Chapter 12
Chapter 12
Biglang nagmulat ng mga mata si Mico. Panaginip lang pala ang lahat. Butil-butil at tigmak ang kanyang pawis. Nakakakilabot ang panaginip nyang iyon.
Napansin nya na malapit na palang mag-umaga. Tulog pa noon ang iba nyang mga kasama. Nagpasya syang magpunta ng banyo upang maghilamos. Nagpunas sya ng kanyang mukha at tumingin sa malaking salamin na nasa harapan nya. Pinagmasdan nya ang kanyang sarili. Tila ang nakikita nya ay ang kalunos-lunos na sinapit nya sa kanyang panaginip. Parang nakikita pa nya ang sariling katawan na nakahandusay at wala nang buhay habang naliligo sa sariling dugo. Tinapik-tapik nya ang mukha at pilit na iwinawaksi sa isip ang imaheng nakikita.
Mico: "Hindi! Panaginip lang ang lahat!" bulong nya sa sarili.
Nagpasya na syang lumabas ng banyo.
Nang makalabas ay nakita nya si Joysan na kagigising lang din. Nakasuot ito ng T-shirt na sa pakiwari nya ay galing kay Chii. Napansin naman sya nito.
Joysan: "Good morning, Baby boy." malambing na bati nito sa kanya. "Gising ka na pala? Sya nga pala, isinuot ko na rin itong damit ni Sir Chii. Marumi na kasi yung damit ko eh. Baduy ba tignan??"
Mico: "Ah... Hindi ha! Bagay nga sa'yo eh. Mas lalo kang gumanda sa suot mo." sabay upo sa tabi ni Joysan.
Joysan: "Hmmm, 'di ka rin bolero no!!" pagkatapos ay kinurot nito ang pisngi ni Mico.
Talaga namang napakaganda ni Joysan. Animo'y isa tong anghel sa paningin ni Mico kaya di malayong magkagusto si Mico dito.
Namalayan na lamang ni Joysan na sa mukha nya nakatingin si Mico.
Tila ba nakalimutan na nya agad ang naging panaginip kagabi.
Joysan: "May dumi ba ako sa mukha?"
Mico: "A... wala naman. Maganda ka kasi eh."
Joysan: "Napaka bolero mo talaga. Alam ko na ang mga ganyang estilo ng mga lalaki! Siguro nahahawa ka na nga kay Blue?"
Mico: "Oy, di ah! Di ako tulad ni Blue na babaero, besides , totoo naman yung sinabi ko. Maganda ka, sexy at higit sa lahat ay mabuti kang tao."
Nagtawa na lamang si Joysan sa tinuran nya ngunit sandaling sumeryoso ang hitsura nito.
Joysan: "Sa tingin mo, mabuting tao nga ba talaga ako??"
Mico: "Oo naman."
Joysan: "Paano ka nakakasiguro?"
Mico: "Alam ko dahil unang tingin ko pa lang sa'yo ay alam ko nang mabait ka."
Joysan: "Wag kang pasisiguro dahil lamang sa nakikita mo Sa akin. Di mo pa ako kilala ng lubusan. Wala ka pang alam tungkol sa akin."
Mico: "Di ko sinabing mabait ka dahil lamang sa maganda ka. Sinabi kong mabuti kang tao dahil iyon ang nararamdaman ko, iyon ang nasisiguro ko at iyon ang alam kong totoo."
Tumango lamang si Joysan. Bagama't may konting ngiti sa mga labi ay mababakas pa rin ang lungkot sa mga mata nito.
Joysan: "Alam mo bang demonyo ang turing sa'kin ng ilan? Natatakot sila sa kung ano man ang makita kong magiging kamatayan nila. May ilan pa silang haka-haka noon na ako raw ang nagdadala ng kamatayan ng mga tao. Dahil sa kakayahan kong ito kaya 'di naging normal ang buhay ko. Alam mo ang ibig kong sabihin, di ba? Pareho tayong nagtataglay ng PRECOGNITION. Isang kakayahan ng Psychic na malaman at ma-predict ang mangyayari sa hinaharap."
Ramdam naman ni Mico ang pinagdaanan noon ni Joysan. pareho sila ng kalagayan. Tulad nito ay hindi rin naging normal ang buhay nya noon at hanggang ngayon.
