Chapter 4: Meet the Death Angel

Chapter 4: Meet the Death Angel
Kiersten's Pov

Bago ako lumabas ng kwarto ko, sumulyap ako ng huling beses sa salamin na nakasabit sa dingding. Sinuklay kong muli ang mahaba ngunit medyo kulot kong buhok at inayos ang pagkakapantay ng polbo sa mukha ko. Sa katunayan, unang beses kong maglagay ng polbo sa mukha kaya hindi ako sanay. Sinubukan ko ngang maglagay ng lipstick pero sadyang hindi talaga ako sanay sa nga kolorete sa mukha at nangati ang labi ko.

Sa pagtitig ko ng mukha ko sa salamin, halos hindi ko na ito makilala. Kakaiba ang itsura ko ngayon kumpara sa itsura ko noon. Ngayon.. nagkaroon ako ng pakialam sa panlabas na anyo ko, kung tinatanong nyo kung bakit? Dahil ito sa isang taong nagparamdam sa akin na nageexist pa ako sa mundong ito. At iyon ay walang iba kundi ang bestriend kong si Aly.

Nakangiti ako habang pababa sa hagdan papunta sa sala. Pero agad nawala ang ngiti kong iyon ng sumapol sa mukha ko ang isang grocery bag na may laman. Ramdam ko ang kirot sa kanang pisngi ko at sigurado akong may pasa ako nito. Tinignan ko ang ang grocery bag na nasa paanan ko.

"At saan ka naman pupuntang bata ka? Wala ka ng ginawa kundi maglakwatsa! Hala sige! Mag-grocery ka ngayon at wala na tayong pakain dito.. pano kasi nakisampid ka pang palamunin ka!" lintya na tiya Mabel. Hindi nalang ako umimik at pinulot ang grocery bag sa sahig. Binuksan ko ito at nakita kong may laman pala itong maliit na kahoy kung kaya masakit nung tumama sa mukha ko.

"A-ang.. p-pambili po?" nakayuko lang ako habang nagsasalita, ayokong tignan sa mukha si tiya Mabel dahil alam ko bugbog nanaman ang aabutin ko dito.

Mabilis pa sa alas kwatro na tumama ang isang pirasong tsinelas sa mukha ko. Buti nalang at nakayuko ako kung kaya't hindi ito masyadong sapol. Nagtatanong lang naman ako pero nakatanggap na ako agad ng tapon ng tsinelas sa mukha.

"Wala ka talagang modong bata ka! Hindi ka ba tinuruan ng tatay mo na humarap sa kausap mo tuwing nagsasalita ka?! Sino yang kinakausap mo sahig?! TUMINGIN KA SA AKIN KAPAG KINAKAUSAP KITA!"

Agad kong itinaas ang tingin ko at nagtama ang mata namin ni tiya Mabel. Tinatagan ko ang sarili ko at pinilit ang sariling huwag umiyak.

Pagkatapos ng napakahabang seremonyas ng pang-iinsulto at pananakit ni tiya sa akin, sa wakas nakalabas narin ako sa bahay. Walang buhay na naglalakad ako sa makipot ng eskinita palabas upang mag-grocery. Sa daan, patingin tingin lang ako sa mga taong madadaanan ko.

Mga magkarelasyon, magkaibigan, at magpamilya. Napadako ang tingin ko sa isang pamilya na masayang naglalakad. Hawak sa magkabilaang kamay ng magulang nila ang anak nila. Nakangiti silang tatlo habang naglalakad. Napangiti rin ako ng mapait ng may maalala ako. Ganyang ganyan din kami noon nina mama at papa nung nabubuhay pa sila. Simple lang pero masaya.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang makarating ako ng grocery store. Medyo malayo ang nilakad ko pero ayos lang, wala naman kasing binigay si tiya na pamasahe. At kapag binawasan ko naman tong pera na binigay nya, baka isang mahaba at madamdaming sermon nanaman ang aabutin ko.

Tinignan ko ang listahan ng bibilhin ko at ang cart. Tinitignan ko kung may nakalimutan ba ako, mukhang wala na din naman. Napadako ang tingin ko sa isang stall kung saan nakalagay ng mga candies. Wala sa sariling pumunta ako doon at dinampot ang supot ng potchi. Napangiti ako ng may maalala ako tungkol sa bagay na to.

"Here." tinignan ko ang inabot nito sa akin.

"Potchi?" nakakunot noo kong tanong.

Tumango ito at inilagay sa palad ko. "This piece of candy will symbolize our friendship. At sisikapin nating maging kasing tamis ng potchi na ito ang pagkakaibigan natin."

Napangiti nalang ako at tinignan ang potchi sa kamay ko. Hindi ko alam pero ang korni din pala ni Aly. And it's cute.

"Cheers to our friendship!" sigaw ni Aly at biglang tinaas ang potchi na hawak. Para bang magtotoast.

Hindi ko alam pero para na pala akong tangang nakangiti habang nakatitig sa potchi na hawak ko. Agad napawi ang ngiti ko ng mapansing pinagtitinginan na ako ng mga tao. May isang bata na nakatingin ng seryoso sa akin. Bigla akong nailang sa tingin nya, alanganing nginitian ko sya at binalik ang potchi sa stall.

