Prompts + Rules and Regulations (CLOSED)

Magsulat ng kuwento ng pag-ibig tungkol sa "ghosting" gamit ang napiling prompt:

PROMPT 1:

Sa isang malamig at maulan na gabi ng Oktubre, kumatok sa iyong apartment ang taong 8 taong walang paramdam sa iyo. Para siyang bula na nawala noon, pero paano mo masusumbatan ang isang kaibigan na minahal mo kung hindi naman naging kayo?

PROMPT 2:

Madaling araw, traffic, at nagmamadali kang umuwi galing sa isang Trick or Treat party para sunduin ang kapatid mong naglayas para mag-attend ng isang halloween concert. Suot ang isang angel costume, nag-book ka ng sasakyan, but to your surpise, the driver was the person you shared your first kiss with three years ago na bigla na lang hindi nagparamdam.

PROMPT 3:

Ilang araw nang hindi nagpaparamdam ang kasintahan mo. Anniversary niyo pa naman sa mismong araw ng Halloween, at dapat ay may date kayo kaya hinanap mo siya. Laking gulat mo nang makita na may iba siyang kasama sa isang Halloween Concert. Dahil heartbroken, sumakay ka ng horror train na mag-isa para umiyak, pero mas nagulat pa sa 'yo ang "multo" ng tren kaysa ikaw sa kanya

RULES & REGULATIONS:

❤ Siguraduhing nakaayon sa prompt ang iyong kuwento

❤ Ang mga sasali ay maaaring gumamit ng Filipino, Ingles, o Taglish

❤ Bigyang pansin ang iyong pagbaybay at balarila

❤ Ang iyong kwento ay dapat hindi lalagpas sa 2,000 na bilang ng salita lamang. Maaari itong mas mababa ngunit hindi maaaring lumagpas.

❤ Maaaring gumamit ng kahit anong POV: First, Second, o Third.

❤ Maaari itong i-post bilang bagong kuwento o isang panibagong chapter sa iyong one-shot book. (mas maigi kung ito ay isang bagong kuwento).

❤ Maaaring magpasa ng higit sa isang submission, ngunit magsumite ng submission form para sa lahat ng iyong entries. Kung mayroon kang 3 entries, 3 submission form din ang kailangan mong ipasa.

❤ Hindi kami tatanggap ng mga kuwentong may Mature Content

❤ Hindi kami tatanggap ng mga fanfiction

❤ Welcome na welcome po ang mga kuwentong may tema o mga karakter na kabilang sa LGBTQ community

❤ Siguraduhin na nakaayon sa Wattpad Guidelines ang iyong kuwento.

❤ Deadline: November 10, 2022 @ 10:59PM - PH Timezone (GMT+8) gamit ang SUBMISSION FORM na ito.

❤ 'Wag kalimutang lagyan ng tags na #RomancePH #GHOSTo ang inyong mga kuwento

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top