buhok.

Victor: "Hindi sya ang napiling itim na brilyante! HINDI SYA!! Sa oras na matagpuan ko na ang tunay na nagmamay-ari ng brilyante ay walang katumbas sa sakit ang ipapalasap ko sa kanya! Lahat ng may kaugnayan sa kanya ay iisa-isahin ko!!"

Gamit ang isang kamay ay winasak ni Victor ang ulo ni One hanggang sa magkadurog-durog ito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top