Mico: "Alam mo, may sinabi sa'kin dati si Ivy, maaari ngang maging sumpa para sa atin ang taglay nating kakayahan. Maaaring hindi nga naging normal ang buhay natin dahil dito. Pero alam mo, maaari rin itong maging biyaya. Nakikita nga natin ang magiging kamatayan ng mga tao pero natutunan ko na ang ating nakikita ay hindi ang eksaktong hinaharap. Ito ay mga imahe lamang o aparisyon ng mga posibleng mangyari. Ibig sabihin, pwede pa natin itong mabago kung gugustuhin natin! Hindi ko pa napapatunayan sa sarili ko na magagawa ko ngang mabago ang mga naging pangitain ko pero sinubukan ko na itong gawin noon bago mangyari ang pagsabog sa bayan ng San Nicholas. Sinubukan kong pigilan ang mangyayaring pagsabog pero nabigo ako. 'Di man ako tagumpay sa una pero alam ko na mababago ko ang mga pangyayari sa pangitain ko. At kung magawa ko iyon, saka ko lamang maituturing na biyaya ang kakayahan kong ito. Tulad na lamang ng..." kaagad syang natigilan nang maalala nya ang pangyayari sa kanyang panaginip kagabi. Nangangamba sya na maaaring isa nanaman iyong pangitain.
Joysan: "O, bakit parang natigilan ka dyan?"
Mico: "Ah, wala lang ito." aniya na hindi pinahalata ang pangamba. Iniisip rin niya na maaaring hindi rin magkatotoo ang panaginip nyang iyon.
Joysan: "Alam mo, sa tingin ko ay tama ka sa mga sinabi mo. Pero sa palagay ko, ikaw lang ang may kakayahan upang baguhin ang mga pangyayari sa pangitain mo ...... AT SA PANGITAIN KO!!" seryosong sabi nito.
Mico: "Pangitain mo?"
tumalima na lamang si Joysan. Di na nito sinabi ang mga naging pangitain nya kay Mico.
Joysan: "So, si Ivy pala ang nagsabi ng mga salitang iyon sa'yo ha? Alam kong balang araw ay panghahawakan mo ang mga
April 27 at 10:25am via mobile · Unlike · 1
JL Dark sinabi nya. Sana mabago mo nga ang mga mangyayari,"
Di naman maunawaan ni Mico ang gusto nitong iparating sa kanya.
Joysan: "Tandaan mo sana, Mico, huwag kang MAMAMATAY!!" pabulong na sabi nito. Hindi naman ito narinig ni Mico.
Maya maya ay lumabas na rin ng kwarto si Ivy. Napansin naman ito ni Joysan.
Joysan: "Speaking of her, gising na pala sya." sabay kaway kay Ivy. "Hey, Ivy, samahan mo na rin kami dito ni Mico."
Ivy: "Uhh... Hindi na, baka makaabala pa ako sa inyo."
Nilingon naman ni Mico si Ivy. Halatang bagong gising pa lang ito pero napansin ni Mico na hindi nito suot ang malalaking salamin sa mata na lagi na nyang nakikita kay Ivy noon. Ngayon lang napansin ni Mico ang kabuuang mukha nito . May angkin din itong kagandahan na maaaring maihalintulad din kay Joysan kaya lang ay hindi ito masyadong palaayos sa sarili. Mas natural ito sa pagiging simple nito.
Napansin naman ni Ivy na sa kanya nakatingin si Mico. Bahagyang nakaramdam ng hiya si Ivy. 'Di sya mapalagay na tingin ni Mico na tila ba sinusuri sya.
Hinila naman sya ni Joysan.
Joysan: "Halika na. Samahan mo na rin kami." pinaupo nya si Ivy sa tabi ni Mico. "Dyan lang kayo, magtitimpla lang muna akong kape."
Ivy: "Ay, hindi na Joysan. Ako na lang ang magtitimpla."
Joysan: "No, It's Ok. Ako na'ng bahala. Mag-usap na muna kayo dyan, Ok?" at nagtungo na sya sa kusina.
Samantala ay wala namang imikan noon sila Mico at Ivy. Parang natatahimik silang pareho. Pero si Mico na rin ang unang bumasag ng katahimikan.
Mico: "Bakit nga pala nagsusuot ka ng ganung klaseng eyeglasses sa mata mo?"
Ivy: "Ha? Ano namang klaseng tanong yan? Syempre malabo ang paningin ko."
Mico: "Yeah, alam ko ang point mo. Ang tinatanong ko ay bakit gano'n ang sinusuot mong salamin? Marami namang ibang mga salamin dyan na tiyak namang mas babagay sa'yo."
