Prolouge
The Devil's Love
Hating gabi na pero hindi padin ako nakakauwi ng bahay. Mag isa lang akong naglalakad sa madilim at liblib na kalye papunta sa bahay. Hindi ako takot sa dilim. Actually I love dark places.
Kasi sa dilim pwede kang magtago. Magtago sa buong mundo.
Pwede mong ilabas sa dilim ang lahat ng nararamdaman mo na hindi mo mailabas labas sa harap ng maraming tao.
Sa dilim... pwede kang maging mahina.
Sa dilim... pwede kang umiyak.
Sa dilim... pwede mong ilabas kung ano ka ba talaga.
Kaya mas gusto ko na manatili nalang sa dilim kaysa lumabas sa nakakasilaw na liwanag na napapalibutan ng mga pekeng tao. They are just like fake diamonds. They might shine, but still fake.
Sinuuong ko ang makipot na daan patungo sa tinutuluyan ko. Mga kahol ng aso, nag-aaway na pusa. Mga huni ng mga insekto ang maririnig mo tuwing dadaan ka sa lugar na ito. Ganito ang buhay ko sa araw araw. Sa totoo nga sanay na ako. Wala na akong pamilya, ulilang lubos. Bata palang ako ng namatay ang magulang ko dahil sa isang aksidente. Kaya wala na akong masasandalan kundi ako lang. Kailangan kong buhayin ang sarili ko, sa sarili kong paraan.
Binuksan ko ang kinakalawang na gate ng maliit bahay na tinutuluyan ko at maingat na sinara ito. Ingat na hindi tumunog ng sobrang lakas dahil ayaw kong magising ang taong mas nagpapahirap ng buhay ko. Ang taong umaruga sa akin, pero kahit kailan ay hindi ako tinuring na anak, o kahit kamag-anak lang.
"Psst!"
Napalingon ako sa pinanggalingan ng sitsit. Nakadungaw sa pinto ng kwarto ang maliit na batang babae, sya si Lala. Ang anak ng taong umaruga sa akin.
"Matulog kana. Papagalitan ka ng mama mo." mahinang bulong ko dito.
Umiling sya at sumenyas na lumapit ako.
"Matulog kana. Gabi na." sabi ko.
Imbes na sumagot, tinitigan lang ako nito at may iniabot sa akin. Isang kwintas. Kilala ko ang kwintas na ito, ito lang ang tanging alaala na meron ako sa tunay kong magulang.
"Paano napunta to sayo Lala?" takang tanong ko dito.
Pero hindi ito nagsalita, nakatingin lang ito sa mga mata ko. Maya maya din ay tinungo na nito ang kama at humiga. Napabuntong hininga nalang ako, ganyan talaga si Lala. Bata palang sya ng hindi na sya makapagsalita. Hindi namin alam kung bakit. Siguro... natatakot din sya.
Tumungo na ako sa kwarto ko. Sa pinakadulo ng bahay na ito, o mas tamang sabihin sa bodega. Binuksan ko ang ilaw doon at inilapag ang bag sa mesa. Tinignan ko ang kwintas na bigay sa akin ng magulang ko. Mahahalata na luma na ito pero ito lang ang tanging alaala na meron ako sa kanila kaya napakahalaga nito sa akin.
Malamang sa malamang, pinakealaman nanaman ni Tiya ang gamit ko dito. Naghanap na nanaman ng mga bagay na pwedeng pagperahan at panggamit sa pagsusugal nya. Lahat nalang ng bagay na meron ako, sapilitan nyang kinukuha para sa sariling kaligayahan. Kung hindi ko naman ibibigay, kung hindi ako bubugbugin, papatulugin ako sa labas.. sa tabi ng mga aso. Kaya imbes na magreklamo, tinitikom ko nalang ang bibig ko.
"Nanay, Tatay, sorry po ah? Muntik ko na kayong mawala.." hinimas ko ang pendant ng kwintas. At sa paghimas kong iyon, unti unti nang nagbagsakan ang mga luha na gabi gabi ko nalang inilalabas.
Pagod na pagod na akong umiyak, pero anong magagawa ko? Hindi habang buhay kaya kong bitbitin lahat ng ito. Kahit pagod na pagod na ako, kailangan kong mabuhay. Besides, this is life.
"Bakit kaya ganitong buhay ang binigay sakin? Do I deserve this?"
Iyan ang laging tanong na tumatakbo sa isipan ko.
Kung bakit.. ganitong buhay ang meron ako. Kung bakit nabuhay ako na walang pamilya, walang nagmamahal. Kung bakit... oo nga at may tinutuluyan ako, pero bakit hindi ko manlang maramdaman na parte ako ng pamilya nila.
Sinilip ko ang nag-iisang bintana sa kwarto ko at tinanaw ang mapayapang kalangitan. Napahugot ako ng malalim na hininga.
"Nay.. Tay.. kapag po ba sumuko na ako, magagalit kayo?"
Napahikbi nalang ako sa tanong ko. Umihip ang malakas na hangin, napapikit ako dahil doon. Pakiramdam ko may yumakap sa akin, mas lalo akong naiyak dahil doon.
Pero natigil ang pag-iyak ko ng makarinig ako ng nakakabinging pagsalpok ng bagay. Napakabilis ng pangyayari. Nanlaki ang mata ko sa nasaksihan ko.
Napatapal ako ng bibig ko. T-tama ba tong nakikita ko? N-Nagmamalikmata ba ako?
"Tulong! Tulong! Yung lalaki! Nasagasaan!"
"Tulungan nyo ang lalaki! Tumawag kayo ng ambulansya!"
Iyan ang mga sigawang narinig ko sa labas. Lalaking duguan...
Naliligo ng sariling dugo...
Mga taong nagpapanick...
Ambulansya...
Patay...
Pero...
Pero ang nakaagaw talaga ng atensyon ko ay ang taong nakaitim...
Nakaitim na nakatayo sa paanan ng taong duguan...
Ewan ko kung namamalikmata ba ako o tama tong nakikita ko...
D-did I just saw...
D-did I just saw....
A devil?
DO DEVILS EXIST?! TOTOO BA SI KAMATAYAN?!
WHAT THE?!
D-DID HE JUST REALLY LOOK AT ME?!
Agad akong nagtago sa gilid ng bintana. Sinapo ko ang dibdib ko, nakakatakot.. nakakatakot ang titig nya. That stare... it's killing me.
I am Kiersten Marie, 18 years old. And for the first time in my life, I have seen a devil. A devil.. whose gonna turn my world, into a death-defying roller coaster ride.
This is my story... with a Devil.
AND A DEVIL'S LOVE.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top