Di Kita Crush! (One Shot)

Author's Note

Wag po kayo magexpect! XD Perstaym ko po gagawa ng one shot. Trip trip lang po ito haha. Yun lang! Enjoy! ^_^

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Kyrie's POV

"Ang gwapo mo talaga... Emeghed." Sabi ko habang nakatingin sa cellphone ko. Kung saan tintingnan ko ang gwapong gwapo kong crush na si Nathan!

"Ehem. Ako ba yung sinasabihan mong gwapo? Sorry. Alam ko na yun." What the? Kilala ko yung boses na yun! Si Nathan.

Tumayo ako at hinarap sya sabay lapit sa kanya nung cellphone ko.

"Excuse me ha? Ikaw gwapo? Grabe. Galing ng joke mo. Haha nakakatawa. At isa pa. Wag ka ngang feeling. Si Rain ang sinasabihan ko ng gwapo di ikaw." Whoooo! Buti di ako nautal habang kausap ko sya.

"Tch. E bakit ako ang tinitignan mo dyan? Di masamang umamin." Wow. Just wow. Ang kapal nya grabe! Di ko na sya crush! Haha pero joke lang yun.

"Kasi... Pinagcocompare ko yung mukha mo at yung mukha ni Rain. Hayyy. Mas gwapo talaga sayo si Rain. Mabait pa. Gentlem---" di ko naituloy yung sasabihin ko ng biglang nagwalk-out sya.

Pag-alis niya nakita kong ang sasama ng tingin sa akin ng mga classmates kong babae. Siguro kung nakakamatay ang tingin kanina pa ako pinaglalamayan.

"Oh? Titingin niyo? Alam kong maganda ako." Nagsi-iwasan sila ng tingin. Haha ganda ko talaga.

Lumabas ako ng room kasi wala namang teacher. At dumiretso ako sa paborito kong tambayan. Ang Cafeteria.

Pagpasok na pagpasok ko punong puno na yung lahat ng tables except for one. Yung table ni Nathan.

So dahil kanina pa ako nagugutom lumapit ako sa kanya at umupo ako kaagad, wala nang paalam. Haha.

Tumingin sya sa akin at nagtanong.

"Anong ginagawa mo dito? Restricted property ko to." Sabi niya habang ang sama ng tingin sa akin.

"Anong ginagawa ko dito? Syempre nakaupo. Nakikita mo naman diba? Restricted property? May batas bang nagsasabi na sayo to? Wala naman ah." Pagtingin ko sa paligid, another scene na naman ng sandamakmak na death glares. Problema nila? Mga nakasinghot ata. Haha.

"Tsk." Dami pang sinabi papayag rin naman. Haha

Tumayo na ako para umorder ng makakain. At nung nasa pila na ako may biglang sumingit na tatlong babae. 

"Excuse me. Di ata uso sa inyo ang salitang 'bawal maningit, nakakamamatay'?" Pagpaparinig ko sa tatlong naniningit.

"Excuse me. Pinariringgan mo ba kami?" Sabi ni Girl 1. Grabe ang kakapal ng make up nila as well as ng mga pagmumukha nila. Haha.

"Bakit natatamaan ba kayo? Anyways, truth hurts." Napanga nga sila with matching takip effect sa bibig. Better na yun kaysa malanghap ko ang isang imburnal. Haha just kidding.

"Mga mukha niyo? Ayy. Nagtanong pa ako. Syempre mukha niyo, mukhang clown dahil sa kakapal ng make up niyo." Nagtawanan naman yung mga tao sa cafeteria. Ang lalakas ng topak sa ulo kanina kung makatingin halos patayin na ako tapos ngayon parang mauubusan na ng hangin kakatawa.

Nagwalk out yung tatlong girls at sinundan sila ni... Nathan. Putek. Bakit ako nasasaktan? Crush ko lang naman sya ah? No other strings attached.

Pagkatapos kong makita yun lumabas na ako ng cafeteria kahit gutom na gutom ako. Di ko alam, nakasinghot na rin ata ako. Haha.

Pumunta ako sa may park. At nainis ako sa nakita ko. May dalawang taong nagp-pda sa park. Buti walang mga bata dito sa park.

"Ehem. Pinapaalala ko lang. Park po ito hindi Motel." Sabi ko sabay alis sa park. Nakakairita talaga yung mga taong lakas makapda. Magbrebreak din naman. 

Di ko alam kung anong nangyari sa katawang lupa ko at dinala ako sa isang coffee shop. Grabe gutom na siguro ako. Haha.