Ivy: "Siguro hindi lang ako marunong pumili ng babagay sa akin." Mico: "Totoo nga bang malabo ang paningin mo?"
Ivy: "A-ano? Bakit mo naman naitanong 'yan?"
Mico: "Iba kasi ang nararamdaman ko. Para kasing tinatago mo lang ang tunay mong sarili sa iba, ang tunay mong hitsura at ang tunay na ikaw.
Ivy: "Hindi ah! Di naman ako maganda kaya wala naman akong dapat itago sa sarili ko."
Mico: "'Di totoo 'yan! May sarili kang kagandahan na 'di maaaring maihalintulad sa iba. Hindi mo lang siguro napapansin pero maganda ka, Ivy."
Ivy: "Pwede ba, Mico? Tayo lang naman ang naglolokohan dito,"
Mico: "Totoo ang sinasabi ko. Maganda ka. Bakit 'di mo pag-ukulan ng panahon ang sarili mo? Turuan mong ayusan ang iyong sarili. At yung salamin na lagi mong sinusuot, Huwag mo nan g gamitin 'yon. 'Di bagay sa'yo."
Ivy: "Eh di na ako nakakita kapag ginawa ko 'yon?"
Mico: "Alam kong hindi malabo ang paningin mo. Pinagtatakpan mo lang ang sarili mo."
Ivy: "Hindi ah?"
Humarap si Mico kay Ivy. Hinawakan nya ito sa magkabilang balikat at tinitigan nya ito sa mga mata.
Mico: "Ngayon, sabihin mo sa'kin na mali ako. Sabihin mo na malabo talaga ang paningin mo?"
Hindi naman makapagsalita si Ivy. Mas pinamulahan pa ito sa pagkakatingin ni Mico. Bahagya namang napangiti si Mico sa naging ekspresyon ng mukha ni Ivy.
Mico: "See, tama nga ang hinala ko. Paano ka magugustuhan ng mga lalaki nyan kung ganyan lagi ang ayos mo?"
Ivy: "'Di ba kung mahal nga talaga ako ng isang tao, magugustuhan nya anuman ako?"
Mico: "Tama ka. Ang pinupunto ko lang dito, huwag mong gawing matanda ang sarili mo. Mas mukha ka pa nga yatang matanda sa lola ko eh?" may halong biro nya.
Ivy: "Grabe ka! Ganun na ba talaga ako?"
Mico: "Oo kaya kung ako sa'yo, baguhin mo na ang ayos mo."
Pabiro namang hinampas ni Ivy si Mico sa balikat.
Ivy: " Hindi kaya ganun kadaling gawin 'yon?"
Mico: "Bakit hindi? Kung gugustuhin mo ay kaya mo. Pero maiba tayo ng usapan, may nagugustuhan ka na nga bang lalaki?"
Nabigla si Ivy sa sinabi ni Mico. 'Di nya inaasahan na iyon na ang itatanong nito sa kanya.
Ivy: "B-bakit naman napunta dyan ang usapan?"
Mico: "Wala lang, naisip ko lang kasi kung naranasanmo na bang ma-inlove? May nagugustuhan ka na nga ba?"
Sandaling natahimik si Ivy. Tila nag-aalangan sya kung ano ang isasagot kay Mico. Pero kaagad rin syang nagsalita.
Ivy: "Sa totoo lang ay meron na. Pero sa tingin ko ay may gusto na syang iba."
Mico: "Paano mo naman nasabi 'yon? Malay mo ikaw pala ang gusto nya, 'di mo lang alam?"
Ikinabiglani Ivy ang sinabi ni Mico.
Ivy: "A-ano? Imposible namang mangyari 'yon!"
Mico: "Bakit imposible? 'Di naman mahirap magustuhan ang isang katulad mo ah? Ako nga ay palagay na ang loob ko sa'yo eh."
Hindi na lang umimik si Ivy. Masaya na sya sa kung anuman ang meron sa kanila ni Mico. Masaya na sya at mas nakakausap na nya ito 'di tulad noon. Nag-uusap lamang sila kapag may Ghost hunting ang kanilang grupo.
Pero may lungkot pa rin sa kanyang mga mata. Alam nya na may iba itong nagugustuhan. Si Joysan.
Totoong itinatago nya ang kanyang sarili sa iba. Sinasadya nyang hindi maging pala- ayos sa sarili. Yun ang paraan nya upang hindi sya makilala ng mga tao base lamang sa pisikal na anyo nya. Gusto nyang makilala sya ng tao kung ano sya hindi base sa panlabas na anyo.