"Ate gusto mo ba yun?" nagtatakang nilingon ko yung bata ng bigla itong magsalita.

"Ano?"

"Kung gusto mo yun, bakit di mo bilhin?" tanong ulit nito.

Ahh baka yung potchi ang tinutukoy nya. Napakamot nalang ako ng ulo at ngumiti.

"Para lang sa mga bata yun.. matanda na ako."

Hindi na ito sumagot sa halip ay pilit inabot yung potchi sa stall at inilagay sa cart ko. Nagtataka lang akong nakatingin sa kanya habang ginagawa iyon. Nagulat ako ng bigla nitong hawakan ang kamay ko.

"It's okay to hide, but not all the time. Kung gusto mo talaga ang isang bagay, you should strive to get it at hindi sukuan agad. Opportunity might miss. You only have once in a lifetime, so when opportunity strikes... get it." mahabang lintya nito. At hindi ako makapaniwala na sa batang edad nya ay para na syang matanda magsalita. Sa tantya ko siguro mga eight years old palang sya. He's cute, yet creepy. I mean.. kung magsalita sya, parang mas marami pa syang alam sa buhay compared sa akin. This boy is something.

Magsasalita pa sana ako ng bigla na itong bumitaw sa pagkakahawak. Sinundan ko sya ng tingin hanggang makarating sya sa tingin ko ay mama nya. Kita ko na parang kinakausap sya ng mama nya, tapos sya naman hindi kagaya ng ibang bata na sobrang spoiled, sya naman seryoso lang habang nakatingin sa daan. Napailing nalang ako, grabe ang batang iyon... di ko akalain na may ganun pa palang bata.

"Ahh--ehh--excuse me po--- A-Aly?" gulat akong nakatingin kay Aly ng harangan nito ang tinitignan ko.

Nakataas ang kilay nitong nakatingin sa akin. "Sinong tinitignan mo? Kikidnapin mo yung bata no?"

Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi nito. "Hala! Hindi ah! Bakit ko naman gagawin yun?!"

Mas lalong naging seryoso ang tingin nito sa akin, pero maya maya din ay bigla itong humagalpak ng tawa.

"Hahahahaha! You should've seen your face! Pfftt--hahahaha!"

Nakangiwi lang ako habang tinitignan si Aly na tawang tawa. Nakahawak pa ito sa tyan nya at kulang nalang magpagulong gulong sa sahig. Hala ay! Nabaliw na! (T ^ T)

"Teka nga! Sayang saya mo ah!"

Natigil ito sa pagtawa pero ang lapad padin ng ngiti. Grabe talaga ang isang to, nakakalaglag panty talaga ang ngiti. Grabe ang bangis!

"Your cute." nakangiting wika nito. Agad ko namang naramdaman ang pamumula ng pisngi ko.

Iniwas ko ang tingin ko. "A-anong ginagawa mo dito? Mag-isa kalang ba?"

"May bibilhin lang ako... it's my favorite food. And no, I'm not alone.. may kasama ako ngayon."

Napatango naman ako. "So? Ano nabili mo na? Tsaka san na yung kasama mo? Ba't mo iniwan?"

Napasnap ito ng daliri nya. "Wait lang!" tapos tumakbo ito sa stall ng mga candies, maya maya din ay may dala na itong dalawang supot ng potchi? Nakangiti nitong nilagay lahat ng supot sa cart na hawak ko.

"Ayan! Nabili ko na.. and hindi ko iniwan yung kasama ko, actually... nandito sya ngayon sa harap ko. Diba bestfriend?"

Hindi ko na alam kung paano itatago tong pamumula ng pisngi ko. Isa nalang talaga Aly, magkakagusto nako sayo. Please stop the sweetness.. nakakatakot ka. It's giving me chill!

"Wait! Ba't mo pala nilagay yan sa cart ko?! Wala akong pambayad uy!"

"Don't worry.. ako magbabayad nyan. LAHAT! Including yours."

Agad napataas ang kilay ko. "A-ano?! Naku hindi na!! Nakakahiya!"

Bigla nitong inagaw ang cart sa kamay ko. Pero mas nagulat ako dahil sa biglaang paghawak nito sa kanang kamay ko. So ang ending, para kaming magkaholding hands ngayon habang nago-grocery. Pinipilit kong kunin ang kamay ko pero pahigpit lang ng pahigpit ang hawak nito. Kaya wala na akong nagawa ng sya na nga mismo ang nagbayad lahat ng pinamili ko.

"Ano kaya mo bang dalhin lahat yan? Tulungan na kita.."

"Naku wag na! Kaya ko na to.. nakakahiya na sayo."