Pumasok ako sa coffee shop at kung minamalas ka nga naman. Andaming PDA! Tsk. Kung di lang ako nagugutom di ako titigil sa letcheng coffee shop na to.

"Good Afternoon Maam. Welcome sa Crush! Crush! Hart hart Coffee shop." Tngina nagpapatama ba tong babaeng to? Tsk.

"Walang maganda sa hapon. Ako lang. Sit for one nga." Sabi ko habang inis na inis.

"Maam for one po? Wala po kayong kasama? Boyfriend? Or crush?" Tanong ng babae. Ptang babae to. Nakita na ngang ako lang magtatanong pa. 

"Nakikita mong may kasama ako? Wala nam---" naputol ang sasabihin ko ng may isang bakulaw este isang gwapong nilalang na nilaan ng diyos para sa akin ang umepal. Haha landi ko.

"Sit for 2 miss." Sabi ni Nathan at nagwink. Namula naman yung babaeng. Tss. Kalandi.

Kala mo naman ikaw hindi.

Hoi! Konsensya manahimik ka dyan. Di ako malandi haha.

Bigla naman akong hinigit ni Nathan at umupo kami sa may gilid ng bintana.

"Tss. Bakit ka andito? Diba kasama mo yung mga 'clowns' na yun?" Tanong ko sabay irap.

"Ayaw mong andito ako?" Waah. Nathan wag kang ganyan. Baka bumigay ako at masabi kong crush kita. Haha.

"H-hindi naman. B-baka naman kasi h-hinahanap ka na nung mga b-babaeng yun." Utal kong sabi sabay tingin sa bintana.

"Are you jealous? Haha." Hinde! Hindi naman ako nagseselos diba?

"Feeling ka na nga. Assumero ka pa." Sabi ko sabay irap.

"Tss. Sunget. Di naman kagandahan. Flat chested pa." The eff?! Ako daw flat chested?

"Ako flat chested? Gusto mo ipahawak ko sayo to?" Maangas kong sabi. Pero duh. Syempre di ko naman ipapahawak to no.

"Sige ba. I'm willing." Nakangisi pa ang letche!

"Manyak! Pervert! Gago!" Namumula kong sabi tsaka tumingin sa bintana.

"Haha. Anong order mo? Treat ko." Nakangiti nyang tanong. My god! Panty wag kang lalaglag!

"Talaga? Isang caramel frappuccino at blueberry cheesecake. Yun na lang mauubusan ka pa ng pera. Haha joke." Sabi ko tsaka nagpeace sign.

Tumayo na sya para pumunta sa counter at umorder. Ginala ko naman yung mata ko sa coffee shop. Andaming lovers. Kami lang ata ni Nathan ang hindi!

Nakita kong palapit si Nathan sa akin. Grabe. Ang sarap pala ng feeling kapag nakakausap mo yung crush mo. Kasi kahit dun lang sa pakikipag-usap, alam mong kilala ka niya. Na nag-eexist ka sa mundo niya kahit di sayo umiikot ang mundo niya. Hutek! Drama mo Kyrie! Pangfamas na!

"Hey? Natulala ka na naman sa kagwapuhan ko." Natatawa niyang sabi sa akin.

"Grabe. Nilalamig ako! Ang hangin dito! Woooh!" Nakayakap kong sabi na kunyari nilalamig ako.

"Need a hug?" Killer smile! My gosh. Pangalawang beses niya na akong nginitian. Lord. Sign na ba itu? Haha.

"Mukha mo. Psh." Grabe ang taray ko!

Ngayon mo lang napansin? Pabebe mo kasi.

Kanina ka pa konsensya! Mamaya di ka na makapagsalita. Epal mo.

"Mukha ko? Gwapo." Yabang talaga!

"Sir opo ang gwapo niyo po." Epal ng waitress tsaka nilagay yung buhok sa likod nung tenga nya. May balak pa atang agawin sa akin si Nathan. Tss. 

"Pwede bang ilagay mo na lang yung inorder namin? Nakakahiya naman kasi sayo inuna mo pang sabihan ang BOYFRIEND ko na gwapo kaysa ilagay yang inorder namin." Namula naman yung babae tsaka yumuko.

"Sorry po..." Nahihiyang sabi ng waitress.

"Sorry din pala. Masyado lang selosa ang babe ko. Haha." Tumango naman yung babae sabay umalis.

Nagsimula na akong kumain. Kanina pa ako nagugutom e pero napansin kong masama ang tingin sa akin ni Nathan.