Pero si Mico ay napuna ang mga katangian nyang iyon. Si Mico na minamahal na nya noong una pa lang nya itong makita. Pero alam nyang hindi na sya magugustuhan nito maliban sa pakikipagkaibigan lang.
Ivy: "Eh ikaw, may nagugustuhan ka na rin ba?" tanong nya kahit alam na nya ang isasagot nito.
Mico: "Actually, meron na, pero 'di ko alam kung may pagtingin rin sya sa akin?"
Ivy: "Hulaan ko, si Joysan, tama ba ako?"
Mico: "Ovious naman siguro na gusto ko sya kahit kailan lang kami nagkakilala. Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa kanya? Sa tingin mo Ivy, may pag-asa kaya ako sa kanya?"
Ivy: "Syempre naman. Hindi naman mahirap magustuhan ang isang katulad mo. Actually, masuwerte pa nga sya dahil sya ang minahal mo." kahit sinabi nya iyon ay may kirot pa rin sa kanyang dibdib. Masakit talagang malaman na ang taong mahal mo ay may ibang gusto.
Mico: "Talaga Ivy? Sa palagay mo ay gusto rin nya ako?"
Ivy: "Oo naman."
Napayakap na lamang si Mico kay Ivy dahil sa katuwaan. Nabigla naman sya sa ginawa nito. Maging si Mico ay ganun din.
Mico: "Ah, I'm sorry. Masyado lang siguro akong natuwa."
Ivy: "O-ok lang yun,"
Mico: "Sya nga pala, naalala mo pa ba yung mga sinabi mo sa 'kin noon bago tayo nagpunta ng San Nicholas?" sinadya nitong baguhin ang usapan. Hindi nya alam kung bakit ganun na lamang ang naramdaman nya nung nayakap nya si Ivy. Parang may kakaiba syang naramdaman na di nya mawari kung ano? Parang pakiramdam rin na katulad kay Joysan. Pero inisip rin nya na marahil ay dala lamang ng damdamin para kay Joysan ang naramdaman nya. Sinadya na rin nyang ibuka
s ang topic sa naging pag-uusap nila noon ni Ivy bago isagawa ng kanilang grupo ang Demon Investigation.
Ivy: "Bakit naman napunta doon ang usapan?" pagtataka nya.
Mico: "Gusto kasi kitang pasalamatan dahil sa mga sinabi mo noon. Alammo, naliwanagan ako sa sinabi mo noon. Maging sumpa man o biyaya ang kakayahan natin, hindi dapat ito maging hadlang sa tatahakin nating landas. Nasa sarili natin kung ano ang magiging takbo ng ating buhay. Tayo ang may hawak ng ating kapalaran. Noon, takot ako sa mga nakikita kong pangyayari na magaganap. Pero sa sinabi mo, natutunan ko na hindi lahat ng nakikita ko ay totoo. Nasa akin kung mababago ko ito o hindi." masuyo nyang hinawakan ang palad ni Ivy. "Ipinagpapasalamat ko ang mga bagay na iyon sa'yo. Dahil sa'yo kaya magagawa ko nang harapin ang anumang bangungot na darating sa aking buhay."
Hindi malaman ni Ivy kung ano ang sasabihin kay Mico. Malakas ang kabog ng kanyang dibdib sa mga nangyayari. Waring gusto nyang laging ganu'n sila ni Mico. Laging masaya. Pero iniwas na rin ni Mico ang kamay nito nang mamataan si Joysan na palapit sa kanila. May dala itong kape para sa kanila.
Joysan: "Pasensya na kung natagalan ah,"
Mico: "No, it's Ok. sinabi ko naman na hindi ka na dapat pang nag-abala eh."
Joysan: "Ano ka ba? Ok lang 'yun sa'kin 'no? Mabuti naman at nagkausap na kayo?"
Mico: "Ah, oo. Actually, masaya ngang kausap si Ivy eh. Pero syempre, mas masaya
June 15 at 8:00am via mobile · Like · 1
JL White kung marami tayong magkukuwentuhan dito, diba Ivy?"