"Naks! Nahiya kapa! Wag kang mag-alala ano pa't naging bestfriend moko diba?" bestfriend? Yeah... Hanggang sa paglabas ng grocery store si Aly ang may dala ng pinamili ko. Pinagtitinginan kami ng mga tao, may nagbubulungan pa nga na kesyo ang sweet daw ng lalaki, ang swerte ko daw kasi ang gentleman ng boyfriend ko, at kung ani panv papuri kay Aly. Gusto kong matawa lalo na ng sabihin ng isa na mahal na mahal talaga sya siguro ng boyfriend nya. Hayy sana ako ganun din.. nakakainggit naman. Boyfriend daw? I also wish.

"Ayan may taxi na... teka papara lang ako."

Habang nagpapara si Aly. Nahagip ng mata ko ang isang may edad na babae at isang batang lalaki. Akay akay ng babae ang batang lalaki habang tumatawid sa pedestrian lane. Pero hindi inaasahan na magtama ang mata namin nung bata. Sandaling natigilan ako. Kakaibang enerhiya ang naramdaman ko, parang nayanig ang buong sistema ko.

Kakaibang imahe ang nakita ko... Bata. Dugo. Pulis. Tao. Ambulansya. Isang nakakahindik na aksidente. Isang trahedya.

Agad kong minulat ang mata ko. I-imposible. T-tama ba yung nakita ko?! M-may.. lalaking nakasunod sa kanya. I-imposible. Wala sa sariling napatingin ako sa truck na paparating. Napatingin ako sa batang lalaki... sa lalaking nakita ko kanina sa grocery. A-anong gagawin ko?

~~~

Third Person's Pov

Tahimik lang na nakasunod ang isang grim reaper sa isang batang lalaki. Mula paglabas ng bahay nila, hanggang makarating sa grocery mall ay nakasunod lang ang grim reaper. Animo'y isa itong bodyguard ng bata. Pero ang kakaiba lang ay walang nakakakita ko nakakapansin manlang sa kanya. Sa bawat tao na makakasalubong nito ay lumulusot lang sa katawan nya.

Hanggang sa paglabas ng batang lalaki sa grocery store kasama ang nanay nito, sa pagtawid ng kalsada. Doon sya napatigil. Nakatingin lang sya sa bata... ilang minuto na lamang ay may mangyayaring trahedya. Matatapos narin nito ang misyon nya. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, sa isang iglap. Bigla nalang....

"Teka laaang!"

Isang babae ang humangos sa harap nito at sinundan ang bata. Dali dali nitong hinaglit ang bata at pinabalik sa dulo ng pedestrian lane. Nanlaki ang mata ng grim reaper. Imposible. S-sino ang babaeng ito?!

"Ano ba miss?! May kailangan kaba?" inis na tanong nung nanay ng bata.

"Ahh..ehh..I-ibibigay ko lang sana to sa anak nyo.." tapos dinukot ng babae ang isang kendi sa bulsa nito.

"Here... mag-iingat ka ha??" nakangiting wika ng babae at ginulo ang buhok ng bata.

Naguguluhan parin ang grim reaper. Bigla itong nawala, naramdaman naman agad iyon ni Kiersten. Kanina nya pa nararamdaman ang kakaibang tingin na iyon, yung tingin na naunuot sa loob loob mo. Alam nya na nakatingin sa kanya yung lalaking yun. At laking pasalamat nito ng bigla ng mawala ang tingin na iyon.

"Oh sige na.. mag-iingat kayo ha?"

Tumayo na ito sa pagkakayuko at kumaway sa papalayong bulto ng bata.

"Kiersten! Bakit ba bigla kang tumakbo?! Kaano ano mo yung bata? Alam mo ba muntik na yung masagasaan?! Okay kalang ba?" sunod sunod na tanong ni Aly ng makarating ito sa pwesto ni Kiersten. Maging sya ay nagtaka ng bigla nalang tumakbo ang dalaga at sinundan yung bata.

Pero kung may mas nagtataka ngayon, yun ay ang lalaking tahimik na nagmamasid sa bawat pangyayari. Napasandal sa pader si Officer X at tinitigan ng mabuti ang babaeng iyon. Kasama ng babaeng iyon ang lalaking susunduin nya. Nakita nya ang lahat ng nangyari. Kung paano sinagip ng babae yung batang dapat mamatay mismo ngayon. Hindi man pinahalata ng babae pero alam nyang, nakita ng babaeng iyon ang kasamahan nyang grim reaper.

Masama ito.. paano nya masusundo ang lalaking nasa misyon nya, kung palagi nitong kasama ang babaeng... tagasagip ng mamamatay. Ang fallen angel?

Kailangan nyang gumawa ng paraan. Hindi dapat mabulilyaso ang lahat ng plano nya. Hindi isang babae ang makapagpapatumba sa isang Officer X.

"Siguro kailangan kong gawin ang Plan B. Hardcore." mahinang bulong nito bago mawala na parang isang usok.

~The Devil's Love_

So so so??? Alam ko boring pa.. pero malapit nalang talaga, magkakaroon na ng spice ang stroy. Hehe sana STAY STRONG lang tayo ha? Konti nalang! Magtatagpo narin ang landas ng isang Officer X at ng isang Kiersten na isa palang Fallen Angel. Yiie!(^o^)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top