"Oh? Problema mo?" Sabi ko sabay subo ng cheesecake ko.

"Wag mo na nang uulitin yun. Iyo lang naman ako babe." Kyaaah! Pang-ilang babe na ba yan? Buti di nalalaglag ang bra ko. Haha.

"Ba-babe-bin mo mukha mo. Hmp!" Grabe sarap ng cheesecake tapos kausap pa si crush! Heaven! Haha.

"Pancake ka ba?" Tanong niya sabay subo ng pancake. My god! Pick up line ba to?

"Hinde e. Dyosa kasi ako." Boom bara! Haha.

Tiningnan naman niya ako ng masama. Pft. Haha.

"Haha joke lang. Oh sige bakit?" Ihahanda ko na ang sarili ko para kiligin. Haha.

"Kasi kahit flat tong pancake na pwede nang icompare sa boobs mo..." Letche! Sakit mag-assume kaya readers kung meron man! Wag na wag kayong mag-aassume masasaktan lang kayo!

Binato ko sya ng tissue pero nakailag! Edi ikaw na! 

"Patapusin mo muna kasi ako. Bilog ang shape ng pancake diba? Ang bilog daw naikot kaya ikaw tandaan mo.. Sayo lang iikot ang mundo ko.." Seryoso sya. God. Totoo ba to? Sign ba to na crush ako ng crush ko? Is this real?

"A-ah e-eh okay..." Namumula kong sabi at yumuko.

Binilisan ko yung pagkain ko sa sobrang kilig pero nabilaukan ako.

"A-aaacckk! T-tubig!" God! Why oh why?! Kung kailan may sign na saka niyo pa ako kukunin?

Binigyan naman ako ng tubig ni Nathan. Syempre ininom ko alangan naman kainin ko. Haha k. Corny ko.

"Dahan dahan kasi sa pag-kain mamaya matuluyan ka, baka mawalan ako ng forever." Sabi nya at nagwink. Kyaaah! Ako daw ang poreber nya? Emeghed sew keleg! En deme neng seyns. Haha.

"Corny mo. Bilisan na natin matatapos na tong break natin." Tumango naman sya at binilisan namin ang pagkain.

Saktong 3 o'clock ng matapos kaming kumain.

"Tara na? Terror pa naman ang teacher natin." Sabi ko at tatayo na pero muntikan na akong madulas. Geez! Ang tanga mo Kyrie!

Pumikit ako at hinintay na lumagabog pero bigla akong may naramdaman na kamay sa likod ko. Pagtingin ko sinalo pala ako ni Nathan. Nasabi ko na bang ang bango niya?

"Tsk. Hindi kasi nagiingat. Buti nasalo agad kita." Concern? Eh?

"Sorry naman. Tanga e." Sabi ko sabay pagpag sa pwetan ko kahit di naman ako bumagsak. Haha.

"Don't call your self stupid okay? Your not stupid, cause your my FOREVER." Sabi niya at bigla niyang pinisil yung cheeks ko.

"O-okay...Tara na." Bigla niya kong hinawakan sa kamay. Kyaah! HHWR ang peg namin.

Syempre dahil feel na feel ko ang moment di ko na namalayan na nasa school na pala kami.

"Hey Kyrie? Andito na tayo." Sabi niya sabay tapik sa pisngi ko.

"Ah.. Sorry.. Ge bye!" Paalis na sana ako pero pinigilan niya ko.

"Wait! Susunduin kita mamaya. Hahatid kita sa bahay niyo. Ge bye!" Tumakbo na sya paalis pero ako eto pa rin di makagalaw sa kinatatayuan ko. Ikaw ba naman ihatid ng crush mo sa bahay niyo. Kyaaah! 

Dumiretso na ko sa room ko habang ang lawak ng ngiti at pagpasok ko naandun na yung professor namin.

"Good Afternoon Ma'am! Sorry I'm late." Nakangiti kong bati at nagbow.

"Why are you late Ms. Fontanilla?" Tanong ni Ma'am Rodriguez at ang sama ng tingin sakin.

"Ah kasi po... Nagkaemergency sa bahay! Oo ganun nga po!" OMG. Sana gumana yung excuse ko.

"Okay. But before sitting. I have a question for you." Naniwala nga sa excuse ko. Tatanungin naman ako! Aish.

"A-ano po yun?" Grabe sana naman di mahirap.

"Dahil Values ang subject natin. And puppy love is our topic. What is crush or puppy love for you?" Eh? Yun lang pala.