Tanging tango na lamang ang sagot ni Ivy. Kani-kanina lamang ay sa kanya pa nakatuon ang atensyon ni Mico pero kaagad nabago ang atensyon nito nang dumating si Joysan. Ano nga ba ang magagawa nya? Si Joysan ang mahal ni Mico. Si Joysan ang nilalaman ng puso nito. Samantalang sya ay kaibigan lamang kaya hindi malayong mawala na lamang sya sa paningin nito nang ganun-ganon na lang.
Masayang nag-usap sina Mico at Joysan. Parang wala na lamang si Ivy doon. Tanging ngiti na lamang ang isinasagot nya sa tuwing kakausapin sya panandalian ni Mico pero kaagad ring mababaling ito kay Joysan. Labis na lamang syang nalulungkot sa mga nangyayari kaya ipinasya na lang nyang magpaalam sa dalawa.
Mico: "O, aalis ka na agad?"
Ivy: "Oo eh. Kailangan ko na kasing umuwi. May mga dapat pa kasi akong gawin." pagdadahilan nya.
Mico: "Sayang naman. Akala ko pa naman ay matagal ka na naming makakasama ngayon."
Ivy: "Sorry talaga. Kailangan ko na kasi talagang umalis ngayon eh."
Nagpaalam na sya sa dalawa. Hindi na nya hinintay pa ang mga susunod na sasabihin ni Mico. Baka mas ikalungkot pa nya iyon.
Napatitig na lamang si Mico sa papaalis na si Ivy. Tila ba nakaramdam sya ng lungkot. Gusto pa sana nyang makausap ng matagal si Ivy.
Isang tunog mula sa cellphone ni Mico ang pumukaw sa kanya. Nakatanggap sya ng Text mula sa kanyang lola. Pinapauwi sya nito dahil may mahalaga itong sasabihin sa kanya. Naalala nya na hindi pa pala sya lubusang nakakapagpaalam sa kanyang lola kagabi. Siguradong nag-aalala na ito sa kanya ngayon.
Joysan: "O, sino yung nag-text?"
Mico: "Lola ko. Pinapauwi na ako. Hindi pa pala ako nakakapagpaalam ng maayos sa kanya, idinahilan ko lang na may pupuntahan ako saglit. Siguradong lagot ako nito ngayon... Ah, Joysan, mauna na rin ako, kailangan ko na rin talagang makauwi eh,"
Joysan: "O sige, pero hindi ka ba muna magpapaalam kina Sir?"
Mico: "Hindi na siguro, nagmamadali na rin kasi ako eh. Paki sabi na lang na nauna na ako..." aniya bago nagpaalam. Pero kaagad rin syang tinawag ni Joysan.
Joysan: "Uhm... Mico..."
Humarap naman sya sandali.
Mico: "Ano 'yon?"
Joysan: "Ah, wala... Mag-ingat ka na lang."
Ngumiti ito sa kanya. Ginantian na rin nya ito ng ngiti bago nagpaalam.
Napabuntong hininga na lamang si Joysan nang makaalis na si Mico.
Joysan: "Sana makayanan mo Mico ang mga pagsubok na darating sa buhay mo. Malapit nang mag-umpisa ang iyong kalbaryo!"
---
Nang makauwi ay sinalubong agad si Mico ng kanyang lola. Hindi naman ito galit pero bakas sa mukha nito ang pag-aalala.
Mico: "Ah... Lola, Sorry kung ngayon lang ako,"
Awheng: "Alam mo bang kanina pa ako nag-aalala sa'yo? Minsan hindi ko na alam kung ano na ang ginagawa mo. Kadalasan umaalis ka ng gabing-gabi na. Hindi ko man lang alam kung saan ka nagpupunta?"
Mico: "Sorry ho talaga Lola, may inasikaso lang ho kasi ako. Dun na po ako nagpagabi sa bahay ng kaibigan ko, pasensya na rin po kung hindi ako nakapag-text agad." paumanhin nya.
Awheng: "Siguro, ito na ang panahon para sya naman ang dumisiplina sa'yo. Sa tingin ko ay hindi na kita nasusubaybayan ng tama."
Mico: "Ano ho, lola? Sinong tinutukoy nyo?" sabi nya nang may pangamba. Tila ba alam na nya kung sino ang tinutukoy ng kanyang lola.
Job: "AKO!!"
Napatingin si Mico sa may-ari ng boses na iyon. Nakita nya sa kanyang likuran ang pinakakinaiinisan nyang tao. Ang kanyang ama.
Tila ba muling nagbalik ang kanyang galit dito nang makita nyang muli ang taong para sa kanya ay itinuring na nyang walang halaga sa kanya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top