"Para sa akin. Ang crush ay ang taong nagbibigay sayo ng inspirasyon. Inspirasyon na pumasok araw-araw makita lang sya. Inspirasyon kapag nagsasagot sa test... Pero diba sabi nila ang crush daw ay paghanga pero bakit nasasaktan tayo kapag may kasama silang iba or worst kapag may karelasyon na sila? Ang meaning nito ay 'love' hindi na crush. That's all Ma'am." Nakita ko namang nakanga nga yung mga classmates ko. Seryoso? 

"Very well said Ms. Fontanilla. You may go to your seat." Hugot hugot everywhere. Haha.

Bumalik na ako sa upuan ko at nakinig sa klase. Inspired eh!

----------

"Good bye class. I hope you enjoy our discussion." Sabi ni Ma'am Rodriguez at lumabas ng classroom.

Oh wait. Susunduin pala ako ni Nathan kaya dapat maayos akong tignan.

Naglip-gloss ako, nagsuklay at unting polbo. Nagpony rin ako para fresh akong tignan, unting wisik ng cologne. I'm ready to go!

Nagsimula na akong maglakad sa papunta sa gate para intayin sya. Pgkadating ko sa may gate umupo muna ako sa may hagdanan.

"Hey. Sino iniitay mo?" Tanong ni Rain. Ang aming Campus Varsity. Gwapo rin naman sya pero Nathan pa rin ako.

"Pake mo ba? Tss. Layas nga. Shoo." Taboy ko sa kanya.

"Taray. Sino nga hinihintay mo?" Ang kulit naman ng mokong na to -.-

"It's none of your business kaya shoo! Iba ang landiin mo wag ako." Sabi ko at tinulak sya palayo.

Nafeel niya siguro na wala ako sa mood makipag-usap kaya umalis na sya.

2 hours after...

"Hayst. Nathan asan ka na ba?..." Bulong kong sabi sa hangin.

"Miss, mag gagabi na. Umuwi ka na. Kumukulimlim na rin baka abutan ka ng ulan." Sabi sa akin ni Manong Guard.

"A-ahh. Sige po." Maluha luha kong sagot at naglakad na palayo.

Pakshet. Ang sakit. Akala ko susunduin niya ko. Pero hindi naman pala. Sana man lang tinext nya ako na hindi niya ko masusundo para di ako naghintay at umasa na dadating sya.

Di pa ako nakakalayo ng biglang umulan. Shet. Pati si God nakikiramay sa akin. Aish. Wala pa naman akong payong.

Naglakad na lang ako sa ulan. Wala naman kasi akong payong.

May nakita akong dalawang taong naghahalikan. Di ko sila masyadong makilala kasi nakatalikod yung lalaki. Dagdagan pa na umuulan.

Lumapit ako sa kanila para sabihin na meron namang private place para gawin yun. Pero nagulat ako ng makita ko kung sino yung taong naghahalikan... Si N-nathan at yung babaeng nakasagutan ko sa cafeteria.

"N-nathan..." Tangina. Sobrang sakit. Hinintay ko sya pero meron pala syang kasamang iba.

Napatigil naman sila paghahalikan. Nakita kong ngumisi yung babae at tinulak si Nathan tsaka tumakbo palayo. Nakayuko namang humarap sa akin si Nathan.

"Sorry K-kyrie..." Sabi niya habang nakayuko. Tinaas ko yung baba nya at sinapok ko sya sa mukha.

"Putangina Nathan! N-naghintay ako sayo ng dalawang oras! Pero ano?! M-may k-kahalikan ka namang iba! Pakshet! S-sana naman nag-inform ka d-di ba?! Nathan crush kita! Ay hinde pala, mahal kita Nathan! Yung mga p-pinakita mo kanina... N-nag assume ako na c-crush mo rin a-ako... N-ngayon tatanungin na kita... Crush mo ba ako N-nathan?" Iyak na ako ng iyak. Gulong-gulo na ako. Pero ang pinakamalinaw sa ngayon... Sobrang nasasaktan ako.

"Di kita crush..." D-di niya daw ako c-crush... I think this is the s-sign... The s-sign para k-kalimutan ko na sya.

Nagsimula na ako maglakad palayo habang naiyak pero di pa ako nakakalayo ng biglang may humigit sa kamay ko.

"N-nathan ano ba?! Di mo naman ako cru---" nilagay nya yung hintuturo niya sa labi ko. Nilapit niya yung mukha niya sa akin at tiningnan niya ako diretso sa mata.

"Di kita crush...kasi mahal kita Kyrie..." Kinuha niya yung baba ko at hinalikan niya ako.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top